LOBO Episode 14

by

Pumunta sa rooftop si Lyka at doon ibinuhos ang sama ng loob – umiyak ito nang umiyak. Sinundan siya ni Noah. Iniabot ni Noah ang panyo sa dalaga. Niyakap ni Noah si Lyka na para bang maiibsan ang sakit ng kalooban na nararamdaman nito.
Noah : It’s okay Lyka, it’s okay.
-Dahil nabasa ng luha ang “green” poloshirt ni Noah, (teka lang! green ang favorite color ni Lyka ah, bakit naka-green si Noah?) pinunasan ito ni Lyka ng sariling mga kamay. Hinawakan ni Noah ang kamay ni Lyka.
Noah : Hindi mo dapat hayaang ganituhin ka nila.
-Tumayo ang dalaga, nakahandang umalalay ang binata (naks!)
Lyka : Noah, hindi mo ako kilala eh. Ano ba ang alam mo tungkol sa buhay ko? Ano ba ang alam mo sa dapat o hindi dapat kong gawin sa buhay ko?
-Hindi naka-imik si Noah, isinauli ni Lyka ang panyo sa binata at umalis. Malungkot na naiwan sa rooftop si Noah.

Pagbalik ni Lyka sa opisina ay sinabi ng isang officemate niya na may naghihintay sa kanya – si Anton, may pupuntahan daw sila. Napansin ni Anton na galing sa pag-iyak si Lyka. Iniwasan ni Lyka ang mga tanong ng pinsan at niyaya itong umalis na sila, magtetext na lang daw siya para magpapaalam. Sa bago pala nilang bahay pupunta ang magpinsan. Nakatalikod si Anton nang yakapin ni Lyka para magpasalamat sa lahat. Inakbayan ni Anton ang pinsan pinsanan habang nag-uusap sila. Ang ganda pagmasdan ng dalawang magpinsan (iyon nga lang may “malisya” si Anton sa dalaga).

Nagyaya na si Lyka na bumalik na sila sa opisina kasi baka masisante na siya.


Sa control room, pinapanuod ni Noah ang mga ginagawa ni Lyka – tawa ng tawa si Noah sa napapanuod (naughty rin pala!). Habang nag-i-stretching ay hindi napansin ni Lyka na nandoon pala sa likuran niya sina Lady Elle at Lorian. Nakanganga lang ang nagulat na si Lyka nang magsabi si Lady Elle na uuwi na siya. Dali daling lumabas ng control room si Noah nang makitang paalis na si Lady Elle. Nahuli na si Noah, nakasakay na sa elevator ang binabantayan nya (Lady Elle). Pagtalikod ni Noah para maghagdan siguro) ay nagkabanggaan sila ni Lyka na may dala dalang mga damit.

Sumunod na lang si Noah kay Lyka.

May photo shoot na ginagawa sa House of Elle – may 3 female models, at ang photographer ay si Dan (Eri Neeman). Biglang pumasok ang maingay na si Lyka, at tuwang tuwang nayakap nito si Dan. Parang sumimangot si Noah nang makitang yakap yakap ni Lyka ang photographer.

Napakarami pa ring inaasikaso ni Lady Elle.
Lady Elle : Ikaw ba Lorian, hindi mo ba naisip na kung minsan sana lima ka, para magawa mo ang lahat sa pinakamaikling oras. Si Lyka, she makes me smile – matibay ang loob nya, hindi sya sumusuko. Magandang tatak yan para sa huling bantay. I hope that the council will finally see what I see in her. Tapos na ba ang report nyo?
Lorian : Magiging handa na po ang lahat para sa susunod na pulong. Inaayos ko na lang po ang ibang detalye.
Lady Elle : I hope it will be enough to satisfy the council. Thank you Lorian, magpahinga ka na.
– Paalis na si Lorian nang mag-ring ang phone, sinagot ito ng assistant. Nag-aalalang ibinigay ni Lorian ang phone kay Lady Elle – ang professor ang tumatawag, kinabahan si Lady Elle. Tinutugis ng isang lalaki ang professor, nasukol ito.

Sa photo shoot, nakasilip pa rin si Noah. Umupo sa harap ng computer si Lyka at tumabi sa kanya si Dan, habang nagsasalita si Lyka ay titig na titig sa kanya ang photographer.

Nag-uusap ang dalawa ng dumating si Trixie, tumayo si Lyka para si Trixie naman ang tumingin sa computer ng mga shots na ginawa ni Dan. Habang pinag-uusapan ng tatlo ang mga kuha na litrato ay napansin ni Lyka na bumibigay ang nakasabit na malaking spotlight. Niyakap ni Lyka ang mga models na tatamaan ng ilaw, kaya siya ang napuruhan – bumagsak sa sahig si Lyka at ang mga models. Napasigaw sa gulat si Trixie, nanlaki ang mga mata ni Noah sa nasaksihan. Binuhat ni Noah ang dalaga.

Si Lady Elle naman ay natatarantang humihingi ng tulong kay Don Manolo sa pagkawala ng professor. Si Don Manolo ay nag-aalala naman ng malamang walang nagbabantay kay Lady Elle. Nandoon pa rin si Lorian, hindi nito iniiwan ang amo. Kinuha ni Don Manolo ang nakatago niyang LUNA ring.

Habang buhat buhat ni Noah, ay nagpapababa ang dalaga at okey lang daw siya – walang masakit. Takang taka si Noah at mga kasama kasi parang walang nangyari na bumalik sa ginagawa si Lyka. Pero pinilit pa rin nina Noah at Trixie si Lyka na dalhin sa ospital, binuhat ulit ni Noah ang dalaga pero nagpumiglas na naman si Lyka. Binantaan pa ni Lyka sina Trixie at Dan na sila ang tatamaan sa kanya kung wala siyang tama, halos kaladkarin na ni Noah si Lyka.

Kausap ni Don Manolo ang lalaking nagbabantay sa professor, sinabi nitong bigla na lang nawala si prof. Duda ni Don Manolo ay ang LUNA groups ang may pakana ng pagkawala ng professor, pero sinabi ng lalaki na walang operasyon sa gabing iyon ang LUNA.

Hindi mapakali si Noah sa pag-aalala habang tinitingnan ng doktor si Lyka. Sinungitan pa ni Lyka si Noah nang mahuli na nakatingin ito sa likod niya. Kinumusta ni Noah ang resulta ng x-ray, sinabi ng doktor na walang deperensya si Lyka. Nagtalo na naman ang dalawa, kinukuha ni Lyka ang susi ng kotse ni Trixie na ginamit nila papunta sa doktor – hindi ibinigay ni Noah ang susi. Pilit isinakay ni Noah sa taxi si Lyka. Napagkamalan pa ng taxi driver na mag-boyfriend ang dalawa. Nang makarating sa bahay ay galit na tiningnan ni Lyka ang nakaconvoy na si Naoh. Pagpasok ng bahay ay nadatnan ni Lyka ang nag-aalalang si Anton – nalaman nito kay Trixie ang nangyaring aksidente sa trabaho. Sinigurado ni Lyka sa pinsan na walang masamang nangyari sa kanya.

Pagkahatid sa kotse ni Trixie ay nakita ni Noah ang pulang kotse, napakamot na lang sa ulo si Noah.

Pagkagising ni Lyka, kinausap nito ang sarili sa harap ng salamin. “Today is the day. Today is the best day of your life, okay? Totoo na talaga ito ha? Promise, promise, promise kakalimutan mo silang lahat, kakalimutan mo ang lahat ng mga pagkakamali mo. Kakalimutan mo ang lahat na nakabaon (?) sa isip mo, okay! Move on … because today is the d… Move on!” Paglabas ng bahay ay nagulat pa ito nang makitang nandoon na ang sasakyan nya (kanya pala iyong pula na tinitingnan ni Noah). Nagpalinga-linga si Lyka upang tingnan kung sino ang naghatid ng sasakyan nya.

Pagkababa mula sa sasakyan na ginagawa nilang opisina ni Gabby, ay nakita ni Noah na kausap ni Gabby ang ilang street children. Nilapitan ni Noah ang dalaga.
Noah : Namiss mo pa rin sila, mga kaibigan mo dati.
Gabby : Sa mahabang panahon, sila ang kasama ko. For better or for worse – sila ang kapamilya ko. Nabuhay ako ng dahil sa kanila.
Noah : Bok, no’ng isang araw…
Gabby : Wala ‘yon, trabaho lang. Okey ka na?
-Pinag-usapan na nila ang trabaho. Nagsagawa nang maaksyong surveilance si Noah sa building ng House of Elle.

Teaser : May natanggap na bulaklak si Lyka.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: