MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 52

by

Hindi mapakali si Eli, tinitignan niya ang mga pictures nila ni Jackie noong honeymoon nila habang nasa opisina pa siya.

Sinaday nina Joko at Onay si JB at iniabot ang sulat sa kanya. Binuksan ni JB ang sobre at nakita niyang nakalakip ang singsing na ibinigay ni Celine sa sulat.

Masaya namang binati ni Mateo si Corazon ng good morning. Hindi maalala ni Corazon ang nangyari the previous night dahil sa sobrang lasing. Mateo apologized dapat daw nagpaka-gentleman siya pero hindi na niya napigilan ang damdamin. Corazon brushed him off , huwag daw masyadong magpakadrama.

Galit na galit si JB, bakit daw iniwan ni Onay si JB. Hindi raw dapat iniwan ni Onay si Celine. Nagalit si Joko dahil caregiver lang daw si Onay at wala siyang karapatang panghimasukan ang buhay nila. Ayaw sabihin ni Onay dahil nangako daw siya kay Celine.

Pagkatapos makausap ni Jackie si JB sa phone, dumating si Eli at sinabi niyang aalis na sila sa bahay na iyon. Alam naman daw ni Jackie na hangga’t kaya gagawin niya pero kailangan na ng space between Fidel and Eli. Hindi rin daw maintindihan ni Jackie kung bakit nangyari iyon dahil okay naman daw sila ni Jackie. Sinabi ni Jackie na kahit anong desisyon ni Eli susuportahan niya ito pero nasasaktan din raw siya. Sana raw hindi na nangyari ang lahat ng iyon.

Tahimik si Mateo noong inihahatid niya si Corazon. Kulang pa raw ba ang ipinapakita niya kay Corazon para ipakita kung gaano niya ito kamahal? Para raw kahit anong gawin niya parang kulang ng saysay. Akala ni Corazon, iyong tungkol sa nangyari the previous night. Nag-walk out si Mateo, hindi raw daw siya maintindihan ni Corazon.

Pagdating ni Fidel naabutan niyang nagpapaalam sina Jackie at Fidel kay Monique sa driveway nila. Ganoon raw bang lumaban si Eli, sisiraan siya sa anak niya, hindi raw ba nito kayang lumaban ng patas sa negosyo?

Sinabi ni Eli na pamilya nila si Fidel, nirerespeto niya ito. Kaya dapat irespeto din ni Fidel ang desisyon ni Eli. Pinipigilan siya ni Monique, pero sinabi ni Fidel na iiwan na sila ng anak nila dahil hindi siya kasundo ng asawa niya. Kapag umalis raw sila hindi na sila babalik doon. Umakyat na sa loob ng bahay si Fidel. Sinundan siya ni Monique. Umalis na si Eli at ang umiiyak na si Jackie.

Binasa na ni JB ang sulat ni Celine. Humihingi ng tawad si Celine sa pag-alis niya. She just needs to make of sense of everything muna raw bago niya maharap ang kinabukasan. Hinalikan ng umiiyak na si JB ang singsing ni Celine. Hindi alam ni JB, pinapanood siya ni Corazon (na mukha namang affected sa lungkot ni JB).

Sinabi ni Fidel kay Monique na hayaan na raw nilang magsarili ang anak nila. Ipinagpalit daw sila ni Jackie sa asawa niya.

Noong nasa opisina si Fidel, may kausap ito sa telepono. He was denying na hindi sila magkasundo ni Eli and they still have the same vision for the company. Pagbaba niya ng cellphone, nakita niya sa front page ng newspaper na nasa headline ang family feud nila.

Tahimik lang si Mateo (iniisip siguro si Corazon) kahit na dapat daw nagsasaya siya sabi ni Jimenez dahil hindi na raw pala niya kakailanganing gumawa ng hakbang para pabagsakin ang kumpanya dahil mismong sina Eli at Fidel ang gumagawa noon.

Tinanggihan ni Eli ang alok ng ina na sa kanila muna sila tumira ni Jackie dahil tutal daw kapag nakakita na siya ng bahay lilipat din sila. Sinabi ni Gloria na kahit hindi si married, ang alam daw niya ay mas magadang magkasundo sila ni Fidel.

Tinawagan ni Corazon si Mateo dahil hindi man lang daw ito nagtetext or tumatawag nag-aalala siya na nagtatampo si Mateo. Corazon asked him out for dinner, pero pakipot pa si Mateo. He’ll call to confirm daw.

Sinadya ni Mateo si Fidel. Kinompronta nito si Fidel sa pagsuntok kay Eli. Kinalimutan na raw ni Fidel ang lahat ng magagandang ginawa ni Eli para sa kumpanya.

Nag-uusap sa telepono sina Jackie at Monique. Parehong nag-aalala ang mga ito sa mga asawa nila.

Binalaan ni Mateo si Fidel. Kung aalis daw siya sa kumpanya niya, baka raw isama niya si Eli.

Nagsisisigaw na si JB sa labas ng gate nina Onay at pilit tinatanong kung nasaan si Celine. Binabato na ni JB ang bintana nila. Galit na si Joko habang ang Lolo Bogs naman niya ay kinukumbinsi siya na kausapin na si JB. Hindi alam ni Onay ang gagawin dahil nakapangako na siya kay Celine. Nagmamakaawa si JB kay Onay. Pinigilan ng mga tanod si JB.

Sinabi ni Eli kay Jackie na bukas daw titignan na niya ang bahay na maari nilang lipatan (what, he’s not even gonna take Jackie with him?). Sinabi ni Jackie na kung hindi raw muna daw nila ituloy? Bubukod din naman daw sila pero hindi raw ba maganda kung magpapakumbaba sila.

While Celine was having a drink (while listening to some guy sing), naalala niya ang mga pinagdaanan nila ni JB. Naiyak ito. Tumakbo ito sa dalampasigan. Umiiyak ito:

“Bakit mo ako ginaganito , bakit mo kami ginaganito ni JB? Why? You are so unfair, so unfair! I wanted to fight this. But you wanted me to fail. If you were gonna take me, take me now! Just take me now, huwag mo na kaming pahirapan lahat!”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: