MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 53

by

Nagdarasal si Onay sa may bintana nila. Sana raw maging okay na sina Celine at JB, sana raw magkabalikan na sila at sana rin gumaling na si Celine. Naiyak na ito.

Binabasa na naman ni JB ang sulat ni Celine sa kanya. How could she doubt their love daw, sabi ni Celine.

Nagagalit naman si Corazon kay Mateo dahil she felt ignored daw. Ang hirap daw kasi kay Corazon hindi raw siya magrunong magmahal kaya hindi raw niya maintindihan sina JB at Celine, pati na siya. Corazon pa man din daw ang pangalan niya pero wala raw siyang puso (Duh, saging lang ang may puso, no). Magwo-walk out na sana si Mateo pero pinigilan siya ni Corazon. Humingi ito ng konting panahon para matutuhang mahalin si Mateo.

Kinaumagahan, sinadya nina Jackie at Eli sina Monique at Fidel. Galit pa rin si Fidel. Tinanong ni Fidel kung nagsumbong na raw ba si Eli sa tatay niya. Nawalan na raw ito ng gana kaya hindi na siya mag-aalmusal. Hinabol siya ni Jackie at pilit nitong kinakatok ang ama para mag-usap na sila.

Nagdarasal na naman si Onay. Sana raw ingatan ni Lord si Celine sa isla at habang naroroon daw siya sana raw maisip niya ang magagandang pagsasamahan nila ni JB. Bahala na raw si Lord kung paano, pero sana i-lead daw nito si JB sa isla. Hindi niya alam nasa likod niya si JB, nagdasal na rin ito kaya napatingin si Onay at sinabi kay Lord na ang bilis daw ng sagot nito.

Umalis sina Jackie at Eli ng hindi pa rin sila nagkakaayos ni Fidel. Nakadungaw naman sa may bintana niya si Fidel at inihatid ng tingin ang sasakyan nina Jackie.

Habang nasa bus papunta sa island si JB kasama si Onay, kausap ni JB si Jackie. Napansin ni JB na malungkot ang boses ni Jackie. Sinbi ni Jackie na okay sila ni Eli at ang pagtuunan na lang niya ng pansin ay ang iuwi si Celine.

Sarado naman ang isip ni Fidel at ayaw niyang makinig sa mga explanations ni Monique tungkol sa mga nangyayari sa kanila.

Samantalang, nag-file ng leave of absence sa opisina si Eli. Maganda na rin daw iyon para maasikaso nila ang magiging tirahan nila. Tumawag si Amang at kinumusta nito si Eli. Ayaw munang pag-usapan ni Eli ang tungkol sa kanila ni Fidel. Mateo offered his self dahil marami raw siyang kakilala. Nagpasalamat si Eli pero may tinitignan na raw sila, although they might just take him up on his offer din daw.

Tumingin na ng mga bahay sina Eli at Jackie. May nagustuhan ng bahay ang mag-asawa (ang laki ng bahay sabi ba naman ni Jackie, gusto daw niya dahil simple. Ang laki kaya ng bahay). Hindi pa rin lubos ang kaligayan ni Jackie dahil nga sa alitan nila nina Fidel.

Engaged na sina Corazon at Mateo (mabuti naman para umalis na si Corazon sa spa). Isinuot ni Mateo ang engagement ring kay Corazon infront of Daniel while saying “Corazon tinatanggap ko ang alok mong pagpapakasal sa akin.” Si Corazon daw ang nagpropose the previous night.

Grabe, ang laki nung diamond. Hehehe.

Tinitignan ni Celine ang scrapbook nila ni JB sa may dalampasigan, noong tumayo na ito, nakita niya sina JB at Onay. Tumakbo si Celine.

Pag-uwi ni Fidel he immediately asked Monique kung nag-dinner na ang mga bata. Natigilan ito noong marealize niya ang sinabi niya. Sinabi nito kay Monique na hindi na raw siya kakain.

Ayaw namang pagbuksan ni Celine ng pintuan si JB. Pinagpahinga na ni JB si Onay at hihintayin daw niyang lumabas si Celine.

Sinampal ni Corazon si Daniel noong pinapapirma niya ito ng pre-nuptial agreement.

Finally, nagpakita na si Celine kay JB. Tuwag-tuwang niyakap ni JB ang kasintahan. Kumawala si Celine. Nagpsorry siya kay JB. Sinabi ni JB na alalang-alala siya dahil nag-iisa siya doon. Sa kundisyon daw niyang iyon hindi siya dapat nag-iisa.

He’s suffered enough na raw sabi ni Celine kay JB. Sinabi ni JB na Celine is his life. He’ll take whatever time they have together. Kahit daw ipagtulakan niya si JB, she’ll never get rid of him.

Just let her go daw sabi ni Celine. Ibinato ni JB ang singsing na ayaw tanggapin ulit ni Celine.

Galit na galit naman si Mateo kay Daniel. Sinabi ni Daniel na huwag raw itong magpakatanga. Naiwang nag-iisip si Mateo.

Nag-aayos na ng gamit nila sa bahay sina Eli at Jackie. The next day raw ay papasok na ulit si Eli sa opisina.

Kinausap ni Onay si Celine. Next to JB daw siya ang susunod na masasaktan kung hindi sila magiging masaya ni JB. Sinabi ni Onay na siguro naman daw gusto ng Diyos na maging masaya silang lahat. Hindi pa naman daw siguro ending dahil hindi pa masaya si Celine.

Tinanong ni Mateo si Corazon kung pipirma raw ba siya ng prenup.

Nagpaalam na si JB kay Celine. Nakiusap si JB kay Celine, ask him to stay daw. Lumuhod ito

Celine: “Jaime…Jaime Berenguer, where is your pride?”
JB: “I have no pride.”
Celine: “I’ve been through a lot a lot JB. From heaven to hell. All because of love. And after I’ve been through I realized I know absolutely nothing about love. And everything I knew about love I knw because of you.”
JB: I love you Celine, I love you beyond words.”
Celine: “I love you too. `Til the end.”

Naghalikan sila.

😦 Im sad.

3 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 53”

  1. Ivy Says:

    Could you tell me please the title of the song on their scene at the beach as of yesterday’s episode… thanks

  2. foobarph Says:

    berenguer? unique surname! ^^

  3. ptvj Says:

    ivy, it’s “you and i” by sam milby.

    foobarph, oo nga e.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: