MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 60

by

Sinabi na ni Eli kay Jackie ang lahat ng ginawa ni Fidel kay Mateo. Hindi ito makapaniwala sa kasamaan ng ama. Paulit-ulit itong nag-sorry kay Eli. Sinabi ni Eli na hindi niya ito sinabi kay Jackie para lalong gumulo ang isip niya, gusto lang niyang maintindihan ng asawa ang lahat.

Hindi makatulog si JB sa mga isiniwalat sa kanya ni Daniel. Hindi na nito matiis ang magtago ng sikreto pero hindi niya masabi-sabi kay Celine. Sinabi ni Celine na for whatever it’s worth kung palagay ni JB na makakatulong ang nalalaman niya sa ibang tao, then tumulong daw siya.

Inihahanda na nina Lena at Monique ang dinner nila para sa anniversary dinner nina Monique at Fidel. Sinabi ni Lena na sana raw dumating ang araw na makapag-25th anniv din siya. Mukha raw kasing malas siya sa pag-ibig. Sinabi ni Monique na hintayin lang daw niya at darating ang lalaking magmamahal sa kanya dahil nararapat siyang mahalin. Monique wished for their anniversary na sana maayos na ang pamilya nila. Naalala ni Monique si Jackie, bakit daw wala pa ang kapatid niya tanong niya kay Lena. Palihim na tinawagan ni Lena si Jackie, importante raw ang araw na ito, kailangan nilang pumunta.

Pinagmamasdan ni Lena habang isinasayaw ni Fidel si Monique. Medyo malungkot daw si Monique dahil may kulang. Huwag na raw masyadong isipin iyon sabi ni Fidel, naroroon naman si Lena. Nagyaya na si Fidel na kumain at doon naman dumating sina Jackie at Eli. Masayang-masaya si Monique. Kahit galit, inapproach pa rin ni Jackie si Fidel.

Kung daw iisipin ni Jackie na utang na loob pa ni Fidel ang pagpunta nila doon nagkakamali raw siya. Tumayo na si Fidel at sinabi niya kay Monique na they’ll celebrate some other time.

Hindi napigilan ni Eli si Jackie noong sinundan niya ang ama. Galit na si Jackie, pagod na raw siya sa hindi niya maintindihang galit ng ama sa kanilang mag-asawa. Galit din si Fidel. Bago raw makalimutan ni Fidel na anak niya si Jackie umalis na siya.

Tuluyan ng nagalit si Jackie, sinabi na niya na alam niya lahat ng kahayupang ginawa ni Fidel kay Mateo. Wala na raw maalala si Fidel kung hindi galit, nakalimutan na raw niyang si Eli lang ang tumulong sa kanya noon when no one else did. Para daw lumulutang daw si Jackie, dahil ayaw niyang isiping hindi pa rin nagbabago ang ama. Mayabang daw kasi ang ama. Nakakahiya daw ito dahil hindi niya kayang aminin ang mga kasalanan niya. Nakakahiya daw na masama ang ama niya. Masakit daw kasi na wala pa rin siyang puso. Sinampal ni Fidel si Jackie. Luhaang tumakbo papaalis si Jackie palayo sa ama. Nagpunta ito sa dining table nila, kinuha ang bag niya at tumakbo na ito paalis. Hinabol siya ni Eli.

Pinuntahan ni Monique si Fidel. Wala raw karapatang pagsalitaan siya ni Jackie ng ganoon. Galit na galit pa rin siya kina Mateo at Eli. Naitulak ni Fidel si Monique at napaupo ito sa tabi ng sofa habang nanonood lang ang walang magawang si Lena.

Sinugod ni Lena si Mateo, hindi niya pinansin ang naiinis na si Corazon. Tigilan na raw ni Amang ang ginagawa niya sa pamilya niya. Hindi raw ba pamilya ang turing ni Lena sa kanya, nangitian lang daw siya ni Fidel pamilya na ang turing niya dito. Sinabi ni Lena na kailangan siya ni Fidel, sinabi naman ni Mateo na hindi niya kailangan si Fidel. At kung si Fidel man ang makakasira sa relasyon nila ni Lena, wala na siyang magagawa. Pagsakabi noon ay iniwan na ni Mateo ang naluluhang si Lena.

Pumunta ang umiiyak na Jackie kasama si Eli sa bahay nina JB at Celine. Noong magkasarilinan sina JB at Eli, sinabi na ni JB na buhay ang anak ni Mateo at alam ni Fidel na buhay ito pero itinago niya ang katotohanan kay Mateo.

Gustong kausapin ni Eli si Fidel dahil kailangan niyang hanapin ang kapatid niya at kailangan din niyang malaman ng ama. Tinawagan ni Eli si Mateo sa home phone nila pero ayaw ibigay ni Corazon. Sinabi ni Eli na hindi raw sinasagot ni Mateo ang cellphone niya, pero pinagbabaan lang siya ng phone ni Corazon.

Kausap ni Fidel si Mateo. Andami pa raw paligoy-ligoy ni Mateo, patayin na lang daw niya si Fidel kayasa inu-unti-unti niya ang pamilya niya. Malaki raw ang pagkakamaling binuhay pa niya si Mateo. Lagi naman daw nasa huli ang pagsisisi sabi naman Mateo.

Sinabi ni Fidel na magpatayan na lang sila kung gusto niya. Tinawag ni Mateo ng ulol si Fidel, mamatay daw na mag-isa si Fidel. (Naririnig ni Lena ang usapan nina Fidel at Mateo).

Sinabi na ni Eli ang natuklasan niya tungkol sa kapatid niya sa ama. Hahanapin daw niya ito. Galit na galit na si Mateo. Magtatalo daw sila ng demonyong nagtago sa kapatid niya, sabi ni Mateo.

Nakipagkita si Monique sa isang restaurant kay Jackie. Nakiusap ito na makipagbati na sa ama niya. Hindi naman masabi ni Jackie ang totoo sa ina, kaya sinabi nitong hindi niya agad mapapatawad ang ama. Dumating si Fidel. Parehong hindi alam ng mag-ama na pinagtatagpo sila ni Monique para makapag-usap sila. Umalis na si Jackie ng hindi humahalik sa ama.

Habang nasa kwarto si Fidel, naiiyak ito. Sinuntok pa niya ang pader ng kwarto nila. Tinignan niya ang family picture nilang naka-frame.

Nabigla si Monique noong nakita niyang nililinis ni Fidel ang baril niya. Sinabi ni Monique na kung mahal siya nito, itatago niya ang baril. Sinabi ni Fidel na nililinis lang niya ang baril.

Naiiyak na nagdarasal si Monique sa altar para sa safety ng buong pamilya nila. Nag-ring ang phone at dinampot niya iyon. Narinig niya ang pag-uusap nina Fidel at Mateo.

Tinawagan ng nagpapanic na si Monique sina Eli. Hindi na nito alam ang gagawin. Bilisan daw nila bago magpatayan ang dalawa.

Samantalang habang nasa kusina naman sina Onay at Joko, natabig ni Onay ang pitsel at natapon ang laman nitong tubig.

Patakbong nagpunta sina JB at Eli sa sasakyan para puntahan sina Fidel at Mateo. Nagdarasal naman sina Jackie at Celine.

Naunang dumating si Mateo, sumunod naman si Fidel. Nagkatutukan ng baril. May narining silang paparating na sasakyan.

Nagkaputukan ng baril.

Nabaril si Monique at namatay ito. May tama din si Mateo.

Umiiyak na kinalong ni Fidel si Monique. Doon dumating sina JB at Eli na may kasamang dalawang pulis.

Nanlumo naman sina JB at Eli sa naabutang mga pangyayari.

Umiiyak pa ring niyakap ni Fidel ang asawa…

9 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 60”

  1. jazzams Says:

    ay naku “ptvj ko” di ako makapasok sa BOF waaaaaaah! pero thank you sa text update mo. kanina ko pa gustong mag reply pero talagang busssssssy! 🙂

  2. jazzams Says:

    okay i don’t know how to do this. 😦 help!

  3. safiya Says:

    magtatapos na ba ang MSKM?

  4. jamby Says:

    sayang nga lg namatay na yung role ni monique(Bing Pimentel).sana po mag guest po cla ni boyet at bing sa isang episode ng maalaala mo kaya..Hoping na magkaroon cla na isa pa teleserye..cute nla tingnan..at cguradong wala ng book3 na aabangan

  5. nawawala Says:

    sorry, naguguluhan ako. bakit may scenes na magkausap si fidel at mateo tapos biglang nasa kwarto, tapos non nag-uusap ulit si mateo at fidel, tapos narinig sa phone ni monique? di ko kasi napanood eh… iba’t ibang araw ba yung mga pangyayare?

    tsaka na-schock ako! namatay si monique!! =(

  6. ptvj Says:

    nawawala, sa phone nag-usap sina mateo at fidel, sakto narinig ni monique sa extension phone ang usapan nila kaya tinawagan niya sina eli at jb.
    🙂

  7. annedito Says:

    sayang wala si veron at sana siya nalang ang pinatay. i really like monique’s character and i wasn’t expecting na siya ang papatayin. bwisit talaga mga writers.

  8. nawawala Says:

    ok. thank you!🙂

  9. resyeru24 Says:

    Wah! Ayoko na! Hehe! Siguro may bagong pakulo na naman ang ABS! Hay naku! Bakit ang dami ng pinapatay nila??!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: