MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 62

by

Sinadya ni Onay si Eli, humingi ito ng pasensiya dahil hindi siya nakadalo sa libing pero ipinagdasal naman daw niya si Monique. Kinumusta ni Onay si Mateo. Natuwa ito noong nalaman niya kay Eli na okay naman si Mateo.

Nalaman ni Eli na marami ng utang ang kumpanya nila and it’s on the verge of falling apart. Sinabi ni Eli na gagawan niya ito ng paraan.

Naabutan ni Jackie si Fidel sa puntod ng ina. Umiyak ito at hinahalikan ang lapida(?) ni Monique. Naantig ang puso ni Jackie at tumakbong papalapit sa ama at nagyakap sila.

Sinabi ni Fidel na marami siyang ginawang masama kay Mateo pero pinagsisisihan na niya ang mga iyon. Gusto na raw sana niyang magbagong buhay pero ayaw siyang pagbigyan ng tadhana. Alamdaw nitong si Mateo ang nagpasabog ng bangko. That day [when Monique died] gusto na raw daw sana niyang tapusin ang lahat once and for all para kay Monique at Jackie na rin dahil mahal na mahal niya ang mga ito.

Hinawakan ni Jackie ang kamay ng ama at humingi ito ng sorry. Humingi din ng sorry si Fidel at nagyakap sila.

Pag-uwi ni Jackie nalaman niya na pinuntahan ni Eli si Mateo. Nagalit ito dahil bakit daw siya nagpunta doon alam naman niyang siya ang bumaril kay Monique. Sinabi ni Eli na gusto lang niyang pakinggan ang side ng ama.

Alam daw ni Jackie na masama ang ama niya pero mas masama ang tatay ni Eli (ano to, “Wala yan sa tatay ko?”). Ginamit daw ni Mateo ang lola ni Jackie at pinasabog niya ang banko. Pinag-away din niya sina Fidel at Eli. Siguro raw kaya hanggang ngayon hindi matanggap ni Mateo si Eli bilang anak dahi siya ang asawa niya.

Dumating ang mga pulis sa bahay ni Mateo with a warrant of arrest for the murder of Monique Madrigal.

Dinumog ng mga tao ang ang korte. (Naroroon ang buong cast ng MSKM. Hehe). Mateo plead not guilty.

Unang tumestigo si JB and then si Daniel. Dumating na din si Onay. Sumunod na tumestigo si Fidel, pagkatapos naman ay si Lena. May isa pang lalaking tumestigo (hindi ko siya kilala, he just said “Siya ho!”). Tumestigo ulit si Fidel at sinabi niyang Mateo had been threatening his family kahit noon pa man.

Nasa witness stand si Jackie. Tinanong ni abugado kay Jackie kung masasabi nitong pinagbabantaan ni Mateo sina Fidel (pati na sila ni Monique). May malaking sama raw ba ng loob si Mateo sa daddy niya. Sumagot ng oo si Jackie.

Sinabi ng abugado na sapat na motibo na raw iyong para magplot ng murder si Mateo against Fidel’s family.

Sinabi ni Eli na naiintindihan niya si Jackie at ang statements nito sa korte. Pupuntahan daw ni Jackie si Fidel (pero hindi sumama si Eli).

Sabi ng defense lawyer ni Mateo, gusto daw niyang palabasing self-defense ang ginawa ni Mateo para bumaba ang charge against him. Ayaw makinig ni Mateo.  Nagalit si Corazon kay Mateo dahil ayaw itong makinig sa lawyer niya. Sino raw ba sa tingin niya ang paniniwalaan ng mga tao. Kung ayaw raw maniwala ni Corazon sa kanya, huwag na raw siyang magsalita.

Nakatanggap ng tawag si Lena kay Aling Viring. May balita na raw ito kay Joaquin. Nagpaalam si Lena kay Jackie.

Pinuntahan ni Eli si Mateo. Sinabi ni Eli na naniniwala raw siya o hindi, tatay pa rin niya si Mateo at hindi raw niya ito magagawang talikuran. Sinabi niyang ipagpapatuloy niya ang paghahanap sa kapatid niya at dadalhin niya ito kay Mateo. Napaupo si Mateo sa narinig mula kay Jackie.

Kinausap ni Eli si Daniel. Nakiusap ito kay Daniel na sabihin sa kanya kung nasaan ang kapatid niya.

Tinawagan ni JB si Onay at nakipagkita sa kanya sa isang restaurant. Naroroon din si Eli. Sinabi ni Eli alam na niyang magkapatid sila. Ikinuwento ni Onay ang nangyari sa kanya pagkatapos ng sunog. Sinabi niyang kikilalanin daw niya ang ama niya, pero ginagawa lang niya iyon para kay Lolo Bogs dahil si Lolo Bogs lang daw ang ama niya. Sinabi ni Eli na hindi siya inabandona  ng ama nila. In fact, dahil nga galit na galit si Mateo during that night na namatay si Monique ay dahil kay Onay.

Sinabi ni Onay na masyado ng maraming panahon ang lumipas, masyado ng masakit kung paniniwalaan niya ang sinasabi ni Eli tungkol kay Mateo. Tinanong ni Eli kung siya raw ba ay matatanggap niya bilang kapatid.

Noon raw na nalaman niyang anak ni Amang si Eli, gustong gusto na niyang sabihin sa kanya na magkapatid sila dahil mabuti raw na tao si Eli.

Habang nag-uusap sa telepono sina Jackie at Eli, ibinalita na ni Eli ang nalaman tungkol kay Onay. Sinabi ni Jackie na hindi na raw muna siya uuwi dahil walang kasama ang daddy niya. Nag-“I love you” si Eli, pero “ako din” lang ang sagot ni Jackie.

Tinanong ni Jackie sa ama kung kailan ito babalik sa opisina. Sinabi ni Fidel na baka raw mag-away lang daw sila ni Eli, dahil baka isumbat ni Eli na wala ng pera ang kumpanya nila. Wala na raw pati ang mommy niya. Sinabi ni Jackie sa ama na hindi sila titigil hangga’t hindi nila nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ina. Sinabi ni Fidel sa anak na huwag siya nitong iiwan.

Pinuntahan ulit ni Eli si Mateo. At sinabi na nito ang nalama tugkol sa nawawalang kapatid. Nagpasalamat si Mateo kay Eli. Pero natatakot ito na kapag nagkita sila, hindi siya mapatawad nito sa mga naging pagkukulan niya kina Andrea.

Nagri-ring ang cellphone ni Onay at si Eli ang tumatawag pero hindi sinagot ni Onay ang phone.

Nasa witness stand si Onay. Tinanong ng prosecutor kung ano ang opinyon niya kay Mateo bilang ama. Sinabi ni Onay na maikling panahon daw niyang nakasama niya ang ama. May mga pagkukulang daw ito pero marami naman silang masasayang alaala. Masayahin daw ito at walang kaaway. Nagtiis raw itong mapalayo sa kanila para lang mabigyan sila ng magandang kinabukasan. Mabuting tao raw ang ama niya. Natuwa si Mateo sa sinabi ni Onay.

Pagkatapos ng hearing, niyakap ni Onay ang ama. Nagyakap sila at nag-iyakan. Dinala na ng mga pulis si Mateo at naiwang umiiyak si Onay. Pinuntahan ni Eli si Onay…
Teaser:

Celine: I wanna go somewhere…let’s go on a trip…

JB: To where?

Celine: To the past…

JB: Yes, maybe there we can evade the future.

Celine: There is no stopping the future, JB. I just want our love story to come full circle. I want it to end where I started loving you. Maybe to remind us that it was a good life. And the love…..our love…it was the best.

Thanks to Jazzams for the quote.
Waaaaaaaaaaahhh, baka mamamatay na si Celine?!

Isang Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 62”

  1. nawawala Says:

    ayun din iniisip ko!!!!!!! waaaaahhH!! kainis!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: