LOBO Episode 19

by

Pinatuloy ni Selina si Lyka sa high-tech na na laborotry ng House of Elle, – gubat sa labas at sa loob ay first-of-its-kind laboratory in the Philippines, “magic” sabi ni Lyka sa laboratory ng House of Elle. May ini-spray si Selina, nang itanong ni Lyka kung para saan iyon ay sinabi ni Selina na something to sterilize the air, then nahilo si Lyka. Isinailalim ni Selina si Lyka sa isang pagsusuri – maraming nakakabit sa katawan ni Lyka, namangha si Selina sa natuklasan sa sa pag-aanalisa sa katawan ng “huling bantay”.

Sa laboratoryo ni Anton, may kausap ito sa telepono at nakikiusap sa kausap na kung puede i-extend pa ang kanyang credit line for one last time, hindi pumayag ang kausap ni Anton na si Mr. Sandoval. Problemado sa pera si Anton. May tinawagan sa telepono si Anton at sinabi nito sa kausap na tinatanggap nya ang offer ng mga ito, nakikipag-meet sa kanya ang kausap kaagad-agad.

Nagising na si Lyka – sinabi ni Selina na hinimatay ang dalaga at natakot ito, pinagsabihan pa si Lyka na kung hindi kaya ng katawan nito ay huwag pilitin magtrabaho. Pinaalala ni Selina kay Lyka na top secret ang lahat ng pinag-aaralan sa laboratoryong iyon. Pinag-iingat ni Selina si Lyka kasi mapanganib ang mundong ginagalawan nito – malawak, mabangis. Binigyan ng pain reliever ni Selina si Lyka. Nasa comfort room si Lyka nang malaman nitong nawawala si “Jayjay”.

Samantala si Jayjay ay este Noah pala, ay hindi pa rin makapaniwala sa natuklasan, kinuha nito ang sariling kwintas at pinaghambing sa moonstone ni Lyka. Nag-aalalang lumapit si Lyka kay Noah, nakita nitong hawak ni Noah si “Jayjay” – kinuha ito ng dalaga at hinalikan sa sobrang pag-aalala sa nawalang si Jayjay. Napansin ni Lyka na gulat na gulat si Noah sa ginagawa nya, sinabi ni na masyado lang daw nya kasing mahal ang batong iyon. Tinawag ng hindi makapaniwalang binata si Lyka sa pangalang “Ulay” – nagulat ang dalaga sa narinig.
-Pinauulit ni Lyka kay Noah kung ano ang sinabi nito.
Noah : La Lyka
Lyka : LYYYYKA LYYYYKA yes, iyon ang pangalan ko. Ano ba ang nangyari sa iyo ha?
Noah : Sa saan mo nakuha ‘yan?
Lyka : Moonstone ‘to ng bestfriend ko eh, kaya lang wala na sya. Ito na nga lang ang kaisa-isang bagay na meron ako para maalala sya.
Noah : A a a a anong nangyari?
Lyka : Noah naman! Ang aga-aga gusto mo magmoment ako dito, ayoko nga umiyak dito walang kamera sayang.
Noah : Please!
Lyka : Naku! eh kasi namatay na sya, tapos, noong mga bata kasi kami naaksidente s’ya – magkasama nga kami nang mangyari yon eh. Wala na akong masyadong maalala sa lahat nang nangyari pero ang natatandaan ko lang – mga isang buwan yata ako iyak ng iyak, dalawang importanteng tao ang nawala sa akin. Dalawang pinakamamahal ko sa mundo, isa iyong nanay ko tapos iyong bestfriend kong si Jayjay. Hmmp, ayoko na ngang isipin yon kasi nalulungkot lang ako eh. Sa tingin mo nagkasalubong na kaya sila ni Choy? Hahaha! sigurado ako, si GOD natutuliro na ang tenga nya sa kakukulit ng dalawang yon.
Noah : Jayjay
Lyka : Yes! Jaaayjay Jaaaayjay Jayjay tama! tama! Ano ka ba? Noah, Hello! Ano ba ang nangyayari sa ‘yo? Hello, knock knock who’s there?
-Hindi pa rin makapagsalita si Noah sa sobrang tuwa at pagkabigla sa natuklasan. Nako-cononscious na si Lyka sa ginagawang pagtitig ni Noah, pero hindi maalis ang tingin ng binata sa kaibigang inakala niyang matagal nang patay. Nagri-ring ang cellphone ni Noah pero hindi ito sinasagot ng natutulala pa ring si Noah – kinuha ito n i Lyka at siya ang sumagot, si Gabby ang tumatawag. Nahimasmasan si Noah at kinuha ang phone kay Lyka, nagdahilan itong walang signal at sa malayo layo kay Lyka kinausap si Gabby.
Gabby : Ano ba ang nangyayari? Bakit si Lyka ang sumasagot sa telepono
Noah : Bok, hindi na importante yan (maiyak-iyak na halos magkandautal), ah Diyos ko! haah Bok haaah
Gabby : Ano? Hindi kita maintindihan. (naguguluhan sa kung ano ang nangyayari sa mistah)
Noah : Hindi sya! Siguradong sigurado ako, itataya ko ang buong buhay ko Gabby. Basta, trust me! I have… I have… new information Bok. Ma… mamaya ko na ikukwento sa iyo pero importante mong malaman – hindi sya. Walang kinalaman si Lyka sa kahit na ano. I have to go.
Gabby : Noah, Ano ba ang nangyayari sa ‘yo?
Noah : Pero huwag kayong mag-alala. Basta! Gabby, I can play cover (Tama ba? o nabingi ako?) hangga’t walang confirmation. It’s okay! Alam ko na ngayon. Everything will be okay. Everything will be okay.
-Takang taka si Gabby sa nangyayari sa kaibigan. Niyaya na ni Lyka ang masayang masayang si Noah pabalik sa office.

Parehong naka-white uniform sina Dra. Vivian Lee at Anton Rivero, nasa isang malaking laboratory sila kasi kailangan raw malaman ni Anton ang pasikot sikot ng lab. Medyo naasar si Anton nang ipaalala sa kanya ni Dra. Lee ang malaking signing bonus na tinanggap nya. Sinabi ni Dra. Lee na kilalang kilala na nila si Anton, ayon sa mga research na isinagawa nila. Nagtataka si Dra. Lee dahil ayon sa research na isinagawa nila ay hindi kailanman humingi si Anton ng credit para sa mga natuklasan nitong gamot sa hayop. Sinabi ni Anton na hindi nya kailangan and he did it for the money. “You’re a bad liar Anton” hirit ni Dra. Lee sa sagot ni Anton.

Habang pabalik sa House of Elle, nakakatulog si Lyka sa sasakyan – nakaupo ang dalaga sa hulihan. Si Noah ay naka-upo sa harapan, may kasama silang driver. Tinititigan mabuti ni Noah ang natutulog na dalaga. Pinatigil bigla ni Noah ang sasakyan sabay baba at hila sa naalimpungatang si Lyka. Tumatakbo sina Noah at Lyka.
Lyka : Hahaha! Saan ba tayo pupunta ha? hahaha! Sandali lang! Ikaw! Teka, teka Ano ba ang nangyayari sa iyo ha?
-tumigil sa pagtakbo ang dalawa, hinawakan ni Noah si Lyka sa magkabilang balikat at maiyak iyak sa sobrang kaligayahan.
Noah : Hindi ko akalain na may darating pang milagro sa buhay ko.
-Nagtataka si Lyka, inilabas ni Noah ang kwintas at pinakita sa dalaga
Noah : Buhay ka! Buhay ka Ulay!
-Masayang masaya na umiiyak sa sobrang kaligayan ang dalawa na nagyakap.
Lyka : Buhay ka! Buhay ka!
Driver : Sir, opisina na ba tayo?
AAAAAAAHHHHHH! imagination lang pala ni Noah!
Noah : (sinulyapan muli ang natutulog na dalaga) Oo. Pasahero mo, mantika matulog a.
Driver : Ganyan talaga yan Sir, si Ma’am Lyka. Minsan nga nakakapagmaneho ako sa location, pag may pictorial – naku! pag pauwi na kami at nakahilig na iyong ulo niya sa sasakyan, knock-out na agad ‘yan Sir. Pero ubod ng sipag, para ngang baterya na hindi nalalagutan ng hininga, pero alam nyo Sir – wala pa akong nakikita na katulad ni ma’am Lyka na naging assistant ni Ma’am Eleanora, napakabait ng batang ‘yan Sir. Swerte siguro ng boyfriend nya, ano Sir?
-Nananaginip si Lyka, “nasa bukid daw siya at naglalakad. May nakita siyang bata na nakatalikod ,-si Jayjay pero iniwanan siya ng bata. Hinabol niya si Jayjay at nang matagpuan niya ito, ay si Noah ang nakita niya”. Nagising si Lyka na binabanggit ang pangalan ni Jayjay. Napatingin si Noah sa dalaga, pinahid ni Lyka ang luha na nangingilid sa mga mata.
Lyka : Sorry, nakatulog pala ako.
Noah : Madalas mo bang mapanaginipan si Jayjay?
Lyka : Oo naman, lagi. Pag mahal mo kasi ang isang taong nawala, parang regalo na lang sa ‘yo pag magkita kayo sa panaginip, di ba?
-Masayang masaya si Noah sa narinig
Noah : Lyka!
Lyka : Alam mo kung ano ang weird, pakiramdam ko, ramdam ko buhay pa sya eh. Kahit na alam kong hindi na, kaya nga kahit nagmumukha akong sira-ulo sa kakausap sa isang bato, okey lang! parang nandyan lang sya binabantayan ako (napangiti si Noah). Agimat ko yon eh, si Jayjay. Ano ka ba naman, ano ang problema mo? Bakit ba gusto mo akong paiyakin today? Huwag ha, hindi ko kaya ‘yan ang dami dami ko nang stress today.
– Parang gusto nang ipagtapat ni Noah ang totoo kay Lyka, hindi lang siya makasingit sa kaibigan. But masayang masaya na parang nabunutan ng tinik sa dibdib ang binata, nang malaman niyang buhay ang kaibigan – nawala ang guilty feeling niya na matagal ring namalagi sa dibdib niya, sa pag-aakalang namatay si Ulay at hindi nya ito natulungan.

Sa elevator ng House of Elle. Hindi mapuknat ang pagkakatitig ni Noah kay Lyka.
Lyka : Ang mga sundalo ba pinuputulan ng kalahating dila sa PMA? Eh kasi ang dami ko na yatang nakwento sayo, nagdrama na ako tungkol kay Jayjay. Hindi ko masyadong ginagawa yon sa maraming tao ha, kaya lang ikaw tahimik mo sobra – talo mo pa yong daga. (Pa-cute na humarap kay Noah) Eh di ba friends na tayo? Matanong nga kita, tulad ko ba meron ka ring “Sinong bestfriend mo doon?” (hindi pa rin natitinag sa pagtitig sa kanya si Noah) Okey? Fine! Tawagin mo na lang ako pag ready ka nang mag-share. Hmmmnn naku! Pag ikaw dila mo, tuluyan nang umurong, ewan ko na lang.
– Walang imik na hinolding hands ni Noah si Lyka. Masaya na nagtataka si Lyka sa ginawa ni Noah, lumabas sila sa elevator na magkaholding hands pa rin.

Magkausap sa phone sina Don Manolo at Selina Argos. Hindi magkandaugaga si Selina sa pagsasabi ng mga natuklasan niya sa isinagawang pagsusuri kay Lyka – hindi pangkaraniwang lobo si Lyka, katumbas niya ay isang milyon na taong lobo. Hindi masabi ni Selina kung “Good news” ang natuklasan niya sa huling bantay. Nag-aalala si Don Manolo.

Sa House of Elle, napansin ni Trixie ang tila lumulutang sa alapaap na si Lyka – nakangiti ito habang hawak hawak ang kamay na hinawakan ni Noah. Dumating si Elton at ipinasa kay Lyka ang mga trabaho niya, na hindi naman saklaw ng trabaho ni Lyka . Asar na asar si Trixie kay Elton, pagka-alis ng malditong creative director, ay sinabihan ni Trixie si Lyka na huwag nitong gawin ang mga pinagagawa ni Elton at pinatatawagan din ni Trixie kay Lyka si Lady Elle para magreklamo sa mga pinaggagawa ni Elton. Pero hindi pinapansin si Trixie ng tila nasa alapaap pa rin sa kaligayahan na si Lyka. Takang takang iniwan ni Trixie ang kaibigan sa table nito. Habang si Lyka ay hawak pa rin ang kamay niya.

Sa control room, pinapanuod ni Noah si Lyka. Nakita nito kung gaano kasaya si Lyka. Hinahaplos ni Noah ang mukha ni Lyka sa screen.
Noah : Kung alam mo lang, kung puede ko lang sabihin, kung puede lang Ulay… hindi lang hawak kamay ang gagawin ko sa yo – yayapusin kita ng todong todo. Pahingi naman ng ngiti dyan o! Ayokong nakasimangot ka. Salamat! Salamat buhay ka. Buhay ka Ulay.
-Nag-ring ang phone ni Noah – si Gabby ang tumatawag, hindi sinagot ni Noah ang phone. Lumabas sa control room si Noah.

Abalang abala si Lyka sa trabaho, kumakain (skyflakes sawsaw sa kape, ang sarap!) ito habang nakatingin sa computer. Dumating si Noah na may dala dalang pagkain, inalis nito ang crackers at umupo siya kinalalagyan ng kinakain ni Lyka. Pakapang kinuha ni Lyka ang kinakain…nakapa nito ang … hita ni Noah
Lyka : Ha?! Sorry! Sorry, eh ikaw naman kasi ano ang ginagawa mo dyan? Ha?
Noah : Aaaa
-Napahiyang tinanggal ni Lyka ang kamay sa hita ng binata.
Lyka : Ah sorry naiwan
Noah : Kumain ka na muna nito
Lyka : Ah thank you, pero mauna ka na kasi kailangan ko pa kasing tapusin ‘to eh ha
Noah : Kakain ka at sasabayan kita. Akina ito (kinuha ang mga ginagawa ni Lyka)
Lyka : Sa…sa.. sandali five minutes okey, at kailangan ko pang pasadahan ‘yan at ipa-fax ko pa kay Lady Elle.
Noah : Kakain ka ba o susubuan kita?
Lyka : Pagkatapos na, kakain na yeheey!
Noah : Yeheey!
Nasa control room si Gabby at nakita nito ang sweetness ng dalawa. Nakaramdam ng selos si Gabby nang nakita nitong sinubuan ni Noah si Lyka … share ang dalawa sa sandwich… how sweet! para akong matutunaw na ice cream sa ka-sweetan nila ayyy!

Teaser : Pinagreresign ni Noah si Lyka sa House of Elle.

Mga Marka: , , ,

3 Tugon to “LOBO Episode 19”

  1. Daniel Ted Feliciano Says:

    I’m impressed on how detailed you really write this stuff. This takes a lot of effort. I don’t watch Philippine TV dramas because they just keep repeating and repeating themselves. Anyway, kudos for the passion pal.

  2. NoCar Says:

    kinikilig ako kay piolo and angel.. ang cute talaga ni angel. bagay sya mag comedy and perfect din dya for drama. kaya match talaga sila ni piolo.
    ptvj anong dahilan ba ni noah bakit ayaw pa niyang i reveal kay lyka na sya si jj?
    hindi ko rin ma gets ang mga “luna” ano ba sila?

  3. ptvj Says:

    nocar, si ate neneng ang gumagawa ng text updates ng lobo. anyway, i think dahil nga undercover si noah kaya hindi pa niya masabi kay lyka ang lahat.

    i think iyong mga luna ay group of people na against sa mga lobo? tama ba ate neneng?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: