MKSM: Ang Pagbabalik, Episode 55

by

May tinatawagan si Lena sa telepono (nanay siguro niya), hindi niya ito macontact kaya nainis siya at itinapon ang cellphone niya sa kama. Kinuha na lang niya ang statuette ni Joaquin.

Naluha aman si Fidel noong nakita niya ang picture nila nina Jackie at Eli. Bigla na lang niyang narinig ang sigaw ni Lena. Dali-dali itong pumasok sa kwarto niya at naabutan niya itong pinaghahampas ang statuette na bigay ni Joaquin sa kama (duh! kung gusto mo talagang masira yan Lena, huwag mong sa kama ihampas). Umiiyak ito at sinabi kay Fidel na iwan na siya. Lagi na lang daw siyang naiiwan. Pinigilan siya ni Fidel at niyakap niya ito.

Habang naghahanda ng pagkain sina sa tabi ng dagat, natagpuan ni JB si Celine ng walang malay sa may buhangin. (Para naman kasing from where they were standing from, imposibleng hindi nila makitang may nakahandusay na tao doon). Isinakay nila ito sa bangka.

Nagising si Lena at nakita iyang may note si Fidel sa side table niya:

I hope you’re feeling better! Dad.

Humingi ng paumanhin si Lena sa ama sa nangyari the previous night at nagpasalamat na rin siya.

Thrilled na ipinakita ni Mateo ang balita sa diyaryo announcing na ikakasal na sila ni Corazon. Dedma lang si Corazon. Magpakasal na lang daw siya sa huwes, they don’t have to make a big deal of their wedding daw, sabi ni Corazon.

Habang nasa restaurant naman si Gloria (wala ba siyang friends?), nabasa niya ang balitang ikakasal na ang kapatid at si Mateo.

Nalaman ni Fidel sa isang business associate na may kumausap sa kanyang isang investor sa kumpanya nila na i-pull out na ang pera nila sa kumpanya. Kaya nagwo-worry na rin ang associate dahil baka raw may “gumagapang” sa kumpanya nila.

Habang mine-make-up-an ni Joko si Onay, pinagalitan niya ito dahil puro na lang daw sina JB at Celine ang iniisip niya. Sinabi kasi ni Onay na masama ang pakiramdam niya, naiisip daw niya si Celine, baka raw may masamang nangyari sa kanya.

Sinabi naman ng doktor sa pinagdalhang hospital kay Celine kina JB na kailangan ng dalhin sa Maynila si Celine dahil kulang sila sa facilities doon. Hindi raw maganda ang lagay ni Celine. The only thing they can do daw si to manage her pain and make her comfortable. Nag-iyakan na sina JB at Jackie.

Sina Eli at Mateo ang pinagbibintangan ni Fidel sa nangyayari sa kumpanya nila. Tumawag si Celine sa ina habang nag-ra-rant si Fidel tungkol doon.

Pag-uwi Eli, tumawag ang katulong ni Gloria dito. Hindi raw kasi lumalabas ng kwarto si Gloria at ayaw raw nitong tanggapin ang pagkaing dinadala sa kanya.

Hindi pa rin macontact ni Onay si Celine.

Pumunta si Jackie sa mansiyon at masaya siyang sinalubong ng ina (para namang isang taon silang hindi nagkikita).

Dinalhan ni Lena ng tsaa si Fidel habang may ginagawa itong paperworks. Pinigilan ni Fidel si Lena na umalis, inalok niya itong mag-tsaa kasama siya.

Sinabi ni Monique sa anak na kailangan ng malaman ni Imelda ang kalagayan ni Celine kahit ayaw pa niyang tagadala ng bad news, sasabihin na niya. Noong paakyat na sa kwarto si Monique para magbihis para sumama sa ospital para makita si Celine, ayaw sumunod ni Jackie. Narealize ni Monique na Jackie felt like a stranger in their house.

Lena is pouring out her heart’s content sa ama tungkol sa pagmamahal niya kay Joaquin. Sinabi niya na ganoon din daw ang pagmamahal na ibinuhos niya kay Jackie, pero nauwi lang sa wala. Sinabi ni Lena na mahal siya ni Jackie. Alam naman daw ni Fidel na iba ang pagmamahal ni Jackie kay Eli, pero saa balansehin naman daw niya. Wala na raw siyang naaalala sa pagmamahal ni Jackie sa kanya. Sa tagpong iyon dumating si Jackie at narinig ang pinag-uusapan ng kapatid at ama. Idinagdag pa ni Fidel na wala na raw siyang halaga kay Jackie.

Nakipagkita si JB sa ina para sabihing ikinasal na sila ni Celine. Nabigla man si Corazon, sinabi niyang sana hinintay na lang nina JB at Celine silang dalawa ni Mateo. Sabay pakita ng engagement ring niya. Sinabi ni JB na whatever makes happy daw. Sinabi din niyans nasa hospital si Celine at nakikiusap si JB sa ina na mag-make peace na raw ito kay Celine bago maging huli ang lahat.

Sa hospital room naman ni Celine, tinanong ni Lena si Jackie kung bakit daw hindi ito nagpakita sa kanya noong pumunta ito sa mansiyon. Nalaman ni Lena na narinig ni Jackie lahat ng pinag-usapan nila ni Fidel. Naiintindihan daw ni Jackie. Sinabi ni Lena na mahal na mahal ni Fidel si Jackie. Huwag na raw nilang pag-usapan sabi ni Jackie, pero mahal na mahal din niya ang ama. Huwag na lang daw siyang susuko, sabi ni Lena. Kung may magagawa daw ito, gagawin niya ang lahat para magbati ang dalawa.

Nagpatawag ng meeting si Fidel with the investors. Hindi pinasabihan ni Fidel si Mateo kaya na-late ito ng dating.

Habang pinupunasan ni JB si Celine ng warm towel sa mukha, sinabi niya na pupunta sila sa States for more advanced treatments. Sinabi ni Celine na ayaw na niya, pagod na siya. Dumating si Corazon at sinabi niyang she really hopes na Celine will get better. Sinabihan din niya ng congratulations ang dalawa. Nagpasalamat si Celine, niyakap ni JB ang ina.

Tinuya-tuya ni Mateo ang hindi pagtawag sa kanilang dalawa ni Eli ni Fidel. Ipinagpatuloy na niya ang meeting, sinabi niyang may sumisira raw sa reputasyon ng kumpanya nila.

Nakasalubong ni Corazon sina Gloria at Eli. Sinabi ni Corazon na nabalitaan na raw niya ang engagement nila ni Mateo. Sinabi ni COrazon na huwag daw sabihin ni Gloria na may feelings pa ito kay Mateo, sabay alis.

Patuloy pa rin ang meeting nina Fidel. Sinabi ni Mateo na wala naman dapat ikabahala si Fidel dahil hindi naman sila magpu-pull out, lalo na siya. Sinabi ni Fidel na ginagawa lang niya ang lahat para sa kumpanya niya. Tinapos na niya ang meeting.

Mukhang inaatake si Fidel…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: