LOBO Episode 34

by

Hindi makatulog sina Noah at Lyka. Ang lalaki ay nasa labas ng bahay at ang babae naman ay nasa silid.

Lyka : (Umiiyak habang nag-iisip) Mahal na mahal kita Noah, alam mo iyon pero paano si mama Clara? Paano sio kuya Anton?

Pinuntahan ni Lyka si Noah sa labas ng bahay.

Noah : Ahhmmm maiintindihan ko kung pipiliin mo na huwag sumama sa akin, dahil iyon ang sinasabi ng utak ko na dapat mong gawin. Pero kung magiging makasarili ako, kung ako lang ayoko nang magkahiwalay pa tayo.

Lyka : Hindi ko kailangan ang buoong gabi para mag-isip Noah.

Noah : Lyka

Lyka : Mahirap iyong hinihingi mo sa akin. Mahal ko iyong pamilyang naiwan sa akin, si mama Clara, si Kuya Anton, mahal ko iyong buhay na meron ako, iyong trabaho ko, si Trixie … pero sa bandang huli alam ko kung magkakahiwalay tayo, may magkukulang ulit sa pagkatao ko. Nakaya mong i-risk ang buhay mo para sa akin, kaya ko rin ‘yon gawin para sa iyo.(Inilabas ang moonstone niya) Ito yong part na dating akin (ibinigay kay Noah ang moonstone) sa iyo na iyan ha. Hindi ko kaya mawala ka ulit sa akin Noah, kung nasaan ka, doon din ako.

Noah : Walang kasiguraduhan ang mangyayari sa akin, sa ating dalawa, pero gusto kong mangako ka sa akin – kahit na anong mangyari, kung nahuli ako

Lyka : Noah

Noah : Lyka pag nahuli ako, huwag kang lalapit, magpapakalayo ka. Wala kang alam tungkol sa akin, wala kang alam tungkol sa misyon ko, wala kang alam tungkol sa hinala ng militar sa House of Elle.
Nagyakap ng mahigpit ang magkasintahan, iyak ng iyak si Lyka.

Kinaumagahan. Nagising si Noah na wala sa kama si Lyka, yakap yakap ni Noah ako este unan pala. May nakitang sulat si Noah na nakapatong sa blue bag. Binasa ni Noah ang sulat.

Good Morning Jay-Jay!

Sarap ng tulog mo, hindi na kita ginising.
Hinanda ko na mga gamit natin para alis na tayo agad.
Punta lang ako sa palengke. Suprise ko para sa iyo.

Saglit lang ako, promise…

Nagtirik ulit ng kandila si Clara sa simbahan. Palabas na siya ng simbahan ang makita siya ng kapatid na si Nessa. Lalapit sana si Nessa sa kapatid, pero nakasakay na si Clara sa tricycle.

Maraming pinamili sa palengke si Lyka na pang-almusal. Tinanong si Lyka ng nagtitinda kung bagong kasal siya kasi mukhang hindi niya alam ang paboritong almusal ng mister niya. Sinabi ng Lyka na huling araw na daw kasi nila doon at gusto niyang sorpesahin ang “mister” niya at ipagluluto niya ng almusal na masarap.

May kausap sa telepono si Clara nang may nagdoorbell. Nagulat si Clara nang makita kung sino ang bisita – si Nessa. Sinabi ni Clara na wala doon ang anak ni Nessa at pinalalayas nito ang kapatid, isinarado nito ang gate pero nanaig ang lakas ni Nessa at nakapasok ito sa bahay.

May nakitang telepono si Lyka at tumawag ito sa bahay nila.

Pagpasok ng bahay ng nagtatalong sina Nessa at Clara ay nagriring ang telepono – si Lyka ang tumatawag.
Clara : Kung alam ko kung nasaan siya, sa tingin mo ba hindi ko sasabihin sa iyo para magsama na kayo ng walang utang na loob na anak mo? Na pagkatapos mong palamunin, katulad ng ina nyang mawawala na lang bigla.
Nessa : Hindi ko ginusto ang mawala ate. Hindi ko rin ginusto na iwan ang anak ko. KAYA NANDITO AKO NGAYON PARA KUNIN ANG ANAK KO, PARA WALA NA RING PABIGAT SA BUHAY MO.
Clara : TAMA SIGE KUNIN MO NA SIYA, MAGSAMA KAYONG DALAWA, KASI KAHIT BUMALIK SIYA DITO HINDI KO NA SIYA TATANGGAPIN. PARANG AWA NYO NA, PARANG AWA NYO NA IWANAN NYO NA KAMI, HWAG NYO NA KAMING PAKIALAMANAN, GULONG GULO NA ANG BUHAY KO DAHIL SA INYO. (Tinutulak palabas ng bahay si Nessa) LUMAYAS KA! LUMAYAS KA! LUMAYAAAS KAAA! LUMAYAAAS KAAA!
-Umiiyak na isinarado ni Clara ang pintuan.

Ibinaba ni Lyka ang telepono nang walang sumasagot, nagbayad si Lyka kahit walang nakausap sa tinawagang numero.

May dumating na mga militar sa isla na pinangungunahan ni Gabby, armado ang mga ito.

Kasama ni Lyka ang katiwala ng bahay na tinutuluyan nila ni Noah, nagmamadali silang umuwi – sakay ng bangka.

Bitbit ni Noah ang mga gamit nila ni Lyka nang biglang bumukas ang pintuan, nakatutok kay Noah ang baril nina Gabby at mga kasama. Tumakbo si Noah papunta sa ibang pintuan pero napapaligiran ang bahay. Nanlaban si Noah pero wala siyang nagawa, duguan si Noah. Hinanap ni Gabby si Lyka, sinabi ni Noah na walang kinalaman doon si Lyka at huwag idadamay. Responsibilidad daw ni Gabby na hulihin si Noah at iharap sa superiors. Ipinagdiinan ni Noah na walang alam si Lyka. Dumating na sa isla si Lyka nang ilabas ng mga militar ang nagpupumiglas na si Noah. Sa ibang direksyon dumaan si Lyka, pagpasok niya ay agad siyang kinabahan – nasa lapag ang mga bags nila. Hinanap ni Lyka si Noah sa kabahayan. Nakasakay na sa bangka sina Noah, sumigaw ang binata at naulinigan ito ni Lyka. Patakbong lumabas ng bahay si Lyka at nakita niya ang papalayong mga bangka. Nanlulumong umiyak ng umiyak si Lyka, isinigaw nito ang pangalan ng minamahal NOAAAAAHHH!

May lumapit kay Lyka, si Andrew/JP. Nagpakilala si Andrew kay Lyka at sinabi nitong ibinilin sa kanya ni Noah si Lyka. Si Andrew ang napagbuntunan ng galit ni Lyka – pinagbabayo sa dibdib ni Lyka si Andrew. Halos kaladkarin na ni Andrew si Lyka upang makaalis sila sa dalampasigan. Sising sisi si Lyka sa ginawang pag-alis ng bahay upang mamalengke, pero sinabi ni Andrew na mas mabuti ngang wala siya sa bahay ng hinuli si Noah, kasi kung nandoon din si Lyka ay siguradong hinuli rin ito.
Andrew : Kilala ko si Noah Lyka at hindi nya gagawin itong pagtakas nyo kung mali sa isip nya ang misyon na ginagawa nya. Pero hindi e nagdududa siya na may iba sa misyon niya at walang drug operation sa House of Elle.
Lyka : Ha!? Eh kung posible pala na walang kinalaman ang House of Elle sa mga binibintang nila, BAKIT NILA DINAMPOT SI NOAH?
Andrew : Hindi naman kasi issue kung totoo o hindi totoo ang binibintang nila. Kung legitimate o hindi ang misyon niya. Noah abandoned his mission, he disobeyed orders. Malaking offense iyon para sa aming mga sundalo at kahit may sapat na ebidensya si Noah kung bakit nya ginawa yon, hindi mahalaga yon para sa kanila.
Lyka : Ginawa nya iyon para iligtas ako eh kahit na alam nyang ikapapahamak nya, mas pinili nyang iligtas ako. Andrew, Andrew natatakot para kay Noah. Andrew gusto ko siyang makita, gusto ko siyang puntahan, Andrew tulungan mo naman ako baka may maitulong ako sa kanya.
Andrew : Meron. He wants you to stay out of it. Mahalaga sa kanya na hindi ka madamay at maging ligtas ka. Lyka makinig ka, dahil sa ginawang ito ni Noah – may possibility na mapatunayan na walang anomalya sa House of Elle, kinukwestyon ng higher ___?___ ang misyon nya. For now its better na kalimutan mo lahat ng nalalaman mo and pretend na maayos ang lahat. You can go back to your normal life kung gusto mo.
Lyka : Habang si Noah (gulong gulo sa nangyari sa kasintahan)
Andrew : Noah is ready to face the consequences, alam nya ang pinasok nyang gulo though I don’t know kung alam nya kung paano sya lalabas. Pero tama si Noah mas mabuting hindi muna tayong makialam o walang makaalam na nakikialam tayo. Lyka, kapag natunugan nila sa loob ng militar na may nalalaman ka … si Noah ang mananagot. Hindi naman natin gustong madagdagan ang ikapapahamak nya, di ba?
Lyka : Sige! Kung iyon ang sa tingin mo tama, sige papayag ako. Pero Andrew mangako ka naman sa ako o … mangako kang babantayan mo si Noah, ha. Saka kung … kung may maitutulong ako, sabihin mo naman agad sa akin, please o ha.
Andrew : Sige pangako ‘yan. Pinuntahan ni Gabby ang nakakulong na si Noah.
Noah : Si Lyka? Nasaan si Lyka, Gabby? Is she safe?
Gabby : Save your energy Noah. Huwag mong aksayahin ang natitira mong lakas sa pagtatanong. ___sorry! no signal___
Noah : Walang alam si Lyka dito Gabby.
Gabby : ___sorry! hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Shaina___ It’s high time to face the consequences, pumalpak ang misyon because of you. We’re so close, so close Noah to obtain solid proofs of the drug dealings. Pero ano ang ginawa mo?
Noah : Ginawa ko lang nararapat Gabby.
Gabby : Nararapat? Nararapat Noah? Disobeying direct orders ang kaso mo dahil inabandona mo ang misyon mo. Alam mong huhulihin ka, alam mong haharap ka sa court martial, alam mong mawawala lahat ng pinaghirapan mo. Iyon ang nararapat Noah? Bakit Noah? BAKIT?
-Hindi kumibo si Noah
Gabby : Right. Pareho nating alam ang totoong rason. A ___sorry! hindi ko na naman maintindihan ang sinasabi ni Shaina___ reason na hindi tatanggapin sa taas. Kaibigan mo ako Noah. Kaya nahihirapan akong makita ka na ganito beacuse I know you don’t deserve this dahil alam ko na MAGALING KANG SUNDALO. There is still a reason para malusutan ang lahat ng ito… that includes giving up Lyka. (pinahid ang luha) Kailangan mong tulungan ang sarili mo Noah. The right decision has to come from you. Hindi sa akin o sa ama mo, and I believe you Noah it’s right for you.

Inihatid ni Andrew si Lyka sa bahay. Nagpasalamat si Lyka at ipinagbilin nito si Noah sa kasama. Nagsalute pa si Andrew kay Lyka tanda ng pagpayag sa gusto ng dalaga. Pinaalala rin ni Andrew kay Lyka na walang dapat makaalam. Bumaba na ng sasakyan si Lyka.

Naalala ni Clara ang eksena noong nadatnan niyang patay ang ina, naitulak ni Nessa ang kanilang ina na naging sanhi ng pagkamatay nito. Kinuha nito ang isang plato sa table at pitsel ng juice, nang nabitawan niya ang plato at ito ay nabasag. Iyon ang nadatnang eksena ni Lyka ng pumasok siya ng bahay.
Lyka : Ma
Clara : Punyeta kang babae ka!
Lyka : Ma sorry po
Clara : Saan kami nagkamali ng pagpapalaki sa iyo ha? (pinagsasampal si Lyka) Saan kami nagkamli ng pagpapalaki sa iyo? HA?
Lyka : Ma magpapaliwanag po ako
Clara : (sinasaktan na naman ang pamangkin, tulak, sampal, sabunot) Anong sasabihin mo? Anong ipapaliwanag mo ha? Para kang kaladkaring babae. Mas mabuti pa sa iyo ang mga disenteng babae dyan – sila nagsasabi sila kung saan sila pupunta. IKAW, SAAN KA NAGPUNTA?
Lyka : Ma, wala ho akong ginagawang masama. (umiiyak) Napasama lang ho ako sa mga kaibigan ko
Clara : (Patuloy ang pananakit kay Lyka) SUMAMA KA NA SANA SA KANILA. TULUYAN NANG SUMAMA SA KANILA. NAGPAGOD KA PA PAGPUNTA RITO. SANA HINDI KA NA BUMALIK! WALA KANG KWENTA! WALA KANG KWENTAAA! AKO, WALA AKONG PAKIALAM KAHIT NA ANO ANG GAWIN MO SA BUHAY MO. WALA AKONG PAKIALAM KUNG SINO ANG KASAMA MO. KUNG SAAN KA MAGPUNTA. PERO SI ANTON. NAGKAKANDARAPA NG PAG-AALALA SA IYO. WALA KANG KONSIDERASYON! WALA KANG KONSIDERASYON! (umiiyak din si Clara) ITO NA, ITO NA ANG KAHULI-HULIHANG PAGKAKATAON NA MAG-AALALA SA IYO ANG ANAK KO. IKAW, KAHIT MINSAN HINDI KA NA NAGMAMALASAKIT SA NARARAMDAMAN NI ANTON. KAYA MABUTI PA LUMAYAS KA NA. HINDI KA NA PARTE NG PAMILYANG ITO. LUMAYAS KA NA!!!
Lyka : Ma? Huwag naman po ‘ma.
-Dumating si Anton
Anton : MA! Hindi aalis si Lyka.
-lalapit sana si Lyka kay Anton
Lyka : Kuya
Anton : Mamaya na tayo mag-usap, umakyat ka na sa taas.
-Umakyat na si Lyka. Galit na galit pa rin Clara.
Clara : Ito ka na naman! Ginagawa kang tanga ng babaeng iyan
Anton : Ma, I do not care. Masaya lang ako na nandito na si Lyka at nakauwi, iyon lang ang importante sa akin ngayon.
-Umakyat na rin si Anton.

Kausap ni Gabby ang misteryosong heneral. Kinongratulate ng heneral si Gabby – dahil naibalik nito si Noah. Hinanap ng heneral ang babaeng kinahuhumalingan ni Noah, tinanong nito si Gabby kung ano ang plano nito kay Lyka. Sinisigurado ng heneral na hindi malalapitan ni Lyka si Noah. Sinabi ni Gabby na sisiguraduhin daw niya na hindi malalapitan ni Lyka si Noah, kahit na sa anong paraan – kahit patayin pa niya si Lyka.

Teaser : Kabilugan ng buwan… ABANGAN!

Grabee! Ang galing dito ni Irma Adlawan as Clara Rivero. Damang dama ng manunuod ang poot na nasa dibdib niya. Saan nga ba nagsimula ang galit niya?
– Si Nessa ang sanhi ng pagkamatay ng kanilang ina.
– Pinalaki sila ni Nessa ng ina nilang si Savannah, na si Nessa ang sentro ng pagmamahal. Ibinigay ng ina nila kay Nessa ang lahat ng puede nitong ibigay kesehodang walang matira para kay Clara – na ipinagtataka rin ni Nessa ang paraan ng ginawang pagpapalaki sa kanila ng ina. Nalaman lang ni Nessa ang sagot kung bakit, noong siya ay magpalit ng balat. Pero si Clara ba ay alam kung bakit ganun sila pinalaki ng ina? Alam kaya ni Clara na taong lobo si Nessa at ang ama nito?

Mga Marka: , , ,

5 Tugon to “LOBO Episode 34”

  1. ptvj Says:

    ang galing nga ni mama clara. grabe!

    i guess member din ng luna si gabby? hindi lang siya taga-execute ng mga plans nila? kasi how can you plot to kill someone ng ganun-ganun lamang kung wala kang matinding dahilan.

    bwahaha ate neneng ako ang yakap ni noah, tinakpan lang ako ng unan😀

  2. Neneng Says:

    Member naman talaga ng LUNA organization si Gabby, di ba? Isa siyang palaboy noong kinupkop siya ng Luna. Sinabi iyon dati ng “heneral”, pinag-aral, binihisan at binigyan ng magandang buhay si Gabby ng LUNA. May mga mahal sa buhay raw si Gabby na nabiktima ng mga taong lobo.

  3. ptvj Says:

    oh ic ic. pag kasi si gabby na nagtu-tune out na ako. hehehe.

  4. annedito Says:

    LOL ptvj! i start playing my ds kapag si gabby rin ang mag-eksena. mukha pa rin kasing teeny bopper si shaina eh. mas bagay pa rin sila ni rayver.

  5. No Car Says:

    ha.. ha.. ako rin pag si gabby na sa eksena nagbabanyo ako. 😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: