MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 48

by

Maraming tanong si Eli tungkol kay Joaquin kaya nagtataka si Lena. Sinabi na nila finally kay Lena na iyon ang lalaking napapanaginipan niya. (Sus, sinabi ba naman ni Jackie “Lena, huwag kang mabibigla…” geez. Ano ka iyon.)

Kumakain together sina JB, Celine, Onay, Corazon at Vanessa. Binobola-bola pa rin ni Corazon si Vanessa habang tahimik lang sila kaya pinuna sila ni Corazon. Onay muttered na paano naman daw sila mag-e-enjoy may kasama silang bruha. Sinabi ni Corazon kay JB na hindi raw niya alam kung bakit kailangan pa nilang kasamang kumain ang muchachang iyon. Aalis na sana si Onay, pero pinigilan siya ni Celine. Sinabi nito na she’s her guest kaya hindi siya aalis. Sinabihan ni Corazon si Onay ng mal-edukada. JB told her that’s enough kaya nagdrama si Corazon at sinabi niyang oo nga raw pala bisita rin siya doon. Akmang aalis na ito at sinabing she just lost her appetite. Nagpaalam na rin si Vanessa kaya sinamahan siya ni Corazon sa sasakyan niya.

Hindi mapakali si Lena. Iniisip nitong baka raw patay na si Joaquin.

Humingi ng pasensiya si Celine kay Onay tungkol sa nangyari during dinner. Huwag na raw sana niyang papansinin ang pagmamaldita niya. Noong papalabas na sa gate si Onay, dumating ang tumatakbong si JB at iminungkahi nito kay Celine na ihatid na lang nila ito sa bahay nila. Magandang idea daw iyon sabi ni Celine, pero magpapaiwan na lang daw siya baka akalain na naman daw ni Corazon na iniwan na naman nila siya.

Pag-dating ni Fidel naabutan niyang may maletang nakahanda sina Lena at Eli. Sasamahan daw nila si Lena to go out of town. Sinabi ni Fidel na may trabaho daw ito, nagfile daw ba siya ng leave of absence, etc., etc.

Nag-e-empake na rin si Lena. Kinakausap nito si Joaquin thrrough the statuette.

Nagrereklamo si Fidel, irresponsible daw si Eli. He dreads the day na magreretiro na siya, wala raw siyang maiiwang responsable. (E anong tingin mo kay Jackie, dekorasyon? Porke’t babae siya hindi mo siya tinrain para mamahala sa kumpanya niyo. Pwe!)

Habang nagmamaneho si JB, tinatanong niya si Onay kung anong oras ito bumabangon para makarating sa spa ng 8am. Nagpasalamat si JB dahil kahit daw malayo nakakarating ito ng oras for Celine. Nagpasorry rin ito dahil lagi siyang ginagabi kaya ginagabi rin si Onay. Sinabi ni JB na hindi na siya masyadong nag-aalala dahil siya ang nag-aalaga kay Celine.

Nag-swerve ang sinasakyan nila. Nagka-flat tire pala sila.

Nagtulungan sina Onay at JB para magpalit ng gulong.

May ginagawa sa laptop niya si Corazon (ewan ko kung ginugoogle niya ang sarili niya or she’s updating her resume). Tinawagan niya si Vanessa. Sinabi ni Corazon na she drafted a proposal tungkol sa business plan nilang pinag-uusapan. Sinabi ni Vanessa na it’s not the right time dahil daw nasa bar siya. Nawalan naman ng excitement si Corazon pero sinabi niyang i-email na lang daw niya. Pagbaba ng telepono, pinagtawanan ni Vanessa si Corazon and called her a basket case. Samantalang naiinis naman si Corazon, sinisi nito si Thomas dahil daw ni isang kusing wala itong iniwan sa kanya.

Stranded pa rin sa daan sina Onay at JB. Hinihintay nila ang tow truck. TUmawag si Onay kay Joko para ipaalam na hindi ito agad makakauwi. Pinag-usapan nila si Celine at pagiging mabuti niya. Nag-apologize si JB sa lahat ng times na nagising masungit siya kay Onay. Masyado lang daw kasi siyang protective kay Celine. Kahit nga raw pag natutulog siya, nag-aalala pa rin ito for Celine. She means the world to her daw.

Sinabi ni Onay na kung magkakaroon sila ng fans club, siya ang presidente. Natawa naman si JB.

Nagugutom na raw si Onay…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: