MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 47

by

PTVJ’s Note: We’ve multiplied! Guys, let’s all welcome Miss Ara418. She did today’s text update for MSKM2. Thanks, Ara418! She also gave me the permission to post her Ysabella updates here (I’ll post them later on).

Hindi nagustuhan ni Fidel ang gustong pagbukod nila Eli at Jackie. Nagtalo ang mag-asawa (sa kwarto) dahil ok naman kay Monique at sinabihan si Fidel na irespeto ang gusto nila Jackie. Pumasok sa kwarto si Jackie at inamo ang ama para pumayag ito. Sinabi nya sa ama na hindi sya pumipili sa kanilang dalawa ni Eli, kailangan lang daw nilang gawin iyon para makapagsimula nang bagong buhay, kagaya nang mga newly wed couples, kagaya nila noon nila Monique.

Hinalikan ni Jackie si Fidel para mapaamo ang ama. Sinabi ni Fidel na malulungkot lang daw naman sya, pero pumayag na din si Fidel dahil ang gusto lang naman nya para kay Jackie ay ang kaligayahan nito. Tuwang tuwa si Jackie dahil pumayag ang ama, natuwa naman si Monique. Sinabi ni Fidel in a lambing way na huwag na huwag kakalimutan ni Jackie na bisitahin sya/sila. Inassure naman sila ni Jackie na she will always be there for them.


Pagbalik nila Celine at JB sa kanilang bahay (galing yata sa exercise si JB), narinig nilang tumatawa si Corazon. Napansin ni Corazon na dumating na silang dalawa. Sinabi ni Corazon na she’s having the grandest time talking to JB’s boss – nandoon pala si Vanessa. Medyo nagkaroon nang awkward moment sila JB at Celine upon seeing Vanessa. Nagbolahan pa si Corazon at Vanessa by saying that they’re a good conversationalist – pero syempre mas pinaboran ni Vanessa si Corazon. Sinabihan ni Corazon si JB na magbihis muna ito dahil tumatagaktak ang pawis ni JB. Nag-excuse si JB para umakyat at pumunta nang kwarto, isasama sana ni JB si Celine pero sinabihan ni Corazon na Celine can stay there with them. Ayaw sanang iwan ni JB si Celine pero si Celine na ang nagsabi na she will stay with them.

Ipapakilala sana ni Corazon si Celine kay Vanessa pero sinabi ni Vanessa na nagkakilala na sila, medyo nagulat si Corazon. Dinagdag pa ni Vanessa na quite memorable daw ang kanilang pagkakakilala. Tinanong ni Corazon kung paano sila nagkakilala. Sinabi ni Vanessa sa bar daw, casually. Dagdag pa ni Vanessa na hindi na importante ang nangyari noon at ang gusto lang daw nya ngayon ay ma-meet si Celine, formally. Inabot ni Vanessa ang kanyang kamay kay Celine – “I’m Vanessa”, inabot naman ni celine ang kanyang kamay para makipag-shake hands kay Vanessa – “celine.” Kahit medyo pilit ay pinakita nang dalawang babae na they’re cool with it.

Nasa dining room sila Vanessa at Corazon at sinasabi ni Vanessa na tinawagan pa nya si JB in the middle of the night to just look for that file, and that’s the reason too why she went there, to ask JB. Si Celine naman ay nagtitimpla nang juice para sa kanila at naririnig ang kanilang pag-uusap. Sinabi ni Corazon na naiintindihan nya si Vanessa dahil nung sya daw noon, nung nagpapatakbo sya nang kanyang kumpanya ay hindi sya nagde-day off. Ganon daw siguro ang mga katulad nila, they just work, work, and work.

Umupo at nakisali si Celine sa kanilang usapan at sinabi na meron daw na katulad nya who’s taking relaxation seriously, and Celine excused herself to them. Sinabi ni Vanessa na Celine has a point there, she needs to relax din. Since may spa naman si Celine, Vanessa decided to go there everyday after work. Natuwa naman si Corazon dahil finally daw ay may makakausap sya na may sense. Tumayo na si Corazon at ganon din si Vanessa, pero si Celine ay nanatili sa dining room. Tinawag sya ni Corazon kung hindi ba daw sya sasama, i-tour daw nya si Vanessa sa kanyang spa. Wala namang nagawa si Celine kundi ang sumunod kay Corazon kahit napipilitan.

Si jb naman ay abala sa paghahanap nang files na pinahahanap ni Vanessa, nakita sya ni Onay. Hinanap ni Onay si Celine, sinabi ni JB na kasama ni Corazon. Paalis na si Onay nang tanungin sya ni JB kung may nakita si Onay na file/folder na kulay green, kailangan daw nya kasing mahanap iyon dahil kanina pa hinihintay ni Vanessa. Nang marinig ni Onay ang pangalan ni Vanessa, hindi sya natuwa. Sinabi ni Onay na talagang hahanapin nya ang file na iyon para makauwi na daw ang “ahas” na iyon. Medyo nag-react naman si JB nang marinig ang sinabi ni Onay, biglang iniba ni Onay at sinabing “bulate” nalang daw. Umalis si JB para maghanap sa ibang lugar, tyempo naman na nahanap agad ni Onay ang file/folder na nadaganan lang nang ibang gamit ni JB. Natuwa si Onay dahil makakauwi na si Vanessa.

Habang nasa garden, panay naman ang interview ni Corazon kay Vanessa – tungkol sa kursong kinuha nito. Nagustuhan ni Corazon si Vanessa dahil maambisyon, matalino at maganda – medyo pinaparinggan si Celine, naaasar naman nang konti si Celine. Nagpatuloy sa pagbobolahan si Corazon at Vanessa. Nabanggit ni Vanessa na dahil sa kanyang trabaho, she was able to travel around. Biglang tinanong ni Vanessa si Celine kung nakapag-travel around na ba ito. Sinabi ni Celine ay nakapunta na sya sa Amsterdam. Tinanong ni Celine kung nakapunta na si Vanessa, at sinabi naman ni Vanessa ay oo, sa Amsterdam Museum – hindi daw nya masyadong gusto. Nirekomenda naman ni Celine na pumunta sya sa Red Light District, it’s the best place to go daw.

Sumabat si Corazon, sarcastically, na modern Sodom and Gomorrah daw iyon at bakit naman daw gugustuhin ni Vanessa pumunta doon? Sinabi ni Celine na Vanessa loves art, at kakaibang art daw ang makikita nya doon. Binalewala ni Celine ang pagiging sarcastic ni Corazon and invited Vanessa to go and take a look at the pool. Humingi naman nang paumanhin si Corazon kay Vanessa dahil mapagbiro lang daw parati si Celine.

Si Lena naman ay medyo naiinis at kinakausap si amang dahil iniwan lang sya nang kanyang ina at may sulat sa kanya na huwag syang hahanapin, at inihabilin sya kay amang. May nakilala kasi ito sa Dubai at pumunta doon, sinabi ni amang na siguro daw ay na-in love kaya kumaripas doon. Bakit pa daw nagtataka si Lena, samantalang pareho lang daw sila kung ma-in love. Dagdag pa ni amang na huwag nang mag-alala sa ina dahil mahal naman sya nito, unawain lang daw nila ito.

Pagkatapos i-tour ni Celine si Vanessa, parang walang narinig ang dalawa, dinedma nila si Celine, medyo na-asar na naman sya. Nakita sila ni Onay at sumingit sa kanila, natuwa naman si Celine nang makita si Onay. Hawak ni Onay ang files na hinahanap ni Vanessa, sangkaterba na naman ang litanya ni Onay bago ibigay ito kay Vanessa (kesyo mahirap hanapin parang si bin laden, etc. etc.) Pilit na pinapatanggap ni Onay kay Vanessa ang files para daw bumalik na sa normal ang buhay nang mga tao doon. Dagdag pa ni Onay na hindi daw nya maintindihan si Vanessa na kung bakit kinakailangan pang pumunta ni Vanessa doon para sa file na iyon samantalang pwede namang makapaghintay iyon bukas dahil may mga sari-sariling buhay din naman ang mga empleyadong nasa ilalim ni Vanessa. Dagdag parin ni Onay na sya daw ay kristiano at naniniwala sya na ang Diyos ay nagpahinga sa ika-pitong araw, biglang tanong kay Vanessa kung naniniwala ba daw ito sa Diyos. Umoo naman si Vanessa. Natawa nalang si Celine kay Onay, sabay yaya kay Celine na kailangan na nitong uminom nang kanyang mga gamot. Nag-excuse pa si Onay kay Corazon na ginaya pa ang kanyang tono (nakakatawa dahil kayang kaya ni Onay na gayahin si Corazon.) Humingi nang paumanhin si Corazon kay Vanessa.

Nakita ni Jackie si Lena na nagmumukmok sa labas nang bahay. Niyaya nya itong kumain. Nakita ni Jackie na umiyak si Lena, nag-alala naman si Jackie. Sinabi ni Lena na nagloka-lokahan na naman ang kanyang nanay, umalis at iniwan ito, pumunta nang Dubai – huwag daw syang hanapin, doon na daw muna si Lena. Tutal naman daw ay ok na si Lena, kaya doon nalang daw muna si Lena sa piling nang kanyang pamilya. Madrigal na sya at natupad na daw ang kanilang pangarap – hindi lang sa pangalan, kundi pati sa puso dahil tinanggap na daw sya. Naiiyak si Lena dahil gusto daw nyang magtampo sa ina. Pero kung iisipin nya ang lahat nang pinagdaanan nang kanyang ina sa buhay nito, sinasabi nya sa kanyang sarili na may karapatan ang kanyang ina na mabigyan nang pagkakataon para mahalin, para maging masaya ito. Kahit daw madaming kagagahan ang kanyang ina, mamimiss nya ito.

Inalo sya ni jackie at sinabing hindi nya alam kung ano ang sasabihin nya kay Lena, dahil sila daw ni Veron ay madaming daw silang ginagawa na hindi nya maintindihan, talagang mag-ina daw ang dalawa. Kaya daw siguro hindi nagpaalam si Veron ay dahil iyakin ang kanyang anak na si Lena. Kung hindi man daw nila kayang pantayan ang pagmamahal ni Veron ay sisiguraduhin daw ni Jackie na may pamilya si Lena.

Nagpasalamat si Celine kay Onay. Si Onay ay inis parin kay Vanessa. Sinabi ni Celine na ayaw na nya nang gulo dahil na-settle na daw nila iyon ni JB. Sinabi ni Onay na tawagin lang daw sya ni Celine at sya daw ang fro-front kay Vanessa. Nagpasalamat si Celine kay Onay dahil naging kaibigan nya ito. Si Onay naman ay sinabing sya din, dahil parang pamilya na nya si Celine. Sinabi ni Celine na isang araw gusto nyang makabawi sa kabutihan ni Onay sa kanya. Sinabi ni Onay na hindi na kailangan iyon. Pero gusto ni Celine na bumawi kay Onay, pero hindi nya alam kung paano dahil parang wala naman daw problema si Onay. Sinabi ni Onay na pag may problema ay hindi sya iyakin, tinatawa nalang daw nya at lakas nang loob. Sinabihan din nya si Celine na pag sobrang sakit daw ay kalimutan nalang daw nya ito at makaka-move on na ito.

Si Eli at Jackie ay tinulungan si Lena na mag-impake sa dating tinitirhan nila ni Veron, ang mga ibang gamit ay iga-garage sale nila. Niloko naman ni Jackie si Eli dahil genius daw ang kanyang asawa dahil sya lang daw ang unang nakaisip na mag-garage sale. Sinabi ni Eli na nang-aasar na naman si jackie, paano daw kung pinabayaan nya ang dalawang magkapatid na magbuhat nang mga boxes? Tutal naman daw ay kaya naman talaga nang mga ito dahil malalaki ang kanilang braso. Asar-talo naman si Jackie sa asawa. Nauwi sa lambingan ang dalawa at nagkilitian pa, napasama pa tuloy si Lena sa harutan nang mag-asawa. Nabangga nila ang isang box at tumapon ang laman nito. Nakita ni Lena ang picture ni Joaquin, nagulat si Eli dahil ang lalaking nasa panaginip nya ay ang binabanggit ni Lena.

Teasers:

– kinuwento ni eli kay lena na napapanaginipan nya si Joaquin. Umiiyak at nag-aalala si lena dahil hindi kaya patay na daw si Joaquin?

– paalis na sila eli at jackie nang makita sila ni fidel. Tinanong kung aalis na ba daw sila.

– sa kwarto ay nag-uusap sila Monique at fidel. Sinabi ni fidel na malalim ang problemang iyon, lalo na ngayong gusto ni eli na ibukod si jackie sa kanila.

– hinatid ni jb si onay pauwi. Sinabi nya kay onay na since si onay ang nag-aalaga kay celine, hindi na sya masyadong nag-aalala. Maaaksidente yata silang dalawa.

Isang Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 47”

  1. No Car Says:

    ptvj bakit ang pangit naman ng linagay ba boss ni JB. (Vanessa b ang name nya?) Hindi bagay na matalino o sosyal na role sa kanya. POK-POK or katulong pwede pa. Ang itim itm pa at ang kapal kapal ng kilay. Nakakairitang tignan, nakakasuka pa. Kadiri and bwiiset siya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: