LOBO Episode 22

by

Kinaumagahan, pagkamulat ng kanyang mga mata ay nahulog sa kama si Lyka sa nakita – punong puno ng bulaklak ang kuwarto niya, tuwang tuwa ang nasorpresang dalaga.


Sa House of Elle ay inabutan ni Lyka ng bulaklak ang mga kasamahan sa trabaho, pati si Manong (para raw kay misis). Hindi maisip ni Lyka kung kanino galing ang mga bulaklak at kung sino ang pumasok sa kwarto nya habang siya ay natutulog para maglagay ng mga bulaklak. Sinabi ni Trixie na siguro raw ay kay Anton galing ang mga bulaklak, pero ayaw maniwala ni Lyka kasi hindi raw gawain iyon ng isang kuya. Naisip ni Trixie na kung hindi iyon gawain ng isang kuya, iyon ay gawain ng isang manliligaw, secret admirer – sino daw iyon? Habang nagbe-brainstorming sina Trixie at Lyka kung kanino posibleng nanggaling ang sandamakmak na flowers, ay nagkukulitan ang magkaibigan. Naisip ni Trixie na si Noah kasi ito daw ang palaging kasa-kasama ni Lyka at alam rin ng binata na may wish list si Lyka. Pinayuhan ni Trixie na huwag daw masyadong umasa at magtiwala si Lyka kasi baka siya masaktan ulit, kasi nga hindi pa masyadong kilala ni Lyka si Noah at paiba-iba ng kilos ang binata at hindi alam ni Lyka kung ano ba talaga ang tunay na atensyon nito.
Trixie : Masyadong maraming nangyayari sa buhay mo at mga mangyayari pa sa darating na panahon na mas kakailanganin pa ng higit na atesyon mo, kesa dito. Huwag mong hayaang guluhin nito ang takbo at tatakbuhin pa ng buhay mo.

Dinala sa labas ng laboratoryo si Nessa, para naman daw makalanghap ng hangin – kasi kailangan ito ng mga hayop.

Pinagmasdan mabuti ni Nessa ang paligid, pagkatapos inagaw nito ang baril at sinunggaban ang bantay niya. Nakatakas si Nessa.

Kausap ni Lyka sa phone si Elton nang dumating si Noah sa House of Elle. Sinabi ng binata na pumunta siya sa bahay nina Lyka para sunduin ito, pero maagang umalis si Lyka papuntang trabaho. May lumapit na

staff kay Noah para ibigay ang naiwan nitong pina-xerox. Titingnan sana ni Lyka kung ano iyong pinaxerox ni Noah, pero nilapitan ng isang officemate si Lyka. Habang tinitingnan ni Noah ang photocopy ng mga drawing at sulat ni Lyka, ay naalala ni Noah ang panahon noong mga bata pa sila. Wish din ni Lyka na paggising niya ay puno ng bulaklak ang kwarto nya.
Noah : Matutupad mahal na reyna. Ito man lang magawa ko, pambawi ko sa ‘yo.

Pagbalik ni Lyka sa desk niya, ay nagulat ang dalaga sa nadatnan.

Habang inaamoy amoy ni Lyka ang cakes ay palihim na sumisilip ang nakangiting si Noah.

Nagsi-uwian na ang mga kasamahan sa trabaho, si Lyka marami pa rin ang ginagawa. Dinalhan ng kape ni Noah si Lyka.
Noah : Parang ang tahimik mo yata. Okey ka lang?
Lyka : Oo, ang dami ko lang kasing ginagawa ngayon eh.
Noah : Alam mo sa lahat naman ng binibigyan ng bulaklak, ikaw lang itong nakita kong parang nilamukos na papel ang mukha.
Lyka : Paano mo nalaman?
Noah : Amm sabi nila
Lyka : Nakakainis din kasi eh, bigyan bigyan niya ako ng sandemekmek na bulaklak, tapos pa secret secret pa. Kung manliligaw siya talaga, dapat sabihin nya na , dapat deretsahan.
Noah : Malay mo naman, baka may matinding dahilan kung bakit hindi siya humaharap sa iyo. Ang isipin mo na lang, siguro e hindi naman masama ang intensyon nya.
Lyka : Pinasok nya kaya ang kwarto ko, invasion of privacy iyon ‘no.
Noah : Bakit may nangyari bang masama sa iyo? Sinaktan ka ba nya?
-Umiling si Lyka
Noah : Iyon naman pala e, isipin mo na lang, gusto lang siguro ng taong iyon na mapasaya ka – mapangiti ka. Bakit nagbackfire ba? Kaya ba pinamigay mo iyong mga bulaklak? Hindi mo nagustuhan na may nagpapangiti sa ‘yo.
Lyka : (nakakunot noo pa rin) Nagustuhan.
-Natuwa si Noah sa narinig, uminom muna ng kape tapos inilapit ang upuan sa malapit kay Lyka at hinawakan bahagya sa noo si Lyka.
Noah : E bakit nakasimangot ka pa rin
Lyka : Eh kasi naman eh
Noah : Alam mo pag ganyan ka ng ganyan, ikaw na ang tatawagin kong Kingkong
-nagkulitan na ang dalawa.
Sa Mobile Control Room ay pinapanuod ni Gabby ang “very sweet” na sina Noah at Lyka, nagingiyak-ngiyak ang babaeng sundalo. Hindi natagalan ni Gabby ang panunuod, lumabas ito.

Gabi. Habang natutulog si Lyka ay nasa labas ng bintana ng kwarto niya ang nakamaskarang si Noah. Tutuparin muli ni Noah ang isa sa mga kahilingan ni Lyka – na makita niya ang kalahati ng moonstone na na

kay Jayjay. May inihulog na kwintas si Noah. Dahil sa nilikhang ingay ng inihulog ni Noah, ay pumasok sa kwarto si Clara, ginising si Lyka at tumingin sa bintana kung may tao. Pinagalitan na naman ni Clara ang pamangkin. Nakita ni Lyka ang kwintas na inihulog ni Noah. Tumingin sa bintana si Lyka pero wala siyang nakitang tao. Patalilis na umalis si Noah.

Pauwi na ang nakamotorsiklong si Noah, nang may sumunod sa kanyang kotse. Huminto si Noah at bumaba ang nagmamaneho ng sasakyang sumusunod – si Gabby. “Sinermonan” na naman ni Gabrielle Dizon si Noah sa mga pinaggagawa ng binata. Akala ni Gabby ay pumunta si Noah kina Lyka para kumuha ng ebidensya. Tinanong ni Gabby kung nai-inlove na raw ba si Noah kay Lyka.

Takang-taka pa rin na pinagmamasdan ni Lyka ang kwintas na nakita sa silid. Kinuha nito ang wish list niya, – kinutoban ang dalaga na si Noah ang tumutupad ng mga wish niya.

Ipinagtapat ni Noah kay Gabby na si Lyka at Ulay ay iisa. Ipinakita nito ang moonstone na nasa kanya at sinabi nitong si Lyka ang kalahati niyon. Gulat na gulat si Gabby. Sinabi ni Noah na si Ulay o Lyka ang

pinakamahalagang tao sa buhay niya. Galit na galit ang umiiyak na si Gabby – sinabi nito na si Ulay ay isa na lang alaala. Pero sinabi ni Noah na si Ulay ay parte ng buong buhay niya. Hiningi ni Noah ang pang

-unawa ni Gabby. Sinabi ni Noah na hindi niya ipinagtatapat kay Lyka ang totoo – na siya ay si Jayjay, para sa mission nila. Ginagawa pa rin daw niya ang trabaho niya, at hindi niya alam kung mapapatawad

siya ni Lyka sa ginawa niyang paglilihim. Tinanong ni Gabby si Noah, kung alin ang mahalaga – ang mission o si Lyka. Hindi makasagot si Noah. Tumulo ang luha ni Gabby nang hindi sinagot ni Noah ang katanungan niya: Kung mahal na ni Noah si Lyka?

Teaser : Tinatanong ni Lyka kung si Noah ang tumutupad ng mga nasa wish list niya.

Mga Marka: , , ,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: