Lobo, Episode 27

by

Well, panaginip din pala ni Lyka ang sakit na nararamdaman niya paggising niya. Napangiti ito paggising niya dahil birthday niya. Pinapaalis niya ang bad spirit, wala raw makakasira sa araw niya.

Umupo ang hunk si Noah (shirtless…wooohooo!) sa tabi ko kama niya at binati niya ng happy birthday si Ulay through his moonstone. Pagbaba niya ng hagdan, sinabi ng ama-amahan niya na this is the moment of truth daw. Paglabas daw niya sa pintuan, wala na raw atrasan. Sinabi niyang magreport raw ito pagkapatos ng misyon niya sa kanya.

Niyayaya na ni Clara si Anton na umalis. Mas maganda raw na abutan sila sa lab kaysa sa bahay. Nasigawan niya ang ina, gusto daw muna niyang makausap si Lyka. Aalis daw ito kung kelan gusto niyang umalis. Nabigla siya sa ginawa sa ina at nagsorry ito.

Pagbaba ni Lyka, nakita niyang may nakahandang pagkain (pancakes with a smiley face designed) sa kanya (nakaenclose sa plato with a bunch of flowers on top). Nagpasalamat si Lyka kay Anton. (Tinanggihan naman ni Clara ang halik ni Lyka pero kahit pilit binati niya ito ng Happy Birthday) Sinabi ni Lyka na it’s the perfect way to start her day daw, kasama ng mga pinakakamahal niya sa buhay. Niyakap niya si Anton. Sinabi ni Anton na there’s no other man who will love Lyka kagaya ng pagmamahal niya dito. Niyakap ni Lyka ang kuya niya.

Nakarating na si Nessa sa harap ng bahay nina Lyka. Nag-tao po ito. May narinig si Lyka sa may gate, binuksan niya ang gate.

Delivery guy ng mga balloons ang nasa pintuan at nasa wrong house naman si Nessa. (Pucha, halos mamatay ako sa suspense dito!)

Tuwang-tuwa si Lyka sa natanggap. Nagpasalamat siya sa kuya niya.

Wala namang kibo si Lady Elle, niyakap niya si Lyka pagkatapos niya itong binati ng happy birthday. Nabigla si Lyka dahil hinawakan pa ni Lady Elle ang forehead niya. Pagkatapos at tinitigan ni Lady Elle ang painting niya (the one with the optical illusion). Sinabi nito kay Lyka na she’s 21 and 21 smells change, marami raw pagbabago sa buhay niya. Mas malalaki at mabibigat na pagsubok, I hope she’s ready for it daw. If there is any consolaton at all, sa kabila ng mga pagsubok maari pa ring matupad ang mga pangarap.

Habang ine-empake ni Clara ang mga gamit ni Anton. Sana raw matagal na siyang natuluyan, parang ganti na rin da mga napatay niya sa mga experiments niya. Nawawalan na ng pag-asa si Anton. Sinabi ni Clara na habang buhay raw siyang kasama ni Anton, hindi raw niya ito iiwan kahit ano man siya.

Sinabi ni Miss Lara kay Noah na may surprise party sila para kay Lyka. Hindi naman daw totoong business meeting, front lang nila iyon. Alam daw kasi ni Lara na hindi makukumpleto ang birthdya ni Lyka kung wala siya.

Gabby was briefing Noah para sa attack nila sa gabing iyon. Hindi sila magkasundo sa mga gustong mangyari ni Gabby (si Gabby ang a-attend sa party, instead of Noah). Umalis na si Noah.

Dinalhan ni Noah si Lyka ng kape. Tinanggihan niya ito, natapon ni Noah ang kape. Hinawakan ni Noah sa likod si Lyka, natigilan si Lyka at nagsorry naman si Noah. It turned out may nilagay si Noah para sa damit niya to track her.

Nagre-ready na sina Noah at Gabby sa plano nilang pag-atake.

Dumating na sina Lady Elle sa location ng party nila.

Habang nakikpagkwentuhan si Lyka sa mga kasamahan niya during the party, sinundan naman ni Gabby sina Lady Elle noong pumunta ito sa likod bahay. Nabigla si Noah noong marealize niya kung nasaan si Lyka.

Kasama ni Lyka si Trixie, sinabi Trixie na may ipapakita siya dito sa end ng tunnel. Nagmamadali na si Trixie, humahabol naman si Lyka (bakit kaya hindi niya hintayin!).

Nakapasok na si Gabby sa kwartong pinasukan nina Lady Elle. (Pero di ba may secret passage sina Lady Elle). Hindi nakita ni Gabby kung nasaan sila. Hindi sumasagot si Noah kay Gabby.

Natatakot na si Lyka, nakalabas na siya sa tunnel at hindi niya makita si Trixie. Boses lang ni Trixie ang nagli-lead sa kanya.

Bumalik sa party si Gabby. Tinanong niya si Lara kung nasaan si Lady Elle dahil may pinapabigay daw si Manolo. Nalaman ni Gabby na hindi doon ang meeting, ganyan naman daw opisina nila walang communication. Sa kanila raw informed ang lahat. kahit nga raw si Noah alam iyon.

Hindi pa rin sumasagot si Noah kay Gabby. Sinabi ni Gabby sa mga kasamahan na hindi matutuloy ang operation nila.

Naghihintay na sina Lady Elle sa gubat (wala si Minerva at Leo, sa pulog na lang daw sila pupunta). Sinabi niya sa mga naroroon na hindi sila magpapakita kay Lyka bilang lobo dahil baka raw matakot siya. Pagkatapos na lang daw niyang magpalit ng balat doon sila magpapakita.

Patuloy pa ring ang paghahanap ni Lyka kay Trixie. Nakarating siya sa isang lugar kung saan naroroon ang rebulto ng lobo and napapaligiran ito ng pillars…

**Putol pala ang video na napanood ko kanina. Here’s what’s missing:

Nagpunta na sa laboratoryo sina Clara at Anton. Ikinulong na ni Clara si Anton sa isang malaking cage.

Naghahanda na ang mga itim na lobo.

Nag-aalala na si Nessa dahil nakita na niyang bilog na ang buwan.

Mga Marka: , , ,

5 Tugon to “Lobo, Episode 27”

  1. kat Says:

    natawa naman ako sa Umupo ang hunk (shirtless…wooohooo!) sa tabi ko… hahahahaha! thanks for the text update!

  2. ptvj Says:

    walang anuman. hehehe. hindi ko maiwasang hindi pagnasaan si noah pag nanunuod ako e hehehe.

  3. Sleeplessinwgtn Says:

    ptvj – I experience the same feeling towards the topless Noah, and even just his adorable face. Thanks a million for your detailed and timely updates. They complete my day.🙂

  4. Sleeplessinwgtn Says:

    ptvj, Where is your website hosted? It’s already 1:14 pm down here in Wellington, New Zealand.

  5. ptvj Says:

    sleeplessinwgtn, you’re welcome but i don’t do the updates for lobo all the time, neneng does (i do the mskm2 most of the time). btw, i’m in canada.
    🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: