MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 57

by

May umatake kay Mateo sa parking lot. Naka-ski mask ito at may hawak na patalim. Samantalang si Onay naman ayaw niyang maniwala na may tama ang prediction niya sa mga baraha niya na may mamamatay. Ayaw magising ni Celine sa ospital.

DUmating si Corazon. Naalis na ni Mateo ang ski mask ng lalaki at pilit nitong tinatanong kung sino ito. Nagising na rin si Celine.

Nakalipa na sina Celine at JB, panay pa rin ang tawag ni Onay kay JB to make sure na okay lang si Celine.

Pumunta si Jackie sa bahay ng mga magulang at may dala itong almusal ni Fidel. Sinabi niyang kumain na siya and he doesn’t have time for that daw. Hahalikan sana siya ni Jackie pero dirediretso lang ang ama. Niyakap na lang ni Monique ang anak. (Kung ako si Monique binatukan ko na si Fidel, nakakagigil na siya ha!)

Sinabi ni Lolo Bogs kay Onay na tigilan na nito ang pag-aalala. May sinabi rin si Bogs tungkol sa nakaraan ni Onay. Pag nawala na raw siya, alam na ni Onay ang dapat niya gawin, iyong bagay na dati pa niyang ipinapagawa sa kanya. Niyakap ni Onay ang lolo at sinabi niyang okay naman daw siya.

Kinuha ni Onay ang nakatagong casette tape na pag-aari ng ina. Sinabi niya sa ina na pag pinapakinggan daw niya ito, sinasabi niya sa sarili na okay lang na iniwan sila ng tatay niya at hindi na niya gustong kilalanin ito.

Nakakita ng manila envelope si Corazon sa may dining table. May note na nakalagay doon:

“Tama ka Corazon, kailangan kong pagkatiwalaan ang pagmamahal mo para pagkatiwalaan mo [ang] pagmamahal ko.”

Nasa loob nito ang punit-punit na prenup agreement na pinirmahan ni Corazon.

Monique assured her daughter na lalambot din ang puso ng Fidel. Nabanggit ni Jackie na malapit na ang anniversary ng mga magulang niya, ano raw ba ang gustong regalo ni Monique? Ang gusto lang daw niya ay siya, si Fidel, si Jackie, si Eli at si Lena sa iisang mesa.

Sinugod ni Mateo si Fidel sa opisina niya. (Siya ata ang pinagbibintangan ni Mateo doon sa pag-atake sa kanya sa parking lot) Binabawi na raw niya lahat ng investment niya sa kumpanya ni Fidel. Tinutuya pa ni Fidel si Mateo, expected na raw niya na mangyayari iyon. Inihagis pa ni Fidel ang folder na dala ni Mateo. Sinabi ni Mateo na sa susunod na gusto niyang makipagpatayan, harapin niya ito ng patas.

Pinaalalahanan ni JB si Celine na hinay-hinay lang sa pag-aayos ng bago nilang bahay. Naroroon na rin si Onay at tumutulong kay Celine. Ipinakita ni Onay ang isang clip sa isang healing pastor, wala naman daw mawawala kung susubukan nila. (Hindi lang daw siya ang nagdadasal na gumaling siya, pati na ang buong bansa). Sinabi ni Celine na with the state she is right now, only a miracle could cure him. Nakipagbargain daw si Onay sa Diyos, gumaling lang daw si Celine, kahit wala na raw daw siyang lovelife.

Si Daniel ang may pakana ng pagtatangka sa buhay ni Fidel. Pinagalitan nito ang hitman at sinabing sana nagdala raw ito ng baril. Binayaran na niya ito at pinaalis. Tinawagan niya ang asawa at sinabing mag-empake at sa Dumaguete raw muna sila mag-i-stay.

Nalaman ni Eli ang pagpull-out ni Mateo sa kumpanya nila. Sinabi niya na kakausapin daw niya ito, pero sinabi ni Fidel na wala na raw makikiusap sa mayabang nitong ama. Marami pa raw ibang importanteng investors sa kumpanya nila. Nalaman ni Fidel sa isang staff na pati si Daniel ay nagpull-out na rin. Galit na galit si Fidel and he threw all the stuff on his desk. Umalis na si Eli.

Binabasa ni Celine ang mga sulat ni JB sa kanya. Naalala na naman niya ang mga pinagdaanan nila ni JB. Tinignan din niya ang scrapbook nila ni JB pati na ang iba nilang mga pictures. Lalo na noong kasal nila.

Naglalakad si Celine sa hardin. Napangiti siya noong pinagmamasdan niya sina JB at Onay. Nagpasalamat si Celine sa Diyos sa mga taong nasa paligid niya. She wants to live daw for them, let her live daw.

Tumawag si Corazon kay Mateo. She was so moved by the gesture daw, napaiyak nga raw siya. Sinabi ni Mateo na basta marinig daw niya ang boses niya masaya na siya. Kahit daw galit na ito sa mga ka-meeting niya. Inayos na raw niya lahat. Gustong malaman ni Corazon what he meant by inayos na niya ang lahat. Bago nasabi ni Mateo ang gusto niyang sabihin dumating si Eli kung kaya’t ibinaba niya ang phone.

Sinumbatan ni Eli ang ama. Sinusulsulan naman ni Mateo si Eli. Pati raw siya magpull-out na sa kumpanya. Pero sinabi ni Eli na minsan parang naging mas ama niya si Fidel kaysa sa kanya. Nagdududa na rin si Eli sa intesiyon ni Mateo noong tinanggap siya nito bilang anak niya. Kung gusto daw ni Mateo na paghigantihan si Fidel pinapatay na lang niya ito.

Ikinuwento daw ni Mateo ang buong buhay niya kay Eli, pero ngayon daw hindi na niya ito tinatanggap na anak. Pinaalis na niya si Eli…

6 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 57”

  1. cheesygarcia Says:

    hindi kaya tatay ni onay si mateo? diba mahilig si angel locsin sa pag-record sa cassette?

  2. cheesygarcia Says:

    angel aquino pala😀

  3. ptvj Says:

    chessy, siya nga siguro.

  4. NoCar Says:

    thanks ptvj sa update. hindi ko nakanuod kagabi.

    ang hirap naman na situation nila Eli and Jackie. Masyadong complicated ang family fued ng mga tatay nila. Pano kaya magkakabati sila? Siguro pag naka apo na sila from Jackie and Eli.

    Si Jb and Celine naman kung gagaling na si Celine, ano naman kaya ang susunod nilang problema? Third party? mababao ata yon.

  5. ptvj Says:

    kung ko lang talaga si monique, binatukan ko na si fidel. bwiset na yan. hehe.

    i don’t think na tuluyang gagaling si celine, baka patayin din nila character niya pag malapit ng matapos ang show. palagay mo?

  6. NoCar Says:

    Kahit parang napre predict natin na baka nga mamatatay si celine sa huli, ayoko parin mangyari. nakakaka lungkot naman ang dami nilang pinagdaanan tapos ganon lang. Kung si onay ang papalit na sa love life ni jb parang owkward naman yon or could be posible rin. pero hindi agad agad siguro, syempre both jb and onay loves celine that much.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: