LOBO Episode 36

by

May tila bahid ng dugo sa buwan. Balisa si Noah sa kulungan. Naging balisa rin sina Nessa, Lady Elle, at ang Wayang Itim naramdaman nila ang pagpapalit ng balat ng Huling Bantay. Tumakbo ng tumakbo ang taong lobo na si Nessa, nakarating siya sa isang burol, tumingala sa buwan at umalulong na narinig ni Nessa, Lady Elle, ng Wayang Itim at ni Nana Sela – dumating na ang nakatakda, magsisimula na ang laban. Hawak ni Noah ang kalahati ng moonstone at nakita niya doon ang nakaukit na lobo.

Nakita ni Nessa ang mga tauhan ni Dr. Vivian Lee na sumusunod sa kanya kahit saan siya magtungo. Hindi pa hinuhuli ng mga tauhan ni Dr. Lee si Nessa sapagkat gusto rin nilang mahuli ang anak na hinahanap ng dati nilang bihag na si Nessa. Nagpakita ng bangis si Nessa sa mga lalaking sumusunod sa kanya, natakot ang mga ito at kaagad na sumakay sa kanilang sasakyan.

Nagising si Lyka na hubo’t hubad sa kanyang silid, nalilito, naguguluhan at natatakot si Lyka sa naganap sa kanya nang nagdaang gabi. Pumunta ng banyo si Lyka upang linisin ang katawan na maraming putik. Habang naliligo ay naiisip ni Lyka ang pagpapalit niya ng balat, tulirong tuliro ang dalaga.

Tinawagan ng nag-aalalang si Noah ang kaibigan niyang si Andrew. Pinakiusapan ni Noah ang kaibigan na puntahan si Lyka upang tiyakin na nasa mabuti itong kalagayan. Pinag-iingat ni Andrew ang kaibigan sa pagtawag kasi baka nakawiretap ang teleponong ginagamit ni Noah.

Nagtaka si Anton kasi umaga na ay hindi pa rin bumababa si Lyka. Ikinandado ng naglilinis na si Lyka ang pinto ng kanyang silid, nililinis ni Lyka ang putikang bakas niya noong siya ay “isang halimaw”. Nagdahilan si Lyka na masama ang pakiramdam niya, iminungkahi ni Anton na pumunta sa doktor si Lyka, kinausap ni Lyka ang sarili na ano ang sasabihin niya sa doktor – na nagpapalit siya ng anyo na nagiging halimaw siya. Hindi pinagbuksan ni Lyka ng pintuan ang pinsan, umalis na si Anton upang pumasok sa opisina, takot na takot pa rin si Lyka – tinatanong ang sarili kung sino siya at kung saan siya nanggaling.

Halos nasisiguro na ni Lady Elle na si Lyka ang nagpalit ng balat nang nagdaang gabi – ang Huling Bantay. “Ang nakatakda ay darating. Darating ang nakatakda at walang makakapigil”. Nag-aalala si Lady Elle na kung si Lyka nga ang nagpalit ng balat, ay hindi niya nagawa ang tungkulin niya sa huling bantay – ang alalayan ito sa pinakamahirap na gabi sa buhay ng isang taong lobo.

Maging ang wayang itim ay nakakatiyak na ang Huling Bantay ang nagpalit ng Balat. Desidido ang wayang itim na hanapin ang huling bantay kahit alam niyang delikado para sa kanya sapagkat tinutugis sila ng mga WAYA at LUNA. Hahanapin ng wayang itim ang huling bantay upang maging at maging pinakamapangyarihan sa lahi ng mga taong lobo.

Nagbakasakali si Lyka na may mahanap na kasagutan sa mga tanong niya tungkol sa pagpapalit niya ng balat, pinuntahan niya ang Mama Clara niya na nagtatanim sa garden at kinausap. Tinanong ni Lyka si Clara kung may alam itong “sakit ng pamilya”, inakala ni Clara na ang pagiging taong lobo ni Anton ang tinutukoy ni Lyka – binulyawan niya ang pamangkin at sinabing walang sakit ang pamilya nila, malinis ang dugo nila. Galit na sinabi ni Clara na maaaring ang nanay ni Lyka ang may deperensya. Nasigawan ni Lyka ang tiyahin ng sabihin nitong sa ina niyang si Nessa siya magtanong – nagalit si Clara at binato nito si Lyka at sinakta na naman ang pamangkin. Galit na galit na sinabi ni Clara na ang pagkakamali ng pamilya nila ay si Nessa, na naging dahilan ng kamatayan ng kanilang ina. Tinanong ni Lyka kung paano nangyari na ang nanay niya ang dahilan ng pagkamatay ng lola niya – habang sinasaktan si Lyka ay sinabi ni Clara na SALOT si Lyka at ang ina nitong si Nessa. Hindi nakapagtimpi si Lyka at naitulak nito ang tiyahin, tumilapon sa malayo si Clara at medyo natulala. Nang mahimasmasan si Lyka ay humingi ito ng paumanhin sa tiyahin subalit tinaboy siya ng tiyahin, pumasok sa loob ng bahay si Lyka.

Nagawang takasan ni Nessa ang mga tauhan ni Dr. Lee na sumusunod sa kanya. Tinawagan ni Nessa ang kura-paroko ng San Adolfo na si Father Ben – naputol ang kanilang pag-uusap kasi kinuha na ng mataray na tindera ng tindahan ang telepono kay Nessa.

Ipanaalam ng mga tauhan kay Dr. Lee na natakasan sila ni Nessa, habang kausap ni Dr. lee ang mga tauhan ay dumating si Anton. Ibinigay ni Dr. Vivian Lee kay Dr. Anton Rivero ang susi ng laboratoryo at pinauna na doon ang lalaki kasi may aasikasuhin lang daw siya.

Pumasok sa House of Elle si Lyka kahit na naguguluhan pa rin siya sa mga nangyayari sa kanya, hindi nakabihis ng maayos ang dalaga. Hindi mapalagay si Lyka dahil sa talas ng pandinig niya. Nakita siya ni Elton, at binungangaan siya ng bakla sa pagiging late at ayos niya – nagtaka si elton sa ikinikilos ni Lyka na tila wala sa sarili. Balisa pa rin si Lyka nang may lumapit sa kanyang kasamahan sa trabaho. Pumasok si Lyka sa opisina ni Lady Elle, at doon ay nakaramdam na naman siya ng pagiging taong lobo. Nakita niya ang portrait na nakasabit sa dingding at naalala niya ang naganap sa kanya.

Teaser : Pumunta si Lady Elle sa bahay nina Clara. Pinuntahan ni Lyka si Noah.

Mga Marka: , , , , ,

15 Tugon to “LOBO Episode 36”

  1. annedito Says:

    exciting na ulit ang lobo. medyo na-bored ako kay lyka at noah sa isla. lagi nalang silang nagbolahan about how much they love/miss each other.

  2. NoCar Says:

    tama ka annedito. masyado ng silang sobrang pasweet. nakakaumay na. okay lang sana kung kami ni noah yon. haaaay… piolo pascual

  3. vivavhongga Says:

    bakit, kayo ba kung makikita nyong muli ang taong minamahal nyo na kay tagal mong di nakita at malaya ka pa, di ka ba masasabik na makasama siya ng matagal? ako, kung sa kin mangyari yon, kahit isang linggo na kaming magkasama sa isla, di ko na gugustuhing magkahiwalay pa kaming muli.

  4. ptvj Says:

    vivavhongga, gusto kasi namin kami ang kasama ni noah😈

  5. dumbako Says:

    me, ayoko na siyang makasama dahil alam kong meron na akong iba at the time na magkita kami uli, pero pwede na ring magdate for the last time, hehehe

  6. annedito Says:

    i agree with ptvj…lol…kasi naman, viva, ang mga editors ang may problema. sobrang pagka-haba-haba ng dialogue at montage nila no. nakakasawa na. imagine araw araw namin sinusubaybayan tapos wala naman nangyari. they spent almost 2 episodes na nag-usap sila para tuloy 24 ang pinapanood ko (yung real-time ang format ng show). and plus, given na sa’min yun na nagmooney-mooney sila. napaka-obvious eh. unlike si trixie na tinanong pa kung nag-sex na raw sila…hahaha

  7. ptvj Says:

    annedito, mooney-mooney? maganda terminology yan, ah. hehehe.

  8. iya Says:

    bakit ba si Clara hindi taong Lobo? Half sister lang ba sila ni NEssa? Di ko kasi naumpisahan yugn kwento eh.

  9. ptvj Says:

    iya, oo magkaiba sila ng tatay.

  10. NoCar Says:

    Eh naguguluhan pa rin ako. bakit si Anton lobo din? paano nangyari yon. magkamaganak ba talaga sila ni lyka? hindi ko magets eh.

  11. Neneng Says:

    Hindi magkamag-anak sina Lyka at Anton. Sina Clara at Nessa ay magkapatid sa ina. Ang pangalan ng ina nila ay Savannah na ginampanan nina Angel Aquino (maliliit pa sina Nessa) at Susan Africa (noong malalaki na sina Nessa). Ang tatay ni Nessa ay si Lorenzo Blancaflor na ginampanan naman ni Diether Ocampo. Si Lorenzo ay kakambal ni Lady Elle na ginampanan nina Pilar Pilapil at Sheryl Cruz (noong bata pa). Hindi ipinakita ang tatay ni Clara. Ginahasa si Nessa ni Nicholas Raymundo na ginampanan ni Kier Legaspi – ang naging anak nila ay si Lyka. Si Anton naman ay anak ng napangasawa ni Clara, kaya nga ang pakilala ni Anton kay Ulay noong unang beses silang magkita ay pinsan-pinsanan daw sila.

    Ang kasintahan ni Nessa na ina ni Lyka ay si Emil Ortega na ama ni Noah. Nagkahiwalay sina Nessa at Emil noong natuklasan ni Emil ang pagiging taong lobo ni Nessa.

    Naging lobo si Anton, kasi aksidenteng nakagat siya ni Nessa. Hinahabol noon ng taong lobo na si Nessa ang baliw na si Minyong (Cris Villanueva) nang biglang dumating ang batang si Anton at nasakmal ito ng lobong si Nessa – kaya naging lobo rin si Anton at kaya siguro naging lobong itim si Anton kasi dugo ng tao yata ang iniinom niya tuwing lobo siya. Nasabi kong dugo ng tao ang iniinom ni Anton base sa isang eksena na inihahanda ni Clara ang iinumin ni Anton – nakapack na mga dugo.

  12. NoCar Says:

    AAhh nakagat pala siya ni Nessa. Neneng thanks sa flashback review. 😉

  13. annedito Says:

    thanks Neneng. Para kang wikipedia ng LOBO…hehe…nalimutan ko rin na nakagat si Anton.

  14. iya Says:

    Salamat Neneng sa explanation.

  15. faipopo Says:

    does anyone know where the english translation of the lobo 36 and all others are located?
    thanks

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: