LOBO Episode 16

by

Lyka : Fine. Sige hindi na ako magsasalita ha. Ito promise – kahit kailan hindi na kita kakausapin ha, huwag mo na akong pansinin, huwag mo akong papakialaman, wala na tayong pakialamanan, okay? Naiintindihan mo ba ‘yon?

Dumating si Dan na naka-taxi.
Dan : LYKA! Lyka, pinasundo ka sa akin ni Trixie. Are you okay?
-Malungkot na tumalikod si Noah
Lyka : Nag-uumapaw sa okay (pinariringgan ang paalis na si Noah) . Masarap pala iyong pakiramdam, pag meron hindi kaaya-ayang bagay na natanggal sa sistema mo ‘no? (Ibinigay ang susi ng kotse kay Dan) Susi, kasi parang hindi ko kaya.
-Pinagbuksan ng pinto ng kotse ni Dan si Lyka, nakayuko lang si Noah. Nang makaalis na ang sasakyan, ay malungkot itong nilingon ni Noah.

Kausap ng “heneral” si Dr. Vivian Lee (Maritoni Fernandez). Hawak-hawak ni heneral ang files about Anton Rivero.
Dra. Lee: (ipinakita sa computer ang video ng kalagayan ng bihag na si Nessa) You should watch this. It’s been years General, that’s all she can do now, ni hindi na sya makapagbago ng anyo, we need another level 2 para mapagpatuloy natin ang mga experimentong ‘to.
Heneral : (itinaas ang biodata ni Anton) Ito ba ang sinasabi mong magaling na scientist na makakatulong natin?
Dra. Lee : Anton Rivero, private product developer po. Nililigawan siya ng malalaking pharmaceuticals pero tinanggihan nya, nagtago sya.
Heneral : Mapagkakatiwalaan ba natin sya?
Dra. Lee : That remains to be seen.

Nasa laboratoryo si Anton, nag-e-experiment sa isang aso. Bigo ang experiment, lumong-lumo si Anton. Tahimik na nagkakape si Anton, may tinake itong mga pills. Dumating si Lyka.
Lyka : Kuyaaa, puede ba next time ipaalam mo naman sa akin na nakakamatay pala ang isang case ng beer.
Anton : Te… teka, uminom KA?
Lyka : Huwag kang exag kuya. Wine lang iyong ininom ko ano, pero pakiramdam ko isang case ng beer ang bumagsak (?) sa ulo ko, sobrang sakit ngayon.
Anton : Lyka! Ito maggamot ka muna, pero kailangan mong kumain ka, ipagluluto kita ng almusal.
Lyka : Ah hindi… hindi, hindi na kuya kasi baka iluwa ko lang yang iluluto mo sa akin, maggagamot
na lang ako.
Anton : Alam mo ikaw, hindi ko na alam ang mga nangyayari sa iyo ha – iinom ka, kung anong oras ka na umuuwi sa gabi, sino ba ang kasama mo kagabi? may naghatid ba sa ‘yo? at saka anong oras ka umuwi?
Lyka : Ikaw kuya ha, matulog ka na kaya. Akala mo ba hindi ko alam na kauuwi mo lang? Bakit, ano ba ang pinaggagawa mo buong gabi? Saan ka galing? Ano ba ang ginawa mo?
-hindi nakaimik si , dumating si Clara
Lyka : Bye kuya, salamat dito sa gamot ha at saka sa tubig.
Anton : Tumawag ka pag malelate ka, susuunduin kita.
Lyka : (humalik sa pisngi ny tiyahin) Bye ‘ma, bye kuya!
-nagkatinginan ang mag-inang naiwan
Anton : Hindi gumana ang gamot ‘ma.
Clara : Magpahinga ka na anak. Gusto mong kumain? Ipagluluto kita.
Anton : Hindi na, kailangan ko ring bumalik sa lab may meeting pa ako mamaya.
-umalis na rin si Anton, naiwan ang nag-aalalang si Clara.

Sa House of Elle, nagpapakwento si Trixie sa nangyari kay Lyka sa Bar
Trixie : (binigyan ng maiinom ang kaibigan) O ayan na, ayan na. So ano ngang nangyari? Ikwento mo na sa akin, so sinampal mo si THE ONE, THE ONLY, THE DESTINY, o ngayon anong nangyari? (ayaw magkwento ni Lyka, pinanlakihan siya ng mata ni Trixie) Dalian mo na! At baka biglang dumating si Lady Elle.
Lyka : Trix, baka naman puedeng pang-tele nobela na lang ‘yon, to be continued. At saka hindi naman darating si Lady Elle eh, may sakit daw kaya nga hindi tuloy iyong presentation natin sa mga sponsors eh. Mabuti na lang talaga ano, kasi hindi ako ready, at mukhang hindi ko kakayanin at hindi ko rin kakayaning magkwento pa.
Trixie : (atat na atat sa kwento ni Lyka) HINDI PUEDE MARE

Lyka : Huwag ka ngang maingay dyan, ito na. Sinabi ko sa kanya na wala nang pakialaman.
Trixie : Sinabi mo ‘yon? Ang haaaarsh!
Lyka : Eh… inis na inis na inis na ako sa kanya eh. Ang labo labo nya, mas malabo pa sya sa mata
ko noon.
Trixie : So hindi na malabo ang mata mo ngayon?
Lyka : Hindi na! At saka ayoko na syang isipin pang muli ha, simula nang dumating siya sa buhay
ko, ang daming weird na nagyari sa akin. AH BASTA! Magpapadetixify na ako ngayon – tatanggalin ko na sya sa sistema ko ngayon
Trixie : (Nakanguso si Trixie na parang ayaw maniwala) huh?!
-May dumating na nagdedeliver ng bulaklak para kay Lyka Raymundo.
Trixie : OH MY … EEEEEEEEHHHH! Oh My God! Mare (lumapit kay Lyka, kinuha ang kamay nito at pilit pinapirma sa delivery receipt (kulit ni Trixie!)
-Nagulat si Lyka sa natanggap na bulaklak, si Trixie ay kilig na kilig pa rin, dumating si Noah. Nakita ni Lyka kay Noah pero dumiretso lang si Noah sa upuan nya, inakala nina Trixie at Lyka na kay Noah galing ang mga bulaklak. Dumating si Dan.
Dan : Nareceive mo na pala ‘yong mga bulaklak?
-Nadismaya ang magkaibigang Lyka at Trixie sa narinig, na kay Dan pala galing ang flowers. Nasasaktan si Noah sa mga naririnig.
Dan : Ano, ano lang ‘yan , Congratulations!
Lyka : Hah? ahh thank you ha! Hindi mo naman kailangang gawin ‘to. Sandali lang ha, kukuha lang ako ng vase. Excuse!

Sa comfort room pumunta si Lyka.
Lyka : Timang! Timang ka talaga Lyka, naku! Naniwala ka na sa kanya galing yan.
Biglang may mga narinig na usapan si Lyka – lumakas ang pandinig nya. Tiningnan ni Lyka kung may mga tao sa loob ng C.R., pero walang iba tao na naroon, siya lang mag-isa. Halos mabingi si Lyka sa mga naririnig, nang biglang narinig nya ang boses ni Noah
Noah : Ano ang nangyayari sa iyo Noah? Ano bang meron si Lyka, at nagkakaganyan ka? Kontra siya sa lahat ng kagustuhan mo
Lyka : Noah?
-Nasa katabing men’s room pala si Noah
Noah : Sa lahat ng tamang dahilan, sa lahat ng alam mo tungkol sa sarili mo

Noah : Bakit para kang ewan (? nabibingi ako, sorry!), hindi naman dahil sa maganda sya, pero sexy (napangiti ang nakikinig na si Lyka), hindi naman dahil sobra syang lampa, makulit lahat nang gulo pinapasok, na kahit na anong gawin ko, pakiramdam ko – responsibilidad ko sya. Kung hindi iyon, e ano? Ano Noah, anong meron sa babaeng ito? Anong meron kay Lyka? Wala pa akong nakikilala na tulad n’ya – napapangiti nya ako, napapagaan nya loob ko, lahat ng galaw nya, lahat ng kilos nya, pati kalokohan nya. Noah,
-ay naku! nag-lowbat ang “pandinig” ni Lyka
Lyka : Naku! naku!
Noah : Umamin ka nga Bok, may gusto ka ba sa kanya? May gusto ka na ba kay Lyka? Hindi puede, hindi puede, alam mo ‘yan Noah.
Lyka : (wala nang naririning) Naku!
-Excited na pumunta sa men’s room si Lyka, pero hindi niya nakita si Noah. May lalaking pumasok.
lalaki : (hawak na ang zipper ng pantalon hihihi!) O anong gingawa mo dito?
Lyka : Naki-jingle lang ako pare (isinara kunyari ang zipper ng pantalon), ikaw naman.
– astig na tinapik pa ni Lyka sa balikat ang lalaki, pagkalabas ng men’s room
Lyka : Saan ba ‘yon? Ang bilis naman ni Noah! O walal sya talaga doon. Lyka… ano bang nangyayari sa iyo ha? Trixiiiiiieee….

Ikinwento ni Lyka kay Trixie ang mga narinig nya.
Trixie : Ano ba talagang nangyari sa ‘yoooo?
Lyka : Eh ewan ko! Hwag kang tatawa tawa dyan ha. Basta bigla ko lang narinig ang boses nya, nandun ako sa ladies room, tapos sya parang nasa men’s room lang eh.
Trixie : Narining mo si Noah? Anong sabi?
Lyka : sabi nya maganda ako, sexy
-napabunghalit ng tawa si Trixie
Trixie : Mare, baka tumatalas lang talaga ang pandinig mo o hindi naman, kaya sa sobrang kaiisip mo kay Noah, pati imahinasyon mo – napasok na nya.
Lyka : Ha? Ewan ko, siguro nga imagination ko lang lahat ito ‘no, basta kung totoo nga hwag kang tatawa ha, para kasing ang daming weird na nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko lang talaga sya
pinapansin, pero alam mo yon, pag … pag merong … hindi kaya … Lyka … nabaliw ka na? baliw … baliw … baliw
Trixie : Mare, baka naman seryoso na iyang nangyayari sa iyo?
Lyka : Ha? hindi ah, hindi … yong mga naririnig ko? yong lahat ng yon, imagination ko lang lahat
yon, imagination ko lang.

Nakipagkita si Dra. Lee kay Anton. Nagtataka si Anton kung bakit siya at kung ano ang interes ng
kausap sa mga kaya nyang gawin. Ayaw naman sabihin ni Dra. Lee kung ano talaga ang kailangan nila kay Anton hangga’t hindi nito tinatanggap ang “tempting” offer nila. Pero hindi agad agad tinanggap n i Anton, kasi kailangan pa raw niya pag-isipan.

Pinuntahan ni Gen. Leon si “heneral”. Tinalakay ng dalawang heneral ang operation na gagawin ni Noah. Sa Phase 2 ng pagsubok na iyon kay Noah, ay masusubukan ang “emotion” nito at kung paano ito gagamitin para sa hangarin ng mga LUNA.

Gigil na gigil si Noah, sa pagbo-boxing nito ibinubuhos ang lahat ng emotion na nararamdaman. Dumating si Gabby. Sinabi ni Noah na handa na sya at tapusin na nila agad ang dapat tapusin, nag-aalala si Gabby.

Naghahanda na ang lahat ng kasama sa “operation”, nang nag-ring ang cellphone ni Choy -tumatawag ang nanay nito. Sinimulan na ang operation – pinasok nina Noah ang House of Elle, nasa mobile control office si Gabby. Nagkaroon ng maaksyong barilan, sinawim-palad si Choy.

Gustong lapitan ni Noah si kaibigang “nasawi”, pero hinaharangan siya ng mga kasamahan sa “operation”, ayaw siyang palapitin masyado sa katawan ni Choy. Pagkatapos ng isinagawang operasyon ay nagtalo sina Noah at Gabby – nagsisihan sila sa nangyari kay Choy.

Sa pulong ng council ang mga taong lobo na pinamumunuan ni Lady Elle- Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nina Lady Elle at Minerva.

Naging emotional ang pagtatalo, natahimik lang sila nang magsalita ang pinakamatagal na sa pulong.

Dinamdam ng husto ni Noah ang pagkasawi ni Choy, nagpapakalasing si Noah sa sobrang pagdadalamhati sa kaibigang sinawim-palad. Habang nagmamaneho si Lyka ay kinakausap niya si Jayjay, kung kailangan na daw ba niyang magpatingin sa doktor – doktor sa Mental. Nang biglang marinig ni Lyka ang mga usapan sa mga nadadaanan niyang kabahayan – lumakas na naman ang pandinig niya. Takang taka si Lyka sa nangyayari sa sarili.

Ipinakilala ni Lady Elle sa council ang tagapag-alaga ni Lyka – si Trixie. Nag-report si Trixie sa mga taong lobo.
Trixie : Wala na kayong mahihiling pa kay Lyka – matapang sya, palaban. Nilalagpasan nya lahat ng pagsubok na inihaharap sa kanya. Nagpapakita na rin sya ng mga tanda ng isang katulad ninyo – mabilis, malakas, ang pandama nya, paningin, pandinig, ang pang-amoy, ang bawat galaw nya … mabilis, malakas ang huling bantay Lady Elle.

– Pagkarinig sa mga tinuran ni Trixie, ay nagpalitan na naman ng mga kuro-kuro ang mga taong lobo na kasapi sa council. Dalawang linggo na lang daw, at kabilugan na ng buwan at kaarawan na ni Lyka – magpapalit na ito ng balat.

Teaser : Pinapagaan ni Lyka ang loob ni Noah sa pagkawala ng kaibigan nitong si Choy.

Note : After much much na pagmumuni-muni ay napagtanto ko na si “heneral” ay walang iba kundi si …. BANKER ng Deal or No Deal hehehe!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: