MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 65

by

Sinabi ni JB na pwede silang tumigil sa isla in a day or two pagkatapos ay kailangan na nilang bumalik sa Manila. Hindi raw sabi ni Celine, doon lang daw siya.

Walang gana si Eli, nakaupo lang siya doon habang inaayos ni Onay ang bahay nila ni Jackie. Sinabi ni Onay na kailangan niyang magpakatatag dahil kailangan nilang dalawa ni Amang si Eli.

Inumaga naman ng uwi si Fidel galing sa sugalan. May naipatalo na itong kotse pero ayaw niyang makinig ay Jackie kahit noon pang sinabi nitong namatayan din siya pero pinipilit niyang mag-move on.

Nakatira naman si Lena sa isang kumbento (I don’t know if she’s becoming a nun or naglilinis lang siya du). Ayaw nitong tumigil sa paglilinis kahit na pinapagpahinga na siya ng mga madre (mukha yatang may OCD na siya).

Naimbyerna na si Corazon dahil lagi siyang sinusundan ni Onay (bakit hindi siya mag-aral may pera naman si Amang). Nagpatimpla na lang ito ng kape kay Onay. As usual oblivious naman si Onay sa inis ni Corazon.

Kinuha na ni Jackie ang mga nalalabi pa niyang gamit sa bahay nila ni Eli. Kahit anong pakiusap ni Eli ayaw siyang patawarin ni Jackie. The way she put it, ang tatay ni Eli ang pumatay sa mommy niya, sila ni Lena ang pumatay sa anak niya. Tinatapos na raw niya ang lahat sa kanila.

Patuloy pa ring nag-te-take notes si Onay. Kinuha ni Corazon ang notebook nito. Sinabi ni Onay na gusto lang niyang matuto (go to school, ano ba!). Binigyan ni Corazon ng sangkatutak na file si Onay at pinasummarize niya ito.

Nakabalik na si Jackie sa mansiyon.

Patuloy pa rin ang pagsuporta ni Eli sa kaso ni Amang. Naroroon ito noong nakipagconfer si Amang sa mga abugado niya. Napansin ni Amang na palaging tinititigan ni Eli ang picture nilang dalawa ni Jackie sa wallet niya.

Sumugod si Eli sa mansiyon. Sinabi ni Fidel na sabihin daw sa mga guards ng subdivision na huwag ng papasukin si Eli. Nakatayo lang si Jackie habang nangyayari ang mga iyon.

Araw na naman ng pagdidinig at si Mateo ang nasa witness stand. Ipinakwento ng prosecutor kay Mateo kung ano ang nangyari noong February 28. 2008. Sinabi ni Mateo na tinawagan siya ni Fidel para tapusin na ang lahat.

Flashback: Habang nagtutukan sila ng baril, dumating si Monique at niyakap niya si Fidel, nakiusap siya sa dalawa na na tigilan na nila ito. End of flashback.

Sinabi ng prosecutor na ang balang pumatay kay Monique ay ang baril ni Mateo. Inamin ni Mateo na pinaputok daw niya ng 2-3 times ang baril niya.

Flashback: Itinulak ni Fidel si Monique at binaril niya si Mateo. Fidel ang Mateo struggled for the gun. End of flashback.

Tinatanong ulit ng prosecutor kung ilang bese pinaputok ni Mateo ang baril niya. Sinabi ni Mateo na hindi naman niya binilang. At saka raw nawalan siya ng malay after that. Sinabi niyang hindi na niya nakita si Monique after that.

Flashback: Natumbang pareho sina Fidel at Mateo. Nagbarilan na naman sila. (Hindi pa rin ipinakita kung sino talaga ang nakabaril kay Monique, but it’s possible na mula rin sa hawak-hawak na baril ni Fidel). End of Flashback.

Pagkatapos ng pagdidinig. Nilapitan ni Jackie si Amang. Sinabi ni Jackie na hindi sila titigil hangga’t hindi nagbabayad si Amang sa ginawa niya. Sinabi ni Mateo na hindi raw siya makukulong. Umalis si Jackie at hinabol siya ni Eli. Napakaitim daw ng budhi ng tatay ni Eli, pero naroroon pa rin si Eli as a support. Sinabi ni Eli na siempre raw tatay niya iyon. Ano pa raw ba ang dahilan kung bakit sila dapat magkaayos.

Ipinaalala ni Eli ang nakaraan nila. Mahal daw niya si Jackie at iyon ang dahilan kung bakit dapat sila magkaayos. Jackie turned it around him and sinabi niyang iyon nga mahal siya nito pero anong ginawa niya? Isinauli na ni Jackie ang wedding ring niya kay Eli.

Samantalang ikinukwento naman ng isang madre sa kapwa niya madre na all the time daw ay ganoon ang ginagawa ni Lena: nagdarasal habang nakaluhod. Sinabi ng madre na sana raw ay makamit nito ang katahimikang inaasam niya.

Noong dinalaw ni Onay si Mateo sinabi niyang ama daw niya ito pero hindi naman daw magandang pinagsalitaan niya ng ganoon ang namatayan ng isang ina.

Itinanong ni Mateo kung naniniwala na si Onay na siya ang pumatay kay MOnique. Sinabi ni Onay na sa mga binitawang salita ni Mateo kanina, naniniwala raw ito na gusto niyang maghiganti.

Habang nasa dalampasigan sina Celine at JB, nagrequest si Celine na kantahan siya ni JB. Ipinapangako ni Celine na kahit wala na siya kakanta pa rin siya, na mabubuhay pa rin siya kahit wala na siya. Nag-I love you na sila sa isa’t isa.

Naiiyak man ay kinuha na ni JB ang gitara mula sa tabi niya at tinipa na niya ito (“You and I”). Nagsimula na siyang kumanta habang nakangiti naman si Celine na nakikinig at pinagmamasdan si JB.

Humilig si Celine sa braso ni JB at umiyak ito. Hinalikan nito ang braso ni JB (actually its around his collarbone), naluluha itong inalala ang nakaraan nila: noong ikinasal sila, noong nag sinabi niyang may cancer siya, noong nagpropose si JB sa kanya (at marami pang ibang kilig moments sa book 1).

Ipinikit na ni Celine ang kanyang mga mata.

Tumatakbo si Celine (with long hair and all) habang nakaputi ito. Tawa siya ng tawa habang iniikutan ang mga punong nadaraanan niya. She lifted her arms and looked up and then she closed her eyes.

Tumakbo na ito towards the sea…and then she disappeared.

Binuhat ni JB si Celine (ngek bakit gumalaw ang kamay niya) sa may dalamspigan. Isinigaw ng umiiyak na si JB ang pangalan ni Celine.

“There is no stopping the future, JB. I just want our love story to come full circle. I want it to end where I started loving you. Maybe to remind us that it was a good life. And the love…..our love…it was the best”

Wala akong masabi. Sinabi JB at Celine lang ang inaabangan ko dito. Hmnp. Hindi ko masyadong type sina Eli at Jackie.

Goodbye, Celine…😦

12 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 65”

  1. dnj Says:

    waaaaaaaaaaaaaah!!! bakit nag-end na ang greatest love story ni celine at jb????? sana may movie silang dalawa at sana happy ever after naman ang maging ending nun! sad talaga ako =(

  2. No Car Says:

    ptvj malapit na bang maapos ang MSKM2? bakit ang dami na pinapatay sa storya?

  3. annedito Says:

    yay!!! nabawasan ang mga papanoorin ko sa TFC. just in time for my post writer’s strike return of my shows. sana magka-hiwalay na nga si eli at jackie. nakakasawa na ang drama nila. tapos mag-madre nalang si onay at lena.

  4. ptvj Says:

    dnj, sad din ako pero peaceful naman ang death niya, so okay na rin.

    nocar, sana nga matapos na dahil nagsasawa na rin ako kagaya ni annedito sa drama nina jackie at eli. esp. kung ipipilit nila sina onay at jb together. hmnp.

    annedito, hahaha, pati si onay nadamay (rhyming words!). naiinis na rin ako sa masyadong madramang buhay nina eli at jackie. sina jb at celine lang naman talaga ang inaabangan ko dito tapos ngayon…argh.

  5. EDGE Says:

    ako din, since book 1, sina jb at celine lang inaabangan ko.
    i don’t want to end their love story that way….. i’m still thinking maybe if Eli made it to get across from death in the name of love, siguro naman kaya rin tawirin ni celine…and she’s right, their love IS THE BEST…she deserves to grow old together with JB.

  6. mklg Says:

    naku… walang katututran tlg ang fight ni jackie…. anong klaseng istorya naman ang pinapaikot ngmga writers kay eli at jackie… hay…syang si celine…. she is good. I think mababawasan ang manonood ng MKSM 2 dahil wala na si Celine.

  7. EDGE Says:

    march 19, finale na ng MSKM2. i was thinking kung yung ending nito is still the same ending before ANNE sign a new contract for ABS_CBN.

  8. nawawala Says:

    waaaaaahhH!! lungkot din ako! at ayoko na ring magkabalikan si eli at jackie… gusto ko mag-move on na si eli tapos magkaka-gf sya ng iba, si maja, tapos babalikan ni jackie si eli… ay! yung movie pala nila yon… bwehehehe..

    pero ayoko na nga sa kanila! mas gusto ko rin yung love story ni celine at jb. tsaka tama na rin yung habol ni eli kay jackie.. lagi na lang ganon. laging sya yung naghahabol😦

  9. jenny26 Says:

    80 episodes lang ang maging sino ka man book 2. we are down to the final 3 weeks. pero according to wikipedia may book 3 ito. at ang finale ng book 3 ay isang theatrical release ng series. movie version ng 3 libro ng maging sino ka man.:)

  10. ptvj Says:

    sana ang ginawa nila nalasing sila at may nangyari talaga kina eli at lena tapos nakita sila ni jackie. para mas masakit ang mga pangyayari. that way the audience will be torn kay eli. ang sama ko, hehehe.

  11. dumbako Says:

    eli should not make habol na kay jackie, hanap na lang siya ng iba. ano kaya totohanin na lang nya si lena at mabuntis ito? buti nga kay jackie para may katuturan na ang pagseselos nya!

  12. NoCar Says:

    mahirap talaga ang situation nila eli and jackie, kahit kayo ang tumayo sa kalagayan nila. siyempre pareho nilang pinoprotekyonnan ang mga tatay nila. masakit pala sa kanila kasi nagmamahalan talaga siya. hindi nyo rin masisisi sila lena at eli sa mga nangyari kasi depress na depress at lasing pa sila noon mayari ang halikan blues nila. ang dapat kutusin sa kwentong ito ay sila fidel at mateo. dapat sila ang mag patawag sa isat isa para sa mga anak nila. alam natin na matindi rin ang pinagmulan ng galit nila. may valid reason din sila. pero hindi paba sila nadala. namatay si monique tapos eto nag hihirap ang kalooban ng anak nila dahil sa matagal at lumipas na away nila. “Men mag patawag na kayo” tapos ang kwento…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: