MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 68

by

Nag-aaway sa loob ng sasakyan sina Eli at Jackie, pinahihinto ni Jackie ang sasakyan. Tatalo sana si Jackie, pero muntik na silang may mabanggang sasakyan. Parehong natigilan sina Jackie at Eli.

Ayaw umalis ni Corazon si JB dahil nag-aalala itong na magra-rock climbing namana ito. Umalis pa rin si JB. Hindi na raw siya bata. Biglang sumali si Onay sa usapan. Bakit ganoon raw niyang sagutin ang ina niya. Sabagay daw, kung mga empleyado nga raw niya ganoon niyang kinakausap. Dinedma ni JB si Onay at umalis na ito.

Lalong nagalit si Jackie kay Eli, pwersahan na raw ba ang gusto niya? Nagpahatid na siya sa bahay.

Noong nalaman ni Corazon na pareho silang nasa opisina ni Onay kahit gabi na tinanong nito kung nag-dinner na siya.

Habang nagmamaneho si Eli, naalala niya noong nagsayaw sila sa sayawan sa barrio, noong muntik ng masagasaan si Eli. Noong nagbibisikleta sila,noong nasa coma siya. Noong ikinasal sila. Etc. Etc.

Nag-dinner sina Onay at Corazon. Natawa si Corazon kay Onay dahil akala nito ay nag-uumpisa sa letter “S” ang escargot. Tinuruan niya ito kung paano niya ito dapat kainin.

Habang kumakain sila, tinanong ni Corazon kung may gusto si Onay kay JB. Nabulunan si Onay sa narinig. Kunwari daw magkaka-boyfriend siya, hindi ba siya magkakagusto sa isang katulad ng anak niya? Sinabi ni Onay na gwapo daw si JB.

Nag-open up si Corazon kay Onay, nag-aalala daw ito sa anak niya. Ang kailangan daw ni JB ngayon ay isang babae sa buhay niya.

Nalaman ni Fidel na isa na lang ang katulong nila sa bahay. Noong nakita niya ang inihandang almusal ni Jackie para sa kanya, sinabi nitong ipahanda na lang niya ang kotse at sa labas na lang siya kakain. Doon niya nalamang pati driver wala na sila. Sinabi ni Jackie na tutal pareho naman silang marunong magmamaneho pinaalis na niya ang driver para makabawa sa gastusin. Sinabi ni Fidel na may pera pa ito sa bangko. Sinabi naman ni Jackie na ang pera niya sa bangko, kulang pa sa pambili ng alak ni Fidel at pantaya sa karera.

Nagpapanic si Onay dahil hindi nila mahagilap si JB para sa presentation. Kaya si Onay ang nagpresent at tumulong naman si Corazon.

Hindi natanggap sa trabahong inaplayan niya si Jackie dahil overqualified daw siya. Noong paalis na si Jackie, narinig niyang may nakakilala sa kanya at narinig niyang pinag-uusapan siya at naawa daw sila sa kanya dahil bumagsak na ang kumpanya nila.

Tinawagan ni Steve (a guy who interviewed Jackie) si Eli at sinabing naroroon si Jackie. Nagpunta si Eli sa opisina at saktong patapos na ang interview ni Jackie. Tinanggihan ni Jackie ang alok ni Eli na kausapin si Steve dahil magkaibigan naman sila para matanggap siya sa trabaho. Sinabi naman ni Jackie na may tinapos naman siya at siguro naman may magkakainterest na i-hire siya. Sinabi ni Eli na wala naman siyang masamang ibig sabihin sa alok niya.

Pinagalitan ni Corazon si Onay dahil disaster ang presentation. Sinabi ni Onay na si JB naman daw kasi ang dapat mag-present. Kahit na raw sabi ni Corazon, dahil next in line si Onay at kung wala si JB siya ang sasalo. Naturingan pa man daw itong anak ng may-ari ng kumpanya. Pinuna rin nito ang suot niyang damit.

Hindi na napigilan ni Onay ang pag-iyak. Nakonsensiya naman si Corazon at ipinagamit niya ang panyo niya kay Onay.

Galit na sumugod si Onay sa bahay ni JB. Paglabas ni JB, Onay pushed the folders on JB’s chest. Muntik na raw mawalan ng pera ang kumpanya dahil sa hindi pagsipot ni JB at napagalitan pa siya ni Corazon. Sinabi ni JB na masama ang pakiramdam niya. Sana raw nagpasabi naman siya sabi ni Onay bago siya umalis.

Sinabi ni Corazon kay Mateo na maagan ang loob niya kay Onay. Mas magaan pa nga raw ang lob niya dito kaysa kay JB mula noong mamatay si Celine. Nabanggit rin niyang nag-aalala pa rin siya kay JB. Nagpasalamat si Mateo pag-aalaga nito sa kumpanya at pati na pagtanggap niya kay Onay. Sinabi ni Mateo na gusto rin niyang ipasok si Eli sa kumpanya.

Habang tinitignan ni JB ang mga pictures ng kasal nila ni Celine, naalala niya ang galit ni Onay sa kanya.

Ibinalita ni Eli kay Pong na malapit na siyang makalabas sa kulungan. Sa kabila ng kasiyahan niya, napansin niya na malungkot si Eli. Sinabi ni Pong na give it time, malay daw niya pag wala na ang mga sakit sa puso nila, doon magandang magsimula ulit. Magtiyaga lang daw siya.

Nagrereklamo si Onay tungkol kay JB sa Lolo Bogs niya. Sinabi ni Lolo Bogs na anak man siya ng may-ari ng kumpanya kumpara kina Corazon at JB, wala pa rin siyang alam sa negosyo kaya huwag nitong pinepersonal ang trabaho.

Naghahanap pa rin ng trabaho si Jackie. Tinanggihan nito ang suggestion ng kaklase niya dati na magtrabaho sa Canada dahil wala raw kasama ang daddy niya. Pagbaba ng telepono, pinagmasdan ni Jackie ang wedding ring niya.

Habang naglalagay ng mudpack si onay sa mukha tumawag si JB para mag-apologize. Sinabi ni JB na sasabihin na lang niya sa mommy niya na siya ang may kasalanan.

Natanggap sa trabaho si Jackie bilang graphic artist. Hindi ganoon kalaki ang sweldo niya pero it’s above the minimum.

Kinausap ni Corazon si Eli. Dahil sinabi ni Mateo na ayaw ni Eli ng formal side ng kumpanya, siya raw ang i-a-assign niya sa pabrika. Eli assured her na hindi siya magiging abala sa kanya. Sinabi naman ni Corazon na hindi siya magiging abala ang itinanong niya kay Eli kung pwedeng magsimula sila ulit.

Nagdarasal si Jackie sa simbahan habang umiiyak. Naglalakad sa si Lena sa papalapit sa kinaroronan niya kasama ang ibang mga madre…

Mga Marka: , , ,

8 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 68”

  1. dnj Says:

    Parang bumabait na yata si Corazon? Pero ayaw ko namang itutulak ng mga writers si Onay kay JB. Para kay Celine lang sya eh… walang puedeng umangkin kay JB kundi si Celine lamang. Ano ba yan?! Die hard JB-Celine pa rin kahit dead na sya! ha ha ha ha!! Kung 80 episodes lang ang Book 2, konti na lang pala at patapos na naman ito. Baka may ipasok na naman silang mga bagong karakter? Siguro sa Book 3 may reincarnation ni Celine hehehehehe… para sila pa rin ni JB ang magkatuluyan.

  2. jenny26 Says:

    wah!celine!haha baka sa book 3 magmumulto si celine.haha

  3. Iya Says:

    Anu na nga ba yung name ni JB nung kumakanta pa siya sa isla sa bar ni Amang? Kanina ko pa iniisip di na tuloy ako makatulog.

  4. ptvj Says:

    iya, i think it’s emilio. sleep tight🙂

  5. No Car Says:

    bakit emilio? inimbento lang ba nya yun? nung nasa isla sya?

  6. annedito Says:

    yes No Car kasi he left everything behind him. naging palaboy siya so pati name niya, pinalitan niya.

  7. dumbako Says:

    so pwede na rin magkaroon si celine ng kambal na palaboy din?hehehe

  8. ptvj Says:

    dnj, i think bumait si corazon because narealize niya ang ginawa niya dati kay celine pero it’s too late now. at the same time, she’s also grieving with JB secretly.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: