LOBO Episode 28

by

Napunta sa kagubatan si Lyka pagkalabas niya sa tunnel, doon ay natagpuan niya ang isang LOBO altar na kagaya ng nakita niya sa panaginip niya.

Si Clara ay natataranta sa paghahanda ng dugong maiinom ng anak-anakang si Anton na namimilipit na sa sakit na nararamdaman sa “pagpapalit ng balat”. Pagkatapos mailapag ang lalagyan ng dugo sa pinagkukulungan ni Anton ay dali daling ikinandado muli ni Clara ang kulungan ng anak.

Ang mga lobong itim sa pangunguna ng Wayang itim ay nasa labas at naghihintay ng kanilang pagpapalit ng balat.

Ang grupo nina Lady Elle ay tahimik na nag-aabang sa kanilang pagpapalit ng balat.

Lady Elle at Selina Argos

Samantalang ang grupo ng wayang itim ay sabay sabay na umalulong bago nagsa-lobo.

Ang ibang lobo na nasa pangangalaga nina Don Manolo ay nagpait na rin ng balat.

Nakapaligid kay Lyka ang mga Waya sa pangunguna ni Lady Elle. Ang “huling bantay” ay hindi nagpalit ng balat. Natatakot si Lyka na tila nararamdaman na may mga matang nakamasid sa kanya, tinatawag nito ang kaibigang si Trixie.

Nanlumo ang mga nabigong Waya sa hindi pagpapalit ng balat ni Lyka na kagaya ng kanilang inaasahan.

Hindi pa rin natatagpuan nina Gabby at mga kasamahang sundalo ang nawawalang si Lt. Noah Ortega, patuloy pa rin sila paghahanap.

Ayaw pa rin sumuko ni Lady Elle sa pag-asang magpapalit ng balat si Lyka. May narinig silang dumarating na sasakyan, niyaya na ng mga kasamahang Waya si Lady Elle na lisanin ang lugar subalit ayaw umalis ni Lady Elle at hihintayin pa rin daw niya na maging lobo si Lyka.

Nakita ni Lyka ang tumatakbong lobo, takot na takot na tumakbo ang dalaga, may biglang humarang sa daraanan niya at tinakpan ng panyo ang kanyang bibig. Nakasakay sa jeep ang tulog na si Lyka, si Noah ang nagmamaneho. Kausap sa pahone ni Noah ang kaibigang si JP.

Sa pinagkukublihan ni Trixie ay dumating ang tumatakbong si Lady Elle. Hysterical si Lady Elle, pinahahanap nito kay Trixie ang nawawalang si Lyka. Pinahihinahon ni Trixie si Lady Elle sa pagsasabing hindi iyon ang una nilang pagkabigo sa paghahanap sa huling bantay.

Nabigo sina Gabby na makita si Noah. Itinawag ni Gabby ang pagkawala ni Noah kay Gen Leon. Pinababalik na sa base ni Gen. Leon ang grupo nina Gabby na nabigong makita ang pagpapalit ng balat nina Lady Elle.

Iyong tindera sa palengke, ay nagpalit na rin ng anyo subalit binaril ito ng isang kasapi ng LUNA.

Panay ang dasal ng umiiyak na si Clara, natatakot na naaawa ito habang pinagmamasdan ang lobong si Anton.

Iyong LUNA na bumaril sa tindera sa palengke ay inatake ng isang lobong itim.

Bumalik na sa pagiging tao ang mga lobong itim, bakas sa duguang bibig ng mga ito na sila nambiktima ng mga tao. May isang lobo puti na lumapit sa kanila. (Si Nessa kaya ito, di ba nasa Maynila rin siya?)

Hindi pa rin makapaniwala si Lady Elle sa hindi pagpapalit ng balat ni Lyka. Nakausap nito sa telepono si Trixie, ibinalita ng tauhan na hindi pa rin niya si Lyka. Pumunta sa pulong ng mga Waya si Lady Elle, umaasa pa rin si Lady Elle na si Lyka ang “huling bantay”. May dumating na babae sa pulong, ito ay dating kasapi ng WAYA na tumiwalag sa grupo. Pinamukha ng babae (Timmy Cruz ?) ang kabiguan ni Lady Elle.

Nag-aalala si Gen. Leon na baka natiktikan daw ng mga LOBO si Noah at ito ang pinagpyestahan ng mga lobo na biktimahin. Sinabi ng “heneral” na hindi daw mangyayari iyon kasi may pananggalang si noah laban sa mga lobo. Sinabi ng heneral na ginagawang tanga si Gen. Leon ang anak-anakan nitong si Noah. Pinagtanggol ni Gen. Leon si Noah sa “heneral”. Tahimik lang si Gabby na nakikinig sa usapan ng dalawang heneral.

Nagtatalo ang babaeng tumalikod sa mga katungkulan nito bilang Waya at si Lady Elle. Sinabi ng babae na pinagsisihan niya ang ginawang pagtalikod.

Patuloy pa rin sa panlalait sa kakayahan ni Noah si “heneral”. Napikon si Gen. Leon at sinabi nitong kung wala nang tiwala kay Noah ang heneral ay hayaan na lang makabalik ito sa normal na buhay na alam niyang totoo.

Hinanap sa pulong ng babae ang hindi dumalo na sina Leo at Minerva. Sinabi ng isang waya na si Minerva ay nagdesisyong huwag panoorin ang pagpapalit ng balat ni Lyka, at si Leo ay nasa misyon. Patuloy sa pagsasalita ang babae.

Sinabi ng “heneral” na importante sa kanila si Noah. Pag natagpuan daw si Noah ay ipatikim dito ang leksyon na hinding hindi niya malilimutan, kinabahan sina Gen. Leon at Gabby sa tinuran ng “heneral.

Nagkainitan sa pagtatalo sina Lady Elle at iyong bagong dating na lobo, nagpalit ng anyo ang dalawa.

Sa pag-awat sa dalawang lobo ay nasaktan ang isang waya (iyong pinakamatanda sa grupo). Sinabi ng nasaktan na waya, na masakit ang umasa sa wala at labag daw sa kalooban niya sabihin pero isang malaking kalokohan ang umasa na si Lyka na nga ang huling bantay. Maghahanap daw uli sila at maghihintay ng “huling bantay”.

Masaya ang grupo ng wayang itim sapagkat espesyal raw ang naging gabi nila, sapagkat merton silang nabiktima na isang LUNA. Alam na rin nila na hindi pa natatagpuan ng mga waya ang “huling bantay”.

Magkasama pa rin sina Gabby at Gen. Leon. Nagtataka si Gen. Leon sa ginawa na pagtakas ni Noah. Hindi pa rin nila makontak si Noah. Nagtatanungan ang dalawa kung saan posibleng pupunta si Noah. sinabi ni Gen. Leon na wala siyang idea kung saan pupunta si Noah kasi pag nasa bahay sila, ang palagi lang nilang pinag-uusapan ay ang pagiging isang magaling na sundalo, at walang personal. (bakas sa mukha ng umampon kay Noah ang pag-aalala).

Umiiyak si Lady Elle sa harapan ng portrait ng mga magulang niya. Humihingi ito ng kapatawaran sa pagkabigo. Masyado rin nitong dinamdam ang sinabi ng ilang Waya na hindi siya karapat dapat maging punong bantay.

Pinuntahan na ni Clara ang anak, napaiyak si Clara sa nakitang anyo ng anak.

Bigo pa rin sina Gabby sa paghahanap kay Noah.

Nasa may tabing dagat si Noah. Natutulog sa isang silid si Lyka.

Teaser : Sinabi ni Noah kay Lyka na siya si Jayjay.

Mga Marka: , , ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: