MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 67

by

Umiiyak si Jackie habang nagmamaneho ito pauwi. Itinigil nito ang sasakyan at kinausap ang sarili, bakit ayaw na raw nito.

Nanlulumo namang umuwi si Eli sa bahay nila ni Jackie. Nakatulala lang ito.

Pag-uwi naman ni Jackie sa mansiyon, tinanong siya ni Fidel kung saan siya galing. Sinabi niyang kinausap niya si Eli. Ipinaalala ni Fidel na noon lang naayos ang buhay niya at ipinaalala din niya ang mga dusang idinulot ni Eli sa kanya, huwag sana daw niyang talikuran si Fidel at ang mommy niya. Hinalikan ni Jackie sa noon ang ama at umakyat na ito.

Nakita naman ni Onay si Eli sa steps ng bahay nila. Sinabi ng umiiyak na si Eli na tapos na sila ni Jackie. Inakbayan ni Onay ang kuya niya.

Samantalang si JB ay nagpeperform sa isang lounge. Hindi nito ito masyadong makakanta dahil sa sakit na nararamdaman niya sa pagkamatay ni Celine. Naglasing ito pagkatapos.

Kinausap ni Corazon si JB (probably the day after). Inalok nitong samahan na lang siya ng anak sa condo ni Mateo para hindi na raw siya nag-iisa. Tinanggihan ni JB ang alok ng ina. Tinanong ni Corazon kung hindi raw ba siya nalulungkot? Walong buwan na raw ang nakakalipas, he’s fine. Sinabi ni Corazon sa anak na nag-aalala siya para sa anak.

Ipinakita niya sa ina ang isang animated clip/video(? hindi ko masyadong makita e hehehe) at sinabi niyang gusto iyon ni Celine.

Sinabi ni Eli kay Onay na hindi siya papayag na ma-annul ang kasal nila ni Jackie.

Sinabi ni Corazon kay Onay na tapos na ang pagiging secretary nito kay Corazon. Hindi agad makapag-react si Onay dahil hindi niya nagets noong sinabi ni Corazon na she earned her keep. Tuwang-tuwang niyakap ni Onay si Corazon. Sinabi ni Corazon na siguro naman daw ay ngayong medyo tumaas na ang position niya, siguro naman daw aayusin na niya ang pananamit niya.

Nagpasalamat si Onay kay Corazon, nagpasalamat din ito sa pagmamahal ni Corazon kay Mateo. Sinabi ni Corazon na hindi niya ginagawa lahat ng iyon dahil mahal niya si Mateo, sa negosyo raw walang pami-pamilya. Onay is doing her best daw kaya nagkakasundo sila. (Why don’t they send Onay to a business school? That way she’ll have more training.)

Bago umalis si Onay sinabi ni Corazon na siya ang marketing head, which means she’ll be reporting directly to JB. Natigilan si Onay sa narinig.

Nalaman ni Fidel na bala mag-apply ng trabaho ni Jackie dahil 8 months na silang walang income at paubos na ang savings nila. Sinabi ni Fidel na ibebenta niya ang sasakyan pati na ang bahay nila, basta huwag lang silang manghingi kay Eli. Jackie assured Fidel na wala silang hihingin kay Eli o sa pamilya niya.

Nasa presentation naman ng marketing si Onay. Sinabi niya na hindi niya nagustuhan ang presentation. Inesplika niya ang side niya despite JB’s annoying glances.

Naalala ni JB si Celine (sa book 1, hindi ko ata napanood iyon, basta naroroon si Celine at nagpepresent din siya). JB cut Onay off, next agenda na raw siya.

Binisita ni Jackie si Mateo sa preso. Humingi ng tawad si Mateo sa lahat ng nagawang kasalanan ni Mateo kay Jackie at sa mga pamilya niya pati na ang nagawa niya sa relasyon nila ni Eli. Ang tagal na raw hinintay iyon ni Jackie, ang mahatulan siya pero kulang pa rin daw.

Siguro raw hindi na siya mapapatawad ni Jackie, pero si Eli raw sana bigyan pa niya ito ng pagkakataon. Mahal na mahal daw niya si Eli. Sinabi ni Jackie na tuwing nakikita niya si Eli, naaalala niya ang mga nawala sa buhay niya, ganoon na lang daw iyon. Pero si Mateo raw hinding-hindi raw niya mapapatawad. Sinabi ni Jackie na at least ngayon raw patas na sila.

After the meeting, inaaproach ni Onay si JB. Para raw kasing hindi maganda na ipahiya ang isang empleyado (meaning her). Sinabi ni JB na remember that daw when she’s the boss, pero until then daw, siya raw ang magpapatakbo. Sinabi ni Onay na huwag daw siyang mag-alala mahal daw niya ang kumpanya ng tatay niya at gagawin daw niya ang trabaho niya. Umalis na si Onay.

Nag rock/mountain climbing ulit si JB (bakit wala siyang gloves?)

Nangagalaiti naman si Onay sa gigil kay JB habang nag-iisa ito sa bedroom niya. Kinausap niya si Celine, kahit na raw nakakabwisit si JB tutuparin daw niya ang pangako niya kay Celine na hindi niya iiwan si JB. Sinabi rin ni Onay na nakakamiss si Celine.

Ibinenta ni Eli ang kumpanya niya. Malungkot nitong pinirmahan ang kontrata ng sale. Nagpaalam na ito sa mga tauhan niya. Maraming sa mga staff ang kumamay at nagpasalamat kay Eli.

Iminungkahi ni Mateo kay Eli na tulungan na lang daw nito si Corazon. Para raw kasama na niya si Onay at JB sa pamamahala sa kumpanya nila. Tumanggi si Eli, mas gusto pa raw niya ang simpleng buhay. Mas masaya pa raw siya noong simple lang ang buhay niya…kasama si Jackie.

Pag-uwi ni Eli nakatanggap siya ng notice para sa hearing ng annulment nila.

Pinuntahan ni Eli si Jackie at sinabi niyang hindi siya pipirma at wala siyang makukuhang annulment. Pilit nitong isinakay si Jackie sa sasakyan niya. Noong una nanlalaba si Jackie pero natigilan na ito noong narealize niyang galit na galit si Eli…

Mga Marka: , ,

18 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 67”

  1. dnj Says:

    matatapos na ba itong mskm b2?? bali-balita lang, totoo ba?

  2. ptvj Says:

    dnj, according to wikipedia 80 episodes lang daw ang book2. wala naman akong mahanap na ibang articles to confirm it.

  3. annedito Says:

    hay nako…bumabalik ang book 1. di ba si jb noon eh masungit kay celine sa office nila? he was still with jackie, but was in-love with celine all along. baka mangyari na naman kay onay yan. tapos si pong…este eli pala, kidnapin si jackie. tapos magkaka-amnesia ulit si jackie at nalimutan ang kasalanan ni eli at mateo sa pamilya niya…lol…naiinis na talaga ako sa show kasi wala na si celine.

  4. NoCar Says:

    kung matatapos na, siguro hindi na matutuloy ang annullment nila jackie and eli. bumait na rin naman si mateo kay eli, mukhang magkakasundo na rin sila corason and onay. si fidel na lang and hinihintay natin magbago. para magkabalikan sila eli and jackie. ahh si jb pala eventually magkakasundo na rin sila ni onay. ayyy.. si lena pa pala damay na rin sya pag nag sisi at kung magbabago na si fidel.

  5. EDGE Says:

    hindi nako excited sa ending…. exciting kung si eli will be dead also para total disaster…para sobra ang pagsisi ng mga nagmamahal sa kanya (lalo na si jackie at amang)…tapos si lena maaksidente at mabubulag,,, yung magiging doktor nya kamukha ni joaquin (maging sa kilos at ugali, pwedeng long lost twin)…kay jb naman, (ayoko maging sila ni onay) i want him to manage (HAVEN)…and then magkakaroon ng pasyente na katulad ni celine nung pakawala pa ito, tapos babaguhin nito ang buhay nya ni jb.

  6. jbeline Says:

    guys,do you think magiging c onay at jb?db mas maganda kung patayin nrn nila c jb kesa mapunta sya ky onay!

  7. jenny26 Says:

    mukhang d nila gagawin magkatuluyan sila onay at jb.mag pinsang buo sila.kahit d walang dugo na magkapareho sa kanila eh magpinsan pa rin sila.

  8. jbeline Says:

    mg-pinsan ba sila?di naman eh..iba ang nanay ni eli ky onay db?sa march28 na ba ang ending?

  9. jbeline Says:

    sana kunin na ni celine c jb..heheh!

  10. jbeline Says:

    magkaiba ng nanay c eli at onay kya di cla magpinsan ni jb..

  11. EDGE Says:

    hindi sila mag-pinsan….
    ang nanay ni jb si corazon at tatay nito foreigner
    ang nanay ni eli si gloria (na kapatid ni corazon) at ang tatay si Amang
    ang nanay ni onay si angel aquino at ang tatay si Amang
    …..at hindi dapat na si onay at jb ang magkatuluyan.

  12. zeny cabrejas Says:

    I got depressed when Monique died. Moreso when Celine died. I don’t like Celine leaving and Onay to take her place. Celine is such a sweet lady. Ibang klaseng chemistry nila ni JB. I can’t tell the same with Onay.
    Medyo naguluhan ako sa mga episodes nyo. the sudden change of attitude(s). Why was Derek suddenly axed? He was killed even before his presence be felt.
    It seems that Book 3 is inevitable with new characters. However, baka di ko na panoorin kasi wala na iyong isa sa mga main characters, si Celine. I love MSKM: Book 1 more. Pwede bang buhayin si Celine? wala ba syang kakambal para ma-ressurect ang pagmamahalan nila ni JB? Nalulungkot kasi ako, e. Nag-aaway pa sina Elie at Bea. Parang walang katahimikan.

  13. zeny cabrejas Says:

    di ko maintindihan yung : ” Your comment is awaiting moderation”. on my comment?

  14. ptvj Says:

    hi zeny, i have to approve first time commenters kasi para maiwasan ang mga pasaway. next time na magcomment ka diretso na sa comment box (as long as you use the same email address, i think). thanks for the comment and welcome sa ptvj🙂

  15. jenny26 Says:

    magpinsan sila. si JB pinsan si Eli, si Eli kapatid si Onay,kahit d sila blood related magpinsan pa rin sila.at ngaun magkapatid na sila.dahil nanay ni jb ay asawa na ng tatay ni onay.

  16. dnj Says:

    agree ako dun sa itaas… sana patayin na nga rin lang si jb para magkasama sila ni celine sa heaven.

  17. dumbako Says:

    siguro, may MSKM3 talaga at doon nila sasagutin lahat ng tanong natin,hehehe. baka mag appear uli si derek at celine in a different character. maybe sa book 3 na rin nila aayusin ang gulo nina eli at jackie at fidel. haaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyy.

  18. jenny26 Says:

    katulad sa book 1 ung mga tanong na naiwan sa book 2 sinagot.pero mas riot sa book 2.haha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: