MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 50

by

Tumawag si JB kay Onay para kamustahin si Celine. Sinabi naman ni Onay na ok si Celine, hindi nya sinabi ang totoo na medyo hindi ok si Celine. Pagbaba naman nang telepono ni JB ay tinawag sya ni Vanessa para makipag-inuman sa kanila. Tumanggi si JB pero sinabi ni Vanessa na it will improve their team spirit. Tumanggi muli si JB and this time hindi na sya kinulit pa ni Vanessa.

Nagpunta sila Eli, Jackie at Lena sa dating tinitirhan ni Joaquin. Naging emotional at sentimental si Lena, lumabas ito at umupo sa may bench na katabi nang puno – kung saan ay inukit nila ang kanilang mga pangalan. Sinundan ni Eli si Lena. Pinaalala ni Lena nuong una silang nagkita ni Eli, sinabi nya na doon sya galing, mismong sa punong iyon kaya siguro napagkamalan nyang si Joaquin si Eli. Tinanong ni Lena kung naniniwala ito kay Impo, sinabi ni Eli bakit naman daw hindi? Yung mga panaginip nya nung umpisa ay talagang natakot sya, pero ngayon alam na nya na ang lahat nang ito ay may dahilan, naniniwala sya at naniniwala si Jackie na babalik si Joaquin; at kung hindi man daw, ang lahat nang katanungan ni Lena ay masasagot. Lahat sila hindi nila alam kung ano ang dulo nito, malay daw ni Lena baka happy ending din daw.

Paggising ni Lena ay naghahanda na nang breakfast si Jackie. Niyaya ni Jackie si Lena pero walang mood si Lena, kaya sinabi ni Jackie na baka pag nakita sya ni Joaquin ay payat na payat ito – kaya nakumbinsi si Lena na kumain nang breakfast.

Si Celine naman ay mabigat ang dinadalang problema. Habang nasa bahay at nagmumukmok, naalala nya ang sinabi nang doctor sa kanya that her chemotherapy didn’t work and her cancer is advancing – sobrang naiyak si Celine sa kanyang kalagayan. Tinawagan nya si JB at kinamusta ito, pilit kinukubli ang sakit na nararamdaman. Masaya si JB dahil ok ang kanyang trabaho. Tinawag na si JB nang isang staff para sabihin na mag-i-start na ang session at narinig iyon ni Celine. Pinapaalis na ni Celine si JB para sa kanyang session pero kinamusta ni JB ang check-up ni Celine. Sinabi ni Celine na nothing new – at pinilit ni Celine na ikubli ang katotohanan pati na rin ang kanyang pag-iyak, dinagdag ni Celine na she misses JB so much. Nag-alala naman si JB and said that he’ll be coming home soon, even sooner if she wants. Sinabi naman ni JB na pag-uwi nya ay mag-le-leave sya para makapagbakasyon sila ni Celine. Bago nagbaba nang telepono ay sinabi ni Celine that she love JB so much. At sa pagbaba nang telepono, bumuhos ang iyak ni Celine.

Gabi na at nasa kwarto na si JB, kumatok at pumasok si Vanessa sa kwarto ni JB. Sinabi ni Vanessa na hindi daw sya makatulog kaya kung pwede ay doon muna sya kahit sandali. Sinabi ni JB na hindi daw ok. Tinanong ni Vanessa kung gusto sya ni JB. Sumagot si JB na gusto nya si Vanessa dahil maganda ito, matalino, etc. etc. but he cannot go further than that. Tinanong naman ni Vanessa kung bakit. Sinabi ni JB na he’s committed to someone, he loves her very much and don’t intend on hurting her. Sinabi ni Vanessa na JB’s kind is a dying breed and Celine is very lucky to have someone like him. Pero sinabi ni JB na he’s lucky that he has Celine. Tinanong nalang ni Vanessa kung may kapatid si JB, natawa naman si JB. Inoffer ni JB ang kanyang kamay kay Vanessa, kasama dito ang pagiging mag-friends nalang nila. Tinanggap iyon ni Vanessa.

Si Lena naman ay naghintay sa bus station, nagbabakasakali na makita si Joaquin – pero inabot na nang gabi ay hindi parin nya nakita si Joaquin.

Sa bahay naman nila Celine ay sabay na kumain nang breakfast silang dalawa ni Corazon. Inaasikaso ni Celine si Corazon pero panay naman ang tanggi nito sa bawat pagkaing ialok ni Celine. Sinabi ni Corazon na pag may kailangan at gusto sya ay sasabihin nalang nya kay Celine. Habang kumakain, tinanong ni Corazon si Celine kung kailan ang uwi ni JB dahil nakalimutan daw nyang itanong nung tumawag ito sa kanya. Sinabi ni Celine ay sa makalawa pa, sabay tanong kung bakit. Wala naman daw, sabi ni Corazon. Natutuwa lang daw sya dahil mukhang nag-e-enjoy si JB doon. Sinang-ayunan naman iyon ni Celine. Biglang sinabi ni Corazon na kawawa naman ang kanyang anak. Ke bata-bata pa ay parang bumagsak na ang langit sa kanya sa dami nang iniintindi nito, medyo nalungkot naman si Celine. Dagdag pa ni Corazon na anong magagawa nya, kailangan silang alagaan ni JB, hindi lang naman daw si Celine ang iniintindi ni JB, pati din naman sya ay nakakabigat sa kanya. Naaawa lang daw sya kay JB dahil minsan ay parang ninakawan daw nang buhay si JB, and as his mother she can’t help but to be sad about it. Nalungkot din si Celine sa narinig nya mula kay Corazon dahil lahat iyon ay totoo.

That day, nagpasya na pumunta si Celine sa Tagaytay para makita si JB, gabi na nang makarating sya doon. Nakita nya si JB, kasama ang mga ka-opisina ay naglalaro at nag-e-enjoy ito, nagpasya si Celine na hindi na magpakita kay JB pero masaya sya para dito ‘coz he’s having fun. Habang nagmumukmok si Celine ay tumawag si Jackie para kamustahin ang pinsan, nagkamustahan ang dalawa. Sinabi ni Jackie na nasa Sta. Rita sila at hinahanap nila si Joaquin. Tahimik si Celine kaya nag-alala naman si Jackie. Sinabi ni Celine na medyo pagod lang sya, bago nagbaba nang telepono ay pinag-iingat ni Celine si Jackie.

Kinabukasan ay nakita ni Onay na nag-iimpake nang damit si Celine, natuwa si Onay dahil aalis daw sila, kaya lang daw ay bakit hindi nagsabi agad si Celine sa kanya eh wala pa naman daw syang dalang damit. Tinanong ni Onay kung kailan sila aalis. Sinabi ni Celine na hindi na kailangang sumama ni Onay sa kanya. Sinabi ni Onay na hindi daw pwede dahil kung saan pupunta si Celine ay sasama sya, dagdag pa ni Onay na malapit nang dumating si JB. Nang maalala iyon ni Onay, inakala nya na susunduin ni Celine si JB kaya natuwa si Onay at tinulungan pang mag-impake nang mga gamot si Celine. Napansin naman ni Onay na maraming damit na iniimpake si Celine, parang pang isang buwan. Sinabi ni Celine na this time ay sya lang ang aalis at hindi na kailangang sumama pa ni Onay. Nagulat si Onay at pilit na inaawat si Celine sa pag-alis. Sinabi ni Onay na alam daw nya na may dinadala si Celine na mabigat sa kanyang kalooban at pinipilit nya si Celine na sabihin iyon sa kanya. Ayaw ni Celine, makulit si Onay at sinabi pa na akala nya ay kaibigan ang turing sa kanya ni Celine, at akala ba daw nya ay pinagkakatiwalaan sya nito. Hinaharang parin ni Onay si Celine at sabihan na daw syang pakielamera, atribida, etc. etc. pero hindi nya papayagang umalis si Celine hangga’t hindi sa kanya sinasabi ang dahilan.

Pag-uwi ni JB ay tuwang tuwa ito na pumasok sa kwarto nila ni Celine at hinanap agad ito. Nakita ni JB na wala si Celine sa kwarto at pagbukas nya nang closet ay wala na din halos ang mga damit ni Celine, nag-alala si JB at hinanap si Corazon.

Nagmumukmok parin si Lena sa harapan nang puno nang makita sya ni Jackie. Niyaya ni Jackie na kumain si Lena. Umiiyak at sinabi ni Lena na ayaw na daw nyang kumain, ayaw na daw nyang huminga at ayaw na daw nyang mabuhay. Sinabi ni Jackie na napaka-selfish daw ni Lena, maiintindihan daw nya si Lena kung sumusuko na ito, pero kung sasabihin daw ni Lena na ayaw na nitong mabuhay ay hindi daw nya kayang tanggapin iyon. Sumagot si Lena na dahil hindi daw si Jackie ang naghihintay at umaasa na babalik si Joaquin. Sinabi ni Jackie na hindi kay Joaquin umiikot ang lahat. Kung hindi daw sya minahal ni Joaquin, mahalin daw ni Lena ang sarili; kung hindi sya pinahalagahan ni Joaquin, huwag daw iyon gawin ni Lena sa sarili. Umiiyak at sinabi ni Lena na umuwi na sila at umalis na sila doon. Habang daw kasing naghihintay sya ay parang unti-unti syang namamatay. Naawa naman si Jackie kay Lena.

Nagpasya sila na umuwi nalang. Habang nasa daan ay biglang nasiraan nang kotse sila Eli, at tyempo naman na may bahay na malapit lang. Nakituloy muna si Eli sa bahay. Mabait naman ang may-ari nang bahay at pinatuloy sila. Habang inaayos nang Ale ang kanilang kwartong tutulugan, nakita ni Lena ang isang wood carving na eagle, napansin nya ang signature ni Joaquin! Pati na din ang lamesa na pinagpapatungan nang eagle ay may signature din ni Joaquin, biglang tinawag ni Lena sila Eli at Jackie. Sinabi ni Lena na si Joaquin ang may gawa nang mga iyon.

Tinanong nila Lena ang may-ari nang bahay tungkol kay Joaquin. Sinabi nang Ale na galing nga iyon kay Joaquin dahil tumira sya doon at maraming naiwan bago umalis. Tinanong ni jackie kung saan nagpunta si Joaquin, sinabi nang Ale na masyadong tahimik si Joaquin kaya hindi nya alam kung saan ito nagpunta. Tinanong naman ni Lena ang Ale na baka may naka-kwentuhan si Joaquin at baka may nakakaalam kung saan ito nagpunta. Sinabi nang Ale na bukas ay pwede nilang puntahan si Aling Bering dahil dito huling nagtrabaho si Joaquin. Nagkaroon naman nang pag-asa sila Lena na makita si Joaquin.

Muling nanaginip si Eli – hinahanap at tinatawag nya si Joaquin, nagmamakaawa na magpakita na ito kay Lena. Para syang nasa isang gubat, hinahanap si Joaquin. Sa gitna nang gubat ay meron syang nakitang drawer (parang vanity drawer) na may salamin at nakaukit ang signature ni Joaquin. Binuksan ni Eli ang drawer – doon naputol ang kanyang panaginip at nagising si Eli.

Kinabukasan ay pinuntahan nila ang huling pinagtrabahuhan ni Joaquin. Tinanong ni Lena kung may nasabi ba daw si Joaquin kung saan ito nagpunta. Sinabi nang babae na hindi daw nya alam, masyado daw misteryoso ang pag-alis ni Joaquin, bigla nalang daw nag-impake at umalis. Habang nagtatanong sila Lena, tinitingnan naman ni Eli ang mga carved woods, at meron syang napansin. Nakita ni Eli ang parehong drawer na nakita nya sa kanyang panaginip! Parehong pareho, si Joaquin din ang gumawa, pilit na binubuksan ni Eli ang drawer pero hindi nya mabuksan. Nakita sya nila Jackie at sinasaway sya sa kanyang ginagawa. Sinabi nang babae na matagal nang hindi kayang buksan ang drawer na iyon. Nagpipilit parin si Eli na buksan ang drawer, tinulungan sya ni Lena. Nang mabuksan nila iyon, may isang liham na nakita sila ni Lena. Kinuha agad iyon ni Lena at binasa – galing kay Joaquin. Naiyak si Lena, sinabi nya na mahal daw sya ni Joaquin, makikita at mahahanap na daw nila si Joaquin. Natuwa naman si Jackie para kay Lena, pero ang mukha ni Eli ay parang may agam-agam.

Teasers:

– Nakauwi na sa mansion sila Eli. Papasok na sa trabaho si Eli, pinagbilinan sya ni Jackie na kung mainit ang ulo nang kanyang daddy ay maging cool lang si Eli.

– Nalaman ni Fidel na walang nai-utos or nabigay na instructions si Eli sa mga trabahador. Nagalit si Fidel.

– Nagtatalo sila JB at Corazon. Sinabi ni JB na nag-aalala lang sya para kay Celine. Galit na sinabi naman ni Corazon na maybe she’s contemplating about life and death.

– Nagpatuloy si Lena na maghanap kay Joaquin, sya lang mag-isa. Hindi nila alam (Joaquin at Lena) na muntik nang mag-krus ang kanilang landas. Buhay si Joaquin!

– Pumunta si Onay kina JB at binigay ang letter ni Celine para kay JB. Tinanong ni JB kay Onay kung nasaan si Celine, sinabi ni Onay na gusto daw ni Celine na mapag-isa para makapag-isip.

– Nakita ni Corazon na nagdurusa si JB dahil sa pangugulila kay Celine. Nagpunta sya kay Mateo, sinabi nya na alam nyang mahal ni JB si Celine pero hindi parin nya matanggap.

– Nagtalo sila Monique at Fidel about Jackie and Eli. Sinabi ni Monique na may mali ang dalawa pero may pagkukulang din daw si Fidel.

– si Mateo ay kausap si Eli at sinabing madami daw syang nakausap na investors, sabi daw nang mga ito na hindi na daw maganda ang tingin nila sa kumpanya. Bine-brainwash ni Mateo si Eli against Fidel.

– Nagmamakaawa na kumakatok si Jackie sa kwarto ni Fidel, nakikiusap na pag-usapan nila ang problema.

– Sa meeting ay nagwala si Fidel dahil sa kapalpakan ni Eli. Sinabi ni Fidel na wala sa dugo ni Eli ang magpatakbo nang isang kumpanya. Ang kanilang heated argument ay nauwi sa pagsuntok ni Fidel kay Eli sa mukha.

– Pag-uwi ni Eli ay nakita ni Jackie ang pasa sa mukha ni Eli. Sinabi ni Eli na ayusin na ni Jackie ang mga gamit nila at aalis na sila sa bahay na iyon. Alam ni Jackie na may masamang nangyari kina Eli at Fidel.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: