LOBO Episode 24

by

Inirereport ni Selina Argos ang resulta ng isinagawa niyang pagsusuri kay Lyka. Ayon sa report ni Selina ay nakahanap sila ng kakaibang nilalang sa lahi nilang mga taong lobo. Limang beses daw ng lakas ni Lady Elle ang lakas ni Lyka, at sampung beses ng lakas ng ordinaryong
taong lobo. Wala na silang dapat ikabahala, at hihintayin na lang nila ang pagpalit ng balat ng huling bantay.

Ayon kay Trixie ay nasabihan na lahat ng WAYA at darating silang lahat sa kaarawan ni Lyka. Ipinaalam ni Don Manolo na na-secure na rin nya ang lugar kung saan hihintayin ng mga Waya ang pagpalit ng balat ng huling bantay – upang makasiguro na walang manggugulo sa araw na pinakahihintay nina Lady Elle. Sinabi ni Trixie na mayroon lang silang problema sa “bodyguard” sapagkat masyado nitong ginugulo ang isipan ni Lyka – dagdag lamang si Noah sa bigat na papasanin ni Lyka pagating ng panahon. Pinagbilinan ni Lady Elle si Trixie na manatili lang sa tabi ni Lyka – maging kaibigan at suportahan ang “huling bantay” habang pinagdadaanan nito ang lahat.

Humahangos na dumating ang Waya na si Leo. Inereport ni Leo na hindi pa niya natatagpuan ang itim na Waya na pinahahanap ni Lady Elle, pero hindi raw siya titigil sa paghahanap hanggang hindi natatagpuan ang wayang itim.
Lady Elle : Maraming salamat Leo. Alam kong delikado rin para sa iyo ito, pero kailangan mo siyang mahanap, ayokong may dagdag pa sa kaguluhan pagdating ng oras – sa pagpapalit ng balat ni Lyka.

Galit na galit si Gen. Silva sa nangyaring pagtakas ng bihag nilang taong lobo na si Nessa. Sinabi ni Dr. Vivian Lee na matalino si Nessa. Pinahahanap ni Gen. Silva si Nessa, at pinasisiguro ng
heneral na pag nakita nila ito ay may bonus na kasama – ang anak na hinahanap ni Nessa.

Nakasakay sa isang Bus si Nessa papuntang San Adolfo.

Gabi. Naalala ni Noah ang huling beses na magkasama sila ni Ulay – nang maaksidente sila sa ilog. Tumingin sa buwan si Noah, pagkatapos kinuha nito ang kwintas at simbolo ng pagiging sundalo niya. Nagflashback kay Noah ang panahon na na-promote siya at malamig na binati siya ng ama-amahang si Gen. Leon Cristobal ng “Congratulations for your promotion”. Habang tinitimbang ni Noah ang kahalagahan ng kwintas na sumisimbolo kay Lyka at ng kanyang propesyon ay naalala niya ang naging pag-uusap nila ng kaibigang si JP – “hanapin mo ang kabuuan, kung ano ang tama , hindi lang para sa sundalo at para din kay Jayjay, kundi kung ano ang tama sa buo mong pagkatao”. Tumingin muli sa buwan ang naguguluhang si Noah.

Sa San Adolfo. Nakatingin si Nessa sa simbahan at nakita niyang abala sa pakikipagsalamuha si Father Ben sa mga tao. Tumingin ang pari sa punong pinagkukublihan ni Nessa, tila nararamdaman ng pari na may nakatingin sa kanya. Dumating sina Tikboy (Nash Aguas) at Minyong. Tumitingin pa rin sa punong pinagkukublihan ni Nessa si Father Ben habang masayang nagkukwento ang batang si Tikboy. Niyaya na ni Father Ben sina Minyong at Tikboy na pumasok sa loob, pero lumilinga pa rin ang alagad ng simbahan sa punong pinagkukublihan ni Nessa.

Pinuntahan ni Gabby ang nag-iisip na si Noah sa parking lot ng House of Elle. Tinanong ni Noah si Gabby kung bakit ito nagsundalo. Ang sabi ni Gabby ay para magsilbi sa bayan.
Noah : But that’s not the only reason why, noong inalok sa iyo ang buhay militar tinanggap mo dahil iyon ang pagkakataon na magkaroon ka ng bagong buhay out of poverty ang misery, right? Ako Gab, naging sundalo ako because of lot of things, unang una ang umampon sa akin ay sundalo, now I forced to a soldiers life pero tinanggap ko rin, I follow then his footsteps because I wanted to show him how much I appreciate na pinalaki nya ako, inaruga nya ako, binihisan, binigyan ng pamilyang mag-aalaga sa akin at magmamahal. But perhaps the most important reason why I became a soldier is because noong bata pa ako, meron akong pinangakuang tao na babantayan ko and I broke that promise – he died on my watch at sinabi ko sa sarili ko hinding hindi na mauulit ‘yon sa kung kanino man na pangangakuan ko na babantayan ko.
Gabby : Bakit natin ‘to pinag-uusapan ngayon? What are you getting at?
Noah : Hindi ako nakatulog kagabi thinking about this, I realized ang simple simple lang naman ng sagot na hinahanap ko. Ito lang iyon Gabby, ‘yong pagiging sundalo ko, kung ano ako ngayon, iisa lang ang pinagmulan no’n, si Lyka.

Pagpasok ni Lyka sa office, ay hinanap kaagad nito si Noah pero hindi niya nakita ang sundalo. Nag-attempt si Lyka na tawagan si Noah sa cellphone pero hindi niya itinuloy ang pagtawag. Tumayo si Lyka, tinawagan si Trixie at sinabing pupuntahan niya ang kaibigan sa pwesto nito. May ibinigay kay Lyka iyong lalaki na naka-assign sa photocopy machine. May naisip si Lyka, kinuha ang wish list niya at pinakita sa lalaki kung pamilyar ito. Natatandaan naman ng lalaki na may nagpa-xerox na niyon sa kanya, pero ayaw nitong sabihin kung sino kasi “confidential” daw. Tinakot ni Lyka ang lalaki na isusumbong kay Lady Elle, sinabi rin ng lalaki na si Noah ang nagpa-xerox niyon.
-Napangiti si Lyka sa narinig.

Patuloy pa rin sa pag-uusap sina Noah at Gabby.
Noah : Don’t you get it? What drove me to be good in this job is because of my thoughts of Ulay, Lyka. Hindi ko puedeng paghiwalayin. Hindi puedeng magkaiba ang pagiging sundalo ko, pagtupad ko sa misyon ko, sa pagmamahal ko sa kaibigan ko at sa pagtupad ko sa pangako ko sa kanya. That is why I have to tell the truth who I am to Lyka, na ako si Jayjay.
-Nakapag-decide na si Noah na sabihin sa taong pinaka-importante sa buhay niya, kung sino siya talaga, na siya si Jayjay. Ayaw pumayag ni Gabby, pinagbabawalan nito si Noah sa gagawin. Pero decided na si Noah na sabihin kay Lyka ang totoo. Hinabol ni Gabby ang mabilis na umalis na si Noah.

Nag-uusap naman sina Trixie at Lyka. Sigurado na si Lyka na si Noah nga ang tumutupad ng mga wishes niya, kaya decided na rin ang dalaga na itanong kay Noah kung siya nga. Pinipigilan ni Trixie ang kaibigan kasi baka masaktan lang daw ito, pero ayaw magpapigil ni Lyka kasi sigurado na daw siya. Hindi daw inisip ni Lyka, kundi hinangad at pinangarap na si Noah na nga iyong taong tumutupad ng mga wishes niya kasi MAHAL NIYA SI NOAH? Maluha-luha si Lyka nang mapagtantong mahal nga niya si Noah.
-Tumakbo si Lyka para hanapin si Noah, naiwan ang nag-aalalang si Trixie.

Papunta na si Noah kay Lyka ay nakasunod pa rin si Gabby, pinipigilan nito ang mistah sa gagawin. Naiwan si Gabby ng may mga office staff na kumausap sa kanya.

Hinahanap naman ni Lyka si Noah, parating na raw sabi ng officemate niya. Nag-uumapaw sa kagalakan ang puso ni Lyka, tumakbo na naman ang dalaga. Nagkasalubong sina Noah at Lyka sa lobby ng House of Elle – masayang masaya ang dalawa … biglang humarang sa gitna si Gabby at hinalikan si Noah sa labi – feel na feel ni Gabby ang halik, samantalang si Noah naman ay kitang kita ang pagkabigla. Labis labis na sakit ang naramdaman ni Lyka sa nasaksihan, hindi nito napigilan ang sarili sa pagluha. Nang umalis si Lyka ay sinundan ito ng tingin ng nag-aalalang si Noah. Nagtalo sina Noah at Gabby sa ginawa ng huli. Nang umalis si Noah ay nagbanta si Gabby na kung sasabihin ni Noah kay Lyka ang totoo ay mamamatay si Lyka. Natigilan si Noah sa narinig.

Pumunta sa comfort room si Lyka at doon ito umiyak ng umiyak.

Binalikan ni Noah si Gabby, inulit ng dalagang sundalo ang pagbabanta sa buhay ni Lyka. Natunugan ni Noah na may hindi siya alam tungkol sa misyon niya, tinanong niya si Gabby pero umalis lang ito ng walang sinasabi.

Inayos ni Lyka ang sarili at lumabas ng comfort room.

Nakarating na si Nessa sa dating bahay nina Clara sa San Adolfo, pero iba na ang nakatira doon.
Palihim na nakipagkita si Noah kay JP upang humingi ng tulong tungkol sa misyon niya. Hinihingi ni Noah sa kaibigan na tulungan siyang malaman ang detalye ng misyon niya sa House of Elle. Ayaw pumayag ni JP sa hinihingi ni Noah kasi “pagtataksil daw iyon sa bayan”. Pagkatapos ng palitan ng mga kuro-kuro ay pumayag rin si JP sa hinihingi ni Noah.

Sa Mobile Control Room, naalala ni Gabby ang masaya nilang samahan ni Noah at ang mga bagay tungkol sa misyon nila. Hawak ang labi niya ay nagflashback kay Gabby ang ginawa niyang “paghalik” kay Noah. Nasa gano’n siyang sitwasyon ng dumating ang galit pa ring si Noah. Habang nagtatanong si Noah ng kung ano ang susunod nilang procedure pagkatapos i-break ni Gabby ang cover (?) ay nag-umpisang hubarin ni Noah ang pantaas na kasuotan. Hindi makatingin mabuti si Gabby kay Noah habang naghuhubad ito. Dalawang paraan daw sabi ni Gabby, (1)Mag-pretend na meron silang relationship, (2)Just in case na kumalat – meron daw talaga siyang nararamdaman para kay Noah kaya niya hinalikan ito, pero tapos na, kasi nasabi na ni Noah na wala talaga siyang nararamdaman para kay Gabby at wala talaga silang relationship.
– Pinili ni Noah ang ikalawa, para matigil agad ang sinimulan ni Gabby at walang matuloy-tuloy na pagpapanggap. Nasaktan si Gabby sa sinagot ni Noah. (Napakasakit kuya Eddie. Ang sinapit ng aking buhay, napakasakiiiit huhuhu!)

Teaser : Nagkita muli sina Noah at Lyka.

Mga Marka: , , ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: