LOBO Episode 31

by

Desperadong lumangoy si Noah upang habulin ang tumatakas na si Lyka sakay ng bangka. Habang naghahabulan sila sa dagat ay nabitawan ni Lyka ang paddle/sagwan , nawalan ng balance and nahulog sa tubig. Habang sinasagip ni Noah si Lyka ay tumama ang likod ng binata sa bangka na siya nitong ikinasugat, hindi alintana ni Noah ang nangyari sa sarili – ang mahalaga sa kanya ay masagip ang Ulay niya.

Nailigtas ni Noah si Lyka sa pagkalunod, nang nadala na ni Noah ang dalaga sa dalampasigan (shore), ay nag-collapsed ang binata. Nakita ni Lyka ang malaking sugat ni Noah, nagsisisigaw si Lyka upang humingi ng tulong. Nang gabing iyon ay inapoy ng lagnat si Noah, nagdedeliryo ang binata. Hindi malaman ng umiiyak na si Lyka ang gagawin habang yakap yakap ang nagdedeliryong si Noah – naalala nito ang nangyaring aksidente sa kanila ni Ulay sa ilog noong mga bata pa sila. Naghanap ng gamot si Lyka sa bahay pero wala siyang nakita, naisipan ni Lyka na gamitin ang suka na pang wound disinfectant, para maalis ang infection sa sugat ni Noah.

Sa meeting ng mga Waya, nangyari ang hindi inaasahan – tinanggal si Lady Elle bilang punong bantay, at pinuno ng mga Waya.

Habang pinupunasan ni Lyka ng suka ang sugat ni Noah ay sinabi ni Noah na sila na lang daw dalawa ni Ulay kasi wala na ang tatay niya (Dr. Emil), naalala ni Lyka noong mga bata pa sila ni Noah : Noong namatay ang tatay ni Jayjay na si Emil at nawala ang nanay ni Ulay na si Nessa, nagpromise sila sa isa’t isa na mag-aalagaan sila.

Si Yvana ang napili ng mga Waya na pumalit kay Lady Elle. Ayon sa mayabang a si Yvana, si Lady Elle pa rin ang pinakamalakas na taong lobo, pero siya (Yvana) na ang pinakamapangyarihan. Tuloy pa rin daw ang mga proyekto ni Lady Elle na paglikas sa kanilang mga kalahi sa mga lugar na itinayo ng kaibigan nitong si Don Manolo – tanging paraan para maprotektahan ang kanilang mga kalahing taong lobo laban sa mga Luna. Sinabi ng bagong pinuno ng mga Waya na kailangang maging mas masigasig sila sa paghahanap sa itim na Waya, inatasan ni Yvana sina Raul at Clarrise na maghanap sa Wayang Itim at mga kasama nito.

Tuloy pa rin ang paghahanap sa “Huling Bantay”, kakalat sila sa buong Pilipinas upang mahanap ang huling bantay – babantayan nila ang mga taong lobo na kapapalit pa lang ng balat ng nakaraang kabilugan ng buwan at iyong mga magpapalit pa lang ng balat. Tahimik lamang na nakikinig si Lady Elle at mga kasama sa bago nilang pinuno.

Nagdedeliryo pa rin si Noah, umiiyak si Lyka.. Paulit ulit na binabanggit ni Noah na hindi pa patay si Ulay at wala siyang nagawa para iligtas si Ulay. Sinabi ni Lyka na walang kasalanan si Noah sa kung ano ang nangyari sa tatay nito at sa kanya (Ulay). Flashback ng pinaparusahan ni Gen. Leon ang inampon na si Jayjay – nakaluhod sa munggo habang nakadipa. Gagaling daw siya sabi ni Noah para kay Ulay kasi mahal na mahal niya ang kaibigan at ayaw niya itong mapahamak.

Tapos na ang pulong ng mga Waya. Nag-alisan na ang lahat, naiwan si Lady Elle na naniniwala pa ring si Lyka ang Huling Bantay. Umiiyak si Lady Elle.

Magkausap ang misteryosong heneral at si Gen. Leon Cristobal. Tinitingnan ng “Heneral” ang Luna Report, ayon dito ay impressive daw pero hindi sapat. Tuwing bilog ang buwan ay may nahahagilap ang mga LUNA na taong lobo na nahuhuli at napapatay, pero nalalagasan rin sila ng ilang tauhan. Kung nandoon lang daw sana si Noah at kasama nila ito ay mas nalalapit ang tagumpay nila. (Haaaay salamat! nalantad na rin ang misteryo ng pagiging importante ni Noah sa mga LUNA)

Ang namayapang si Emil Ortega lamang at ang anak nitong si Noah ang may kakayahan na, hindi tinatablan ng kagat ng mga taong lobo. Flashback ng pagkakakilala nina Emil at Leon sa isang bar – may pagkakahalintulad raw sila : si Emil ay nagsasaliksik sa mga taong lobo, at si Leon ay buong buhay ang inilaan sa pagtugis sa mga taong lobo.

Isang gabi habang nagsasagawa ng operation sina Leon, nandoon rin si Emil ay sinugod ng isang puting lobo si Emil. Nilapitan ni Leon si Emil at gulat na gulat ang dalawa sapagkat hindi tinablan si Emil ng kagat ng lobo – walang sugat at kahit galos ay wala. Ayon sa misteryosong heneral ay kailangang maibalik si Noah, na nakalaan para pumuksa sa lahi ng mga taong lobo. Flashback din ng time na inampon ni Leon ang batang si Jayjay.

Humingi ng sorry si Lyka kay Noah na tinawag niyang “Jayjay” at nagsabing hindi na tatakas. Nagpasalamat si Lyka sa ginawang pagligtas sa kanya ni Jayjay, at nagsorry rin sa mga pangungulit at hindi pag-iintindi kay Naoh. Dahil daw sa pag-save sa kanya ni Noah ay nalaman ni Lyka na mahalaga siya sa “Jayjay” niya.

Flashback ng unang pagkikita nila noong mga bata pa sila, noong nagkita sila sa gubat habang nagsasagawa ng rescue operation sina Noah at bumagsak mula sa taas ang nagpa-paradiving na si Lyka, noong nagholding-hands sila palabas ng elevator, at noong ibinigay nila sa isa’t isa ang moonstone nila … nangako si Jayjay na poprotektahan niya si Ulay. Nakatulog na si Noah, habang si Lyka ay nag-aalala pa rin, hinalikan ni Ulay si Jayjay sa ulo at nagdasal na sana ay pagalingin na ang Jayjay niya.

Teaser :
Nalaman na ni Anton ang pagkawala ni Lyka, hahanapin nito ang pinsan-pinsanan.
Nangako si Gabby na ibabalik niya si 2nd Lt. Noah Ortega.
Nag-kiss sina Noah at Lyka.

Mga Marka: , , ,

2 Tugon to “LOBO Episode 31”

  1. ptvj Says:

    wala pa ring kiss? sabi ko na nga ba baka sa biernes pa yang kiss na yan e.😦

    napanood ko na iyong part na nakagat si emil pero hindi tinablan, pero not until i read your text update na doon ko na realize ang importance ni noah sa mission nila. bwahahah!

  2. jerome Says:

    hay naku!?lagi namang habulan eh!?wLAng kising scene!?nakakaboring naman ‘yan!?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: