LOBO Episode 32

by

Nakatulog na sa pagbabantay kay Noah si Lyka. Kinaumagahan ay halos sabay na nagising sina Noah at Lyka.

Lyka : Kumusta na ang pakiramdam mo ha? Okey ka na ba? (tumango at ngumiti si Noah) Mabuti naman. Natakot ako sa iyo kagabi eh kasi sobra kang nagchichill tapos ang taas taas ng lagnat mo, hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko eh. Pasensya ka na nga pala kung medyo mabaho ka ngayon ha, kasi

Noah : Okey na ako. (hinawakan sa buhok si Lyka) Salamat! Pasensya ka na, dapat ako ang nag-alaga sa iyo, sundalo pa naman ako, ikaw pa ang nag-alaga sa akin.

Lyka : Naku! Ano ka ba? Eh kahit naman sundalo hindi naman super hero, di ba? Nasasaktan din at saka kasalanan ko naman ito eh, kaya ayan. Naku! Teka nagugutom ka na ba? Sandali lang ha, naunahan mo kasi akong magising kaya hindi pa ako nakakapag-prepare ng breakfast eh. Steady ka lang diyan ha, breakfast in bed coming up.

Excited na lumabas ng kwarto si Lyka upang maghanda ng almusal. Pagkalabas ng silid ay nagpasalamat si Lyka kay Lord – sa paggaling ni Noah. Naghagilap ng mailuluto si Lyka – instant noodles at sardinas.

Umuwi na sa bahay ang mag-inang Clara at Anton. Hinanap kaagad ni Anton si Lyka, nang aakyat na si Anton upang puntahan si Lyka sa silid nito ay pinigilan ni Clara ang anak-anakan na kesyo natutulog daw si Lyka at hindi magigising. Niyaya ni Clara na magbakasyon ang anak para daw makalanghap ng fresh air si Anton, pero sinabi ni Anton na hindi magagamot ng sariwang hangin ang kondison niya.

Dumating si Trixie, nagpakilala ito sa mama Clara ng kaibigan at hinahanap nito si Lyka. Wala daw doon si Lyka, ang pasupladang sagot ni Clara. Lumabas si Anton at sinabi sa ina na wala sa loob ng bahay si Lyka. Nakita ni Anton si Trixie, nataranta na naman si Clara at pilit nitong iniiwas na maka-usap ni Anton si Trixie. Lumabas ng gate si Anton at kinausap si Trixie. Nagtaka si Anton dahil hinahanap ni Trixie ang kaibigang si Lyka, sapagkat ang alam niya ay magkasama sina Lyka at Trixie sa party noong kaarawan ng pinsan. Sinabi ni Trixie na biglang nawala si Lyka sa party. Ayon kay Anton, ay hindi daw ugali ni Lyka na umalis ng hindi ipinapaalam sa kanya at wala siyang alam na ibang kaibigan sa office si Lyka kundi si Trixie lamang. Tinanong ni Anton si Trixie kung may nanliligaw kay Lyka – wala naman daw, sabi ng kaibigan ni Lyka.

Nagmungkahi si Don Manolo kay Lady Elle na magbakasyon, tumanggi ang babae kasi kahit hindi daw siya ang punong bantay ay may katungkulan pa rin siyang dapat gampanan. Pag nawala daw siya ngayon ay lalo siyang kakikitaan ng kahinaan ng mga Waya. Dumating si Selina.

Kinuha ni Anton ang susi ng sasakyan niya para hanapin si Lyka, pingilan siya ni Clara.
Clara : Anton saan ka pupunta?
Anton : Hahanapin ko si Lyka at baka kung napaano na iyon.
Clara : Anton, ano ka ba? Mahina ka pa, eh hindi ba katatapos …
Antin : Katatapos pa lang ano? Pagiging halimaw ko? Natatakot ka ba na baka may masaktan akong tao? ‘ma hindi ako papayag na may masamang mangyari kay Lyka, at lalong mas hindi ako titigil hangga’t hindi ko siya nahahanap at naibabalik dito.
Umalis na si Anton para hanapin si Lyka.

Pinuntahan ni Selina Argos si Lady Elle, upang magpaliwang kung bakit niya “iniwan sa ere” si Lady Elle.

Selina : I came here to … Please, let me explain

Lady Elle : Saan? Sa pagtatraydor mo sa akin? Binitawan mo ako sa panahong kailangang kailangan kita.

Selina : Sorry, I really am.

Lady Elle : Simple lang ang hiningi ko sa iyo. Magsabi sa akin ng totoo, sa findings ng test sa dugo ni Lyka.

Selina : Noong hiniling mo na humarap ako sa pulong, I had to make a choice – kampihan ka at pareho tayong mawalan ng kapangyarihan sa Council o papaniwalain silang lahat na tinalikuran kita, manatili sa posisyon ko bilang researher at maging kapakipakinabang pa rin sa iyo.

Lady Elle : So what’s it for you?

Selina : Like you Lady Elle, I believed na posibleng si Lyka ang huling bantay. Pag mahanap mo siya, papatunayan ko sa iyon na kakampi mo ako.

Dinala ni Lyka ang mga nilutong pagkain sa kwarto. Inalalayan ni Lyka si Noah na makaupo ng maayos sa kama. Sinubuan ni Lyka si Noah, pinakain ng marami para raw bumalik agad ang lakas.

Noah : Okey na ako, nahiya na ako e.

Lyka : Kulang pa nga ito para sa mga ginawa mo sa akin eh. Niligtas mo ‘yong buhay ko,ikaw naman ang napahamak. Sobrang tigas kasi ng ulo ko eh, kung hindi ako tumakas hindi ka masusugatan, hindi ka magkasakit.

Noah : Wala iyon. Okey na ako diba? At saka malayo sa bituka ‘yan. Huwag mo nang iisipin iyong nangyari kahapon, sundalo ako – sinusuong ko ang buhay ko para sa kapakanan ng ibang tao, lalo na sa pinaka-importante sa buhay ko.

Lyka : Salamat ha.

Noah : Kain ka na rin, sabayan mo ako.

Lyka : Gutom na nga rin ako eh.

Nagsubuan na ang dalawang magkaibigan.

Pumunta sa simbahan si Clara.

Clara : Hindi ako perpekto, pero hindi rin naman ako masamang tao. Diyos ko! isa lang akong ina na nagmamahal sa anak nya. Kung anak din ang turing mo sa amin, kung totoong mabuti ka, kung totoong may malasakit ka sa mga nilalang mo – alisin mo naman ang sumpa sa anak ko. Alisin mo na ang sumpa kay Anton. Hanggang kailan ba ako maninikluhod sa iyo para mapakinggan mo ako. Nagmamakaawa ako alang-alang sa anak ko. Patuloy akong maninikluhod sa iyo, gagawin ko ang lahat alang-alang sa anak ko. Gagawin ko lahat. LAHAT para kay Anton.

Nang mga sandaling iyon ay nasa labas ng simbahan ang tila pulubi ang ayos na si Nessa na patuloy na naghahanap sa anak na nawalay, umupo sa bangketa sa harap ng simbahan si Nessa.

Bago lumabas ng simbahan ay nagtirik muna ng kandila si Clara. Sumakay ng tricycle si Clara. Pagdaan ng sinasakyan ni Clara, ay tila “naamoy” ni Nessa ang kapatid.

Inaamoy-amoy pa ni Lyka ang brief ni Noah na nilalabhan.

Lumapit si Noah, nahiya ang binata at pilit kinukuha ang brief niya kay Lyka pero ayaw itong ibigay ng dalaga. Inutusan ni Lyka si Noah na pumasok sa loob ng bahay. Sinabi ni Noah na daig pa daw ni Lyka ang commanding officer niya kung makautos, pero kahit naman daw noong maliliit pa sila ay palagi niyang sinusunod ang gusto ng babae. Napapakamot ng ulo na umalis si Noah upang pumasok sa loob ng bahay.

May hinahanap si Lyka, nang hindi makita sa loob ng bahay ang hinahanap ay lumabas ito, sumunod sa kanya si Noah.

Magkakausap na naman sina Gen. Silva, Gen. Leon Cristobal at Gabrielle Dizon. Naiinip na ang misteryosong heneral sa kawalan ng resulta sa paghahanap kay Lt. Noah Ortega, at ayon sa heneral ay walang silbi ang LUNA mission kung patay na si Noah. Pinababalik na buhay ng heneral kay Gabby ang nawawalang si Noah.

Patuloy pa rin sa paghahanap si Lyka, ayaw nitong sabihin kay Noah kung ano ang hinahanap niya. May napansin si Noah sa lupa, kinuha niya ito – ang MOONSTONE ni Lyka.

Noah : Di ba pangako natin sa isa’t isa na hindi natin iwawala ang moonstone natin kahit na ano ang mangyari (ipinakita kay lyka ang moonstone). Ito ha, palagi mo lang ito winawala.

Lyka : Nalaglag ko lang, hindi ko lang napansin.
Nang kinukuha na ni Lyka ang moonstone niya ay hindi binitawan ni Noah ang kamay ni Lyka … at sila ay nagtitigan.

Patuloy pa rin sa paghahanap si Anton kay Lyka. Habang nagmamaneho ay tinawagan nito sa cellphone si Ms. Dara, officemate ni Lyka. (Hoy Anton! Bawal iyang ginagawa mo na habang nagmamaneho ay may kausap sa phone). Hindi rin alam ng kausap ni Anton kung nasaan si Lyka. Sinabi ni Ms. Dara na siguro si Noah ang kasama ni Lyka, pero hindi rin daw siya sure kasi wala rin sa party si Noah. Napaisip si Anton sa sinabi ng officemate ni Lyka.

Magkahawak kamay pa rin sina Noah at Lyka. Nang maghiwalay ang kanilang mga kamay ay pabirong hinampas ni Noah sa likod si Noah, tinamaan ang sugat ng binata at nasaktan ito. Pumasok na sa loob ng bahay si Lyka, sumunod sa kanya ang napapangiwi pa rin sa sakit na si Noah.

May kausap sa phone si Gabby. Na-trace na ng kausap ang cellphone number ni Lyka
Raymundo.

Nasa labas ng bahay sina Noah at Lyka, tinatanglawan sila ng liwanag ng buwan. Ikinuwento ni Lyka na noong nagdedeliryo si Noah, ay panay ang hingi ng sorry ng binata kay Ulay sa hindi nito pagkakaligtas sa kaibigan noon sa ilog. Nagmoment ang dalawa, binalikan nila ang alaala ng kabataan nila.:

Hindi daw nakakalimutan ni Noah ang mga sandaling iyon, at ang pangako niya na babantayan niya si Ulay. Napabayaan daw niya ang kaibigan at nalunod ito, halos gabi-gabi ay iyon ang laman ng panaginip niya. Pero hindi lang naman daw iyon lang ang alaala niya sa kaibigan, nadoon din iyong masaya sila… nagkukulitan… naglalaro at saka iyong moonstone na bigay ni Ulay ay hindi kailanman nahiwalay sa kanya, kahit saan siya makarating … kahit saan siya pumunta … dahil iyon ang nagpapaalala sa kanya sa kaibigan … sa lahat ng mga malulungkot na nangyari … sa lahat ng hirap … ang moonstone ang nagpapaalaala sa kanya (Noah) na minsan ay naging maganda ang buhay niya, dahil sa bestfriend niya. Sinabi rin ni Noah na minsan ay may naniwala sa kanya na kaya niyang ibigay ang kaharian, lahat ng wish, pangitiin palagi. Sinabi ni Lyka na hindi na niya kailangan ang kaharian. Humingi ng sorry si Noah, dahil nabigo niya si Lyka, nasaktan, ginulo ang buhay at hindi na si Jayjay ang tingin nito sa kanya.

Lyka : Tumahimik ka nga dyan. Ikaw naman kasi, sobra iyong kalokohan mo. Pero sa totoo lang kong pinapahalagahan (?) ang mga panahong iyon … na meron akong isang kaibigan na alam kong hindi ako iiwan na kahit ano, noong mga panahon na nagkalayo kami, iyong inakala kong patay na siya, alam ko… na ramdam ko na hindi nya ako iniwan (lumuluha) na nandiyan lang siya, nagbabantay. Sa lahat ng saya, sakit … sasabihin sa akin na okay lang yan, kaya mong harapin ang kahit na ano. Isang Ulay na iyakin, na gustong maging reyna ng isang kaharian. Alam mo pag naiisip ko yon, kahit na anong lungkot … lumalakas ulit ako.

Noah : Huwag ka nang umiyak. Di ba sabi ko sa iyo Ulay, ayokong nakikita kang umiiyak.
Lyka : Pagkatapos nakilala ko si Noah. Masungit pero lagi pa ring nakabuntot, kahit na biglang nanghahalik, biglang nananakit, concerned pa rin. Sinave ako sa ring peace (ha?!), tapos biglang bumait sa akin, tinupad iyong mga wish list ko, nandiyan palagi sa tabi ko … iyon ‘yong Jayjay na nakilala ko.
Nangako si Noah na hindi na niya iiwan si Lyka.

Noah : Hindi sa tala sa langit

Lyka : Kundi sa buwang nakasilip

Noah & Lyka : Dinggin ang hiling ng matang nakapikit.
Kung gusto daw ni Lyka ang “magic embrace”. Nagkulitan ang dalawang magkaibigan.

Lyka : Salamat ha, dahil dumating ka sa buhay ko. At saka salamat (hinawakan ang moonstone ni Noah) dahil inalagaan mo ito ng husto.

Ibinigay ni Noah ang moonstone niya kay Lyka.

Noah : Itago mo yan ha. Diyan ko lang sinasabi ang lahat… ang lahat ng pagmamahal ko para sa iyo…

Teaser : Sweet / romantic moments nina Noah at Lyka.

Mga Marka: , ,

5 Tugon to “LOBO Episode 32”

  1. ptvj Says:

    nagbabasa palang ako kinikilig na ko. bwahahah!

  2. NoCar Says:

    oo nga ptvj, 2 days na akong hindi nanunuod. super exicted na akong kiligin. šŸ˜‰

  3. annedito Says:

    lol ptvj…mas kikiligin ako kung ako si lyka (sigh). suwerte naman ni angel…sana ako na lang.

  4. thess Says:

    harlemkid08 if you want to watch the video, 32 episodes yata ito.

  5. ptvj Says:

    thess, nasaan si harlemkid08?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: