MKSM: Ang Pagbabalik, Episode 65

by

Natulala si Jackie, naglakad na ito papalayo kay Eli. Susugurin pa rin sana ni Eli si Mark pero pinigilan siya ni Onay, noong ayaw papigil ng kuya ni sinuntok niya ito. Naglakad na si Eli papunta sa sasakyan. Tumakbo naman papasok sa building si Jackie.

Noong nasa sasakyan na sina Eli at Onay, umiiyak silang dalawa. Sinabi ni Onay na hindi na siya si Eli, kayanin daw niya at huwag niyang sirain ang buhay niya.

Naglasing si Eli.

Ipinatawag ni JB si Onay sa secretarya niya. Hindi pala pumasok si Onay dahil may inaalagaan niya si Eli dahil nga lasing na lasing pa rin ito from the previous night.

Pinagalitan ni JB si Onay through the phone. Palpak daw ang report ng team niya. Hindi sinabi ni Onay ang dahilan kung bakit hindi siya pumasok. Sinabi ni Onay na bukas na lang niya gagawin lahat ng pinagagawa niya sa kanya. Huwag daw itong mag-alala dahil pagpasok niya bukas magbibigay daw siya ng excuse letter.

Inireklamo ni JB sa ina ang mga kapalpakan ni Onay. Pati ang suot niya the day before, inireklamo niya. SInbai ni Corazon na wala siyang nakikitang problema sa isinuot ni Onay. Ano raw ba talaga ang issue ni JB, ang trabaho ni Onay or si Onay mismo (in a playful voice)? Ano raw ang ibig sabihin ng ina sabi ni JB?

Sinabi ni JB na hindi talaga sila magkasundo ni Onyay kung hindi niya ililipat si Onay, siya ang lilipat ng department. Huwag daw siyang magdrama, sabi ni Corazon na bagay naman sila at maging mabait daw siya kay Onay. After all daw, naging mabait naman si Mateo sa kanya.

Nagising si Eli at nakita niyang nagluluto ng tanghalian si Onay. Nagsorry si Onay sa pagsapak niya sa kuya niya, baka raw kasi ano pa ang magawa niya kaya ginawa niya iyon sa kanya. Nangako si Eli na aayusin na niya ang buhay niya.

Ayaw tanggapin ni Mark ang resignation letter ni Jackie. Wala na raw kasing mukhang maihaharap si Jackie sa kanya. Sinabi ni Mark na hindi rin daw siguro ginustong gawin ni Eli iyon. Pero sana raw pag-usapan nina Eli at Jackie ang issues nila. He won’t take it personally this time, pero sa susunod daw lalaban na siya.

Nag-e-enjoy naman si Mateo sa masahe ni Onay sa kanya. Bakit noon pa raw sila nagatagpo-tagpo. E di sana raw mas masaya sila kung nasa labas siya. Kinumsta ni Mateo si Eli, sana raw iwasan nito ang pag-inom. Papagpahingahin daw sana nito ang puso at isipan niya dahil nag-aalala na rin daw si Mateo kay Eli.

Nagpunta si Eli sa puntod ni Monique (I think), sinabi niyang siguro nga dapat na niyang tanggapin na hindi na sila ang Eli at Jackie. Siguro raw dapat na niyang tanggapin iyon.

Nakatanggap ng text message si Jackie mula kay Eli:

Hindi ko sinasadya ang mga nagawa ko kagabi. Sorry. Pero sana mag-usap tayo ng matino. Maghihintay ako.

Tinitignan naman ni JB ang mga pictures nila ni Celine. Nakita niya ang mga pictures ni Onay at Celine together. Naalala niya ang sinabi ng ina, kung ano raw ba ang issue, ang trabaho in Onay o si Onay mismo?

Nagkita na sina Jackie at Eli sa isang restaurant. Sinabi nitong payag na siya sa annulment. Pinigilan ni Jackie ang sarili to let out any emotion. Sinabi niyang magkita na lang sila sa korte. Bago sila nagkahiwalay, nakipagkamay si Eli kay Jackie. Naiwan sa restaurant si Eli.

Wala sa sarili namang nagmamaneho si Jackie.

Nagpepresent na naman si onay tungkol sa bagong logo ng sardinas nila. Itinama siya ni JB at sinabi niyang ang packaging lang ang magbabago hindi ang logo. Sinabi naman ni Corazon na pero siemre raw, they will conduct tests para malaman kung anong logo ang gusto ng mga consumers.

Pagkatapos ng meeting. Kinompronta ni Onay si JB. Bakit raw ba galit na galit si JB sa kanya? Sinabi ni JB na ayaw lang niya lumapit sa kanya si Onay dahil naaalala niya si Celine. And he doesn’t want to reember her anymore dahil nasasaktan pa rin siya.

Pag-uwi ni Onay tinignan niya ang scrapbook nina Celine at JB. Sinabi niya kay Celine na hindi niya alam kung ano ang nangyayari kay JB (he’s grieving, dummy!), baka raw hindi na niya kayang tuparin ang pangako nito sa kanya.

Nag-ra-rock climbing ulit si JB. Nakawala ng kapit si JB.

Nagising si Onay at isinigaw ang pangalan ni JB…

********************
Wala po muna ako from Mon-Wed. May test ako sa Wednesday. Wala nga palang shows sa Pilipinas sa Thursday and Friday, no? I guess next next week na lang ako babalik. Hehehe.

Mga Marka: , , ,

11 Tugon to “MKSM: Ang Pagbabalik, Episode 65”

  1. safiya Says:

    natawa ako sa suntok ni Onay kay Eli. lol happy weekend, ptvj…sorry late ang reply ko sa KC tags pero kung gusto mo basahin naroon ang comment ni hubby bilang photographer sa Bayo pics ni KC. Btw, enjoy ako kapag scene ni Onay at Corazon pero si Eli at Jacky, OA na sa akin kaya tama lang maghiwalay muna sila ng may bagong atmosphere…kakawalang gana manood.

  2. jannes Says:

    ptvj, what do u think happened to jb?nahulog ba talaga sya or it was just onay’s dream?

  3. jenny26 Says:

    two weeks na lang ang maging sino ka man,pano kaya ending nito?at ano kaya ang aasahan natin sa book3?

  4. ptvj Says:

    safiya, oo nga talagang feeling ako ansakit nung suntok nya. bwahahah.

    jannes, sana nga nahulog na lang siya para magsama na sila ni celine. o baka naman maging baldado siya tapos si onay ang caregiver niya hehehe.

    jenny, baka mamatay na silang lahat. hehehe. wala na akong maforesight na resolution ng mga problema nila. ang oa naman nila kung last scene ulit e ikakasal na naman sina jackie at eli…tapos mababaril siya😈

  5. jenny26 Says:

    bka ang final episode for this season eh annulment case nila e naaprubahan na.at lahat sila may iba’t ibang buhay na.haha

  6. dumbako Says:

    oa na talaga ang dating nila. sana pagmumultuhin na lang sila ni celine, pagsasakalinhehehe

  7. nawawala Says:

    baka mamatay si JB!! =O

  8. safiya Says:

    @nawawala – di happy ending for jb and celine kse magkikita sila sa kabilang buhay. lol siguro sasaya na ang jb-celine fans nito. hahahaha

  9. nawawala Says:

    kaso kung namatay si JB, parang wala nang kong gustong panoorin sa mga natira… hehe… pero sabagay, huling 2 linggo na ‘to…

  10. NoCar Says:

    matatapos na in 2 weeks wala pang maayos na nangyayari. kakaasar papahabain pa nila sa book 3. by the time I’m sure bagot na bagot na mga manunuod sa paikot ikot na kwento.

  11. annedito Says:

    pero kawawa naman si brian sa heaven kung mamatay din si jb. naiinis na rin ako sa kuwento nila. paulit-ulit nalang at parang nagiging jb-celine ang story ni onay and jb kasi inis din si jb kay celine noon eh. talagang wala ng resolution ang kuwento ni eli at jackie. dapat mag-hiwalay na sila kasi wala na silang connection. unlike noon pinsan ni jackie si celine kaya hindi puwedeng hindi sila magkita ni eli kasi bale cousin in-law sila. kaya dapat tapusin na ang love story nila kasi ang daddy ni jackie pumatay kay dadoods ni eli. tapos tatay naman ni eli ang pumatay sa mom ni jackie. that’s really unforgivable diba? kaya dapat magka-hiwalay na sila. can you imagine pag meron family reunion sila? napaka-unrealistic naman no’n if they’re one big happy family.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: