LOBO Episode 33

by

Nagyakap ng mahigpit sina Noah at Lyka pagkatapos ng matamis nilang paghahalikan.

Lyka : This time ha, may meaning na ‘to.

Noah : Maski naman noong una o ikalawa man may meaning na. (may luha sa mga mata si Lyka) Pero ngayon ko lang sasabihin sa iyo, sa harap mo MAHAL NA MAHAL KITA Ulay. Sa buong buhay ko – ikaw lang ang babaeng inisip ko. Ikaw lang ang minahal ko na kahit na anong mangyari, hindi na magbabago ‘yon. Lyka, I LOVE YOU!

Lyka : Talaga lang ha? Kasi ako buong buhay kita minahal bilang Jayjay, at hindi nawala iyon kahit kailan. Kahit na noon… noong hindi ko pa alam na ikaw si Jayjay, MAHAL DIN KITA! Mahal na mahal kita Noah!
Damang dama ng magsing-irog ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Lyka : Sayaw tayo! Halika, lika!

Sumayaw ang magsing-irog. Ang pamamalagi sa isla nina Noah at Lyka ay napuno ng lambingan at pag-iibigan, animo sila mga bagong kasal na nagpupulot-gata. Maligayang maligaya sina Noah at Lyka.



Lyka : Ang ganda pala dito ano? Parang sa San Adolfo.
Noah : Mas maganda ka.
Lyka : Ganda nga dito.

Noah : Halika! (umupo sila ni Lyka) Madalas mo pa rin bang maalala ang San Adolfo?
Lyka : Oo. Ikaw?
Noah : Oo naman. Lahat na yata ng pinakamaganda at pinamalungkot na nangyari sa buhay ko… nangyari sa San Adolfo.
Lyka : Pareho tayo. Alam mo tuwing naaalala ko ang San Adolfo, nang naiisip ko – ikaw saka si inay. Hindi na talaga kami nagkita Noah. Parang nawalan na ako ng pag-asa na magkikita pa kami ulit eh.

Nag-aabang si Nessa sa simbahan, kung saan niya naamoy si Clara.
Nessa : Ate Clara sana bumalik ka. Kailangan kitang makausap, ikaw lang ang pag-asa kong makita si Ulay.

Lyka : Namimiss ko pa rin sya. Kahit na medyo masama ang loob ko sa kanya, kasi bakit naman nya ako iiwan na parang tuta di ba? Ni hindi man lang sya nagpaalam sa akin.
Noah : Baka naman mayroon siyang rason, saka sigurado ako magkikita pa kayo, kung tayo nga e nagkita, di ba?
Lyka : Mahal ko pa rin sya. Namimiss ko ang mga yakap nya, tapos minsan ini-imagine ko kung ano na sya ngayon. Kung katulad ba sya ni mama Clara na istrikta pero sobrang mahal si kuya Anton, o parang si Lady Elle, napaka-regal akala mo unreachable pero sa totoo lang sobrang bait. Alam mo mahal ko yan si Lady Elle, kasi alam kong bilib siya sa akin eh.
Noah : Kaya ang hirap sa iyong paniwalaan na under surveillance ng militar ang House of Elle?
Lyka : Oo. Sa totoo lang hanggang ngayon hindi pa rin pumapasok sa kukote ko kung bakit, kasi maganda naman yong pinapakita nya sa akin. Teka lang, paano ka nga pala naging sundalo? Tapos under cover agent ka pa? Ikaw lang iyong kilala kong ganun eh, sa pelikula ko lang napapanuod yong mga agent agent na ganun eh.
Noah : Noong naaksidente tayo sa ilog, inampon ako ng kaibigan ni Tatay, kilala mo iyon – ang tawag ko sa kanya noon, Tito Leon.

Sa silid, malungkot na kinuha ni Leon ang isang larawan sa pitaka – ang kanyang mag-ina.

Leon : Patawarin nyo ako. Hindi ko kayo nailigtas sa mga taong lobo kaya ginagawa ko ngayon ang lahat para malipol sila sa tulong ni Noah. Siya lang ang malaki kong pag-asa para mabigyan ng katarungan ang nangyari sa inyo.
– Tumingin ito sa larawan ni Noah.
Leon : i’m sorry Noah. I’m sorry but this is your role, kailangan mong gampanan.

Noah : Sundalo sya. May isa siyang anak – ang pangalan Zoey. Mahala na mahal ko iyon, daig pa namin ang magkadugo.
Lyka : Close na close kayo ano? Para palang kami ni kuya Anton.
Noah : Kumusta na nga pala yung mokong na yon? Bumait na ba?
Lyka : Mabait naman iyon ano. Alam mo kung hindi dahil doon, hindi ako magsusurvived.
Noah : Dapat pala magpasalamat ako sa kanya kasi inalagaan ka nya, pero sana naman sa susunod na magkita kami – magkasundo na kami. Pero alam mo si Zoey, magkakasundo kayo n’on kasi parang ikaw iyon e … makulit din, astig, hindi nagpapatalo.
Lyka : Magsusundalo rin ba sya?
Noah : Kung ako ang tatanungin mo, okey lang.
Lyka : At least hindi ka sexest, o ganun mo lang talaga kamahal ‘yong pag susundalo. Sorry ha, nagulat talaga ako noong sundalo ka eh.
Noah : Naging sundalo ako kasi iyon ang gusto para sa akin ng nagpalaki sa akin.
Lyka : Eh ka-close mo rin ba si Daddy Leon mo?
Noah : Minsan parang mas commanding officer pa ang tingin ko sa kanya, kaysa ama – istrikto yon para sa kanya, failure is never an option. Pag nakagawa nga ako ng mali, daig pa sa military camp ang parusa sa akin.
-Binigyan ni Noah si Lyka ng pakwan.
Lyka : Para palang si mama Clara ano?
Noah : Sinasaktan ka pa rin ba nya?
Lyka : Hindi na ngayon. Noon oo pero okay na hindi na sya masyadong nananakit, puro salita lang naman eh at saka malaki ang utang na loobn ko doon.
Noah : Malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya ko sinunod ang gusto nya. Pero alam ko kaya ako nagsundalo kasi gusto kong protektahan ang mga taong mahal ko.
-nagyakap ang magkasintahan
Lyka : Ay naku! Sundalong sundalo ka na nga kasi alam mo pag kayakap kita ng ganito, parang feeling ko safe na safe ako, parang hindi ako dapat matakot, parang nabubura lahat ang masasakit, lahat na pangit na memories.
-hinalikan sa ulo ni Noah ang nobya.
Noah : Alam mo Lyka?
Lyka : O?
Noah : Sana puede kong sabihin sa iyo na safe ka pag kasama mo ako, na wala kang ipangamba kapag kasama mo ako. Sa sitwasyon ko ngayon sigurado ako, pinaghahanap na ako ng militar. Kapag umalis tayo sa lugar na ito, mag-iiba na lahat. Pero gusto ko na kahit na ano ang gawin ko, kahit na ano ang mangyari, gusto kong lagi mong isipin na ginagawa ko ang lahat para sa iyo.
Lyka : Alam ko, nararamdaman ko. Ako rin kahit ano ang mangyari, nandito lang ako sa tabi mo. Lahat kakayanin ko, titiisin ko huwag lang tayo magkahiwalay ulit.

Sa bahay nina Anton.
Clara : Anton saan ka galing? Talaga bang papatayin mo ako sa pag-aalala?
Anton : Hinanap ko lang si Lyka.
Clara : Anak, matanda na si Lyka uuwi iyon kung kailan niya gusto.
Anton : Matanda na rin ako kaya hindi mo na ako makokontrol. Kayo saan kayo pupunta? Sa simbahan na naman? Mamamanata? Sa araw-arawna ginawa ng Diyos kinakuasap mo sya, nagdadasal. May nagbago ba sa kondisyon ko? Wala, kaya huwag na kayong umasa na may mangyayaring milagro sa buhay ko ‘ma. Nagsawa na ako ng kahihintay, magsasawa rin kayo.
Clara : Hindi. Anton kahit kailan hindi.
-Iniwan ni Anton ang ina.

May ibinigay na mga documents si Don Manolo na kailangan pirmahan ni Lady Elle. Tinanong ni Lady Elle kung pumasok na si Lyka, hindi daw at may isa pang tauhan si Lady Elle na hindi pumapasok – ang bodyguard na si Noah. Nagdududa si Don Manolo na magkasama sina Lyka at Noah. Ayaw maniwala ni Lady Elle kasi hindi raw ang tipo ni Lyka ang sasama basta na lang sa isang lalaki. Pinaiimbestigahan na ni Don Manolo si Noah kung may kinalaman ang bodyguard sa pagkawala ni Lyka. Nagpasalamat si Lady Elle sa pagiging mabuting kaibigan ni Don Manolo at hindi siya iniiwan.

Pumasok sa loob ng simbahan si Nessa, nagbabakasakaling makita si Clara. Papasok si Clara sa simbahan. Natigilan si Nessa, parang naramdaman niya ang pagdating ni Clara. Nagpatuloy sa paghahanap si Nessa subalit sa ibang pinto pumasok si Clara.

Masayang nagluluto si Lyka, pinapanuod siya ni Noah. Habang naglalagay si Lyka ng pagkain sa plato, nagpasalamat si Noah na nanduon si Lyka. Nagugustuhan na ni Lyka ang lugar kasi masarap daw ang hangin. Nakatitig lang si Noah, may iniisip. Naalala ni Noah ang pagbabanta ni Gabby sa buhay ni Lyka. Tinanong ni Lyka kung bakit napaka-seryoso ni Noah, kung puede daw pa-share ng iniisip ng nobyo. Sinabi ni Noah na si Gabby ang iniisip niya. Natigilan si Lyka.

Naghahanda naman si Gabby sa pagpunta sa isla na kinaroroonan nina Lyka at Noah. May kausap sa telepono si Gabby. Narinig ni Gen. Leon ang mga sinasabi ni Gabby sa kausap sa telepono. Nagulat pa si Gabby nang makita na nandoon si Gen. Leon. Sinabi ni Gen. Leon kay Gabby na ibalik ng buhay si Noah.

Noah : Wait, wala kaming relasyon ni Gabby. Iyong nakita mo sa amiong dalawa, ginawa niya iyon para mapaglayo tayo. Siya ang partner ko sa mission ko sa House of Elle, knowing her … alam ko gagawin ni Gabby ang lahat para mahanap ako, tayo. I’m sorry pero hindi tayo puedeng magatagal sa lugar na ito. Gusto mo ihahatid kita sa Maynila, pero ipangako mo sa akin na magreresign ka, mangibang lugar ka. Ang mahalaga lang sa akin, alam mo ang panganib sa opisina nyo.
Lyka : Teka lang! Di ba kaya nga tayo nandidito kasi tahimik, malayo sa gulo. Matutunton pa ba nila tayo dito?
Noah : Kahit sandali ako man, nabuhay sa ilusyon na magiging maayos ang lahat – that I can make things work. Pero may mga bagay akong kailangang harapin.
Lyka : Di ba sabi mo wlaang iwanan? Tapos pinapauwi mo na ako sa amin. Noah paano ka? Ano ang mangyayari sa iyo?
Noah : Wala. Walang manyayari sa akin.
-Naiiyak na si Lyka sa takbo ng pag-uusap nila ni Noah.
Lyka : Ano ang mangyayari sa iyo Noah? Sabihin mo sa akin.
Noah : They will be after me, ikukulong nila ako. Pero hindi ko isusurender ang sarili ko, meron akong mga bagay na gustong imbestigahan na hindi ko magagawa kung nakakulong ako. I will be on the run, always.
Lyka : (umiiyak) Noah
Noah : Mahihirapan ka kung pipiliin mong sumama sa akin. (Niyakap ni Noah ang kasintahan) Pag-isipan mo yan na mabuti. Mahal na mahal kita. And I only want what to make you happy, to make you safe. Pero nasa sa iyo ang desisyon, ayokong mapahamak ka. Pag-isipan mo na mabuti. Bukas, bukas kakailanganin na nating umalis dito.
-Umiiyak sa pag-alala si Lyka sa mangyayari sa posibleng mangyari sa kasintahan… sa kanila.

Teaser : Nagkita na sina Nessa at Clara. Dumating sa isla sina Gabby at inaresto si Noah.

Mga Marka: , , ,

8 Tugon to “LOBO Episode 33”

  1. ptvj Says:

    tenchu ate neneng. nainip ko nung pagkatapos nilang maghalikan nagsalita pa sila ng kahaba-haba. kung ako si lyka sasabihin ko kay noah huwag na siyang magsalita, halikan na lang niya ako.

    oops, did i say that outloud?😈

    kidding aside, excited na ako pagkikita nina clara at nessa.

  2. jenny26 Says:

    ayoko kay shaina,maxado xang trying hard na maging matanda sa character nya.

  3. No Car Says:

    Ako gusto ko si trixie. gusto kong mag karoon ng friend like her. 😉

  4. ptvj Says:

    jenny26, i think shaina is a miscast on this teleserye. kung hindi lang naging cynthia, ruth, at carmela si jodi sta. maria-lacson (ang haba ng name niya!!!) siya ang bagay sa role na to.

    nocar, sana mas marami pang scenes si trixie. i like her too.

  5. ptvj Says:

    i have a couple of questions for this episode, though…

    saan galing ang mga damit nilang panligo?

    AT may nangyari ba sa kanila that night?😈

  6. No Car Says:

    Lets just presume that nothing happened to them. I-fantasia natin nangyari sa aten with Noah, instead kay lyka. haay!!! sarap managinip!!!

  7. annedito Says:

    LoL No Car!

    si shaina lang talaga ang hindi ko type dito. hindi bagay sa kanya ang role niya. lalo na when hinahabol niya sina lady elle. putcha ang pag-hawak niya ng barel parang paa niya ang mababaril niya sa nerbiyos niya.

    ptvj, magaling talaga si jodi kaya marami siyang projects. she’s also busy being anita kay lem (kung fu kids)…hehe…i think she is one of the most underrated actresses of her generation. kasi bagay sa kanya ang kontrabida, ang mayaman, ang kawawa at inaapi. lahat ng role na tinapon ng abs (yes, tinapon kasi talagang diverse ang mga roles niya), kaya niyang ganapan. i really like her and anne curtis kasi kahit kontrabida eh bagay na bagay sa kanila. unlike si juday who’s really good, but hindi bagay sa kanya ang mayaman minsan. same thing with kristine hermosa. sa totoo lang si cynthia lang ang pinapanood ko do’n sa teleserye nila piolo at claudine…hehe…galing ng pagka-sira ulo ni jodi.

  8. melit Says:

    Hi,ptvj!:) salamat sa mga updates ha.anyway,agree rin ako na parang masyadong pinilit si shaina sa role na ito.balita ko,inoffer kay heart yung role na yan pero tinanggihan ni heart kaya ayan,kay shaina bumagsak.

    agree rin ako na kung si jodi nga sana napunta yung role baka nabigyang hustisya pa.napakagaling umarte,’may sapi’ sya pag umaarte na.hehehe.pero dami rin kasing projects kaya baka conflict conflict na.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: