MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 64

by

Hindi nagkita sina Jackie at Lena.

Nagbenta na naman ng sasakyan si Fidel. Nalaman ito ni Jackie. Nagalit ito dahil natalo na naman siya sa sugal. Ang rason ni Fidel. paano raw kung manalo siya at least may puhunan na sila sa negosyo. Para hindi na pumasok sa pipitsuging kumpanya si Jackie. Mahiraman na lang daw sila ng kotse. Bago umalis si Fidel, sinabi niyang sa buhay daw kailangan nilang sumugal.

Habang kumakain sina Onay, may dumating siya hindi inaasahang bisita: Si Corazon. May dala itong mga damit. HUwag daw mag-alala si Onay dahil pera ni Mateo ang ipinambili niya doon. Pinakikialaman ni Joko ang mga laman ng paper bags, pero hindi naman mukhang annoyed si Corazon.

Habang nakahiga si Eli, he was touching Jackie’s side of the bed. Kinabukasan, wala pa rin itong kibo sa trabaho.

Ipinakilala na ni Mark si Jackie sa mga kasama niya sa trabaho.

Ikinuwento ni JB kay Eli na inalok niya ng pera o ng trabaho si Jackie para makapagsimula ulit pero tinanggihan siya nito. Hindi na raw niya kinulit dahil baka magalit siya. She likes doing things her way daw. Ang akala ni Eli, dahil sa doon na rin nagtatrabaho si Eli kaya ayaw ni Jackie ang tulong ni JB. Sinabi na rin ni JB na may bago na itong trabaho si Jackie. Sinabi ni Eli na masama talaga ang loob ni Jackie sa kanya. Nawala na raw talaga ang mga mahal nila. Sinabi ni JB na ganoon raw talaga, walang permanente sa mundo. (Awwww, it broke my heart when he said it so bitterly, hindi na siya ang dating JB na kilala ko. Huhuhu!)

Pinagalitan ni Corazon si Onay dahil pangit pa rin ang damit na suot niya. AKala raw kasi ni Onay pang-special occasion lang ang mga damit na binili ni Corazon para sa kanya. Tinawagan ni COrazon ang team of stylist niya at sa mismong opisina na-make-over si Onay.

Panay papuri ang mga taga opisina nila noong nakita na nila si Onay (but she’s wearing a halter top dress! Hindi naman appropriate iyon sa opisina. At bakit sanay siyang maglakad wearing high heeled shoes?). Narinig ni JB ang commotion at nakita niya si Onay. Agad ring umalis si JB. Habang nakangiti naman si Corazon sa reactiong natanggap ni Onay.

Ipinakita namang busy sa trabaho si Jackie. Hindi niya alam pinapanood siya ni Eli sa parking lot.

Tinanong ni Corazon si Onay kung bakit gusto pa rin nitong magcommute. Pwede naman daw siyang magka-kotse. Sinabi ni Onay na sanay na siyang magcommute at saka hindi raw siya marunong magmaneho. Ipinahatid ni Corazon si Onay kay JB. Ayaw ni JB pero ipinilit ni Corazon. Ano raw ang sasabihin ni Mateo kay Corazon kung malaman nitong disoras na ng gabi pinapagcommute pa niya si Onay.

Naihatid na ni JB si Onay. Sinabi JB kay Onay na kung ayaw niyang magmaneho ng kotse, kumuha siya ng service driver dahil sa line of work nila, lagi silang gagabihin. Nagpsalamat si Onay.

Nabigla si Jackie dahil noong kumakatok siya sa kwarto ng ama ay isang babae ang nagbukas ng pinto. Dali-daling umalis ang babae (duh! Kung gusto mo talagang magtago edi sana nagtago ka noong naririnig mong may kumakatok sa pintuan). Nagpasorry si Fidel sa anak. Nagalit na si Jackie. Kaya raw niyang tanggapin lahat, pero hindi raw niya iginalang ang ala-ala ni Monique. Sawang-sawa at pagod na pagod na raw si Jackie sa kanya.

Umiyak si Fidel. Nag-sorry ito at sinabing masyado lang niyang namimiss si Monique. Lumambot na naman ang puso ni Jackie. Ano raw ba ang nangyayari sa ama. Hindi raw niya kayang mag-isa, tulungan naman daw siya ng ama. Nag-sorry ulit si Fidel at nagyakap sila.

Hindi alam ni Onay kung anong isusuot niya the next day. Nagdududa si Joko sa intentions ni Corazon. Hindi naman daw fashion hoise ang work niya kaya hindi niya kailangang magbihis. Para raw binibihisan siya nito at parang irereto sa kung sino. Ayaw namang maniwala ni Onay. Nalungkot si Onay dahil nakita niya ang iniregalo sa kanya nina JB at Celine noong nakaraang pasko.

Habang umiiyak si Jackie sa veranda, may iniabot na sulat ang katulong. Galing ito kay Eli:

Dearest Jackie,

Gusto ko lang sanang makatulong. Please, huwag mo sanang masamain.
Pakaingatan mo ang sarili mo.
I love you.

Eli

May kalakip na tseke ang sulat ni Eli na nakakahalaga ng P20,000. Ipinasauli ni Jackie ang tseke sa katulong. At ipinasabi rin niyang hindi nito kailangan noon at sana raw huwag na itong magpadala ng tulong.

Napansin ni Mark na matamlay si Jackie sa trabaho (uyyy, concerned!). Sinabi nito na kung kailangan lang niya ng kaibigan or punching bag, naroroon lang siya. Sinabi pa niya na if there’s any consolation, maganda pa rin siya kahit naka-frown siya. Nag-ring ang cellphone ni Jackie. Sinabi ni Mark na baka siya na iyon, ready to say sorry. Pinatay ni Jackie ang cellphone niya.

Nagkagulo ulit ang mga staff kay Onay dahil sa suot nitong damit (OA na sila ha). Dumaan si JB at tinawag siya ng staff nila para ipakita ang damit ni Onay.

Sa halip na ma-impress. sinabi ni JB na hindi raw appropriate ang suot niya sa office para daw siyang pupunta sa club. Noong sinabi ni Onay na ibinigay naman daw ni Celine sa kanya, sinabi ni JB na maybe Celine can pull it off in an office. Isuot na lang daw niya iyon in another occassion.

Nainis si Onay at inalis ang make up niya sa restroom.

Binisita nina Onay at Eli si Mateo. Nagrereklamo si Onay, pero sinabi ni Mateo na huwag na niyang pansinin si JB. Maganda raw ito at kamukhang-kamukha ng nanay niya. Wala namang kibo si Eli. Talaga raw mababaliw na siya kapag hindi siya kinausap ni Jackie.

Sinamahan ni Onay si Eli sa parking lot. Onay made Eli promise na titingin lang sila at hayaan na muna niya si Jackie. Dahil hindi rin maganda ang huli nilang pagkikita.

Inihatid ni Mark si Jackie sa isang hotel/restaurant(?) para sa presentation niya. Sinundan sila ni Eli. Pagbaba nila sa sasakyan, bumaba rin si Eli. Sinuntok niya si Mark.

Inawat sila nina Jackie at Onay. Sinabi ni Jackie na boss niya ang kasama niya at wala silang ginagawang masama. Wala daw pakialam si Eli kahit na para itong asong bumubuntot sa kanya. Pero kaya raw pala malakas ang loob nitong makipaghiwalay sa kanya dahil ngayon pa lang kung kani-kanino na ito nakikipaglandian.

Sinampal ni Jackie si Eli…

Mga Marka: , , ,

12 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 64”

  1. ptvj Says:

    kanina ko pa natapos to nakalimutan ko lang i-publish. bwahaha.

  2. No Car Says:

    Eli and Jackie parang walang patutunguhan ang away nyo. humahaba lang ang kwento. JB kahit di kayo bagay ni onay pasasaan pa bibigay ka rin (sana wag) kung ganito ang tinatakbo ng storya. Fidel oa ka na rin ha tigilan mo na yan na bwibwiset na kami sayo. Corazon okay sana bumabait ka, pero hindi ko alam kung namimis ko ba yung katarayan mo or natutuwa ako sayo ngayon kasi parang comedy and dating mo.

  3. annesam Says:

    onay is trying hard!she tries 2 replace celine w/c definitely she can’t do!i just hope jb will continue 2 ignore her..

  4. annedito Says:

    i think it’s not really onay. it’s the damn (puwede ko bang sabihin yan word dito, ptvj?) writers that are trying too hard. gusto nila ma-fill yung void natin (viewers) and jb sa pagkawala ni celine. ngayon tuloy na si onay (even though i don’t like toni) ang parang guardian angel nila, naging wanna-be celine siya. miss ko pa rin yung mga tongue lashes ni celine and corazon. galing nila!

  5. ptvj Says:

    sure, annedito. no problemo. i can tolerate swear words (and i also like them using occasionally) as long as it’s not directed to me or towards other commenters dito sa blog natin.😉

  6. jenny26 Says:

    mas gusto ko ung nakakatakot na corazon,haha mabait xa kay onay at gusto nya ito para kay jb kasi si onay ang tagapagmana ng korporasyon.dba???may balak si corazon dyan.d pa xa mabait.kaplastikan lang yan.tama ba?

  7. dumbako Says:

    ptvj, wala ka na bang mga weekend warnings? nakakatuwa din ‘yon eh. thanks!

  8. ptvj Says:

    dumbako, sa weekend. lol. meron kaya lang these past few weekends mga videos ng mga old songs ang pinopost ko, medyo busy lang kasi at hindi ako makapaghalungkat ng mga nakakatawang vids sa youtube.

  9. ptvj Says:

    p.s. ayan nakakita na ako. hehe. pagpatak ng alas dose (sa amin) published na siya.

  10. annesam Says:

    ptvj, nababasa ba ng abs-cbn ang mga comments naten sa mskm?

  11. ptvj Says:

    annesam, i don’t know. but they should para malaman nila ang mga kapalpakan nila hehehe.

  12. Evelyn Says:

    I guess nabasa ng mga bosing ang mga sentiments nyo kaya “friends” na lang muna si JB at Onay. Mabuti naman.
    If there will be a book 3, I hope it won’t be Kristin,KC or Diether. Definitely, hindi ako manonood.
    Thank you ptvj for puting up with our ideosyncracis.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: