LOBO Episode 25

by

Sa Mobile Control Room, naalala ni Gabby ang masaya nilang samahan ni Noah at ang mga bagay tungkol sa misyon nila. Hawak ang labi niya ay nagflashback kay Gabby ang ginawa niyang “paghalik” kay Noah. Nasa gano’n siyang sitwasyon ng dumating ang galit pa ring si Noah. Habang nagtatanong si Noah ng kung ano ang susunod nilang procedure pagkatapos i-break ni Gabby ang cover (?) ay nag-umpisang hubarin ni Noah ang pantaas na kasuotan.

Hindi makatingin mabuti si Gabby kay Noah habang naghuhubad ito. Dalawang paraan daw sabi ni Gabby, (1) Mag-pretend na meron silang relationship, (2)Just in case na kumalat – meron daw talaga siyang nararamdaman para kay Noah kaya niya hinalikan ito, pero tapos na, kasi nasabi na ni Noah na wala talaga siyang nararamdaman para kay Gabby at wala talaga silang relationship.

Pinili ni Noah ang ikalawa, para matigil agad ang sinimulan ni Gabby at walang matuloy tuloy napagpapanggap. Kahit nasasaktan ay nag-agree si Gabby sa sinabi ni Noah. Ipinaalam ni Gabby kay Noah na nauubusan na ng pasensya ang HQ kaya kailangan tuloy tuloy ang misyon sa drug syndicate. May gusto pa sanang sabihin si Gabby tungkol kay Lyka, pero ayaw nang marinig ni Noah kasi hindi daw siya authorized. Umalis si Noah at naiwan sa control room ang nangingilid ang luha na si Gabby.

Pababa ng hagdan si Anton ay bigla itong nakaramdam ng sakit o pangingimi sa isang braso (ito kaya iyong nakagat ni Nessa?). Dumating si Lyka. Inayos ni Anton ang sarili at binati ang bagong dating na si Lyka. Napansin ni Anton na ang “haba ng mukha” ni Lyka, tinanong ni Anton kung may nang-away kay Lyka sa opisina kasi aawayin niya. Masayang nagbibiruan sina Anton at Lyka nang bumaba ng hagdan si Clara, nagpaalam na si Lyka na pupunta na siya sa kuwarto niya, wala pa ring imik na nakatingin lang kay Anton si Clara.

Sa silid ni Lyka. Kinakausap ng dalaga ang sarili na dapat matuto na siya kasi dalawang beses na siyang nasaktan dahil kay Noah.

Sa bahay nina Noah, nagrerehearse si Noah nang sasabihin pag nagkita sila ni Lyka, pero natigilan ito nang maalala ang pagbabanta ni Gabby sa buhay ni Lyka.

Naang pumasok si Noah sa House of Elle ay napatingin ito sa desk ni Lyka, wala doon ang dalaga. (hindi ko type ang suot dito ni Noah, masyadong “eskandaloso”, kitang kita ang laki ng buk**) Nagulat si Noah ng marinig ang pagtwag sa kanya ni Lyka mula sa likuran. Binigyan ni Lyka ng kopya ng scheduke ni Lady Elle si Noah. Magsasalita sana si Noah pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Lyka, sinabi ni Lyka kay Gabby na sila na pala ni Gabby, bakit hindi man lang sinabi sa kanya at nahiya siya sa ginawang bonggang pag-announce ng relationship nila kaya tumakbo siya. Pigil ang emosyon na iniwan ni Lyka si Noah pagkabigay ng schedule ni Lady Elle.

Pinuntahan ni Trixie si Lyka para damayan pero okey lang daw siya sabi ni Lyka at natuto na siya.

May ibinigay na mga information si JP kay Noah tungkol sa taong nakaka-alam ng totoo niyang misyon.

Nararamdaman ni Noah ang ginagawang paglayo ni Lyka sa kanya. Tinawagan ni Gabby si Gen.Silva para sabihing nagsususpetsa na si Noah sa kung ano ang totoo niyang misyon.

Sa San Adolfo, may mabait na may-ari ng turo-turo na nagbigay ng pagkain kay Nessa. Sinabi ni Nessa na hinahanap niya ang anak niya kaya siya nasa San Adolfo.

Nagpapanic naman si Gabby dahil hindi niya alam kung saan nagpunta si Noah, may kausap siya sa phone at pinapahanap si Noah. Nagulat si Gabby ng pagpasok niya sa control room ay nandoon si Noah. Inereport ni Noah kay Gabby na may pagtitipong magaganap sa isa sa mga rest house ni Lady Elle. Naging malamig na ang pakikitungo ni Noah kay Gabby pagkatapos ng “hinalikan” siya nito.

May kinukwento si Tikboy kay Father Ben tungkol sa babaeng bago dating sa San Adolfo, na hinahanap si Clara, pinaalis na ni Father Ben si Tikboy para matulog na ang bata. Napakrus ang pari sa nakita at dali daling pumasok ito sa simbahan.

Sinabi ng Wayang itim sa kausap na babae, na kailangan nilang maagaw ang “huling bantay” sa mga waya kung nasa kanila nga ito.

Dala ang flashlight, pumunta sa gubat si Father Ben at hinanap si Nessa. Nagpakita si Nessa sa pari at tinanong nito kung nasaan ang anak niya. (Ben lamang ang tawag ni Nessa sa pari) Sinabi ni Nessa na kailangan niyang makita ang anak niya kasi malapit na ang kaarawan nito at magiging halimaw na ring gaya niya ang anak niyang si Lyka. Sinabi ng pari na patay na si Lyka at ang anak ni Emil, hindi raw nakaligtas sa aksidente ang dalawang bata. Ayaw maniwala ni Nessa kasi nararamdaman daw niya na buhay ang anak niya.

Ginabi sa House of Elle si Lyka sa dami ng trabaho. Napansin ni Lyka iyong portrait na tinititigan dati ni Noah, then parang narinig niya ang boses ni Noah na niyaya na siyang umuwi. Habang naglalakad ay kinakabahan si Lyka, naramdaman niyang may sumusunod sa kanya, paglingin ni Lyka ay napatili siya sa nakita – isang asong itim. Tumakbo ang nahintakutang si Lyka, pumasok ang dalaga sa nakitang pinto, pero nagawang makapasok ng asong itim. Nang dadambahin na ng aso si Lyka ay biglang nag-iba ang mata ng dalaga, nakita iyon ng aso at iniwan nito si Lyka.

Teaser : Pinipigilan ni Noah si Lyka na sumama kay Lady Elle sa party.

Mga Marka: , , ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: