MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 61

by

Sa crime scene dumating ang ambulance, maraming pulis, reporters … halos tulala si Fidel sa nangyari sa asawa – puno ng dugo ng asawa ang kasuotan ni Fidel. Nanlumo sina Eli at JB sa sinapit ni Monique. Isinakay sa Stretcher ang bangkay ni Monique at tinakluban ang mukha. Isinakay rin sa Stretcher ang may tamang si Mateo. Umaagos ang luha ni Eli sa pagdadalamhati sa sinapit ng biyenang babae.

Napanuod ni Onay sa TV ang balita tungkol sa barilang naganap sa pagitan nina Fidel Madrigal at Mateo Romualdez na nagresulat sa pagkamatay ni Monique Madrigal. Sa Himpilan ng Pulis ay hindi magkamahog ang mga photographers ng iba’t ibang dyaryo, TV cameras sa pagkuha ng larawan ni Fidel habang nagbibigay ito ng statement sa mga pulis, isinagawa ng mga necessary test kay Fidel, tahimik itong lumuluha sa pagkasawi ng kabiyak.

Pinuntahan ni Jackie ang bangkay ng ina sa morgue, nakaalalay sa kanya si Eli. Labis labis ang pagdadalamhati ni Jackie sa sinapit ng ina, nananangis itong yakap ang bangkay ng ina. Tahimik na lumuluha si Eli habang pinagmamamsdan ang asawa.

Kausap ni Celine sa telepono ang nakikidalamhating si Onay. Umiiyak rin si Lena sa sinapit ng madrasta, sinabi sa kanya ni Celine nakialangan nilang magpakatatag para kay Jackie at Fidel.

Nag-abot sa morgue ang mag-amang Fidel at Jackie. Nakatingin si Fidel sa anak na tila gusto itong yakapin, subalit sinumbatan ni Jackie ang ama sa sinapit ng ina.
Jackie : Wala na ang mommy ko. Wala na ang mommy ko dahil sa kasamaan mo. Ano? Okey ka na? Masaya ka na namatay ang mommy ko dahil sa negosyo mo? Dahil sa pakikipag-away mo? (lumuluha) Kung sino man ang dapat sisihin, kung si Amang o ikaw, walang pinagkaiba sa akin ‘yon, pareho lang iyon, dahil itong totoo WALA NA ANG MOMMY KO. Wala na. – Iniwan ni Jackie ang ama na lumuluha sa harap ng bangkay ni Monique.

Kinumusta ni Lena ang kalagayan ni Amang sa kausap nitong si JB sa telepono. Sinasamahan ni JB sa pagbabantay kay Amang sa ospital ang inang si Corazon. Nagigising na si Mateo, naalala nito ang mga nangyari bago nasawi si Monique sa engkwentro nila ng moirtal na kaaway na si Fidel Madrigal.
Pinipigilan ni Monique ang asawa sa ginagawa nitong pakikipagtuos kay Mateo, itinulak ni Fidel ang asawang si Monique sa tabi. Nagpanambuno sina Fidel at Mateo, nang iputok ni Mateo ng dalawang beses ang hawak na baril ay ang nagsisisigaw sa takot na si Monique ang tinamaan nito.
-Pagmulat ni Mateo ng mga mata ay ang galit na asawang si Corazon ang nakita nito. Nanlalaki ang mga mata ni Corazon habang tinatanong ang asawa kung ano ang ginawa nito. Hindi sumagot si Mateo sa tanong ng asawa.

Pinuntahan nina Eli, Lena at Celine ang nakaupo sa sahig sa labas ng morgue na si Jackie. Pinauuwi ni Celine ang pinsan para makapagpahinga, subalit ayaw iwan ni Jackie ag ina.

Nasa bahay na si Mateo, tinitingnan nito ang kamay na ginamit sa pagbaril kay Monique, hinaplos ang noo na may benda. Dumating si Eli, madamdaming inusig ni Eli ang ama sa ginawang pagpatay sa biyenang si Monique.
Eli : Paano mo nagawa ‘yon, ha? Alam ko inapi ka, ginawan ka ng masama, pero PAANO MO NAGAWA ‘YON? Pati inosenteng tao SININGIL MO! LAHAT NA WINASAK MO E. WALA KANG AWA SA AKIN, KAY JACKIE, WALA KANG KALULUWA! ANO? MAGSALITA KAAAA! SINUSUMPA KO, ISINUSUMPA KO, KUNG IKAW NGA ANG PUMATAY KAY MOMMY HINDING-HINDI KITA MAPAPATAWAD. HUHUHU!(Ibinalibag ni Eli ang nakapatong sa side table) ITINURING AKONG ANAK NO’NG TAO. ITINURING NIYA AKONG ANAK; HABANG WALA KA, HABANG NASAAN KAAA! HUHUHU! PAGKATAPOS GANITO, GANITO ANG GAGAWIN MO (?) … WALA KANG KALULUWA!
Amang : Hindi ko siya pinatay. Wala akong pinatay.
Eli : TUMIGIL KA NA: TAMA NAAA! (ayaw pakinggan ni Eli ang sinasabi ng ama) TAMA NA AMANG! Tingnan mo ang narating ko, saan ako nakarating? GUSTO KO NGAYONG PUMATAY NG TAO, GUSTO KONG PUMATAY NG TAO DAHIL SA KASINUNGALINGAN MOOO!
-Punong puno ng pagdadalamhati ang anyo ni Eli.
Amang : Ginusto ko lang malaman kung nasaan ang kapatid mo. Ginusto ko ang hustisya. Ngayon, isipin mo na ang gusto mong isipin Eli, tutal wala na ring saysay. Hindi ko na ipagtatanggol ang sarili ko sa ‘yo, dahil sarado na ang isip mo.
– Pumusok ang walang imik na si Corazon. Umalis si Eli, hindi nito pinansin ang tiyahin.
Corazon : As your wife, I deserve the truth from you. Mateo, I want the truth.
Amang : Kung pinatay ko o hindi si Monique, wala pa rin akong aaminin sa iyo. Lalabanan ko si Fidel hanggang kaya ko. (nagingilid ang luha sa mga mata)

Pag-uwi ni Fidel sa bahay, para pa nitong naririnig ang boses ng butihing kabiyak “Come home hon, how was your day? “. Pagpasok sa silid nilang mag-asawa, naalala ni Fidel ang pagsasayaw nilang mag-asawa habang ipinagdiriwang nila ang ang kanilang wedding anniversary. Hindi na nakayanan ni Fidel ang emosyon – pinunit nito ang pang-itaas na damit, at humahagulhol na isinigaw ang pangalan ng asawa. Labis labis na pagdadalamhati ang nararamdaman ni Fidel sa pagpanaw ng asawa.
-Pumasok si Lena sa silid nang marinig nito ang pag-tangis ng ama. Lumapit si Lena sa amang si Fidel, subalit tinabig siya ng amang paulit ulit na tinatawag ang pangalan ng asawang namayapa.

Sinisisi ni JB ang sarili sa nangyari,kung hindi daw sana niya sinabi kay Eli ang nalaman na katotohanan na buhay pa ang anak ni Amang, – ay hindi susugod si Amang at malamang daw buhay pa ang tita Monique nila. Inalo ni Celine ang asawa at sinabi nitong hindi kasalanan ang pagsasabi ng katotohanan. Nangako sina JB at Celine na hinding hindi nila pababayaan sina Jackie.

Iniabot kay Onay ng lolo niya ang tabloid na naglalaman ng balita tungkol sa “MADRIGAL TRAGEDY”.
Lolo : Onay, masyado nang malala ang sitwasyon. Matagal na panahon na din naman, ako na ang humihiling sa iyo apo – gawin mo na ang dapat mong gawin, bago mahuli ang lahat. Anuman ang nagawang kasalana sa iyo, kadugo mo pa rin siya.
-Umalis na ang lolo ni Onay. Tahimik lang na binasa ni Onay ang nakalagay sa pahayagan.

Gumawa na naman ng liham si Onay para sa ina.
‘nay, sana hindi ko na lang nahulaan. Sana’y hindi na lang nagkatotoo. Sana’y hindi nangyari, sa pamilya pa ng taong naging mabuti naman sa akin, sa mga taong naging kaibigan ko na nga. Hindi ba talaga mauubos ang masasamang tao sa mundo? Wala ba talaga silang pagod sa paggawa ng masama? (Ipinakikita na malungkot na nililigpit ni Lena ang mga nagulong gamit ng ama, na nakatulog sa pagdadalamhati – inaayos ni Lena ang ama). Kung minsan naisip ko … wala silang puso dahil parang hindi nila alam kung gaano kasakit ang mawalan, ang maiwan. (pinakita sina Mateo at Corazon) Kung minsan naiisip ko … wala silang kinatatakutan dahil hanggang sa huli ayaw nilang magsisi. (Ipinakita ang libing ni Monique. Labis ang pagdadalamhating makikita sa anyo ng mga nagsipaglibing
kay Monique. Naroon sina Gloria, Eli, Jackie, Fidel, Lena, Celine, JB at ilang taong sumama sa paghatid kay Monique sa huling hantungan). At kung minsan naiisip ko, bakit may mga taong kailangang magdusa, magbayad sa mga kasalanang wala naman silang kinalaman.

Kinuha ni Onay ang cassette tape., malungkot at mataman itong tinitigan.
Onay : ‘nay bakit kailangan ko pang mag-iwan ng bakas, ng marka … sa lahat ng sakit na sana hindi ko na lang naramdaman. Sana mapatawad nyo ako, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga kayang patawarin si itay.

Nakaalis na ang mga nakipaglibing. Nasa harap pa rin ng puntod ng ina si Jackie at patuloy pa rin itong lumuluha, naalala nito ang ilang pangyayari na kasama niya ang ina – noong bihis na bihis ang ina at sinabi niyang mai-inlove tiyak muli ang amang si Fidel pag nakita ang ina sa ayos nitong napakaganda, … noong nakita niya ang mga naka-display na larawan ni Monique sa parlor ng kaibigan nitong matalik na si Siony nang ito ay dinalaw niya sa tinitirhan nito, … nang hiniling ng ina na kung puedeng mayakap siya pagkaraan ng mahabang panahon na pagkakahiwalay – tuwang tuwa noon ang nanay niya, … habang sila ay nagluluto … at iyong huli nilang pag-uusap nila sa restaurant na gusto sana ng ina na pagkasunduin sila ng ama niyang si Fidel.
– Miss na miss na ni Jackie ang ina. Lumapit si Eli at niyaya ang asawang umuwi na sila, pero ayaw pa rin iwanan ni Jackie ang ina. Umalis si Eli.

Sa bahay ni Mateo. Ipinaalam ni Corazon sa asawa na may taong naghahanap dito – imbestigador at ilang pulis, may itatanong lang daw. Inakbayan ni Mateo ang asawang bakas ang pag-aalala.

Habang papunta sa sasakyan ay nakita ni Eli ang biyenang si Fidel, maraming pulis sa paligid. Lumapit si Eli sa ama ng asawa.
Eli : Dad
Fidel : Huwag mo akong tatawaging Dad, hindi mo ako ama. Ang ama mo ang pumatay sa asawa ko – hinding hindi ko makakalimutan iyon. MAGBABAYAD KA. MAGBABAYAD KAYO.
-Tinalikuran ni Fidel ang manugang.

Teaser : Nagpakita na si Onay sa amang si Mateo.

4 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 61”

  1. ptvj Says:

    thanks for doing today’s update.

    grabe, bravo sa performance nina eli at jackie. ang galeng.

  2. jazzams Says:

    pasensiya ka na “ptvj ko” at busy ako lately. saka hindi kaya ng powers ko ang galing ninyo sa text update. minsan lang ako nag back up kay ara pero ang tulo ng pawis ko ay sobra. 😦 galing talaga ni neneng. iyon nga lang nawala ang text na lobo. waaaah!

  3. dnj Says:

    salamat sa website nyo. ang galing galing!! para na rin akong nanonood ng show sa tv grabe! picture na picture ko ang mga pangyayari!!

  4. ptvj Says:

    jazzams ko, okay lang iyon, no problemo.

    dnj, hope nag-e-enjoy ka, welcome sa pinoytvjunkie!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: