LOBO Episode 20

by

Pumasok sa isang monitoring room ng laboratory sina Vivian Lee at Anton, sa room na ito sinusubaybayan at pinag-aaralan nina Vivian Lee ang bihag nilang taong lobo na si Nessa, ang ina ni Lyka. Nagmasid-masid si Anton sa kwarto, pero hindi nito nakita ang isang salamin kung saan makikita si Nessa. May dumating na lalaki, at may dala itong ilang chemicals na pinakita sa biochemist na si Dra. Lee, pagkatapos niyaya na ni Dra. Lee si Dr. Anton na lumabas para makita nito ang ilan pang bahagi ng laboratoryo at kung saan siya magtatrabaho. Bago lumabas ng silid ay may isang bagay na nakatawag ng pansin ni Dr. Anton.

Gabi na ay nasa House of Elle pa rin si Lyka. Nilalamay ni Lyka ang trabahong pinagagawa sa kanya ni Elton, sinasamahan siya ni Noah. Nagbiro si Anton na kung gusto ni Lyka ay gagawan niya ng paraan para matagal-tagal na hindi makapasok sa trabaho si Elton, ayaw ni Lyka. Nang sinabi ni Anton na “Ang pangit pag nakasimangot ka”, natigilan si Lyka. Niyaya na ni Noah si Lyka na umuwi kasi pagod na daw ito – kinuha na ng binata ang mga gamit ni Lyka, at hinawakan ito sa kamay. Parang naiilang si Lyka (kasi naman itong si Noah, hindi pa linawin ang nararamdaman niya para sa dalaga, ang hirap no’n ha, iyong hindi mo alam kung bakit sweet sa iyo ang lalaki, ay naku! – tapos pag may nangyari sasabihin nilang “I never said that I love you”, teka bakit affected ako? – Neneng), kinuha nito ang bag kay Noah at nagpatiuna sa paglabas ng opisina. Inihatid ni Noah si Lyka, ipinagbukas pa nito ng pinto ng sasakyan si Lyka. Pati pagbukas ng gate ay ginawa ni Noah, papasok na si Lyka nang…
Noah : Lyka sandali
Lyka : Yes!
Noah : Ah kung kakausapin mo nga pala iyong moonstone mo ngayong gabi, si Jayjay mo, pakisabi huwag syang mag-alala aalagaan kita.
Lyka : Sige
Noah : Sige, pasok ka na gumagabi na
Lyka : Gabi na nga, Good night!
Noah : Goodnight!
-Nagtataka at naninibago si Lyka sa sobrang pagiging sweet ni Noah. Nasa loob na si Lyka ay sinusundan pa rin ito ng tingin ni Noah.
Noah : Goodnight Ulay!

May itinurok na gamot si Anton sa sarili, ilang sandali pagkaturok ay namilipit ito sa sahig, habang namimilipit ay pilit nitong inaabot ang injection tube na nakapatong sa lababo. Dumating si Lyka, narinig nito ang parang umuungol sa sakit na si Anton, tumakbo paakyat sa hagdan si Lyka upang puntahan ang pinsan. Nakita ni Lyka na nasa sahig si Anton at namimilipit, nakita ni Lyka na pilit inaabot ni Anton ang injection tube na nasa lababo, kinuha iyon ni Lyka at ibinigay sa pinsan. Agad agad itinurok ni Anton ang gamot sa kanya. Dumating si Clara, inakala nitong may ginawang masama si Lyka kay Anton, kaya sinaktan na naman ni Clara ang pamangkin. Nang umepekto ang gamot ay naging okey na si Anton. Iyak nang iyak ang alalang alalang si Lyka, yakap yakap nito ang naka-unan sa kandungan nyang pinsan-pinsanan, nakatingin lang si Clara.

Nasa may bintana si Lyka, hawak ang moonstone.
Lyka : Hindi sa tala sa langit, kundi sa buwang nakasilip, ibigay ang hiling ng matang nakapikit – dear b’wan, sana po bantayan nyo po si kuya Anton. Nag-aalala po ako sa kanya eh, sige na ho o, birthday gift na lang po sa akin, sana maging okey sya. Pati na rin po si mama Clara ha, Please lang po. Jayjay patulong naman o, nalilito na kasi ako, eh kasi si Noah (nakita siya ng nagmomotorsiklong si Noah, huminto ang binata) biglang nagbago, hindi ko nga maintindihan eh. Hindi ko maintindihan kasi parang sinasaniban sya ng kaluluwa mo, parang iyong mga bagong ginagawa nya sa akin, parang ikaw ang nakikita ko. Pag malapit sya, parang ikaw ang nararamdaman ko.

-Nakamasid pa rin si Noah sa dalaga. Hindi namamalayan ng dalaga na pinagmamasdan siya ni Noah sa di-kalayuan.
Noah : (tumingala)Wala, wala na akong mahihiling pa. Binalik mo na sya sa akin, salamat!
Lyka : Siguro, miss na miss na miss pa rin kita, kaya kung kani-kanino ko nakikita iyang mukha mo. Ewan ko, kinakabahan nga ako eh. Eh kasi napapasaya nya ako, tapos bigla nya akong inaalagaan, katulad yong sa iyo dati. Tapos ito naman ako dumadagundong ang aking dibdib kung lumalapit sya.
Noah : Aalagaan kita, ipaparamdam ko sayo kung gaano ka kahalaga sa akin. Na kahit sa tagal ng panahon, hindi ka nawala sa isip ko.
Lyka ; Jayjay sana nandito ka matutulungan mo ako. Sana bukas paggising ko sa umaga, pagbukas na pagbukas ko nang pintuan, mukha mo na agad ang makikita ko.
-Hinagkan ni Lyka ang moonstone, masaya si Noah sa nakita
Noah : Goodnight Ulit! (pinaandar muli ang motorsiklo)

Kumatok si Anton sa pinto. Itinuro ni Lyka na umupo sa malapit sa tabi niya si Anton. Kinumusta ni Lyka ang pinsan. Nagsorry si Anton sa nangyari, kasi kung minsan daw tatanga-tanga siya. Sinabi ni Lyka na nami-miss niya ang pinsan, kasi masyadong abala ang binata sa trabaho, pinababawi niya ito sa nalalapit niyang birthday. Nagtanong si Lyka tungkol sa mga lalaki – paano daw kung ang guy ay super close, ibig sabihin daw ba no’n ay nanliligaw na or in-love na sa girl. Ang selos na nararamdaman ni Anton ay idinaan nito sa pagiging over-protective na kuya, kesyo kailangan raw niyang makilatis muna ang manliligaw ni Lyka. Pero hindi pa naman daw siya sure sabi ni Lyka, at dahil hindi pa siya sure ay hindi siya magpi-presume, hindi aasa – para hindi siya masaktan (go girl! tama ‘yan – naku! ayan nadala na naman ako – Neneng).

Masayang tumatakbo si Anton, hinarang siya ni Gabby at tinanong nito kung bakit nakakasiguro si Noah na walang kinalaman si Lyka sa sindikato. Sinabi ni Noah na basta magtiwala lang daw sa kanya kasi igurado siyang inosente si Lyka. Hindi ipinagtapat ni Noah sa kaibigang si Gabby, na ang kinukwento niya palaging si Ulay at Lyka ay iisa. Nagtaka si Gabby sa sinabi ng mistah.

Kinaumagahan. Paalis na si Lyka nang bahay papuntang trabaho, kinausap nito ang sasakyan na makisama t huwag masisira. Pagbukas ng gate ay nagulat si Lyka – nakita niya ang nakangiting bodyguard, sinusundo siya. Sinabi ni Lyka na baka masanay siya sa ginagawa ni Noah, “E di mabuti” sagot ni Noah. Nagpasweet na naman ni Noah, kinuha nito ang mga folders na hawak ni Lyka.

Masayang dumating sa House of Elle ang dalawa, si Noah ang may bitbit ng mga gamit ni Lyka. Nang paalis na si Noah …
Lyka : Ah, puede bang magtanong?
Noah : Oo naman, ano yon?
Lyka : (nag-alangan sa itatanong)Wala, di bale na
Noah : Sige
-Nagpa-alam na ulit si Noah, pagtalikod ng binata
Lyka : Posible bang ikaw si Jayjay?
-Natigilan si Noah at humarap ito kay Lyka
Lyka : (nahiya) Sorry, erase, erase, erase! Paano naman mangyayari yon… ang nunal mo kasi, may ganyan rin kasi si Jayjay
-Hiyang hiya si Lyka sa itinanong, bumalik si Noah
Noah : Ako, si Jayjay?
Lyka : (pa-cute na umiling) hindi rin, magkaibang magkaiba kayo.
Noah : (umupo) Ah ano ba si Jayjay?
Lyka : Makulit, madaldal
Noah : Eh ako?
Lyka : Hindi ka makulit, hindi ka madaldal
Noah : Ano pa si Jayjay?
Lyka : Gentle, sweet
Noah : E ako?
Lyka : Ungentle, kaya imposibleng maging ikaw si Jayjay
-napansin ni Lyka na natigilan si Noah
Lyka : Uy! uy joke lang ‘yon, na hurt ka?
Noah : Ah hindi. Lyka, paano kung
Lyka : Paano kung?
Noah : May lalakarin pa pala ako. Basta nandito lang ako. Sige!
-Umalis si Noah, naiwan ang nagtatakang si Lyka. Lumingon muli ang bodyguard.

Kinukulit ni Trixie si Lyka na tanungin nito kung nililigawan siya ng bodyguard. Ayaw ni Lyka, kasi natatakot itong ma-replay ang episode na “It has no meaning Lyka, at dapat professional tayo”, kasi ang sakit-sakit daw sa ulo, at ang sakit-sakit din sa dibdib.

Pinapanuod ni Noah sa control room ang naguguluhang si Lyka, hawak ng dalaga ang moonstone.
Noah : Pasensya ka na ha, alam ko nalilito ka na. Pasensya na obligado pa e. Pasensya na kung nag-iba ang tingin mo sa akin. Tama ka nagbago na nga ako, itong Noah na nakilala mo, ang laki ng pagkakaiba kay Jayjay. Pero Lyka, itong bagong Noah is not so bad, kaya ka ring alagaan nito. Kayang maging kasing-kulit para mapangiti ka, mapasaya … gaya ni Jayjay noon.
-Malungkot na nag-iisip si Lyka, hawak pa rin si “Jayjay”
Lyka : Ito na ba ‘yon Jayjay? Ito na ba ‘yon?
Noah : I’m still _____ Lyka na maging katulad ni Jayjay ang pagtingin mo sa akin, ngayon lang kita nakita ulit … Ulay. Lyka, hinding hindi ko na hahayaang mawala ka ulit sa akin, hindi kita pababayaan. Hinding hindi ko hahayaang may masamang mangyari sayo.
Lyka : (may luha sa mga mata) Hindi… hindi ito ‘yon eh, kaya ikaw Lyka dapat dumedma ka muna, oo deadma ka muna. Huhuhu! Pero bakit ako?

Naabutan ni Gabby na tinititigan ni Noah si Lyka sa screen, sumandal sa pagkakaupo si Noah nang mapansin na dumating si Gabby.
Gabby : I hope you’re not getting too close to your subject.
Noah : I’m just doing this for surveillance, hindi ko pinepersonal ang trabaho ko. I know the risk.
Lyka : Mabuti naman.
-May iniabot na folder si Gabby kay Noah, galit na tumayo at hinarap ni Noah si Gabby
Noah : Pinai-imbestigahan mo si Lyka?
Gabby : Of course! She’s our subject, kailangan nating malaman ang lahat ng tungkol sa kanya. (Galit na itinapon ni Noah ang folder na naglalaman ng mga information about Lyka) Hindi mo man lang ba babasahin?
Noah : Hindi. Kilalang kilala ko na sya.
-Umalis si Noah. Tiningnan ng nagseselos na si Gabby ang nasa screen na si Lyka.

Pinuntahan ni Noah si Lyka sa table nito. May ibinigay si Noah sa dalaga.
Lyka : Ano ito?
Noah : Resignation letter mo na ibibigay mo kay Lady Elle pagbalik nya
-Syempre nagulat si Lyka.
Lyka : RESIGNATION LETTER? Ginawan mo ako ng resignation letter? Para saan?
Noah : Basta makinig ka sa akin. I want you to quit your job. I need you to quit House of Elle.
Lyka : Joke ba ‘to? Convincing ha, malapit na akong maniwala, excuse me
-tumayo si Lyka at itinuloy ang ginagawa, pero nakasunod pa rin si Noah
Noah : Dapat kang maniwala sa akin. Seryosohin mo ang sinasabi ko Lyka, hindi ako nagbibiro.
Lyka : (hinarap si Noah) Teka nga, hindi kaya gumaganti ka lang, kasi ilang linggo ka ring nabaliw sa kakukulit ko sa ‘yo. Akala ko ba friends na tayo, ha?
Noah : Lyka, seryoso ako
Lyka : Ano bang nakain mo ha? Gusto mo akong mag-resign? Ganun na lang ‘yon? Bakit ko naman gagawin yon ha? Sige nga, bigyan mo ako ng isang magandang dahilan kung bakit mo ako pinagreresign.
-Dumating si Gabby, nagkatinginan ito at si Noah.

Teaser : Isinailalim muli ni Selina Argos si Lyka sa isang pagsusuri, pumasok si Noah sa laboratoryo.

Mga Marka: , , ,

Isang Tugon to “LOBO Episode 20”

  1. lady0nline Says:

    wOw! kilig na talaga…
    sObrang thrill…hehehhe
    uii c gabby halatang inlove ky noah..
    ang sarap talaga ng feeling ng pusong nalilito, anoh?

    excited na aQ sa next episode!
    ala pang download para kagabi na palabas, kainis!
    okie lng nabasa Q naman..

    thnx neneng!heheheheh

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: