MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 49

by

Nakauwi na si Onay at nagpasalamat sina Lolo Bogs at Joko sa paghahatid ni JB kay Onay. Tinanggihan ni JB ang alok nilang kape dahil wala raw kasama si Celine. Bago siya umalis, sinabi niya kay Onay na since friends na sila, JB na lang ang tawag niya, wala ng “Sir.” Pag-alis ni JB, Joko felt Onay’s heartbeat, at sinabi nitong “wala na” raw. Bago matulog si Onay sumulat siya sa diary niya para sa nanay niya. Sana raw iapela nito kay “Bossing” na forever na sina Celine at JB.

Patuloy pa rin ang paghahanap nina Lena, Eli at Jackie kay Joaquin. Bumalik sila sa bahay ni Impo.

PInag-e-empake ni Celine si JB para sa out of town trip niya. Sinabi ni JB na mimiss niya si Celine. Celine feels the same way, huwag daw siyang mag-alala, aalagan naman daw siya ni Onay. Huwag daw din mag-alala si Celine, dahil good boy daw si JB.

Sinabi ni Onay sa lolo niya na hindi na raw siya hahanap ng ibang trabaho unlike before na nagkukumahog ito sa paghahanap ng ibang trabaho. Ayaw maniwala ng lolo niya na si Celine lang ang dahilan. Mababait daw sina Celine at natutuwa siya dahil nakakatulong siya. Diba siya nga raw (Lolo Bogs), kinukop sila ni Joko kahit hindi nila ito kadugo.

Corazon and Mateo are having lunch. As usual, masungit na naman si Corazon. Tutulungan ata ni Mateo si Corazon na bumuo ng business. Ayaw maniwala ni Corazon na tutulungan siya nito. He can’t even help himself daw. Ang yaman yaman daw niya hindi niya mapaayos ang kamay niya. Natawa lang si Mateo, pero naputol ang tawa niya noong nakita niyang nasa same restaurant din sina Monique at Fidel.

Sinabi ni Impo na dahil sa near death experience ni Eli, naging bukas na ang diwa niya kaya nagpapakita sa panaginip niya si Joaquin. Ayaw isipin ni Lena na baka patay na si Joaquin. Bakit daw sa panaginip pa ng iba siya nagpapakita. Iyak ng iyak si Lena. Hindi rin alam ni Impo ang kasagutan. Sinabi nitong mahal siya ni Joaquin at babalik ito sa kanya.

Noong papunta na sa table nila sina Fidel at Monique, nakita ni Fidel si Mateo. He decided to stay. Binati niya sina Mateo at Corazon at tinukso sila ni Fidel. Are the on a date daw. Mateo invited them to join them on their table, tumanggi si Monique. Sinabi niya na may table na sila at tutal nag-de-date daw sila hindi sila dapat naroroon. Mateo insisted, kaya pumayag na rin si Fidel. (Habang wala namang kibo si Corazon habang nangyayari lahat ito.)

Nagpasalamat si Eli kay Impo, tumuntong lang daw ito sa lugar niya at gumaan na ang pakiramadam niya. Sinabi ni Impo na ibinalik daw si Eli ng pag-ibig sa Diyos at sa mga taong nagmamahal sa kanya, kahit maraming pagsubok na darating sa kanya, itatawid siya ng pag-ibig niya.

Walang kibo si Lena kaya nag-aalala si Jackie para dito. Sinabi ni Eli not to worry much dahil hindi nila iiwan si Lena. At wala naman daw sigurong masama kung susundan nila ang payo ni Impo.

Habang nag-uusap naman sina Fidel at Mateo, laging may ibig sabihin. Kagaya ng sinabi ni Fidel na bumagsak man raw ang business niyang bank, pero nakabangon daw siya sa malinis na paraan. Mateo even suggested na since malaki ang pera ni Eli sa kumpanya dapat daw isali ang pangalan ni Eli sa pangalan ng kumpanya. Sinabihan siya ni Fidel ng mamangmang and kinumusta niya ang mga sardinas ni Mateo.

Binanggit naman ni Mateo na nasabi ni Eli sa kanya na gusto na nilang bumukod ni Jackie na sinangayunan naman niya. Sinabi ni Monique na kung sila lang daw gusto niya na sa kanila pa rin sila titira dahil baka raw pag umalis na sila doon, magkaligawan pa sila ni Fidel sa laki ng bahay nila. Finally, nagsalita na rin si Corazon at sinabi niyang bakit daw hindi na lang daw nila ibenta ang bahay at bumili daw sila ng something na paghakbang palang nila ng ilang steps, andun na sila tutal tumatanda na raw sila.

Sinabi ni Monique na sila raw, pati si Corazon, ay tumatanda na. Mukhang nagkakaigihan na raw sila ni Mateo and it’s amazing daw na sa edad nilang iyon ay nakahanap pa sila ng romansa. Fidel touched Corazon’s arm and told her na mag-i-ingat kay Mateo dahil wala pa raw itong pinakasalan. Forever bachelor daw ito.

Mali daw roon si Fidel, may muntik na raw pinakasalan si Mateo pero minalas at may nagwalanghiya dito. Ang mahalaga daw ay kung ano ang kasalukuyan at kung ano ang meron siya right now. Hinawakan ni Mateo ang kamay ni Corazon.

Sinabi ni Fidel na lilipat na raw sila ng mesa ni Monique (in the middle of eating?) at baka raw hindi sila matunawan sa ginagawa nina Mateo. Tumayo na sila at umalis.

Patuloy pa rin ang pag-aalaga ni Onay sa nanghihinang si Celine. Hindi maiwasang hindi maluha ni Onay sa kundisyon ni Celine…

Isang Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 49”

  1. foobarph Says:

    na mi miss ko na din lolo ko.. muhuhuu…

    plug: guys, paki review/comment nman yung kabanata 2 sa ginagawa nming kwento… http://tagalogonlinepocketbook.wordpress.com/2008/02/09/kabanata-2-walang-paglagyan/ – bukas kasi i re release na yung kabanata 3 kaya we need all the inputs we can have pra mpaganda ang story… salamat po! happy friday sa inyong lahat!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: