LOBO Episode 13

by

Upang maiganti ang pag-iyak ni Lyka, ay inabangan ni Anton si Noah paglabas sa House of Elle. Sinundan nito at ginitgit ang motorsiklo ni Noah, kaya bumalibag sa kalsada ang katawan ni Noah. Mukhang wala naman talagang planong patayin ni Anton si Noah, kasi iniwasan naman nitong masagasaan ng sasakyan niya ang katawan ng sundalo na nakaharang sa daan.

Samantala hindi naman malaman ni Lyka ang gagawin sa pintong nasira. Nakita ito ng Lady Elle.

Lady Elle : Anong nangyayari dito?
Lyka : Lady Elle, sorry na… nasira ko po iyong pintuan eh.
Lady Elle : (nagulat) Paano nangyari ‘yan?
Lyka : Eh hindi ko po alam kasi pagbukas ko, sumama na lang ho bigla, siguro ho bulok na … may anay na siguro.
Lady Elle : Anong naramdaman mo bago nangyari ito?
Lyka : May kinaiinisan ho kasi akong tao.
Lady Elle : Hate is a powerful feeling. Kung minsan may nagagawa tayo na hindi natin sinasadya. At kung minsan nakakasakit tayo ng tao, nakakagawa tayo ng mali. Something that balance the hate, that is LOVE. Tao lang tayo at parating may dalawang nilalang na naglalaban sa kalooban natin – the one we loves and the other we hates. Ang isa ay nagdadala sa atin sa tama, at ang isa ay nagpapapunta sa atin sa mali. There’s always two different beings inside us na kailangang balansehin. Klaro?

Now, call the maintenance and have this fix.
Lyka : Lady Elle, ibabawas po ba ‘yan sa sweldo ko?
-Ngumiti si Lady Elle at natataranta namang umalis si Lyka. Masaya si Lady Elle, kasi muli napatunayan na naman niyang si Lyka na nga ang hinahanap nila dahil sa kakaibang lakas ng dalaga. Nagpipilit namang bumangon si Noah (grabee! wala man lang tumulong, hindi kapanipaniwala kasi kung totoo iyan, kahit papaano may lalapit naman lalo na iyong mga “uzi”), halos gumapang si Noah papunta sa motorsiklo niya.

Nang makauwi si Anton ay napaisip naman ito sa nagawa. Nagalit si Clara nang malaman ang nangyari.
Clara : Ano na naman ang ginawa mo Anton? Si Lyka na naman ano? MAGSALITA KA NGA!
Anton : Wala akong ginawa.
Clara : Hoy Anton! Sabihin mo sa akin, meron na naman ba akong dapat ayusin?
Anton : Binigyan ko lang naman ng warning iyong si Noah e. Wala siyang karapatang saktan si Lyka. Kung gusto ko talaga syang mapuruhan, hindi lang ‘yon ang mapapala n’ya. ALAM MO KUNG ANO TALAGA ANG KAYA KONG GAWIN.
Clara : Lintek Anton, naririnig mo ba ang sarili mo? Inilalalagay mo sa pahamak ang sarili mo, ang ibang tao, dahil sa Lykang ‘yan. Tigilan mo na ang kalokohang ito.
Anton : (galit na galit) PAANO KO NAMAN TITIGILAN ANG ISANG BAGAY NA BUONG BUHAY KO NANG NARARAMDAMAN. (nahihintakutan si Clara) SABIHIN MO SA AKIN, PAANO?
Naabutan ni Lyka ang pagtatalo ng mag-ina.
Lyka : Kuya? Anong nangyayari dito? Okey ka …(umalis si Anton) KUYA!
-Magmamano sana si Lyka sa tiyahin pero tinabig nito ang kamay niya at umalis rin. Naiwan ang naguguluhang si Lyka.

Naabutan ni Noah na masayang naglalaro ng chess ang ama at kapatid. Hindi namamalayan ng dalawa na dumating na si Noah at pinapanuod sila. Tumayo si Zoey para ikuha ng chocolate ang ama. Napansin ni Leon ang nakatayong si Noah.
Noah : Good evening sir (pinagmasdan ni Leon ang umaakyat na si Noah sa hagdanan)

Sa silid ni Noah. Hinubad nito ang T-shirt at pinagmasdan sa salamin ang mga pasa at galos sa katawan. Sumunod si Leon sa kwarto ni Noah at nakita nito ang kondisyon ni Noah.
Gen. Leon : I should confiscated motorcycle.
Noah : You cannot confiscate private property, sir. (hirap na uupo sana)
Gen. Leon : Stand up straight when I’m talking to you. (tumayo si Noah) Ano ang pinaka-importanteng bagay sa buhay mo ngayon?
Noah : My mission sir.
Gen. Leon : At ano ang dapat mong gawin para matupad ‘yon?
Noah : To follow order sir. To take care of what delivered steps, to focus, to let nothing in any way in my mission, sir.
Leon : Iyon ba ang ginagawa mo ngayon?
Noah : I corrected my mistake
Gen. Leon : (tumalikod kay Noah) Mistakes can not be tolerated. Give me twenty (Pushup)
-Hirap na hirap man ay ginawa pa rin ni Noah ang parusa na ipinataw ng ama. (Huhuhuhu! kawawa naman ang Noah namin, hikbi!) Pigil ni Gen. Leon ang awa na nararamdaman para kay Noah, lumabas ito ng silid.

Inirereport ni Gabby sa “heneral” ang nangyaring aksidente kay Noah. Nagduda si Gabby na ang aksidente ay pakana ng kausap. Itinanggi ng “heneral” ang paratang ni Gabby, hindi raw nila magagawa iyo kay Noah na napaka-importante sa mission nila.

Sa kanyang laboratory ay nagwawala si Anton. Nakita nito ang kalendaryo, malapit na ang kabilugan ng buwan. Hawak ang larawan ni Lyka – nagdasal ito sa Diyos na tulungan siya at ayaw na raw niya (Anton) na maging ganun). Napaluha naman si Clara nang makita ang picture ni Nessa at Lyka. Napansin rin nito sa kalendaryo na malapit na ang kabilugan ng buwan.

Nahihirapan naman ang mga tauhan ni Lady Elle sa paghahanap sa pamilya ng kapatid na si Lorenzo, kasi pati ang mga birth certificate ng mga anak nito ay hindi nila nakita.

Nag-aalalang tinatawagan ni Lyka si Anton, pero hindi sinasagot ng pinsan ang telepono. Nakita ni Clara ang pag-aalala ni Lyka. Pinagsalitaan na naman ng masasakit ni Clara ang pamangkin. Napaiyak na naman si Lyka. Kinuha ni Lyka ang box na pinaglagyan niya ng mga drawings ng ina, umiiyak siyang pinagmasdan ang mga alaala ng ina. Si Noah naman ay nakatingin sa buwan. Hinalikan ng umiiyak na dalaga ang moonstone. “Hindi sa tala sa langit, kung hindi sa buwang sumisilip, ibigay ang hiling ng matang nakapikit”.

Nagkakaproblema sina Lady Elle sa mga taong lobo, particular sa isang professor. Hindi napigilan ni Don Manolo ang pag-alis ni Lady Elle para puntahan ang professor, isinama ni Lady Elle ang assistant na si Lorian. Papauwi na ang professor na pinag-uusapan nina Lady Elle, nang maramdaman nitong may taong sumusunod sa kanya. Lakad-takbo ang ginawa ng professor nang biglang may humarang sa kanyang LOBO – si Lady Elle. Pinatatago ni Lady Elle ang professor sapagkat tinitiktikan na ito ng mga kaaway, ayaw ng professor.

Inakusahan ni Gen. Leon ang mga kasamahan sa misyon na siyang may kagagawan sa nangyari kay Noah. Itinanggi ito ng kausap.
Gen. Leon : Pumayag akong gawin lahat ang hiningi ninyo sa akin, pero wala sa usapan ang masaktan si Noah. No one, and I mean NO ONE can harm my son. NAIINTINDIHAN N’YO? (Bago umalis ay galit pa itong tinabig ang upuan.)

Tumatanggi ang professor sa gustong mangyari ni Lady Elle – gusto nitong magpaalam muna sa pamilya. Ayaw ni Lady Elle, sapagkat napakadelikado na raw.
Professor : Bakit kasi kailangan pang mauwi sa ganito?
Lady Elle : Dahil tao lang lang tayo, may kahinaan. Kung minsan ay gumagawa tayo ng mga bagay na nakakasakit, kahit na hindi natin intensyon na gawin.

Sinamahan ni Anton ang ina sa pamimili. May napansin si Clara sa loob ng sasakyan ni Anton. Sorpresa daw sana sa kanila ni Lyka, sabi ni Anton.

Araw ng presentation. Nagkasalubong sina Noah at Lyka, napansin ni Lyka ang mga pasa ng binata. “Galos” lang daw sabi ni Noah. Nagwish ng goodluck si Noah kay Lyka para sa presentation nila ni Elton. Habang wala si Lyka sa desk nya, ay sumalisi si Elton at gumawa ng kabalbalan sa files ni Lyka – dinelete nito ang file for presentation. Dumating na si Lady Elle para sa presentation, si Lyka ang pinagpresent ni Elton. Nagulat si Lyka sa ginawa ni Elton. Si Noah ay nasa control room, pinapanuod ang presentation nina Lyka. Naiinip na si Lady Elle. Hindi makita ni Lyka ang file para sa presentation (dinelete kasi ni Elton). Nagalit si Lady Elle at pinapunta sa opisina niya sina Elton at Lady Elle. Sa office ni Lady Elle, dismayado ito kasi pumalpak si Lyka. Pinagalitan ni Lady Elle si Lyka. Umiyak si Lyka. Paglabas ni Lyka sa office ng boss ay tinanong siya ni Trixie kung approve ang presentation. Napansin ni Trixie na namumutla at umiiyak si Lyka. Tumalikod si Lyka at umalis, nakasalubong nito si Noah.

Pumunta sa rooftop si Lyka at doon ibinuhos ang sama ng loob. Sinundan siya ni Noah.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: