LOBO Episode 18

by

Pagkauwi sa bahay, nag-usap ang mag-amang Leon at Noah, humingi ng paumanhin si Noah sa nangyari.

Nagkita sina Noah at Gabby. Humingi ng sorry si Gabby sa mistah. Gusto ni Noah na tapusin na nila ang mission sa House of Elle sa madaling panahon. Sinabi ni Gabby na target nila ang laboratoryo ni Dra. Selina Argos at kailangan nilang makita ito.

Sa House of Elle, binigyan ng panibagong trabaho ni Lady Elle si Lyka. Pagkatapos makausap si Lady Elle ay hinanap ni Lyka si Noah. Nang dumating ang binata, medyo nahihiya pa itong bumati kay Lyka – naging taklesa si Lyka at nagtawanan ang mga officemates nila. Niyaya ni Lyka si Noah sa rooftop, magpapadala daw si Noah ng sulat kay Choy sa pamamagitan ng lobo.

Kinakausap ni Don Manolo si Noah, nandun din si Gabby. Tinanong ni Don Manolo ang feeling ni Noah para sa assistant ni Lady Elle. Sinabi ni Noah na okey na naman sila ni Lyka at ang dalaga ay naging malapit na sa kanya. Selos na selos ang nakikinig na si Gabby. Sinabi ni Don Manolo na may business trip daw si lady Elle dito sa amin – Germany, at habang wala si Lady Elle ay ini-assign ni Don Manolo si Noah na maging driver at bodyguard ni Lyka. Pinagbilinan ni Don Manolo si Noah na kailangan niyang protektahan si Lyka sa lahat ng oras.

Habang nagtatrabaho ay nakikipagdaldalan sa phone si Lyka with Trixie.

Pinag-uusapan nina Noah at Gabby si Lyka – pinagdududahan ni Gabby ang katauhan ni Lyka.

Busy sa pagka-cut ng mga papers si Lyka nang dumating sina Lady Elle at Selina Argos. Tinawag ni Lady Elle si Lyka, paglingon ni Lyka sa tumawag sa kanya ay aksidenteng tinamaan ng cutter ang daliri ni Lyka, ang daming dugo … ang dami talaga promise … nyaaaah! nangingilo ako ng tingnan ko iyong dugo ni Lyka. Nakita iyon ni Lady Elle, Selina Argos at ilang kasamahan ni Lyka. May nag-abot ng tissue kay Lyka, ipinambalot ng dalaga ang tissue sa daliring naputol – pagbuklat nya ulit ng tissue ay kataka-takang parang walang nangyari sa daliri nya. Nagkandautal si Lyka nang mahimasmasan, pinauuwi na ni Lady Elle sa bahay si Lyka para magpahinga, ipapahatid daw nya kay Noah.

Hindi naniniwala si Noah sa mga pagdududa ni Gabby kay Lyka. Sinabi ni Gabby na hindi pa masyadong kilala ni Noah si Lyka, pero sinabi ni Noah na iba ang tingin nya – parang buong buhay na daw nya kilala si Lyka. Gigil na gigil si Gabby, galit ito sa ginagawang pagtatanggol ni Noah kay Lyka. Tumawag si Don Manolo kay Gabby, may ipinapagawa kay Gabby.

Pinag-uusapan nina Lady Elle, Lorian at Selina si Lyka – kung saan ito nanggaling, sino ang pamilya, etc. – sa pag-iimbestiga ay wala silang natuklasang kung saan nanggaling ang “huling bantay”. Habang si Lyka ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari sa daliri nya – pero high lang daw siya, HIGH KAY NOAH. Nang ihahatid na ni Noah si Lyka ay nagbiro ang binata, hindi pa rin makapaniwala si Lyka na magkaibigan na silang dalawa.

Si Gabby ang mismong nagdala ng flowers para kay lady Elle na pinabibigay ni Don Manolo. Nang ilagay na sa table ni Lady Elle ang mga bulaklak ay may kamerang pasimpleng inilagay si Gabby. Sa control room ay pinapanuod ni Gabby ang mga nangyayari sa office ni Lady Elle sa pamamgitan ng kamerang inilagay nya – pero nagkakaproblema ang connection. May tumawag kay Gabby sa phone.

Sa sasakyan ay nakakatulog si Lyka, pasimpleng kinuha ni Noah ang folder na may nakalagay na CONFIDENTIAL. Nang biglang muntik na silang maaksidente, nagising si Lyka at nangalaglag ang folders na hawak hawak nya, pero nakuha rin nya, hindi ko lang alam kung nakuha rin nya iyong kinuha ni Noah. Inihatid ni Noah hanggang sa may gate si Lyka. Nang makapasok na si Lyka ay tinawagan ni Noah si Gabby

Sinadya pala ni Lady Elle na paglapitin sina Noah at Lyka – para naman daw bago magbago ang buhay nito ay lumigaya kahit sandali lang sa piling ni Noah.

Nagreport si Gabby kay heneral. Si Anton ay nag-e-experimento naman sa isang daga, patay ang daga. Tinalian ni Anton ang braso nya para iturok ang gamot, pero dumating si Clara at pinigilan nito ang anak sa gusto nitong gawin. Itinapon ni Clara ang gamot.

Si Selina Argos ay may mga formula na ginagawa sa laboratoryo nito.

Palaging nagkakasama sina Noah at Lyka sa mga lakaran, lalo silang nagkalapit. Sa kotse ay nahuli ni Lyka na tinititigan siya ni Noah. Naalala ni Noah noong mga bata pa sila ni Ulay – “Unang kumurap pangit”.

Habang naghihintay sa kotse ay napansin ni Noah na may naiwan si Lyka – kinuha niya ito at nagulat siya sa nakita – ang MOONSTONE.

Teaser : Nakita ni Lyka na hawak ni Noah ang moonstone niya, kinuha ito ng dalaga at hinalikan – hindi makapaniwala si Noah sa natuklasan.

Mga Marka: , , ,

Isang Tugon to “LOBO Episode 18”

  1. Macsyma Says:

    Maraming salamat po sa update… this way ko nga lang po alam kung ano na nangyayari sa Lobo dahil hindi pwede manood sa office. At least kahit man lang sa text update ini-imagine ko nalang si Papa P. Thank you po ulit and keep up the good work. Also, to Ate Neneng thank you sa MSKM update. Lovet!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: