MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 63

by

Sinabi ni Onay kay JB na ang gaan daw ng feeling ngayong nagawa na niya ang dapat niyang gawin. Pinuntahan ni Corazon si Onay at sinabi niyang hindi niya alam na siya pala ang tagapagmana ni Mateo, who would have thought. Ayan nagpapasipsip na si Corazon, niyakap at bineso-beso niya si Onay.

Ayaw tanggapin ni Onay ang alok ni Eli na lumipat sila sa mas magandang bahay. Kuya pala niya si Eli. Sinabi ni Eli na kung saan ito masaya, doon siya pero kapag may kailangan ito huwag niyang kakalimutang magsabi.

Naiiyak naman si Jackie dahil nalaman niyang nalugi na ang kumpanya ng pamilya nila. Sinabi ni Jackie na ang gusto lang niya ay mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mommy niya. Siguraduhin daw nilang hindi sila makakabili ng hustisya. Sinabi ng mga kausap niya (lawyers or board members) kailangan din nila ang koopersayon ni Fidel, hindi iyong nakatulala lang siya sa korte.

Nalaman ni Corazon na mas mayaman pa si Mateo ever before. Sinabi niya kay JB na hindi niya hahayaang hawakan ni Onay ang kumpanya dahil wala naman siyang alam at mas lalo naman si Eli na malas sa kumpanya. Sinabi niya kay JB na it’s his turf now at matutuwa ang amang niya kung siya ang magpapatakbo ng kumpanya.

Niyayaya na ni Eli si Jackie na umuwi, ayaw pa niya dahil kailangan pa siya ng daddy niya. Si Eli raw kailangan ni Amang hindi naman niya pinipigilan. Hindi raw niya alam kung gaano katagal, dahil gusto rin niyang makarecover ng malayo sa kanila (Eli including) na nagpapaalala kung sino ang pumatay sa mommy niya. Sinabi ni Eli na aksidente ang nangyari. Ayaw maniwala ni Jackie.

Sinabi ni Jackie na kung kaya pa nilang i-save ang pagsasama nila gawin nila. Pero gawin daw nilang magkahiwalay. Pumasok na sa loob ng mansiyon si Jackie at doon siya umiyak.

Nakatulala naman si Eli habang nakaupo sa kama. Sinabi niyang hindi mawawala si Jackie sa kanya, hindi siya papayag.

Yakap yakap naman ni Jackie ang picture ni Monique.

Naabutan naman ni JB si Celine sa bahay ng walang malay.

Kinabukasan, sinadya ni Eli si Jackie. May dala pa itong bulaklak. Ayaw siyang pansinin ni Jackie dahil gusto raw daw niya ng space. Gusto daw niya na maghiwalay muna sila para makapag-isip siya. Hindi ba raw niya kayang ibigay iyon? Iniwan na ni Jackie si Eli na nakatayo sa living room.

Habang nagbibigay ng instructions si Jackie sa katulong para sa pagkain ni Fidel, bigla itong nasuka.

Binisita ni Onay si Eli. Sinabi niyang hayaan na muna raw niya si Jackie.

Positive ang resulta ng 3 home pregnancy test na ginamit ni Jackie. Naiyak ito.

Sinabi ng doctor kay JB na bumalik na ang cancer cells ni Celine and they’ve multiplied daw. Ayaw ng magpa-ospital ni Celine, tanggap na raw niya. She’s just thankful for God’s goodness daw.

Samantalang nalaman naman ni Lena na wala na si Joaquin. Sinabi ng babaeng kausap ni Lena na walang ibang bukambibig si Joaquin kung hindi siya. Lagi raw itong nasa tulay dahil alam niyang babalik si Lena. Naaksidente raw ito papunta sa tulay. Si Lena pa rin ang sinasambit niya noong maabutan nila itong nag-aagaw buhay sa ospital. Gusto man daw nilang hanapin si Lena hindi nila alam kung saan mag-uumpisa. Nakarating na si Lena sa kung saan inilibing si JOaquin at doon umiyak ng umiyak.

Sinabi ni Onay kay JB na ginawa na niya (ni JB) ang lahat, pero may oras naman daw talaga ang lahat ng bagay? Hindi ito tinatanggap ni JB.

Umiinom si Eli habang umiiyak.

Pinuntahan ni Jackie si Celine. Iyak ito ng iyak. Sinabi ni Celine na noong nalaman niyang bumalik ang cancer niya, she wanted to resent it. Pero narealize niya na hindi naman pala dapat. Alam na raw niya ngayon kung bakit siya binigyan palugit, dahil daw sa baby ni Jackie.

Sinabi ni Celine kay Jackie na puntahan niya si Eli, huwag nitong sayangin ang panahon. Sabihin na raw nito ang news about the baby.

Pumunta si Lena sa bahay nina Eli. Wala raw kasi sa mansiyon si Jackie. Lasing na si Eli. Hindi na matiis ni Lena, sinabi niyang wala na si Joaquin at nag-iiyak na ito. Nag-inuman na sina Lena at Eli. Lasing na silang pareho.

Sinabi ni Lena na mahal na mahal niya si Joaquin, sana raw naroroon na siya. Sinabi rin ni Fidel na mahal na mahal niya si Jackie at sana kasama raw niya.

Pumunta si Jackie sa bahay nila.

Natumba si Lena kaya sinalo siya ni Eli. Hinalikan ni Lena si Eli.

Nakita sila ni Jackie.

Natauhan si Eli. Hinabol niya si Jackie. Ayaw ng makinig ni Jackie. Noong papaalis na si Jackie, nag-umpisa itong dumugo…

Nakakadepress.

19 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 63”

  1. nawawala Says:

    hay maryosep!! bwiset! sabi na nga ba at mamamatay pa rin si celine eh! kase it’s too good to be true kung mabubuhay sya!

    at, ngek!! patay na si joaquin! eh di extra lang pala sya?! ganun lang mga scenes nya?? mga flashbacks??? *kamot*

  2. ptvj Says:

    nakakadepress talaga. grabe. oo nga ang engot engot naman nila, pinagbihis pa nila si derek sa pictorial, para gumanap na tao sa panaginip. it’s so ridiculous.

  3. denztarca Says:

    sobrang nakakadepress…

    nga pala.. add mo naman po ako sa blogroll mo. bago lang kasi ako eh.

    http://denztarca.wordpress.com

    ^ang buhay ng isang kolboy slash macho dancer na nursing stud…

    salamat poh!

  4. nawawala Says:

    kanina, binasa ko lang update nyo, pero ngayon napanood ko na! BWISEEET talaga!! galit na ‘ko!! puro na lang kainisan!! ayoko na atang panoorin!!!!!!!! ano pang ilu-look forward ko?!?!?? hmp!

    at naiinis ako kay jackie!! tama ba naman na talikuran nya ng ganon asawa nya? tapos di ko rin maintindihan kung bakit attached si eli kay mateo eh di naman sila nagkasundo kahit kelan at di naman sya tinuring na anaK! ah ewan! bad trip talaga ako!!

    ps: kawawa naman si lena =(

  5. ptvj Says:

    puso mo. hehehehe.

    actually ako man ay nabubwisit na rin sa show na to. masyadong mabigat sa puso.

    si celine, nabiyuda, nawalan ng anak, tapos ngayon may cancer.

    si jackie, hindi magka-anak anak tapos nakunan

    si corazon, super bitch tapos ngayon mayaman na naman siya

    waaaaaaaaah!

  6. ptvj Says:

    denztarca, thanks for the comment. unfortunately, wala akong blogroll.

  7. dumbako Says:

    sabi na nga ba eh, maganda lang sa umpisa,then magbabago na pag malapit nang matapos. i bet ganun din mangyari sa lobo. pinaiinlab muna tayo sa simula, all praises tayo then madisappoint lang. kaya once in a while na lang ako nanonood, sa update na lang ako nagchecheck. thanks a lot to all of you.

  8. jenny26 Says:

    kung naapektuhan kau sa nangyayari sa maging sino ka man,that means maganda ang ginagawa nilang programa. pag walang nanonood dun ko pwedeng sabihing pangit ang programa. at kung madrama man ang show na ito kasi isa itong DRAMA series.:)

  9. dnj Says:

    kaasar naman ‘tong episode na ‘to. puro malungkot ang nangyari. eto na naman, magkakahiwa-hiwalay na naman yung apat na bida (si celine at si jb, si eli at si jackie)… bakit ba hindi puedeng sumaya si jb at si celine together? sana di sya mamatay sa story hu hu hu hu… ba’t kasi ayaw pang pumunta ng amerika eh! haaaaaaaaaaaaaaay…

  10. No Car Says:

    Huminahong kayong lahat!!!! tama si si Jenny. Kaya kayo na aapektohan kaisi maganda na ang mga episodes. binabagbag ang mga damdamin natin para feel na feel natin ang kwento at ang role ng bawat character ng mga artista.

    Ako ayaw ko rin ang nangyayari sa kwento kasi malungkot maraming namamtay at maraming nag-aaway. Pero looking forward parin ako kasi pano kaya nila maaayos ito sa mga susunod sa episodes. Pano kaya sila magkakasundo sundo na maganda ang kalalabasan ang kwento. Hindi dapat corny or pinabilis lang or sobrang tagal ng walang ng sense gaya ng ysabella noon. doon ako galit. Kaya lets challenge MSKM2, many televiewers are looking forward how this drama will end. hope they will not disappoint us.

  11. ptvj Says:

    may point lahat kayo pero siempre hindi naman maiiwasang hindi mareact di ba. unang-una na ako roon. kaya siguro ginawa ko ang blog na to para may outlet or else aatekihin ako sa puso. bwahahaha😈

    let’s just hope magiging maganda ang resolution ng story. sana naman hindi masyadong maging tragic.

    and tama ka nocar, naiinis pa rin ako sa ysabella! bwiset na yan

  12. annedito Says:

    lahat ng mga predictions natin after the first episode, nagkakatutoo. this sucks!

    patay si celine and jb will end up with onay. si lena naging 3rd party kanila eli at jackie. ang hindi lang natin na-predict eh yung pagka-patay ni monique at ghost lang pala si derek ramsay. i really thought na pagka-patay ni celine na magiging donor sa mga eyes ni joaquin.

    bwisit talaga itong show na’to. boycott na ako kapag pinatay na si celine…bwisit.

  13. Goleafs Go Says:

    You guys are wasting your time watching the show… Quit it!

  14. ptvj Says:

    goleafs, to each his own. just don’t impose what you believe to others, especially if you don’t know them personally.

  15. No Car Says:

    hey Guys. I just want to let you know, I am so happy that the barkadahan here in PTVJ were back.

    matagal na rin hindi tayo nakikitakita dito. (i mean naguusap)

  16. nawawala Says:

    annedito– sayang! oo nga no! maganda sana kung si celine yung eye donor ni joaquin!

  17. jenny26 Says:

    at isa pa pala,nangyayari lang ung nasa teaser ng book2, ung compassion for celine at despair kay jb.we have a clear outlook kung ano mangyayari sa series na ito.at pag napanood nyo ung teaser nya sasabihin mong totoo nga ung mga words na nakadikit sa name nila sa teaser.

  18. kapamilya-2 Says:

    Mali naman kayo. Di naman pwedeng i-transplant ang mata in real life kasi the optic nerves can’t be reconnected tulad din ng iba pang nerves sa katawan. Corneal transplant lang pwede. Kung si Joaquin eh bulag talaga eh wala na tayong magagawa, not unless it will be God’s miracle.

    Pero inakala ko talaga na may napakalaking role si Derek at siya ang magbubukas ng mga pintuan tungo sa ilang kasagutan…..

    HAY…

  19. dumbako Says:

    mag antay na lang ako ng book 3, hehehe ,ayoko na kasing madisappoint tulad ng ysabella. anyway, dito na lang muna ako sa blog. mas natutuwa ako sa mga comments!!!!!!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: