Lobo, Episode 30

by

Sinabi ni Lady Elle kay Manolo na binigo niya ang angkan nila. Huwag daw siyang mawawalan ng pag-asa, sabi ni Manolo. Nagda-doubt na rin si Lady Elle sa sarili. Si Lyka raw ba talaga ang huling bantay o desperada lang siya kaya pilit niyang pinapaniwala ang sarili niyang si Lyka nga iyon. Hindi rin niya alam kung paano niya haharapin ang council dahil sa pagkamatay nina Minerva. Niyakap ni Manolo si Elle, sinabi nitong kailangan niyang maging matatag.

Hinahanap ni Lyka ang cellphone niya pero hindi niya makita. Naging bionic ear siya at narinig niya ang usapan nina Noah at ng matandang katiwala ng bahay. Narinig ni Lyka na akala ng matanda, asawa ni Noah si Lyka at narinig rin niyang inayos na ng matanda ang bangka.

Sinabi rin ni Noah sa matanda na baka umalis na rin sila agad dahil nagalit ang “misis” niya. Nagpasalamat si Noah sa ibinigay na sariwang isang ng matanda.

Umalis na ang matanda. Kinausap ni Noah ang moonstone niya. Sinabi nitong sana maintindihan ni Lyka na siya lang ang iniisip niya kaya niya ito dinala doon.

Nasa simbahan naman si Nessa. Alalang-alala ito dahil ang buong akala niya ay nagpalit na ng balat ang nawawalang anak.

Dinalhan naman ni Clara ng pagkain si Anton. Hindi ito pumayag na umuwi na sila. Sinabi niya na tumawag si Clara sa cellphone ni Lyka pero hindi raw ito sumasagot. Nag-aalala na si Anton baka raw kung ano na ang nangyari kay Lyka. Sinabi naman ni Clara na baka lumabas lang ito kasama ang mga kaibigan. Beinte uno na raw ito hayaan na ni Anton ang kapatid. Nagsigawan sila dahil sinabi ni Anton na hindi pa raw ba matanggap ni Clara na halimaw ang anak niya.

Nag-iihaw ng isda ang walang t-shirt na si Noah (Let’s take a moment of silence and pause our TVs/PCs). Pinuntahan siya ni Lyka. Sinabi ni Lyka na magliwanagan raw sila. May masama raw bang balak si Noah sa kanya? Dahil daw over her dead body kahit sundalo siya hindi siya mangingiming labanan ito. Sinabi ni Noah na hayaan daw niya, kahit isang halik hindi siya makakatikim sa kanya (Hindi talag ako papayag kung ako iyon, kaming dalawa lang dun ni halik wala?). Tinawag siyang bastos ni Lyka at hinampas sa braso si Noah. Malakas na naman si Lyka kaya natumba si Noah. Nabigla naman si Lyka sa nangyari pero umalis na lang ito.

Nakakita ng shorts si Lyka sa cabinet sa kwarto niya. Akmang mag-aalis na ito ng damit noong biglang pumasok si Noah sa kwarto niya at may dala itong pagkain. Napatili si Lyka, nagkubli ito sa pintuan ng cabinet. Nagpasorry si Noah, hindi raw kasi nakalock ang pinto kaya akala niya okay lang na pumasok.

Sinabi ni Lyka na sa kanila raw, kahit hindi nakalock ang pinto kumakatok pa rin ang kuya niya. Sinabi ni Noah ang pangalan ni Anton, kaya natigilan si Lyka. Idinagdag pa ni Noah na si Anton lang naman daw ang alam niya kuya niya. Sinabi ni Noah na nagsasabi siya ng totoo, hindi niya pinipilit na maniwala si Lyka pero iyon raw ang totoo.

Sinabi ni Lyka na gusto na niyang umuwi baka raw nag-aalala na ang mga tao sa kanila sa kanya. Sinabi ni Noah na hindi pa raw pwede dahil baka matunton siya ng militar. Dahil pinaghihinalaan daw siya. Magpapalipas daw muna sila ng ilang panahon.

Inilapag na ni Noah ang mga plato sa kama ni Lyka at sinabi nitong dinalhan niya ito ng pagkain dahil raw baka ayaw niyang sumabay sa kanya (ako Papa Piolo, sabay tayo kahit walang ulam okay lang basta’t huwag kang mag-t-shirt). Bago ito umalis, nagpasorry si Noah sa mga lahat ng nagawa niya. Lahat daw ng ginagawa niya ay may rason, hindi lang para guluhin ang buhay niya.

Walang laman ang USB stick na nakuha ni Gabby sa kwarto ni Noah. Tinignan ni Gabby ang resume ni Lyka. May tinawagan ito at pinalagyan niya ng trace ang cellphone ni Lyka.

Ipinag-igib ng tubig ni Noah si Lyka. Nagtalo na naman sila dahil akala ni Noah, tatakas na naman si Lyka. Nalaman ng nagtatakang si Noah kung paano nalaman ni Lyka ang tungkol sa bangka. Sinabi ni Lyka na narinig niya ang mga ito. Sinabi ni Noah na this time raw hindi niya papayagang mapahamak si Lyka.

Habang nagtatalo sila, biglang lumakas na naman ang pang-amoy ni Lyka. Ang bote pala ng suka ang naamoy niya. Hindi na niya ma-take ang baho kaya nagkulong ito sa kwarto.

Lady Elle proposed a toast to Minerva and Leo, pati na raw sa ibang mga bantay. Sinabi ni Lady Elle sa mga kasama niya na alam niyang mabigat ang mga dibdib nila dahil sa mga nangyari. Pero hindi raw ito ang panahon para magduda sila sa isa’t isa. Humihingi ito ng kaunti pang pasensiya at lakas na loob.

Hindi raw ilusyon ang pag-iisip niya na si Lyka ang huling bantay. May basehan daw siya. Baka raw kagaya siya ng kapatid niyang si Lorenzo na hindi agad nagpalit ng balat. Siempre kumontra naman si Yvana(?). Gusto sana ni Lady Elle na i-explain ni Selina ang natuklasan tungkol sa rate ng Canna-X ni Lyka, pero inexcuse ni Yvana si Selina at sinabi nitong may ipapaliwanag sila kay Lady Elle (curios akooooo!).

Nagkulong si kwarto si Lyka. Naisip niya noong binigyan siya ng resignation letter ni Noah, noong hinawakan nito ang kamay niya sa elevator at noong inihatid siya ni Noah sa bahay. Pilit niton inaalis sa isip niya iyon, hindi raw pwede. Kailangan raw niyang umuwi. Nagpasiya itong tumakas.

Tiniempuhan ni Lyka na nasa loob ng banyo si Noah at tumakbo ito papunta sa bangka. Lumabas ulit ng banyo ang walang tshirt na namang si Noah (oo importanteng i-emphasize ko na wala siyang pang itaas). Kumatok ito sa kwarto ni Lyka, binuksan niya ang kwarto at wala na roon ang hinahanap. Naghabulan sila.

Nakasakay na ng bangka si Lyka. Sumunod si Noah at lumangoy ito. Tumaob ang bangkang sinasakyan ni Lyka. Nasa tubig na rin si Lyka…

Teaser: Maghahalikan sila!!! Wooooohoooo!

Mga Marka: , , , ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: