LOBO Episode 17

by

Takang taka si Lyka sa mga weird na nangyayari sa kanya – lumakas ang pandinig, pakiramdam, etc..

Si Noah naman ay naglalasing sa sobrang pagdadalamhati sa nangyari sa kaibigang si Choy. Naramdaman ni Lyka na nasa paligid lang si Noah.

Sa pulong ng mga Waya ay patuloy pa rin ang mainitang pagtatalo ng mga taong lobong tungkol sa huling bantay.

Nakita ni Lyka ang naglalasing na si Noah, nilapitan niya ito.
Lyka : Noah?
Noah : Anong ginagawa mo dito?
Lyka . Napadaan lang eh, okey ka lang ba?
Noah : Umalis ka na Lyka.

Sa pulong, sinabi ni Trixie na pakiramdam niya, ay may nararamdaman ang “huling bantay” sa bodyguard ni Lady Elle.

Balikan natin sina Lyka at Noah na nagmomoment ng iyakan.
Lyka : Sige na nga! Sorry na doon sa mga nasabi ko sa iyo noong isang gabi. Sorry nasampal kita, ikaw naman kasi eh… pero alam ko naman na concerned ka lang sa akin … ako rin naman eh … concerned lang din sa iyo. Kaya kung may problema ka ngayon, nandito lang ako. Noah, sabi ko nandito lang ako
Noah : HINDI MO BA AKO NARINIG? DI BA SABI KO, UMALIS KA NA. BAKIT BA ANG KULIT KULIT MO? BAKIT NA KUNG SAAN AKO TUMINGIN, NANDO’N KA?
Lyka : Wala namang sigawan o. Kung anuman iyong problema mo, huwag ako ang pagbuntunan mo ha, ako na nga iyong nag-a-alala
Noah : HINDI MO AKO KILALA. HINDI MO AKO KILALA KAYA HWAG MO SABIHIN SA AKIN ‘YAN.
Lyka : Okey… sige … pero Noah, minsan hindi lahat ng bagay sinosolo, hindi lahat ng nararamdaman mo – kaya mong itago. Oo wala nga akong alam tungkol sayo, pero kung ako iyong may problema, hindi ako tatalikod sa kahit na sino … susuporta sa akin, kahit na ba ang taong yon, tingin ko panggulo lang sa buhay ko.
Noah : Just leave me alone. Just leave me alone, Lyka
-umalis si Lyka, pero nang makalayo layo ay nilingon nito si Noah, hindi natiis ni Lyka na hindi balikan si Noah, niyakap ni Lyka ang binata. (Sayang! wala akong picture – nag-emote kasi ako doon sa isang thread). Matagal na nagyakap ang dalawa tapos tinitigan ni Lyka ng buong pagmamahal ang mukha ni Noah. Ay sayang! hindi sila nagkiss, pero nag-magic embrace sila, at titigan na naman ng titigan. (ay kiliiiigz!)

Sa pulong ng mga Waya, palitan na naman sila ng kuro-kuro at mukhang hahadlangan nila ang nakaambang pagkakaunawaan ng Bodyguard at Huling Bantay. Pinagdududahan ng taong lobong si Minerva na isa ring LUNA si Bodyguard, at ito ay tao ng pinangangambahan niyang bumaliktad na si Don Manolo. Nagalit si Lady Elle sa tinuran ni Minerva, dahil sa napakaraming tulong na ibinibigay sa kanila ni Manolo ay pinagdududahan pa rin ito ni Minerva. Sa kalagitnaan ng usapan ay lumapit si Lorian kay Lady Elle na kinailangang umalis ni Lady Elle kaagad-agad. Naiwan ang mga napa-isip na mga taong lobo.

Ikinukwento na ni Noah kay Lyka ang mga problema niya, medyo nadulas si Noah sa nasabi tungkol sa trabaho niya. Paalis na si Noah nang biglang nagpakilala si Lyka, nagulat si Noah. Kunyari raw ay hindi sila magkakilala para mas madaling masabi ni Noah ang mga problema niya sa dalaga. Humingi ng sorry si Noah sa mga nagawa niya sa dalaga. Umalis si Noah, tumingin sa buwan si Lyka.

Naging emotional si Gabby sa meeting niya with the two generals (Dante rivero at “Banker”).
Umalis si Gen. Leon, kailangan daw niyang asikasuhin ang anak niyang si Noah. Nang makaalis si Gen. Leon, emotional pa rin si Gabby – pinaalala sa kanya ni “heneral” kung saan siya nanggaling, na pinulot lang sa kalsada at binigyan ng magandang buhay ng LUNA organization. Kailangan daw magtiis rin ni Gabby at magtatagumpay rin ang misyon nila. Sinabi ng “heneral” na si Noah ang pag-asa nila.

Kinausap ni Gen. Leon si Don Manolo. Humingi ng paumanhin sa nangyaring “operation” sa warehouse ng House of Elle si Gen. Leon.

Nagpapanic sina Lady Elle. May kinakausap si Lorian sa phone, umo-order ito ng dalawang plane ticket papunta sa kahit na anong state sa America. Ayaw pumayag ni Lady Elle na aalis siya ng
bansa, pero matigas ang assistant nito sa pagsasabing kailangan nyang umalis. Dumating si Don

Manolo at sinabi nitong hindi kailangan umalis ni Lady Elle kasi mali ang natanggap nilang tip, kasi
ayon kay Manolo ay drugs daw ang hinahanap ng “raiding team” na nagsagawa ng pagsalakay sa House of Elle.

Sa bahay nina Noah. Sinita ni Leon si Noah sa pagiging mahina nito sa pagkawala ng kaibigan. Habang nagtatalo ang ang dalawa ay nakikita sila ni Zoey, umiiyak ang dalagita. Tumakbo ang dalagita nang makitang nakita siya ng ama.

Sa bahay nina Lyka. Nag-aayos ng mga gamit si Anton habang nagmomonologue si Lyka tungkol sa mga kalalakihan na ayaw magpakita na nasasaktan. Inakala ni Anton na siya ang tinutukoy ni Lyka. Pinuna ni Lyka na medyo marami-rami ang ini-empake ni Anton. Sinabi ni Anton na malaki ang kinita niya kaya tinanong nito si Lyka kung ano ang gustong regalo sa nalalapit na birthday. “Lovelife” ang hiningi ni Lyka, natahimik si Anton tapos sinabi nito na “one lovelife coming up”.

Pinuntahan sa kwarto ni Gen. Leon ang anak na si Zoey. Ipinaliwanag ng ama sa anak na dalagita ang mga nangyayari sa kanila ni Noah.

May nag-doorbell kina Lyka. Pumunta sa gate ang dalaga na may facial mask na nakatapal sa mukha – nang makita nito na si Noah ang bisita ay pilit nitong itinatago ang mukha sa binata. Tinanong ni Lyka kung ano ang ginagawa nito, nagpakilala ang binata na siya daw si Noah. Ngumiti ang dalaga. Sinabi ni Noah na marami raw siyang gustong puntahan pero doon siya dinala ng motor niya na may sariling utak (walastik! galing ng motor ah!). Paalis na sana si Noah kasi mukhang matutulog na raw si Lyka, pero lumabas ang dalaga at hindi pa raw siya inaantok. Nagkwentuhan ang dalawa tungkol kay Choy, habang nakatanglaw sa kanila ang liwanang ng buwan.
Noah : Tatlo lang ang priority nya sa buhay – magsilbi sa bayan, magsilbi sa pamilya nya, makahanap ng girlfriend na mapagsisilbihan. Kahit gaano kahirap ang sitwasyon na nasusuotan namin noon, makakahanap siya ng paraan para magpatawa, gagaan at gagaan ang pakiramdam mo, kahit papaano, mawawala na iyong takot kapag lulusob na.
Lyka : Palagay ko, sabi ni God – kailangan na nya ng bagong komedyante sa langit kaya nya pinabalik si Choy. (ngumiti si Noah) Kung nasaan man siya ngayon, mas masaya siya – iyon na lang yong isipin mo.
– Hinawakan ni Lyka ang mga kamay ni Noah, hinawakan din ito ni Noah. Kinikilig ang dalawa.(ako rin hihihi!)

Teaser : Nakita ni Noah ang moonstone ni Lyka.

5 Tugon to “LOBO Episode 17”

  1. Mums Says:

    bakit wala ng nagcocoment? magaganda naman ang mga teleserye ngayon ha. from kung fu kids, prinsesa na banyera, palos, mskm2, and lobo. lahat maganda pero silient lahat ang comment ng mga ptvj fans. namimis ko na ang mga kabarkada natin dito sa ptvj. …..iyak…iyak…iyak
    where are you guys?

  2. Neneng Says:

    Oo nga! wala nang nagko-comment, nakakawalang gana na gumawa ng text update. Siguro last ko na ito.

  3. ptvj Says:

    mums, ewan ko saan sila nagpunta. baka busy lang pero marami rin naman ang nagbabasa dito according to the blog stats. usually rin naman kasi kapag nagko-comment e dahil maraming palpak ang mga pinapanood natin? kagaya dun pangarap ng bituin at ysabella.

    neneng, wahhh! iiwan mo na kami😦 ?

  4. jossssssa Says:

    Lagi kong nababasa panay ang pintas ni alfie lorenzo sa lobo pangit daw. Ano kaya problema ng baklitang eto at galit na galit kay Papa P. at Angel.

  5. kat Says:

    hi! it’s been a while since i posted but i definitely have been reading.. thank you for all the updates.. i’ll try to post more often.. mums, you’re right, magaganda nga ang mga shows ng abs.. and i definitely enjoy reading the text updates.. thank you soooo much and please, wag kayong magsawa!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: