MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 59

by

Nakipagkita si Lena kay Mateo sa isang restaurant. Nabawi lang ang ngiti ni Lena noong nakita niyang kasama nito si Corazon.

Ibinalita na nina Celine at JB kay Jackie ang good news. Ibinahagi na rin ni Jackie ang nagiging problema ng pamilya niya.

Sinabi ni Corazon na “Tita Corazon” na lang ang itawag ni Lena sa kanya instead of inang, pero ipinilit pa rin ni Lena ang inang. Sinabi ni Mateo na mangako daw si Lena na dumalo siya sa simpleng kasal nila. Noong magkasarilinan sina Lena at Mateo, sinabi ni Lena na may panahon pa para magback-out.

Bago masabi ni Lena ang gusto nitong sabihin (tungkol siguro kay Fidel), pinuntahan sila ni Corazon at sinabing dinala lang ba siya doon para magmukmok sa mesa niya.

Ibinalita na rin nina Celine at JB ang balita kay Eli. Noong isinuggest ni JB na sabihin na niya kay Onay, sinabi ni Celine na ayaw lang niyang sabihin kay Onay, she wants to do something for her.

Galit na galit naman si Onay kay Joko dahil hindi siya nito ginising ng maaga. Nakatawag siya ng tawag kay Celine.

Nagkakagulo naman sa board meeting ng kumpanya nina Eli at Fidel. Nagwalk-out si Fidel at naiwan doon si Eli sa gitna ng mga nagkakagulong board members.

Pagdating nina Onay at Joko, akala nila may party dahil may nakahandang mesa sa may garden. Niyaya na ni Onay si Joko na umalis dahil hindi raw sila nakabihis pero nakita ni Joko ang isang poster: “To Onay…Our biggest fan…A dearest friend…Our Angel…Thank you for eveyrthing, Celine and JB”

Dumating na sina Celine at JB. Ibinalita na nila ang magandang balita. Tuwang-tuwa naman si Onay. Iniabot na nila ang regalo nila kay Onay. Ang scrapbook ng story nina JB at Celine ang regalo nila. Sinabi ni Celine na it’s her story na rin daw, if they found love in this lifetime she will find hers din daw.

Tuwang-tuwa naman sina Celine at JB sa palitan ng pang-aalaska nina Joko at Onay habang kumakain sila. Napag-usapan na nila na hindi na kailangan ni Celine ng caregiver. Malungkot si Onay dahil mamimiss daw niya si Celine, sinabi naman ni JB na magkikita at magkikita pa rin naman daw sila dahil magkakaibigan sila. They toasted for friendship and a long ang healthy life.

Pinagtatawan lang ni Fidel si Mateo noong ibinigay nito ang wedding invitation niya. Pero nagalit na ito dahil sinabi ni Mateo na may 2 pang investors na balak mag-pull out. Sinabi ni Mateo na kung sa negosyo pa lang ay nagkakaganyan na siya, what more daw kung madamay sina Jackie at Monique. Fidel grabbed Mateo by the collar of his shirt. Kumawala si Mateo at umalis na. Nakita ni Eli ang mga pangyayari.

Nagpahula si Joko kay Onay. Tutal daw wala nang masasamang vibes. Pero death pa rin ang lumalabas sa mga baraha ni Onay. Nag-aalala si Onay. Sinabi ni Joko na ayaw na niya.

Sumunod si Eli sa mansiyon. Ayaw iyang kausapin ni Fidel at sinabi niyang magbibida0bidahan na naman daw ba ito kagaya ng ginawa niya sa boardroom. Sinabi ni Eli na hindi siya nagbibida, kailangan lang niyang gumawa ng desisyon. Kagaya rin daw siya ng ama niya, akala mo kung sino nanggaling lang sa putik. Iniwan na ni Fidel si Eli (As usual, si Monique puro “Fidel…” lang ang sinasabi. Geez).

Inabangan ni Jackie si Mateo sa parking lot. Nagmamakaawa si Jackie na kausapin siya nito.

Nag-aalala pa rin si Onay sa resulta ng baraha niya. Diyaryo na lang daw ang tignan niya sabi ni Joko.

Hindi naman daw sa nanghihimasok si Jackie, per may pakiramdam din naman daw siya. Malamig ang pakikitungo ni Mateo kay Jackie. Baka raw kagaya rin siya ng ama niya na mapagkunwari. Kay Eli daw siya magtanong hindi sa kanya. Wala ng nagawa si Jackie.

Nakikusap si Monique na pagpasensiyahan ni Eli si Fidel kahit alam niyang mali si Fidel. Baka raw masira ng tuluyan ang relasyon ng mag-ama niya.

Pagdating ni Eli sa bahay nila. Sinabi ni Jackie na maari silang makapunta sa kasal nina Amang. Sinabi ni Eli na hindi sila pupunta. Nasabi ni Jackie na pinuntahan niya si Amang at nagalit si Eli. Huwag daw itong pupunta doon ng hindi niya nalalaman.

Ano raw ba ang mali sa ginawa ni Jackie, tatay naman daw niya iyon. Hindi raw alam ni Eli kung tatay ba raw talaga si Mateo. Sinabi ni Jackie na ang hirap kasi kay Eli sinasarili niya ang problema niya.

Nagtaas na ng boses si Eli. Hindi raw kasi alam ni Jackie ang alam niya. Hindi nito alam kung gaano kahirap ang harapin si Fidel araw araw ng matiwasay para lang kay Jackie. Kaya kung gusto raw niyang manahimik huwag siya nitong susumbatan. Hindi raw nito alam ang mga kahayupang ginawa ng tatay niya.

Nagtaas na rin ng boses si Jackie. Gusto nitong malaman kung ano ang ibig sabihin ni Eli. Nagsigawan na sila. Nagwalk-out si Eli at nagkulong si Eli.

May pinapa-imbestiga si Daniel sa isang lalaki.

Kasal na sina Mateo at Corazon. Naroroon sina Lena, Celine at JB to witness it.

Nakatanggap ng tawag si JB.

Nakipagkita si Daniel kay JB. Sinabi nitong marami siyang hindi nalalaman sa napangasawa ng nanay niya.

Nagpaparty si Amang na parang fiesta-style sa mga tauhan niya. Pero wala doon si Corazon.

Hindi kinikibo ni Jackie si Eli. Pilit na niyakap ni Eli si Jackie at pilit dingg kumakawala ito sa asawa. Nag-sorry si Eli. Sinabi ni Jackie na asawa siya ni Eli pero bakit hindi niya nararamadaman, bakit daw ayaw niyang magtiwala sa kanya.

Gusto lang daw malaman ni Jackie kung ano ang nasa puso niya. Sinabi ni Eli na ayaw niyang saktan si Jackie.

Makikinig daw si Jackie…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: