MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 66

by

Nasa tabing dagat ang lahat nang nagmamahal kay celine para sa kanyang huling paalam at alaala. Kinuha ni jb ang abo ni celine habang ang kanyang mga mata ay lumuluha, pati puso’t kaluluwa ay malungkot sa pagkawala nang kanyang tanging mahal. Isinaboy ni JB ang abo ni Celine sa may dagat, pagkatapos ay ipinasa nya ang abo kay jackie. Bago isinaboy ni jackie ay hinalikan muna ang isang dakot na abo ni Celine. Ipinasa nya ito kay eli, lahat sila ay luhaan. Pagkatapos ni eli ay ipinasa nya kay Onay. Ibinalik ni onay kay JB ang abo at ito ay niyakap ni JB habang nasa tabi naman si Corazon (na hindi umiiyak.)

Pagkatapos nang malungkot na seremonya para kay Celine, nakita ni Jackie na mag-isa si JB na malungkot na nakatingin sa kawalan, nakasandal sa puno, malapit sa tabing dagat. Pinuntahan nya ito para makiramay sa kanyang kalungkutan. Sinabi ni JB na everything’s gonna be alright, tumango naman si Jackie. Sa di kalayuan ay nakamasid si Eli sa kanila, malungkot din. Paglakad palayo ni JB ay nakita nya si onay na tinitingnan ang kanilang scrapbook ni Celine. Sumakay na nang bangka si JB, dala dala ang abo ni Celine at ang kanyang gitara.

Si corazon naman ay nakatingin kay jb nang umalis ito sakay nang bangka at nang makaalis ang bangka ay saka nagmuni-muni si corazon. Humingi nang tawad si corazon kay celine: “I am sorry…for never…having given you the chance. For never having embraced you in this life…and now, now it’s too late, I know, I know. But I promise you this; I will take care of your JB. I will love him for the two of us. Rest well celine, rest well. Rest well.” she offered some flowers for celine and she let it carried away in the waves of the sea.

Nag rock climbing si jb, at pagdating sa may tuktok ay umiyak sya, lungkot na lungkot dahil sa pagkawala ni celine.

Nagpunta si eli sa kulungan para bisitahin si amang. Sinabi ni amang na matibay si jb at malalagpasan din nya iyon, panahon lang ang kailangan. Tinanong ni amang kung umuwi na ba daw si jackie, tumango si eli. Nalungkot si amang kay eli dahil tuluyan na daw syang iniwan nang asawa. Pabalang na sinagot ni eli na ito naman ang gusto ni amang. Humingi nang paumanhin si eli dahil nabigla lang daw sya.

Sa opisina naman ay nakita ni onay si jb, nang kakamustahin nya ito ay hindi sya pinansin ni jb, nilampasan lang sya nang parang walang narinig at nakita. Tumuloy si jb sa opisina ni corazon. tinanong ni corazon kung ano ang ginagawa ni jb doon, samantalang ilang araw palang namamatay si celine. Matigas na sinagot sya ni jb na life goes on and if she expects him to run the company, he cannot do it with tears in his eyes. Sinabi ni corazon na kung nalulungkot si jb, there’s no point in keeping it in. iiyak nalang daw nya kung ano ang dapat iiyak. Isigaw nya ang lahat nagn sama nang loob. Sarcastic na tinanong ni jb kung bakit ngayon ay concerned si corazon? ni hindi naman daw gusto ni corazon si celine before. Hindi agad nakasagot si corazon.

Corazon: God knows I tried.

Jb: Well you didn’t try hard enough. And ngayon, wala na sya. (Onay was about to enter corazon’s office and heard their conversation.) You must be so relieved that you don’t have to put an act anymore.

(Corazon slapped JB on the face. Onay was shocked.)

Corazon: Sorry, I’m so sorry…(JB left the office.)

Onay didn’t know what to do. Corazon felt weak.

Onay: tita…tita…(she then hugs corazon.)

– While jackie is packing Celine’s things, she smelled one of her scarf to remind her again of Celine’s scent. Her cellphone rang – it was Lena. When Jackie answered it, Lena won’t say hello, she just want to hear Jackie’s voice.

Jackie: Who’s this please? Hello? (then hangs up.)

– In the storage room, JB is so mad and didn’t know what to do. Onay followed him there.

Onay: ah…sir jb?

Jb: just leave me alone, alright?

Onay: ah…nasaktan nyo ho ang nanay nyo doon ah. Nag-aalala lang naman sya sa inyo eh. naku, pag nalaman ni mam celine na….

Jb: SHUT UP! DON’T BRING CELINE INTO THIS! (then walks out.)

Onay: ANO BANG PROBLEMA NYO HA? ANO BANG GINAGAWA NYO SA SARILI NYO?

JB: (looked back) WHAT DO YOU WANT TO HEAR? JUST TELL ME WHAT YOU WANT TO HEAR, SO YOU CAN SHUT UP! (walking towards her) DO YOU KNOW HOW I FEEL? I’LL TELL YOU HOW I FEEL ONAY…I wanna die. I WANT TO DIE! I WANNA DIE RIGHT NOW ONAY!

Onay: (acting tough) GUSTO NYONG MAMATAY? O DI SIGE MAGPAKAMATAY KAYO! AKALA NYO MATUTUWA SI MISS CELINE SA GAGAWIN NYO? AKALA NYO MAGIGING MASAYA SYA? HOY, PARA SABIHIN KO SA IYO, KUNG MAGKITA MAN KAYO NI MISS CELINE, PAPATAYIN KA NYA ULIT PAG NALAMAN NYANG NAGPAKAMATAY KA!

(jb walks out again.)

Onay: sir jb! hindi lang naman ikaw ang taong nasaktan! May mga taong nag-aalala sa iyo, ang nanay mo…isipin mo naman sila! (jb walked away.)

– Eli and Onay visited Pong.

Pong: diba nung bata tayo panay ang sabi mo na gusto mong magkaroon nang kapatid na babae? O kitam? Kung kelan ka tumanda saka pa natupad ang pangarap mo!

Eli: ang galing mo naman kuya, naalala mo pa iyon? ang tagal tagal na nun ah!

Pong: aba’y oo! syempre, lagi mong sinasabi sa akin iyon eh! saka gusto ko din naman (he tells onay.) kaya ka nga binibihisan ni mamang na damit pang-babae noon diba?

Onay: (laughs) talaga?! Ang saya nyo siguro noon no? kayo ni kuya eli wala kayong ginawa kundi mag-alaskahan.

Pong: ay oo, wala kaming ginawa kundi mag-alaskahan! Pero ngayon, kasama ka na doon!

Onay: ay naku, walang problema doon kuya pong no! sanay ako doon!

Pong: ayos! Hahaha!

(when pong and onay were left alone, while eli is busy texting…)

Pong: alam mo onay, nagpapasalamat ako dahil dumating ka sa buhay ni eli. Buti nandyan ka para suportahan sya. Lalo na ngayon, ang dami daming nangyayari sa buhay nya. napapaisip nga ako eh, sana…sana bumaba na ang parole ko para masamahan ko na ang kapatid ko. naaawa na ako sa kanya eh.

Onay: hayaan mo kuya pong, hindi ko pababayaan si kuya eli. Ang tagal nang panahon na kailangan naming ——-. Ipinapangako ko sa iyo, susubukan ko talagang maging mabuting kapatid kay kuya eli. (pong is happy to hear that from Onay.)

– It’s another hearing for amang’s case. Jackie is still cold towards eli, while eli is still hoping even a glimpse from jackie.

– Jb continues to go on with his life, still missing celine so much. He went to work and found a letter on his desk from his mom – “Dearest Jaime, I’m sorry….Mom.”

– Onay continues to please corazon, but her best wasn’t (always) good enough.

– Jb continues to ignore Onay, even if he sees her at work.

– Fidel continues to gamble and lose; coming home drunk.

– Eli is so busy at work, being alone in the company, shouldering all the burden.

– Jackie secretly went to their house (just outside), hoping to see Eli.

– Eli’s life and house is a mess.

– Lena continues to serve in the convent.

– Hearing goes on for amang’s case.

– Jackie went to visit her mom’s grave. Eli saw jackie but didn’t disturb her, he just drove away.

– Months have passed; Onay and Eli still visit Amang.
After 8 months…

Lady: the court finds the accused, Mr. Mateo Romualdez, guilty beyond reasonable doubt for the murder of Monique Madrigal. (Jackie and Fidel felt happy and relieved. Eli and Onay felt sad, corazon was shocked.)

– Onay talks to Amang.

Onay: (crying and clinging on amang’s arm) tay, baka pwede tayong umapila, hanggang sa makarating tayo sa supreme court, sige na…kung kailangan.

Amang: hindi na Onay. Hindi na.

Onay: tay…huhuhu…tay….

– Jackie went to her mother’s grave.

Jackie: (sitting) matatahimik ka na ma. Nakuha na natin ang hustisya. Pero bakit ganon? ang bigat bigat parin nang pakiramdam ko?

– Eli visited amang.

Amang: nung kinailangan ko nang kasama, hindi mo ako iniwan. Maraming salamat sa iyo eli. Maraming salamat sa iyo. (he put his hand on eli’s shoulder.) huli na ba para aminin kong nagkasala ako? Sa iyo…sa maraming tao. Panahon na siguro talaga para pagbayaran ko ang mga kasalanan ko. (eli felt sad.) gagawin ko iyon dito sa loob eli. Kaya huwag mo na akong alalahanin ha? Ang gusto ko lang sana…asikasuhin mo naman ang buhay mo. ang buhay mong ginulo ko. (amang hug eli.)

– at home, eli called jackie.

Eli: Jackie, nagmamakaawa na ako sa iyo. please, mag-usap tayo, kausapin mo ako. Magkita tayo.

(that night, the two met on the street.)

Eli: pwede ka na bang umuwi? Tapos na yung kaso jackie. Jackie, mahal kita. mahal na mahal parin kita. at kahit pa noon, na halos hindi tayo nag-usap, wala namang nagbago eh. (eli took out Jackie’s wedding ring in his pocket and took her hand.) magsimula tayo ulit. (he wore it on jackie’s finger.)

Jackie: (crying) masyado nang maraming nangyari. (she took the ring off and gave it back to eli.) hindi ko na alam kung sino ako, kung sino ka. yung mga panahong hindi tayo magkasama, ang gulo gulo.

Eli: pwede naman nating subukan ulit eh.

Jackie: (shook her head and stepped backwards) nakapagdesisyon na ako.

Eli: anong ibig mong sabihin?

Jackie: gusto ko ulit makapagsimula nang buhay…mag-isa. Magfi-file ako nang annulment. (then she left eli, went to her car and drove off. Eli was so shocked.)

Teasers:

– Onay: (calling celine from up above) Miss celine! Paki batukan nyo nga ho ang asawa nyo para matauhan! Bossing (God) baka naman pwedeng pa-segway kay Miss celine baka sakaling naririnig nya ako.

– Jackie met with amang in jail.

Amang: baka pwedeng bigyan mo pa sya nang isa pang pagkakataon.

– Eli’s life is a mess. Jackie felt unhappy too.

– Eli went to confide to Onay.

Eli: onay, iniwan na nya ako. Hindi na nya ako mahal.

– Eli received the petition for annulment.

– Eli abducted (not sure thought) Jackie. In the car, Jackie is hysterical, hitting eli and trying to escape.

Mga Marka: , ,

29 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 66”

  1. annedito Says:

    talagang wala ng pag-asa na bumalik si celine. hindi lang siya pinatay, sinunug pa. at heto na naman tayo kay jackie and eli. diyos ko naman, parang book 1 ulit no…kidnapin na naman si jackie. tapos si jb na-depress at baka maging palaboy ulit siya sa isla.

  2. ptvj Says:

    oo nga wala ng bawian, patay na talaga siya, yan nga at abo na. naaawa tuloy ako kay jb. bakit ba pinipilit nilang magsaya, siempre namatayan iyon tao dapat give him time to grieve.

    thanks pala miss ara for doing the text update for today🙂

  3. nawawala Says:

    ang mangyayari nito, pagkatapos ma-annul ng kasal nila eli, magliligawan sila ulet, tapos magpapakasal na naman sa huling-huli.. tapos si onay ang tutulong kay JB maka-move on tapos sya na ang ka-date ni JB sa kasal nila eli at jackie, tapos magtitinginan sila at mag-ma-mouth ng “i love you” or “mahal kita”… bwehehehe.. bwiset eh, no! wag sana…

  4. NoCar Says:

    new chapter naman sa buhay ni JB. Parang hindi tayo sanay na hindi si celine ang love life niya. siguro in the end hindi rin magkakatuluyan sila jb ang onay. maybe they get close to each other like almost sila na, pero hindi pa rin sila kasi hindi masisikmura ni onay dahil best friend nya si celine.

    about eli and jackie saan pa patutungo eh magkakabalikan din yan. ang tanong paano? hindi ko ma maimagine sa ngayon. kayo ano sa palagay nyo ang pwedeng mangyari para mag kabalikan sila?

  5. Chdom Says:

    I don’t get it? Isn’t Jb & Onay cousins because she is Eli’s sister? How could they get together? I must be missing something… My fault though cuz I only watched Jb/Celine scenes. To me they were MSKM!

  6. ptvj Says:

    they’re only cousins in law because jackie and celine were the ones who were actually cousins.

    BUT they are also step-siblings because jb’s mom and onay’s dad just got married.

    i guess they don’t really care (if the writers really want them to be together) because even though they are step siblings they didn’t grow up together. i think.

  7. anonimuz Says:

    Eli’s mom is Gloria… she’s not onay’s mom… si angel aquino nanay niya… si eli cousin ni jb kasi mgkptid nanays nila

  8. ptvj Says:

    ay tama si anonimuz. nakalimutan ko si gloria. bwahahaha!

  9. jenny26 Says:

    i think sa ending ng series na ito eh walang magiging masaya.lahat sila eh magiging single.at OO mag pinsan si onay at jb at i dont think they will be paired together.

  10. joeyboi Says:

    ano po yung title nung kanta dun sa scene na nag papaalam sila kay celine ganda eh..

    please tell me.. ^_^

  11. annedito Says:

    onay and jb aren’t cousins. they’re step-siblings. kadiri pa rin no…that’s like social incest. and plus, ginawa ng teleserye ni claudine at piolo yun setting na yon…hehe…at yung pagka-MU nila, di ba in real daw nag-MU na si toni at sam? wala na talagang imagination ang mga writers. well, baka bitter lang ako kasi pinatay na si celine…hehe

  12. NoCar Says:

    sa tingin ko pa-cute lang ang relation nila sa MSKM2. parang super bestfriend lang. or sana si onay lang ang may pagnanasa like the begining of the story. then si jb parang best friend lang ang turing nya tulad ng turing ni celine. ok ako sa ganoon relationship. gaya nga ng binitiwan salita ni celine “…and our love… it was the best!” ……so doon palang sinasabi na talaga hindi magkakatuluyan sila onay and jb. (baka multuhin sila celine.

  13. leviluv Says:

    There has to be one good thing that can happen in this teleserye. Since Celine is dead, dapat and love story ni Eli-Jackie matuloy, otherwise what is this teleserye for. MSKM Book 1 will be useless. Anyway it is still a good story so long as everybody behaves in the end.

  14. dnj Says:

    ay kainis pa rin kasi namatay si celine! sana magkatuluyan pa rin sila ni jb sa kabilang-buhay… grabe ba? di ba? a love story as great as theirs will transcend this life… they will be lovers til forever. haaay!

  15. ptvj Says:

    dnj, baka love triangle na naman sila “up there” with brian😈

  16. NoCar Says:

    ha!!! ha!!! ha!!! love triangle sa langit!!!!!

  17. annedito Says:

    hahaha…you guys are so funny. meron ng lyka si brian…ay wrong show pala.

  18. EDGE Says:

    i hate it…now that celine is dead, i don’t feel watching MSKM anymore.

  19. joeyboi Says:

    ano po yung title nung kanta dun sa scene na nag papaalam sila kay celine ganda eh.. ^_^

    please tell me.. ^_^

  20. dumbako Says:

    pwede namang gawin nilang multo si celine “MSKM3 patayin sa sindak si onay” joke lang hehehe

  21. ptvj Says:

    joeyboi, yun bang can’t cry hard enough ang tinutukoy mo?

  22. dnj Says:

    bakit nga pala dun sa farewell party ni celine eh wala yung anak ni brian? di ba stepmom na siya nun? naitatanong lang….

  23. ptvj Says:

    tama! bakit nga pala wala siya. at saka sana kahit na hiniram muna nila si mama clara sa lobo tapos binihisan nila ng sosyal at saka pinaiyak ng kaunti at least nakita natin siyang nag-grieve.

  24. EDGE Says:

    JOEYBOI,

  25. EDGE Says:

    JOEYBOI, “can’t cry hard enough”…..
    …….yung kasama nya si celine para kantahan ni JB thru guitar, the title is ” You and I”

  26. joeyboi Says:

    tol slamat i love you

  27. dumbako Says:

    ptvj, siguro nahirapan silang humiram kay clara sa lobo kasi baka nagpalit na rin siya ng balat, nalilito sila kung anong gawin nila hehehe

  28. annedito Says:

    lol…buntis si mama clara…este imelda magsaysay pala. nasa states daw siya and very fragile ang pregnancy niya. sabi ng doctor hindi siya puwedeng mag-travel let alone mag-flight. baka naman sa book 3 eh manganak siya tapos reincarnation ni celine yung anak tapos liligawan ni jb kahit 30 years ang agwat nila.

  29. jenny26 Says:

    haha ang sagwa naman nun.haha baby tapos si jb.haha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: