LOBO Episode 29

by

Sa mga test na isinagawa ni Selina – ay pinapatunayan na si Lyka ang huling bantay, pero hindi nila maunawaan kung bakit hindi nagpalit ng balat si Lyka. Ayon kay Selina ang lahat ng lahi ng taong lobo ay nagpapalit ng balat pagtuntong sa edad na beinte y uno, first full moon at sa kaso ni Lyka ay kasabay ng kaarawan nito ang kabilugan ng buwan.

Naniniwala pa rin si Lady Elle na si Lyka ang huling bantay, sinasabi nito na si Lyka ay maaari lamang “nilaktawan ng panahon”, very rare raw ayon kay Selina ang nalalaktawan ng panahon, minsan lang sa isang henerasyon at wala siyang kilala. Sinabi ni Lady Elle na me kilala siya at iyon ay ang kapatid niyang si Lorenzo (lolo ni Lyka) – taon bago nagpalit ng balat ang kapatid niyang si Lorenzo, rare pero nangyayari. Pero wala na raw silang panahon para maghintay ng taon para sa pagpapalit ng balat ni Lyka ayon kay Selina, pero hindi daw niya maintindihan sabi ni Lady Elle pero naniniwala siyang si Lyka ang huling bantay.

Pinahahanap ni Lady Elle kay Trixie si Lyka. Pumasok ang assistant ni Lady Elle at iniabot nito ang newspaper na naglalaman ng news tungkol sa pagkamatay ni Minerva. Maging si Leo ay patay na rin – may naengkwentro raw itong itim na lobo, nakauwi pa raw pero namatay rin kinabukasan. Halos mawalan ng ulirat si Lady Elle sa nangyari sa dalawang member ng Waya Council.

Nagising si Nessa na walang saplot sa katawan at duguan ang labi nito, kumuha ng damit sa isang sampayan si Nessa.

Sa tulong ng kaibigang nagngangalang Andrew ay nadala ni Noah si Lyka sa isang ligtas na lugar – tabi ng dagat. Nakausap ni Noah ang tito ni Andrew.

Hindi mapakali si Gabby, nagdesisyon itong maghanap ng ebidensya sa mga hinala niya.

Habang natutulog ay may mga signs na nakikita kay Lyka na ito ay magiging taong lobo – saglit na naging puti ang buhok ni Lyka, nakita ito ni Noah nang mapadaan ang binata sa kwarto ng dalaga, pero nang tingnan ulit ito ni Noah ang buhok ni Lyka ay itim na ulit, takang taka si Noah.

Palihim na pumasok sa kwarto ni Noah si Gabby para magsearch ng mga evidences.

Pumunta sa bahay nina Lyka si Trixie, walang tao sa bahay.

Pagkagising ni Lyka ay nagulat ito sa lugar na kinaroroonan. Pagsilip niya ng bintana ay nakita ni Lyka si Noah.

Naghintay sa sasakyan niya si Trixie, pero walang dumating na Lyka kaya nagdecide na lang si Trixie na umalis.

Nakita ni Gabby sa silid ni Noah ang photocopy ng wish list ni Lyka. Although hindi alam ni Gabby kung nasaan si Noah pero sure siya na si Lyka ang main reason ng pagkawala o pagtakas ni Noah. May narinig si Gabby na nagbukas ng pintuan, nagtago ang dalaga sa banyo. Pumasok sa kwarto ni Noah si Gen. Leon, hinawakan nito at tinitigan ang picture ni Noah. Napansin ni Gen. Leon na bukas ang pintuan ng banyo sa kwarto ni Noah, isinarado ito ng general, hindi nito nakita ang nagtatagong si Gabby.

Galit na pinuntahan ni Lyka si Noah at kinompronta.
Lyka : Noah
Noah : Lyka
Lyka : Anong ginagawa natin dito ha? Bakit mo ako dinala dito? Ano ka ba talaga? Kidnapper? Psychotic? Addict? ANO? Noah iuwi mo ako sa Maynila ngayon din dahil kung hindi uuwi akong mag-isa.
Noah : Sorry kung umabot sa ganito, wala akong masamang intensyon. Please calm down.
Lyka : Calm down, gusto mo akong kumalma? Pwes puede bang pakiliwanag sa akin kung bakit ako nandito ngayon sa kinatatayuan ko. Noah, ano?
Noah : Dinala kita dito dahil gusto kitang protektahan.
Lyka : Haaa?! Grrr! Tinamaan naman ng kidlat o. Protektahan? ako? Para saan? Noah sa nangyayari ngayon, kung may dapat mang protektahan laban sa akin, ikaw ‘yon. Huwag mong sabihing dahil gwapo ka, dahil crush kita, dahil pang-Hollywood ang dating mo. Hindi ako pumapatol sa may tagos sa utak ha.
Noah : Lyka makinig ka muna. Dinala kita dito dahil gusto kitang mapalayo sa House of Elle. Maraming malalaking kompanya sa Pilipinas ang pinaghihinalaang cover sa isang drug syndicate, na nagpifinance sa mga terorista. At dahil may terrorist concerned, nakialam ang militar para matapos ang lahat sa lalong madaling panahon.
Lyka : Sindikato ng drugs? Militar? okey, ano pa? Noah hindi ko naiintindihan.
Noah : Isa ang House of Elle sa mga pinaghihinalaang kompanyang iyon. Hindi lang ‘yon, kasangkot lahat ng may kinalaman sa House of Elle, sa illiegal distribution, shipment ng drugs sa buong Pilipinas at sa buong Asya.
Lyka : Drugs sa House of Elle? O sige, sabihin nating totoo iyang sinasabi mo, pero ano namang ang kinalaman ko sa drugs drugs na ‘yan. At saka ikaw, ano ang kinalaman mo doon? Eh di ba hamak na bodyguard ka lang ni Lady Elle?
Noah : Sundalo ako. Pumasok ako bilang bodyguard sa House of Elle pero isa akong under cover agent.
Lyka : Ano?!
Noah : Misyon ko na makakuha ng ebidensya na makakapagpatunay na may kinalaman ang House of Elle.
Lyka : Iuwi mo na ako.
Noah : Lyka naririnig mo ba ako? Delikado sa iyo ang bumalik doon, makinig ka sa akin. Paniwalaan mo ako, please!
Lyka : Maniwala? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa akin? bakit pa ako maniniwala sa iyo? O sige, sabihin na nating delikado sa House of Elle, pero Noah kailangan pa bang umabot sa ganito, ha?
Noah : Kung wawarningan mo naman ako, puede mo naman akong itext o kaya kung mas marami kang load – tawagan mo na lang ako. Hindi ‘yong ganito.
Noah : Maniniwala ka ba agad? Hindi ka magwawala? At saka paano kita wawarningan? Pinapanuod lahat ang kilos ko, bawat oras na kasama kita, bawat galaw ko, alam ng superiors ko. At habang napapalapit ako sa iyo, mas lalo silang nawawalan ng tiwala sa akin.
Lyka : Iyan ang hinihiling mo sa akin ngayon? Magtiwala ako. Noah, sandali pa lang kitang nakikilala eh, parang sobra naman yata ang hinihingi mo. (tinalikuran si Noah)
Noah : Kung hihingin ko bang maniwala ka sa akin, bilang si Ulay at ako bilang si Jayjay, makakaramdam ka ba ng pagtitiwala?
Lyka : (galit na hinrap si Noah)
Noah : Ako si Jayjay.
Lyka : (nangilid ang luha, lumapit kay Noah) Tama ba iyong narinig ko? Paki-ulit ‘yong sinabi mo.
Noah : Ako si Jayjay, Lyka. Ako si Jayjay.
Lyka : (tumutulo ang luha, nag-isip at sabay isang malakas na sampal kay Noah) Ikaw? Si Jayjay? Kapal naman ng mukha mo Noah, once ko lang nakwento sa ‘yo ang bestfriend ko, tapos ang lakas ng loob mong angkinin ang buong pagkatao nya. Ang OA mo Noah, hindi ka nakakatawa at lalong hindi ka nakakatuwa.
Noah : Lyka makinig ka muna sa akin.
Lyka : TAMA NA! Tama na, sobra na, rinding-rindi na ako sa lahat ng mga pinaggagawa mo mula pa noong unang tayong magkita. Ano bang … kung nag-e-enjoy kang makitang nasasaktan ako, na pinaglalaruan ako, kung gustong gusto mong makita na natataranta ako, na gulong gulo dahil sa lahat ng mga pinaggagawa mo. Please lang, huwag mong idamay dito si Jayjay. Dahil kung meron man akong isang bagay na pinanghahawakan sa araw araw ko, sa kahit ano mang mangyari sa akin, si Jayjay
‘yon, yong alaala ng pagkakaibigan namin. At wala kang karapatang sirain iyon Noah.
Noah : Lyka, I’m sorry kung umabot tayo sa ganito.
Lyka : Huwag mo na ulit uulitin iyong sinabi mo Noah, dahil hindi ikaw si Jayjay.

Tinatanong ng “heneral” si Gabby kung bakit tumakas si Noah, kung may nalalaman ito sa totoong misyon niya. Wala raw nalalaman si Noah, sabi ni Gabby. Tinanong din ng heneral kung may kinalaman si Lyka sa ginawa ni Noah, hindi daw siya sigurado sabi ni Gabby, pero pinaiimbistigahan na rin nila ang bagay na iyon. Ayon sa heneral kung hindi matatagpuan si Naoh, ay si Gabby ang mananagot. Gusto ng heneral na makita kaagad si Noah, dahil ito ang pinaka-importante sa misyon nila.

Lyka : Hindi ikaw si Jayjay.
Noah : Hindi mo ba itatanong kung
Lyka : Tama na, tama na Noah, please.
-Ipinakita ni Noah ang kwintas niya
Lyka : Paano napunta sa iyon yan?
Noah : Bigay sa akin ng Ulay ko. Kalahati ng moonstone mo. (tumutulo ang luha)
-Patuloy sa pag-iyak si Lyka.
Noah : Noong una hindi ko rin alam na ikaw si Ulay. Pero noong nadiskubre ko, hindi agad ako makapagpakilala sa iyo dahil sa misyon ko. Hindi mo alam kung gaano sa araw-araw, halos ikulong ko ang sarili ko dahil ayokong maisambulat sa iyo ang totoo kong pagkatao. Pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko, gusto kong iparamdam sa iyo na nandito ako sa tabi mo, si Jayjay mo. Hindi ko mapigilan na kahit papaano na maiparamdam ko sa iyo na maging ako sa tingin mo si Jayjay, na mapangalagaan kita, na mapangiti ka. Kaya lang naging kumplikado, kinailangan kong magdesisyon,
kinalimutan ko lahat -pamilya ko, misyon ko, dahil gusto kong mailigtas ka. At gusto kong ipaintindi sa iyo na hindi ka na puedeng bumalik sa House of Elle, na delikado para sa iyo doon. Sinubukan ko iyon, kaya nga binigyan kita ng resignation letter, di ba? Pero binabantayan ako ng mga superiors ko at hindi ka naniniwala sa akin at iyon ang rason Lyka. Iyon ang rason kung bakit nagresort ako sa pagkidnap sa iyo.
Lyka : Anong gusto mong gawin ko ngayon? Tanggapin lahat ng mga sinasabi mo?
Noah : Dahil iyon ang totoo. Bata pa lang tayo nang nangako ako sa iyo na poprotektahan kita, gaya ng ginagawa ko ngayon. Pinanghahawakan ko ang alaala ng pagkakaibigan natin.
Lyka : Pagkakaibigan? Sa mga sakit na pinaranas mo sa akin, sa panggugulo sa isip ko, sa paglalaro ng feelings ko, ganun mo ba pinahahalagahan ang alaala ko sa iyo? Okey, sige sabihin nga natin na totoo ang sinasabi mo, na ikaw si Jayjay na hindi ka nagsisinungaling. Ngayon sabihin natin na, sabihin natin na ikaw si Jayjay, kahit na ayaw tanggapin ng isip ko, na ayaw tanggapin nito (leeg? joke!, dibdib pala), kunyari hindi ka nagsisinungaling, sana hindi mo na lang sinabi
Noah : Lyka
Lyka : Sana hindi ko na lang alam kasi ang Jayjay… si Jayjay mahal na mahal ko siya. Alam mo walang araw na hindi ko hiniling na sana buhay sya, magkita kami ulit, magkasama, pero kung iyong Jayjay na makikilala ko ngayon ay iyong Noah na nasa harap ko … sana hindi ko na lang alam
Noah : Please
Lyka : Sana hindi mo na lang inamin, kasi mas masakit. Ang layo layo mo na kasi doon sa Jayjay na kaibigan ko eh. Ang Jayjay kasing iyon, minahal ko, pinagkatiwalaan ko, na kahit anong mangyari alam kong hindi ako sasaktan, hindi ako paglalaruan… Ikaw kasi, ngayon lang tayo nagkakilala pero pinahirapan mo ako ng sobra sobra, alam mo naman iyong nagawa mo di ba? Kaya pasensya ka na kung hindi ikaw ang Jayjay ko.
-Tumakbo papasok sa bahay si Lyka. Malungkot na pinagmasdan ni Noah ang Ulay niya sa paglayo nito sa kanya.

Teaser : Tumakas si Lyka… sumakay ito ng bangka… humabol si Noah… tumaob ang bangka.

Mga Marka: , , , ,

2 Tugon to “LOBO Episode 29”

  1. ptvj Says:

    hindi kaya nasense ni lady elle na baka apo ni lorenzo si lyka since pareho silang hindi nagpalit ng balat kaagad.

    at saka they should have a DNA database para matunton nila lahat ng mga lobo. tutal may doktor naman sila.

  2. NoCar Says:

    oo nga para alam nila sino talaga ang hinala nilang kalahi nila. then malalaman pa nila kung related sila dito. in lyka’s case grandaughter pala ni lady elle. edi reunnited sila. mas masaya!!! 😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: