LOBO Episode 23

by

Pumunta sa isang lumang kubo ang nakatakas na si Nessa. Walang tao sa kubo. Umiyak si Nessa.

Nakarating na kay Dr. Vivian Lee ang pagtakas ni Nessa. Takang taka si Dr. Vivian Lee kung paano nagawa tumakas ni Nessa, dahil sa mga gamot na binibigay niya sa bihag ay dapat wala itong sapat na lakas para makatakas.

Galit na galit ang “heneral” sa ibinalita ni Gabby na nahuhulog na ang loob ni Noah kay Lyka.
Heneral : Si Noah, pareho natin siya – may mga mahal sa buhay na naging biktima ng mga hayop na taong lobo. Pero hindi siya katulad natin, wala siyang sapat na galit, walang sapat na lungkot para gumanti at yapusin ang layunin natin na ubusin ang lahi ng taong lobo.

Umiiyak na niyakap ni Nessa ang unan sa papag ng kubong kanyang pinuntahan. Naalala nito ang masasayang sandali na kapiling niya ang anak na si Lyka. Luhaang paulit ulit na sinasambit ni Nessa ang pangalan ng anak.

Sa pulong ng heneral at ni Gabby, ay nandun rin ang ilang taong “nakatalukbong” (mga kasapi ng LUNA? palagay ko). Disappointed ang mga ito sa sundalong si Noah hinasa na nila mula pagkabata, dahil ayon sa kanila si Noah ay malambot, mahina, nadadala ng emosyon, konsensya at ng pagmamahal. Pagmamahal na magiging katapusan ni Noah – magiging mas mahalaga kaysa sa kanilang misyon.

Natagpuan nina Dr. Vivian Lee ang mga gamot na isiniksik ni Nessa sa dingding. Pinatawagan ni Dr. Vivian Lee si Gen. Silva.

Maging kay Gen. Leon Cristobal ay nawawala na ng tiwala ang mga kausap ni Gabby, sapagkat ayon sa kanila si Gen. Leon ay nagiging mahina kung minsan gaya ng anak-anakan. Inatasan ng heneral si Gabrielle Dizon na pigilan ang magiging pagmamahalan nina Noah at Lyka, at kung kailangang tapusin ni Gabby si Lyka ay tapusin nito. Nagulat si Gabby sa narinig mula sa heneral.

Pinag-uusapan ng mga WAYA ang itim na taong lobo na lumapa sa bata. Dumating si Lady Elle, ipinakita ni Minerva ang mga larawan ng batang nilapa. Ayon kay Minerva, ang lumapa sa bata ay hindi ordinaryong itim na taong lobo – ito ay may kakayahan na magpalit ng balat kahit hindi bilog anng buwan, katulad nila na isang Waya subalit isang wayang itim. Iminungkahi ni Minerva na ipahanap nila ang wayang itim upang hindi na makapambiktima ulit, sapagkat ang wayang itim – ang dahilan kung bakit may masamang pangalan ang lahi ng mga taong lobo, at siya ring kung bakit sila sinusupil at kinatatakutan, ang dahilan kung bakit ang mga taong lobo ay hindi makapamuhay ng tahimik. Sinabi ni Lady Elle na ipapahanap nila ang wayang itim na tumikim ng dugo ng tao at kailangan nitong harapin ang parusang kamatayan.

Yakap pa rin ang unan sa dilim, may narinig na mga kaluskus ng mga taong dumarating si Nessa.

Pagpasok ni Lyka sa House of Elle, ay may nadatnan itong mga prutas sa table niya – strawberries from Baguio at mga manggang hinog mula Zambales (may tag pa talaga kung saan bayan nagmula ang mga prutas). Binuklat ni Lyka ang wish list niya at nakita niya na nakasulat ang mga prutas na kahilingan niya. Dumating si Noah. Nag-iisip si Lyka kung kakausapin na niya si Noah, upang alamin kung ang “bodyguard” nga ang tumutupad ng mga nakasulat sa wish list. Nagdadalawang isip ang dalaga kasi baka masaktan lang daw siya, pero nakapag-decide rin si Lyka na kausapin si Noah. Pinuntahan ni Lyka si Noah at niyaya sa isang tabi upang kausapin tungkol sa wish list. Ang haba ng litanya ni Lyka pero isa lang daw ang gusto niyang malaman – kung si Noah ang tumutupad ng mga nasa wish list
niya at secret admirer niya, para naman daw siya makapagpasalamat. Hindi makapagsalita si Noah. Sumulpot si Lady Elle at tinawag nito ang apo este fashion assistant pala na si Lyka.

Magkasunod na pumunta sa opisina niya sina Lady Elle at Lyka. Sinabi ni Lady Elle na puede niyang tanggalin sa trabaho ang bodyguard kung nakakaabala ito sa fashion assistant, kasi mas kailangan niya ang fashion assistant. Tumanggi si Lyka na tannggalin sa trabaho si Noah, kasi maayos naman daw ito na bodyguard. Iniba ni Lady Elle ang usapan, tinanong nito kung ano ang gustong regalo ni Lyka sa nalalapit na kaarawan. Gusto sana ni Lyka na mag-leave sa birthday niya pero tumanggi si Lady Elle. Ipinaubaya na lamang ni Lyka kay Lady Elle kung ano ang gusto nitong iregalo.

Pinagmamasdan ni Noah sa Control Room ang malungkot na si Lyka, biglang dumating si Gabby. Sinabi ni Gabby na wala na sa assignment ni Noah si Lyka, kasi bumalik na si Lady Elle at ito na ulit ang priority ni Lt. Ortega.

Nang hindi nakikita si Noah, ay pinagtanong ni Lyka sa kasamahan kung nasaan si Noah – tinudyo pa siya ng napagtanungan kung bakit hindi nito alam samantalang sila ang palaging magkasama.

Pumunta si Noah sa puntod ng kaibigang namayapa na si Choy. Doon ay inihinga niya ang mga bagay na bumabagabag sa kalooban. Dumating si JP (Ahron Villena), ito iyong mistah na halos mamatay na sa bugbog at ipinagtanggol ni Noah sa mga kapwa sundalo na nagpapahirap. Sundalo na rin daw siya sabi ni JP, at may asawa na. Nagkwento si JP tungkol sa buhay may-asawa at pagiging sundalo. Sinabi naman ni Noah na nahihirapan siyang mamili – mahalaga sa kanya si Lyka pero mahalaga rin ang misyon niya. Pinayuhan ni JP ang kaibigan na hanapin ang kabuuan, kung ano ang tama hindi lang para sa sundalo at para din kay Jayjay – kung ano ang tama sa buong pagkatao ni Noah.

Pumunta sa pingakukublihan ng mga kapwa itim na taong lobo ang WAYANG ITIM (Eric Fructuoso). Sinabi ng Wayang itim na naipahatid na niya ang mensahe – na hindi sila nalipol lahat at handa silang lumaban. Ayon sa wayang itim ang tingin sa kanila ng mga WAYA ay isang sumpa na kailangang pigilan at ang mga LUNA ay iniisa-isa sila at hinahabol at wala na silang ginawa kundi tumakbo at magtago para mabuhay. Pero mayroon silang isang alas ang HULING BANTAY na pinakamapangyarihan sa lahat. Hahanapin rin ng grupo nila ang Huling Bantay upang maging kakampi nila at upang sila ang mangibabaw sa lahi ng mga taong lobo. Umalulong ang mga lobong itim nang sabay sabay.

Teaser : Hinalikan ni Gabby si Noah sa harap ni Lyka.

Mga Marka: , , ,

Isang Tugon to “LOBO Episode 23”

  1. ptvj Says:

    naiinis ako kay gabby. hmnp!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: