LOBO Episode 21

by

Pinuntahan ni Noah si Lyka sa table nito. May ibinigay si Noah sa dalaga.
Lyka : Ano ito?
Noah : Resignation letter mo na ibibigay mo kay Lady Elle pagbalik nya
-Syempre nagulat si Lyka.
Lyka : RESIGNATION LETTER? Ginawan mo ako ng resignation letter? Para saan?
Noah : Basta makinig ka sa akin. I want you to quit your job. I need you to quit House of Elle.
Lyka : Joke ba ‘to? Convincing ha, malapit na akong maniwala, excuse me
-tumayo si Lyka at itinuloy ang ginagawa, pero nakasunod pa rin si Noah
Noah : Dapat kang maniwala sa akin. Seryosohin mo ang sinasabi ko Lyka, hindi ako nagbibiro.
Lyka : (hinarap si Noah) Teka nga, hindi kaya gumaganti ka lang, kasi ilang linggo ka ring nabaliw sa kakukulit ko sa ‘yo. Akala ko ba friends na tayo, ha?
Noah : Lyka, seryoso ako
Lyka : Ano bang nakain mo ha? Gusto mo akong mag-resign? Ganun na lang ‘yon? Bakit ko naman gagawin yon ha? Sige nga, bigyan mo ako ng isang magandang dahilan kung bakit mo ako pinagreresign.

-Hindi masagot ni Noah ang katanungan ni Lyka dahil biglang dumating si Gabby.


Sinabi na lang ni Noah na magbakasyon si Lyka, pa-birthday na lang sa sarili niya, matagal tagal na bakasyon. Medyo gusto rin nito ang idea ni Noah na magbakasyon siya pero hndi uubra sa dami ng pinagagawa sa kanya ni Elton at lalung lalo na ni Lady Elle, nabanggit pa ng dalaga na siguro daw ang tingin sa kanya ni Lady Elle ay aso dahil sa dami ng pinagbibilin nito sa kanya. But nilinaw din kaagad ni Lyka na gusto niya ang trabaho niya, at siguro daw pag matagumpay na siyang fashion designer ay babalikan siya ng nanay niya at ipagmamalaki. Habang nag-uusap sina Noah at Lyka ay pasimpleng nakikinig sa kanila si Gabby. Sinabi ni Noah na availabe daw siya kinabukasan na mag-lunch with Lyka, para makilala siya ulit ng dalaga. Sinabi ni Noah na kilalang na niya si Lyka kaya kailangan makilala rin siya ulit ng husto ni Lyka para patas silang dalawa. Umalis ang binata at naiwan si Lyka na nangingiti.Pasakay na sa elevator si Noah nang sundan siya ni Gabby. Inakala ni Gabby na ang narinig niyang sinabi ni Noah na magpapakilala siya ng husto kay Lyka ay tungkol pa rin sa mission nila – na e-expose ni Noah ang sarili bilang agent at pati na rin ang katauhan ni Gabby bilang sundalo. Sinabi ni Gabby na hindi niya hahayaang pumalpak si Noah, kasi ang kapalpakan nito ay kapalpakan rin niya. Pero sinabi ni Noah na diskarte niya iyon.

Pinakita ni Lyka kay Trixie ang resignation letter na ginawa ni Noah para sa kanya. Naging tema na naman ng usapan ng magkaibigan si Noah. Tinanong ni Trixie na kung manliligaw raw ba si Noah ay kung sasagutin ito ni Lyka – Oo yata, kasi kakaiba – nakakakuryente sabi ni Lyka. Hindi sumang-ayon si Trixie sa idea ni Lyka na magbakasyon.

Gumagawa ng birthday wish list si Lyka, pasimpleng sinisilip ito ni Noah. Nang mamalayan na may sumisilip sa ginagawa niya ay umamba si Lyka na sasampalin siguro ang uzisero, at nahawakan nito sa mukha si Noah.

Nahihiya daw si Lyka, dahil ang tanda-tanda na niya ay gumagawa pa siya ng wish list, sinabi naman ni Noah na wala daw nakakahiya sa ginagawa ni Lyka. Sinabi rin ng “bodyguard” na kailan lang daw ay natupad ang pinaka-wish niya sa buong buhay niya. Tinanong ni Noah kung ano ang wish na gustong-gusto matupad ni Lyka.

Ang wish ni Lyka ay makita ang nanay niya na labing-apat na taon na niyang hindi nakikita.

Sinunggaban ni Nessa sa braso ang babaeng naghatid sa kanya ng pagkain, sa pagkakapisil ni Nessa ay dumudugo na ang braso ng babae pero hindi ito binitawan ni Nessa – humihiyaw sa sakit ang babae. Inalam ni Nessa kung ilang taon na : LABING-APAT, kung anong buwan : PEBRERO, at inalam rin ng bihag kung kabilugan na ng buwan : MGA ILANG ARAW pa raw. Nakatawag ng tulong ang babae sa pamamagitan ng pagpindot ng button alarm. Naglalakad si Anton sa laboratoryo ng nagtakbuhan ang mga lalaking armadong nakaputi. Pumunta sa monitoring room si Anton at sumilip siya sa salamin pero wala siyang nakita, dumating si Vivian Lee. Humingi ng depensa si Dra. Vivian kasi bagaman at may appointment sila ay kailangan na raw umalis ni Dr. Anton dahil may emergency. Nang umalis na si Anton ay may
pinindot na button si Dra. Vivian para makita nito ang bihag na si Nessa sa pinagkukulungan nito.

Sinabi ni Noah na tutuparin niya ang wish Lyka, nangako ito na hahanapin niya ang nanay ni Lyka. Naalala ni Lyka noong mga bata pa sila ni Jayjay – nangako rin si Jayjay na hahanapin nila ang nanay ng kaibigan. Nang tahimik pa rin Si Lyka ay humingi ng ngiti ang binata, nagulat ang mangiyak-ngiyak na dalaga kasi iyon rin ang palaging sinasabi sa kanya ni Jayjay. Sinabi ni Lyka na para na naman daw si Jayjay si Noah. Dumating si Elton, at tinambakan na naman ng trabaho si Lyka pero sinabi ni Lyka na pupunta pa siya kay Selina Argos. Pagka-alis ng baklang creative director ay
niyaya na ni Lyka si Noah na punta na sila kina Selina.

Kausap ni Gabby ang “heneral”, sinabi nito na hindi dapat ma-inlove si Noah kay Lyka. Nangako si Gabby na gagawa siya ng paraan para hindi tuluyang mahulog ang loob ni Noah kay Lyka.

Nag-uusap-usap na naman ang WAYA council, nanduroon rin si Trixie. Kahit tumututol si Minerva ay napagkasunduan na sama-sama nilang hihintayin na maging LOBO si Lyka.

Samantala tinatawagan naman ni Gabby si Noah, pero “Call Failed” ang status nito.

Nasalisihan ni Noah ang guard sa laboratoryo ni Selina, nakapasok ito. Narinig ni Noah ang impit na pag-ungol ni Lyka, sumasailalim na naman ang dalaga sa pagsusuri ni Selina Argos. Bubuksan na sana ni Noah ang pinto na kinaroroonan ni Lyka, nang biglang lumabas si Selina at sinabi nito na hindi dapat magtagal doon si Noah kasi baka ma-expose ito sa chemicals.

Umakyat sa rooftop si Lyka, para manghingi ng energy sa “haring araw”. Nakita ni Noah na nagdurugo ang ilong ni Lyka, pinahid nito ang dugo sa ilong ng dalaga.

Dinala ni Noah sa clinic si Lyka, at OA sa pag-aalala ang bodyguard sa pagsasabing dadalhin daw niya sa ER ang dalaga, at ipasasara nito ang clinic kasi palpak ang duktor. Pinagdiinan ni Lyka na okey siya. Kaya sinabi ni Noah na ihahatid na niya sa bahay ang dalaga, at kukunin nito ang gamit ni Lyka – napa YES SIR! na lang si Lyka sa mga sinabi ng bodyguard niya.

Nang kukunin na ni Noah ang mga gamit ni Lyka, ay nilapitan siya ni Elton at hinahanap nito si Lyka. “Siniraan” pa ni Elton si Lyka, sinabi ni Noah na maysakit si Lyka at uuwi na ito. “Bawal daw magkasakit” sabi ng mahaderang bakla at nag-iinarte lang daw ang dalaga. Hindi nasindak si Noah, bagkus ay si Elton ang nasindak sa tagapagtanggol ni Lyka.

Nakita ni Noah ang wish list ni Lyka at pina-photo copy nya ito.

Sa monitoring room, nag-usap sina Noah at Gabby – sinita na naman ni Gabby si Noah tungkol sa misyon. Umalis si Noah.

Habang natutulog si Lyka, ay may pumarang sasakyan sa harap ng bahay nila, bumaba ang isang lalaki. Pagkapos ng ilang saglit ay may isang teenager na tumatakbo, hinahabol ito ng isang aso. Nilapa ng aso ang lalaking teenager.

Naalala ni Nessa, noong pinagbubuntis pa niya si Lyka, nakaluhod siyang nagmamakaawa sa buwan na tapusin na ang sumpa at huwag nang idamay ang anak niya. Pumasok si Vivian Lee sa pinagkukulungan kay Nessa at pinainom nito ng gamot ang bihag. Ininom naman ng maayos ni Nessa ang gamot pero nang makalabas na sina Vivian Lee ay niluwa nito ang gamot.

Paggsising ni Lyka ay nagulat ito, dahi punong puno ng bulaklak ang kuwarto niya.tri

Teaser : Tumatakas ni Nessa.

Mga Marka: , , ,

Isang Tugon to “LOBO Episode 21”

  1. MJ Says:

    I’m beginning to fall in love with lyka-noah…. their characters really blend well

    btw medyo pangit ang damit ni trixie kagabi

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: