MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 64

by

Habang natutulog si Jackie sa hospital room niya ibinalita na ng doktor kay Eli na nakunan nga ito. Isang buwan na ang dinadala niya. Lumabas ng kwarto ni Jackie si Lena habang umiiyak at naiwan namang nakatulala si Eli.

Balik caregiving naman si Onay kay Celine. Ipinapangako ni Celine kay Onay na kahit wala na siya, naroroon pa rin siya. Naluluhang nangako si Onay.

Nagising na si Jackie at naroroon pa rin si Eli. Humingi ng tawad si Eli. Sinabi ni Jackie na iwan na siya ng asawa. Paglabas ni Eli sa kwarto ni Jackie, nakatulala lang itong tumayo sa labas ng pintuan.

Pinuntahan ni Lena ang puntod ni Monique. Wala raw kasi siyang mapuntahan. Wala ang nanay niya, wala rin si Amang. Sabi raw kasi ni Monique sa kanya parang pamilya na ang turing nito sa kanya. Kaya raw kinapalan na ni Lena ang mukha niya, doon na raw muna siya. Paulit-ulit itong nagsorry.

Dinalaw ni Eli si Celine. Bakit daw hindi pa sila sabay na dumalaw sina Jackie at Eli. Excited daw si Celine about the baby. Kung babae raw ito, sana raw pangalanan nila itong Celine. Naluluha si Eli.

Napansin ito ni Celine. Sinabi ni Celine na hindi pa raw ba sila nagkaayos ni Jackie. Tumulo na ang luha ni Eli at sinabi niyang maayos rin iyon. Sinabi ni Celine na alam naman daw niya na hindi sumusuko si Eli, kahit nga raw sa kabilang buhay tumawid pa ito para bumalik kay Jackie. Ipangako raw ni Eli na this time it will be the same. Medyo matigas raw kasi ang ulo ng pinsan niya.

Sinabi ni Eli na susubukan niya. Sinabi ni Celine na hindi raw, gawin raw niya. He fought so hard daw, don’t lose the battle daw.

Samantalang nilalason naman ni Fidel ang isip ni Jackie. Sinabi nitong matagal na niyang napapansing iba ang tinginan nina Eli at Lena. Sinabi ni Fidel na hindi na siya babalik kay Eli.

Dumalaw naman si Onay kay Mateo kasama si Bogs. Alam daw ni Mateo na hindi nito kayang tumbasan ang ginawang pag-aaruga kay Onay pero sana raw tanggapin ni Bogs ang ibibigay ni Mateo sa kanya. Sinabi ni Lolo Bogs na hindi na niya kailangang gawin iyon, basta huwag lang daw niyang ilayo si Onay sa kanya. Si Joko na lang daw ang kunin niya. Bwahaha. Sabi ni Joko sa new found tiyuhin niya, ngayon raw na natagpuan na niya si Onay, ano raw ang gagawin niya dito. Ipapa-make over ba raw niya, ipaparetoke, o papag-aralin sa France parang si KC. Naaliw naman si Mateo sa sinabi ni Joko.

Ang gusto raw sana ni Mateo ay matuto itong magpatakbo ng negosyo, sa kanya rin daw ito mapupunta. Sinabi ni Onay na hindi raw siya marunong sa kuya na lang daw niya. Sinabi ni Mateo na hindi raw, sa kanya lang daw.

Sinabi Mateo na marami raw siyang kamalasang naranasan dahil kay Eli. Sinabi ni Onay na huwag nitong pigilan ang puso ni Mateo na mahalin si Eli. Hindi naman daw ginusto ni Eli na siya ang ama nito. Kung daw talagang mahal niya si Onay, mahal din niya si Eli.

Hindi na naabutan ni Eli si Jackie sa hospital room nito. Pumunta siya sa mansiyon pero itinaboy siya ni Fidel. Pinagsisigaw ni Eli ang pangalan ni Jackie pero sinuntok siya ni Fidel. Umalis na raw ito, huwag na siyang magpapakita sa kanya or sa anak niya. Pumasok na si Fidel habang naiwang nakahiga sa ground si Eli. Umiiyak namang nanunuod sa bintana si Jackie.

Sumulat si Lena kay Eli:

Eli,

Anuman ang naging dahil ko, nagkamali ako sa ginawa ko. Hindi ko sinasadya.

Patawarin mo ako. Patawarin nyo ko ni Jackie.

Lena

Pagkatapos ng isa pang pagdidinig sa kaso ni Mateo, hindi pa rin malapitan ni Eli si Jackie.

Hinabol ni Onay si Jackie. Nakikusap ito na kausapin nito si Eli. Sinabi ni Jackie na hindi ganoon kasimple iyon.

Habang nagmamaneho si Jackie, nagflashback sa isip niya noong naabutan niyang hinalikan ni Lena si Eli. Hinaplos nito ang tiyan niya.

Pag-uwi ni Jackie naabutan niya si Lena na nahihintay sa kanya. Umiiyak ito. Wala namang expression si Jackie. Aalis na sana si Jackie pero pinigilan siya ni Lena. Kinuha nito ang mga kamay ni Jackie at pilit na pinapasampal ang sarili. Napaupo sa sahig si Lena.

Tinanong ni Jackie kung bakit [niya nagawa iyon], minahal naman daw niya ang kapatid. Sana raw hindi niya binigyan ng rason para makaramdam ng ganoon. Sinabi ni Lena na hindi niya sinasadya.

Si Joaquin daw ang mahal niya. Si Joaquin ang nakita niya noong panahong iyon. Sinabi ni Jackie kay Lena na sabihin ng kapatid sa kanya na sabihin nito sa kanya na hindi nito inisip agawin si Eli.

Umamin si Lena. Sinabi nitong maraming beses pero noon daw iyon, noong galit pa ito sa kanya at sa pamilya ni Jackie. Sinabi ni Jackie na pareho lang iyon. Iniwan na ni Jackie ang umiiyak pa rin si Lena.

Pinipilit naman ni Corazon ang sarili na magpakabait kay Onay. Sinabi ni Onay na tutal magkapamilya na raw sila baka pwede na nilang kalimutan ang mga nangyari. Pumayag naman si Corazon.

Nag-empake na si Lena. Nagpaalam na ito kay Fidel. Hindi na raw niya kailangang magpaalam sabi ni Fidel. Nagulat daw ito at naroroon pa siya.

Nagpasalamat si Lena sa pagtanggap nila sa kanilang magnanay sa bahay nila at salamat din daw sa pagtanggap nito bilang anak niya.

Sana raw iyon ang nasa isip ni Lena bago nila pinagtaksilan ni Eli si Jackie. Nagkamali daw si Fidel. Sinabi ni Fidel na ipasara na lang daw niya sa maid ang gate pag-alis niya.

Walang mapuntahan si Lena. Nakita niya ang mga masahista na nagkukwentuhan sa may balcony ng isang massage parlor.

Pinagmamasdan naman ni Celine si JB. Nagising si JB sa paghawak ni Celine sa mukha niya. Sinabi ni Celine na mahal niya ito, sumagot naman ng I love you too si JB.

Sinabi ni JB na matulog na ito, dahil kailangan nito ng energy. Humingi si Celine ng pabor.

Celine: I wanna go somewhere…let’s go on a trip…JB: To where?

Celine: To the past…

JB: Yes, maybe there we can evade the future.

Celine: There is no stopping the future, JB. I just want our love story to come full circle. I want it to end where I started loving you. Maybe to remind us that it was a good life. And the love…..our love…it was the best.

Nakarating na sina JB at Celine sa isla…

10 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 64”

  1. annedito Says:

    then doon mamatay si celine.

  2. No Car Says:

    oh my gosh. pwede bang i exxtend pa nila ang pag end ng buhay ni celine? kasi masyado ng malungkot at magulo ang mga nangyayari sa lahat. baka pati mga nanunuod mag ka depression or atakihin sa puso.

  3. nawawala Says:

    no car, sinabi mo pa! agree ako sayo.. at kagabe bad trip na bad trip talaga ako! sa sobrang kabadtripan ko, ayoko nang magkatuluyan si eli at jackie!! hmp!! bwiset!

  4. nawawala Says:

    waaahhh!! kawawa pa rin si lena ;(

  5. jenny26 Says:

    nkakalungkot ung love story ni celine at jb pero tama si celine IT IS THE BEST.kahit tragic ung story nila maganda ang pagkakatahi ng story nila.sana gawing movie ng sila lang ang love story nila.

  6. safiya Says:

    nawawalan talaga ako ng gana kapag sobra dami ng kadramahan, dating na tuloy sa akin ng storya ni eli at jacky ang OA..

  7. jenny26 Says:

    atleast ABS is trying new stuffs. not those typical soap opera na ang dapat magkatulyan sa dulo ay ung loveteam na minahal ng lahat.or laging bida ang nagwawagi sa dulo.in maria flor deluna namatay xa, sa ysabella namatay si ryan agoncillo,twice. and now celine has to leave.i like it because of the new elements na binibigay nila sa series. at the show started na nangangako na ibang level ng drama ang ibibigay nila.which is nakikita ko ngaun.good work!

  8. NoCar Says:

    pero parang sumobra naman ata. parang walang ng nagkakatuluyan or most of them hindi na nagkakatuluyan. sila jerico and sarah sa pnb/ sila ryan and sarah sa bituin walang ningning/ sila angelica and rafael sa prinsesa ng banyera… uuump sino pa ba? yung mga sinabi ni jenny sa ysabella. okay lang kung sa story line malabo talagang magkatuluyan ang mga bida. pero yung case nila sarah and jerico hindi ko parin matangap na hindi sila nagkatuluyan. what do you think sisters?

  9. nawawala Says:

    nocar– heheh!! ako rin! di ko pa rin matanggap na di nagkatuluyan si echo at sarah sa PNB! at kung nagkatuluyan man eh, hindi nila masyadong pinakita/pinadama yun. labo.

  10. annedito Says:

    kasi sobrang “wholesome” image naman si sarah eh. ni-hug ata or holding hands bawal sa kanya. kaya nagkatuluyan man sila or hindi, puro imagination nalang natin ang conclusion…hehe. at si angelica naman, lumipat sa GMA kaya yon, nasira ang loveteam nila. ngayon naman hindi magkatuluyan si oyo at si ara…lol

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: