Lobo, Episode 26

by

Ayaw maniwala ng mga pulis na nakakita ng lobo si Lyka. Dumating si Trixie at nalaman niya mula kay Lyka na itim ang lobong umatake sa kanya.

Sinabi na ni Gabby kay Noah na aatake sila sa party ng House of Elle. Hindi raw kasi ito ordinaryong party kung hindi pagpupulong ng mga drug lords. Nabigla si Noah sa nalaman.

Sinabi ni Lyka ka Trixie na malapit na raw siyang maniwala sa mama niya. Na she won’t amount to nothing. Sinabi naman ni Trixie na huwag na huwag niyang gagawin iyon, tignan na lang daw niya ang kinatatayuan niya ngayon. Pinasaya ni Trixie si Lyka, sinabi nitong mag-a-out-of-town sila sa birthday ni Lyka.

Alalang-alala naman si Lady Elle sa nabalitaan niyang nangyari kay Lyka. Nalaman na rin ni Manolo na hindi lang ang mga Luna ang naghahabol kay Lyka kung hindi pati na ang mga Waya.

Nakipagkita si Noah sa contact niya. Kailangan na raw nilang pasukin si General Alcantara dahil may orders siya mula kay Gabby na sugurin nila ang party ng House of Elle. Nagdududa ito sa kanyang misyon.

Nag-sneak in si Noah sa kwarto ni Alcantara para ipagpalit ang keycard na dala-dala niya sa keycard ni Alcantara. Muntik na mahuli si Noah dahil nagising si Alcantara pero nakatakas din ito.

Inaatake na naman si Anton ng sakit niya. Siya namang pagdating ni Lyka. Hindi nagpahalata si Anton na masama ang pakiramdam niya. Oblivious si Lyka sa nararamdaman ng kuya niya kay kinulit-kulit niya ito. Huli na ng mapansin niya na something’s wrong with Anton. Sinabi ni Anton na wala raw iyon.

Ayon sa information na nanakaw ni Noah, order ng chief of staff ang mission niya. Pero napansin din ng kaibigan niya ang mga anomaly tungkol sa mission ni Noah. Kaya nakumpirma ang paniniwala ni Noah na may mali sa misyon niya.

Iminungkahi ni Noah sa ama-amahan na ipost-pone daw muna nila ang balak nilang pagsugod sa party ng House of Elle. He took it as a sign of Noah’s weakness.

Nagsorry si Anton kay Lyka. Masyado lang daw kasi siyang stressed out.

Inabangan ni Noah si Lyka sa hallway ng opisina nila at hinila niya ito sa isang kwarto. Sinabi ni Noah kay Lyka na huwag itong sumama kay Trixie, maglagi na lang daw ito sa bahay. Sinabi ni Lyka na wala raw karapatan si Noah na pagbawalan si Lyka.

Sinabi ni Noah na magtiwala lang si Lyka sa kanya. Paano raw magtitiwala si Lyka kay Noah? Iniwan na ni Lyka si Noah.

(Sabihin mo na kasing ikaw si JJ para magtiwala siya sa iyo!)

Kinausap ni Noah ang buwan at si Ulay, malapit na raw ang kaarawan niya. Kausap din ni Lyka ang moonstone niya. Ang gusto lang daw niya sa birthday niya ay ang makasama si Noah, pero hindi raw tama ang nararamdaman niya.

Nagpulong na naman ang mga itim na lobo. Susugod na raw sila bukas.

Nagbigay ng report si Gabby tungkol sa mga alam nilang mga taong lobo. Sabi ng mga ibang tao sa meeting, ang tagal na raw nilang nililipol ang mga taong lobo pero hindi pa nila maubos ang mga lahi nila. Sinabi ni General Ortega na iyon daw ay dahil may makapangyarihang pumoprotekta sa kanila. (It was also mentioned na taong lobo ang pumatay sa asawa at anak ni Ortega.)

Sinabi ng “Mystery Guy” na iyon na raw ang ikatlo at ang hulig pagsubok ni Noah.

Nagpupulong din ang mga Waya. Sinabi ni Minerva na hindi raw siya darating dahil marami raw sa mga nasa pangangalaga niya ang hindi pa nakakalipat. Mas importante daw iyon kaysa panooring magpalit ng balat si Lyka. Ipinaalala ni Lady Elle kay Minerva na noong si Minerva ang nagpalit ng balat, kahit pa expected na niya iyon ay hindi pa rin ito naging madali. What more pa raw kayang si Lyka na walang kaalam-alam.

Nag-alarm ang cellphone ni Anton dahil sa birthday reminder ni Lyka. Hindi raw titigil at hindi magpapapigil si Anton. Hintayin raw siya ni Lyka at ipapakita niyang karapatdapat daw ito sa kanya. Nagdarasal naman si Clara. Nakikusap ito sa Diyos na maawa ito kay Anton, hindi raw ito masamang tao.

At the same time, nagdarasal si Nessa. Siguro raw wala na siyang karapatan pang humingi ng anuman sa Diyos, pero nakikiusap daw ito na ibalik Niya si Lyka sa kanya. Hindi alam ni Nessa na naroroon si Father Ben.

Sinabi ni Lady Elle kay Trixie na bukas na raw ang araw na hinihintay nila. May mga taong lobo pa rin daw na itinuturing nilang sumpa sa lahi nila ang pagiging lobo. Isang sumpa na natutuhan nilang tanggapin, pahalagahan at yakapin. Pero may mga nabubuhay pa rin sa takot at hindi nila itong kayang tanggapin. Maraming naniniwala na isa itong sumpa. Sana raw pag dumating na ang huling bantay, magawa niyang taggapin na siya ang kanilang pag-asa, ang kanilang tadhana.

Umupo sa tabi ni Nessa si Father Ben. Sinabi ni Father Ben ang totoo kay Nessa dahil siya raw ang ina at karapatan niyang malaman ang katotohanan. Na buhay ang anak niya at nasa Maynila ito.

Nanaginip si Lyka. Pumasok ito sa isang bahay (ito yata iyong bahay nina Lady Elle noong bata pa sila). May nakita itong puting lobo sa harap ng salamin. Hinabol niya ito at nakarating siya sa isang hardin. Noong naabutan niya ito, nabigla siya dahil rebulto lang ng lobo. May bumati ng “Happy Birthday, Ulay!” at paglingon niya ay nakita niyang si Noah ang nagsabi noon. Tumingin ulit siya sa rebulto ng lobo, pagtingin niya ulit sa kinaroroonan ni Noah, wala na ito.

Nagising si Lyka at umaatake na ang pananakit ng kanyang katawan…

Mga Marka: , , ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: