MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 58

by

Pag-uwi ni Fidel, mainit ang ulo niya. Sinabi niya kay Monique ang pagpu-pull out nina Mateo at Daniel. Just deal with the situation na lang daw at pinapakalmante niya si Fidel. Nagalit si Fidel noong sinabi niyang negosyo “lang” daw. Hindi nila alam nakikinig si Lena sa usapan nila.

Habang naghahanda ng pagkain sina Monique at Lena, tinanong ni Lena si Monique kung okay lang siya. Malapit na raw kasi ang anniversary nila, tapos nag-aaway pa sila. Pinatawa ni Lena si Monique by saying na madadaan daw iyon sa maboteng usapan. Sinabi ni Monique na maswerte daw ang nanay ni Lena dahil kahit may mga lungkot sa mga mata ni Lena, nagpapatawa pa rin ito para hindi lang mahalata. Sinubukang tawagan ni Lena si Amang pero hindi ito sumasagot.

Bago umalis si Onay, sinigurado muna niya na pupunta si Celine doon sa healing pastor. Nabanggit ni Celine na masyado ng maraming alam si Onay sa buhay niya pero siya, halos walang alam tungkol sa kanya. Iniwasan ni Onay ang tanong ni Celine tungkol sa mga magulang niya.

Habang kausap ni Celine ang ina, sinabi nitong huwag na siyang umiyak. Malungkot pa rin ang ina dahil ayaw siyang payagan ng doktor na magtravel para makauwi ng Pilipinas. Celine assured her that she’s goona be fine at saka inaalagaan naman siya ni JB. Naiyak na rin si Celine noong sinabi ng ina na she’ll call her everyday. Nakiusap ang mommy niya to hold on for her.

Inaatake na naman ng ashtma(?) si Lolo Bogs. Sinabi ni Bogs kay Onay na baka raw hindi na siya tumagal. Nagalit si Onay, ano raw ba ang pinagsasabi niya.

Sumusulat na naman sa ina niya si onay through her diary. Natakot kasi siya na baka iiwan na siya ng lolo niya kagabi.

Flashback: Nakita ni Bogs ang batang si Onay na nag-iisa. Kinupkop niya ito at inalagaan na parang isang anak (pinaliliguan niya ito kasama si Joko, pinatutulog, biibigyan ng regalo). End of flashbacks.

Hinding hindi na raw siya sasama sa tatay niya. Dahil para daw sa kanya, wala ng bawian ng anak.

Hindi na nakapasok si Onay sa trabaho. Niyaya na ni JB si Celine para umalis papunta sa healing priest. Kinakabahan man si Celine, tumuloy na sila ni JB.

Malungkot naman si Jackie dahil ayaw siyang papasukin ng secretary ni Mateo. Masyado raw busy si Mr. Romualdez.

Maraming tao doon sa pinuntahan nilang lugar. Tinanong ni JB kung gusto niyang ituloy pa baka raw mahimatay ito sa dami ng tao. Sinabi ni Celine na gusto niyang ituloy. She’s still hoping daw.

Nakapasok na sina Celine, pero naawa siya doon sa isang bata na nagmamakaawa doon sa guard. May sakit daw ang lola niya at baka hindi na raw siya makabalik kinabukasan. Sila na lang pinapasok ni Celine.

Pauwi na sina Celine, hindi sila naka-meet doon sa pastor. Noong papauwi na sila, may nakita si Celine na nasiraan sa daan. At first, iniisip ni JB na baka dangerous daw ang mga taong nasiraan ng sasakyan pero kinumbinse siya ni Celine na tignan nila ang mga iyon.

Van ng pastor ang nasira. Tuwang-tuwa si Celine noong nakita niya ang Pastor. Pinag-pray over ng pastor at ng mga kasamahan niya si Celine doon din sa gitna ng daan. Sinabi ng pastor na magaling na siya, pinagaling na siya ng kanyang pananampalataya (Nakakatouch…)

Nagising sa gitna ng gabi si Celine dahil sa panakakit ng kanyang tiyan (she kept on saying she believe). Sinabi ni Celine na they can’t rush miracles daw. At the end of the day ang Diyos pa rin ang magdedesisyon. Dinala ni JB si Celine sa ospital.

Doon ay nakausap ni JB ang doctor. The doctor, excitedly, told JB na may mga dramatic changes daw sa kalagayan ni Celine. May malaking reduction daw sa affected area ang cancer ni Celine. Hindi makapaniwala si JB sa narinig. May mga gagawin daw na mga tests ang doctor, pero kapag nagtuloy-tuloy daw iyon, Celine could go in remission.

Tuwang-tuwang niyakap ni JB ang doctor. Natuwa din ang doctor (kahit naman siguro ako ang yayakapin ni Sam Milby, hahalakhak din ako). Noong inihatid ni JB sa pintuan ang doctor, nagising si Celine at masayang ibinalita niya JB ang pagbabago sa kalusugan niya.

Nagyakap at naghalikan ang dalawa..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: