LOBO Episode 35

by

Natuwa si Lady Elle sa ibinalita ni Trixie na nakabalik na si Lyka. Naniniwala pa rin si Lady Elle na si Lyka ang huling bantay. Hindi maintindihan ni Lady Elle ang saril kung bakit espesyal para sa kanya si Lyka. Pinuntahan ni Lyka ang kuya Anton niya, niyakap ni Lyka si Anton habang humihingi ng paumanhin sa pag-lis nang hindi nagpapaalam. Sa labis na pagmamahal ni Anton sa pinsan-pinsanan ay hindi nito magawang magalit sa dalaga, konting lambing lang ni Lyka ay nawawala na ang tampo o galit niya. Habang bumababa sa hagdan ay narinig ni Lyka na may kausap sa telepono si Clara – si Nessa ang nasa kabilang linya, pero hindi nagsalita si Clara at hindi nito sinabi sa pamangkin na si Nessa ang kausap niya. Sinusundan si Nessa ng mga tauhan ni Dr. Vivian Lee.

Pinuntahan ni Gen. Leon si Noah, sinabi ng ama-amahan ni Noah na si Lyka ay BALA na magpapabagsak kay Noah sa bandang huli.

Nag-apologized din si Lyka kay Lady Elle, sinabi ni Lady Elle na ang pagsasabi ng “sorry” ay signs of weakness lalung-lalo na More…kung alam natin ang paraan kung paano natin ibabangon ang sarili natin. Binigyan ng isa pang pagkakataon ni Lady Elle si Lyka.

Nagpapalimos si Nessa, nakita niya ang mga sumusunod sa kanya. Kinuha ni Nessa ang pera na nakalagay sa isang garapon at tumakbo ito, hinabol si Nessa ng mga tauhan ni Dr. Vivian Lee.

Habang kausap ni Lyka ang “moonstone” niya ay pinuntahan siya ni Lady Elle, laking gulat nito ng makita ang moonstone na hawak ni Lyka. Tinanong ni Lady Elle kung saan iyon nakuha ni Lyka. Naisip ni Lady Elle na posibleng apo nya si Lyka, tinawagan nya si Selina para magsagawa ng DNA test – nagulat si Selina Argos nang sabihin ni Lady Elle na posibleng apo nya si Lyka, apo ng kakambal niyang si Lorenzo.

Katakot takot na sermon ang inabot ni Lyka sa kaibigang si Trixie. Nagtaka si Trixie ng magpasalamat si Lyka, sa halip na mag-sorry. Sinabi ni Lyka ang sinabi sa kanya ni Lady Elle na sorry is sign of weakness, etc. Sinabi ni Trixie na sana ay hindi iligaw si Lyka ng pagmamahal niya kay Noah.

Nasa bahay nina Noah si Gabby, kausap ni Gen. Leon ang dalaga. Nagdoorbell si Lyka, pero naalala nito ang sinabi sa kanya ni Andrew na maaaring ikapahamak ni Noah kung malalaman ng militar na may alam siya sa misyon ni Noah – nagkubli si Lyka, nagtaka si Gen. Leon dahil wala siyang nakitang tao.

Naisip ni Lady Elle na posibleng apo nya si Lyka, tinawagan nya si Selina para magsagawa ng DNA test – nagulat si Selina Argos nang sabihin ni Lady Elle na posibleng apo nya si Lyka, apo ng kakambal niyang si Lorenzo.

Pumunta si Lady Elle sa isang barung-barong, may kinausap siya doong isang matandang babae na nagngangalang Nana Sela. Sinabing manghuhula kay Lady Elle Gustong mong malaman ang nakatakda, pero handa ka ba Eleanora? ang Huling Bantay … siya ang iyong sadya. Ang nakatakda ay darating … darating ang nakatakda … walang makakapigil darating ka sa itinakdang oras … sa pag-iyak ng pulang buwan darating ka … malapit na … malapit na … magkadikit kayo … ang tadhana ninyo … ang kapalaran niya ay kapalaran mo … pero madilim … madilim ang nakikita ko para sa iyo, sana’y handa ka Eleanora.

Pinuntahan ni Gabby si Lyka, isinasama ni Gabby si Lyka pero ayaw sumama ng huli. Pinapaamin ni Gabby si Lyka kung may alam ito tungkol sa misyon ni Noah, walang inamin si Lyka. Pinakita ni Gabby kay Lyka ang sitwasyon ni Noah sa kulungan, sa pamamagitan ng laptop na dala nito, high tech!.

Ang moonstone lang ang kinukunan ng lakas ni Noah sa mga nangyayari.

Sinabi ni Don Manolo na huwag masayadong umasa si Lady Elle kasi baka mabigo na naman ito. Kahit hindi raw si Lyka ang huling bantay ay sapat na kay Lady Elle na kadugo niya si Lyka para maintindihan niya ang espesyal niyang nararamdaman para dito.

Habang nasa loob ng chapel ay nagtransformed si Lyka sa pagiging LOBO.

Mga Marka: , , , ,

2 Tugon to “LOBO Episode 35”

  1. g027 Says:

    omg….magiging lobo na siya??!

  2. annedito Says:

    baka panaginip na naman yan…hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: