LOBO Episode 15

by

After magsagawa ng surveilance sa House of Elle, bumalik na si Noah sa “mobile office” nila. Tinanong siya ni Gabby kung hindi daw ba siya hahanapin ni Lady Elle, sinabi naman ni Noah na kailan naman daw ay hindi siya hinanap ng amo at saka tumawag na siya para sabihing hindi siya papasok kasi masama ang pakiramdam niya (kunyari).

Habang naghahanda para sa presentation na gagawin ay sinabi ni Trixie kay Lyka na pagkatapos siyang (Lyka) maihatid ay bumalik sa House of Elle si Noah at tinulungan sila para sa presentation na gagawin ni Lyka. Tinutukso ni Trixie ang kaibigang si Lyka sa Bodyguard. May naisipan na namang hindi kanais-nais si Elton, kinuha nito ang isang box na gagamitin ni Lyka for presentation. Naamoy ni Lyka ang pagadating ni Lady Elle. Napansin nina Trixie na may nawawala sa mga props nila for presentation. Nagpaalam sandali si Lyka kay Lady Elle para hanapin ang box na kinuha ni Elton, ginamit ni Lyka ang talas ng pang-amoy at liksi ng kilos sa paghahanap ng box – nakita naman niya.

Patuloy naman sina Gabby at Noah sa paghahanda para sa operation na gagawin nila kinagabihan.

Nang sisimulan na ang presentation ay late na dumating si Elton, humingi ito ng paumanhin sa boss. Nagustuhan ni Lady Elle ang concept ni Lyka para Summer Collection Fashion Show ng House of Elle – SA GUBAT. Pinaghanda ni Lady Elle sina Lyka para sa presentation ng concept na iprenesent nito sa kanya – to the sponsors and board of directors. Pag nagustuhan daw ng board of directors and sponsors ang presentation ay si Lyka ang maglilead ng fashion show. Tuwang tuwa sina Trixie, Dan at Lyka. Pinapagbabakasyon ni Lady Elle si Elton, o kung gusto nito na maging part ng team ni Lyka.

Iniabot ni Don Manolo kay Lady Elle ang newspaper na naglalaman ng balita – tungkol sa professor, nanghina si Lady Elle sa nabasa. Habang nagkakasayah sina Trixie, Lyka at Dan ay dumating si Elton – binati ng baklang creative director si Lyka sa pagkaka-approved ng presentation nito. Naki-join sa team nina Lyka si Elton, at nagyaya pa ito na magsecelebrate sila – siya ang taya. Hindi sasama si Dan kesyo may gagawin daw siya. Naamoy ni Lyka ang pagdating ni Kingkong (Noah), ibinalita ni Trixie kay Noah ang approval ng presentation ni Lyka, niyaya rin ni Trixie si Noah para sa celebration kasi tumulong naman daw ito sa kanila. Kinongratulate ni Noah si lyka pero tumanggi ito na sumama sa celebration.

Sa burol ng professor ay dumating si Lady Lyka, kinausap nito ang asawa at anak ng namatay. Sa Bar kung saan nagsecelebrate sina Elton, lasing na si Lyka na nagkakaraoke. Kinailangan umalis ni Trixie, ipinagbilin nito kay Elton ang kaibigan. May lumapit na lalaki kina Lyka, nakipagkilala. Nasa House of Elle si Noah, may ginagawa ito para sa mission nila, nang biglang dumating si Trixie – napansin ni Trixie na parang may ibang tao sa kuwarto kung saan niya hinahanap si Dan. Habang tinatawagan si Dan ay pasimpleng lumapit si Trixie sa pinagkukublihan ni Noah – pero hindi nito nakita ang nagtatagong binata. Sinabi ni Trixie kay Dan sa phone na nasa Bar pa si Lyka at duda siya sa kasama nitong si Elton – narinig ni Noah ang sinabi ni Trixie. Bago umalis ay nagmatyag pa muna si Trixie kung may tao bago ito lumabas ng tuluyan.

Sa Bar dumating ang ka-date ni Elton at iniwan nito si Lyka kasama ang lalaking nakipagkilala. Dumating si Noah. Binola bola ng lalaki si Lyka, nag-excuse si Lyka na pupunta siya sa C.R. . Pag-alis ni Lyka ay may inilagay sa inumin nya ang lalaki, nakita ito ni Noah at sinita nito ang lalaki. Nang lumabas si Lyka ay nagulat pa ito ng makitang nandoon si Noah. Lumabas ng bar si Lyka, sumunod sa kanya si Noah.

Habang papunta sa sasakyan ay “sinisermonan” ni Noah si Lyka. Dahil lasing na si Lyka ay kinukuha ni Noah ang susi rito, pero ayaw itong ibigay ni Lyka. Sinampal ni Lyka si Noah – nagulat ang sinampal. Nagkaroon ng confrontation ang dalawa.
Lyka : Magklaruhan nga tayong dalawa. Ano ba kita? Hindi naman kita kamag-anak, hindi kita kaibigan at lalo namang hindi kita boyfriend, pero bakit lagi kang nakikialam? Bigla ka na lang susulpot, tapos kung umasta parang ikaw ang may hawak ng buhay ko.
Noah : Nilagyan niya ng lason ang iniinom mo, rereypin ka ng mokong na ‘yon. Pasensya ka na kung nakialam ako ha.
Lyka : Eh ano naman ngayon? Eh papaano pala kung gusto kong magpa-rape? Anong karapatan mo para pigilan ako? Eh ka-officemate lang naman kita di ba? Eh di ba, ikaw nga ‘yong maysabi “the kiss didn’t mean anything, walang kahit na ano na namamagitan sa ating dalawa”, di ba?
-Aalis na sana si Noah.
Lyka : D’yan, d’yan ka magaling sa pag-iwas, sa pagtalikod, sa pagtahimik. Alam mo nagtitimpi lang ako sa iyo ha, dapat nga noon pa kita sinampal eh, kasi sa totoo lang… binastos mo ako no’ng hinalikan mo ako bigla. Pero okey lang, hindi ko pinansin ‘yon, kasi iniisip ko may mali rin ako eh. Mali ako na umasa sayo.
-Umiiyak si Lyka, habang walang imik si Noah.
Lyka : Fine. Sige hindi na ako magsasalita ha. Ito promise – kahit kailan hindi na kita kakausapin ha, huwag mo na akong pansinin, huwag mo akong papakialaman, wala na tayong pakialamanan, okay?

Teaser : Narinig ni Lyka na kinakausap ni Noah ang sarili sa katabing C.R. – pinapaamin ni Noah ang sarili kung may gusto na ito kay Lyka. May natanggap na mga bulaklak si Lyka.

3 Tugon to “LOBO Episode 15”

  1. foobarph Says:

    wow! kinilig ako din sa conversation nila! ^^

  2. jhe Says:

    `

  3. jhe Says:

    ay..hehe!!! galing ni angel…todo na to

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: