MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 51

by

Alalang-alala si JB sa pag-alis ni Celine kaya si Corazon ang pilit nitong tinatanong. Nagalit si Corazon dahil bakit daw siya na naman ang sinisisi niya. With her condition daw hindi naman daw siguro siya makakalayo ito. Sinabi nitong tawagan na lang niya ang yaya ni Celine.

Pinatay ni Celine ang cellphone ni Onay. Habang patuloy na tumatawag si JB kay Onay, talak pa rin ng talak si Corazon so JB told her to shut up. (Buti nga sa kanya.)

At the same time, tumatawag din si Jackie kay Celine pero hindi rin niya sinasagot ang phone. Pag-uwi nina Lena, Jackie at Eli. Sinalubong sila ni Fidel at pinuna si Eli. Nilambing siya ni Jackie at nagpasorry si Lena, next time daw kaya na niyang mag-isa. Marami daw mga transactions na nabinbin dahil sa pag-alis ni Eli, if he could sign thme himself daw, siya na lang ang pipirma. Ipinaalala nito na magkasosyo sila sa negosyo. Pagkasabi noon ay umalis na si Fidel. Nagpasorry si Lena kay Eli dahil sa nangyari.

Pumunta si JB sa bahay nina Onay. Hindi rin sinasagot ni Onay ang cellphone nito sa tawag ni Joko.

Nababagabag naman si Jackie sa mga nangyayari kina Jackie at Fidel. Huwag daw mag-alala si Jackie, pinupulot na lang daw niya ang mga magaganda sa sinasabi ni Fidel at hindi na niya pinapansin ang mga nakakasakit para hindi na rin daw masaktan si Jackie.

Binabasa ni Lena ang sulat ni Joaquin sa kanya. Humingi ito ng tawad sa pag-iwan niya kay Lena. Naging duwag daw kasi ito at naniwala siya sa nanay ni Lena na magiging miserable daw ang buhay niya sa piling nito. Hindi nga raw niya alam kung pati sarili niya mapapatawad niya.

Habang nasa bus naman sina Celine at Onay ay nakatulog si Celine. Sinamantala ni Onay ang pagkakataon para i-check ang cellphone niya. May 76 messages siya pero bago pa niya nacheck ang mga ito ay nag-ring ang phone niya at ayaw niyang magising kay Celine kaya pinatay niya ang phone niya.

Samantalang nagda-drama naman si Corazon kay Mateo. Si JB lang daw ang tunay niyang minahal. Alam naman daw nitong mas mahal ng anak niya si Celine kaysa sa kanya pero hindi raw niya ito matanggap. Sinabi ni Mateo na mahal siya ni JB at mahal din siya ni Mateo. Niyakap ni Corazon si Mateo.

Nagkaproblema sa propeler ng isa sa mga windmills ng kumpanya nina Fidel at natamaan ang ilang mga livestocks sa karatig na farm. Galit na galit si Fidel na nagbigay ng instructions sa staff niya.

Nakarating na sa destinasyon nina Celine at Onay (iyon atang pinuntahan nila sa Book 1). Sabi ni Celine sana nanatili na lang sila ni JB doon. Tinanong ni Onay, hindi raw ba at hanap sila ng hanap ng lalaking magmamahal sa kanila at mamahalin nila, pero bakit daw siya natagpuan na niya si JB pero iniwan pa rin niya.

Tinanghali ng gising si Eli kaya nagmadali itong umalis. Paghatid ni Jackie kay Eli sa driveway, nakatanggap ng tawag si Jackie mula kay Lena. Umalis ito at hinahanap muli si Joaquin, basta tawagan na lang siya nito pag nakita na niya si Joaquin.

Sinabi ni Celine na she loved JB all her life, she loved him too much it hurts daw. It hurts na iiwan niya si JB soon. Sinabi ni Onay na hindi raw ba selfish iyon, iyong hindi mo binibigyan ng choice ang isang tao to decided kung mamahalin ka niya o hindi?

Umalis na si Onay na may dala-dalang sulat mula kay Celine para kay JB.

Pagdating ni Eli sa opisina sa meeting nila, naroroon sina Fidel at ang ibang board member. Sinabi ni Fidel na they just lost a P400M investment. Baka raw pwede pang habulin sabi ni Eli. Nagalit na si Fidel at nagsisigaw na ito. Sinabi na rin niya ang nangyari sa windfarm nila. Ayaw pakinggan ni Fidel ang paliwanag ni Eli. Sinabi niya na tama raw siya at wala sa dugo ni Eli ang kapasidad para magpatakbo ng isang kumpanya. Sinabi ni Eli na lahat daw ng ginagawa niya ay para sa pamilya nila at para sa mga magiging anak nila at kahit kailan daw hindi niya gustong ipahiya or saktan si Fidel. Sinuntok ni Fidel si Eli…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: