LOBO Episode 12

by

Nang dumating si Lyka sa restaurant na kanilang napagkasunduan ni Noah – nakatayong pinagmamasdan ni Noah ang magandang dilag na papalapit …. aaay! sa kapapacute ni Lyka ay nabangga nito ang isang silya na nakaharang sa kanyang daraanan. Kinuha ni Noah ang mga bulaklak sa mesa, at bilang isang tunay na maginoo ay iniusod nito ang silyang uupuan ni Lyka saka nito ibinigay ang pumpon ng bulaklak sa dalaga.
Lyka : Ang sweet mo naman
Noah : Can I offer you anything?
Lyka : Hindi ako gutom eh. Titigan lang kita, busog na ako eh.
Noah : Ha?
Lyka : (ngumiti) wala
-Lumapit ang isang waiter para iabot ang menu.
Noah : Lyka, gusto kong mag-sorry sa iyo.
Lyka : Sorry? Bakit naman?
Noah : I’m sorry sa nangyari. I’m sorry I kissed you.
Lyka : (ngumiti na kinikilig) Okey lang ‘yon.
Noah : Ayokong isipin mo na nag-take advantage ako sa ‘yo, at lalong ayokong i-presume … na may namamagitan sa ating dalawa… at least para sa akin, hindi ko sinasadya ang lahat… walang ibig sabihin when we kissed.
Lyka : (teary eyed) Pero… bakit?
Noah : (with formal face) Gusto ko lang ipakita na lahat ng ginagawa mo, iyong mga pangungulit mo – nakakawala ng focus sa trabaho. Magkatrabaho tayo, we should remain professional. Again, If I may have let you believe na may nangyayari, I’m sorry.
Lyka : (mangiyak-ngiyak na ngumiti) H’wag ka nang mag-sorry, pareho lang naman tayo eh – wala rin namang ibig sabihin sa akin ‘yong halik. Ayokong namang mag-presume, baka sabihin mo … nagte-take advantage din ako sa ‘yo.
Noah : Lyka
Lyka : Okay lang, walang big deal. Pasensya ka na kung minsan makulit ako ha, ganito lang talaga ako eh. Pero ngayon, promise professional ako sa ‘yo – trabaho kung trabaho tayo. Peks man! (ninenerbyos) Aaah,aahah mauna na ako ha, may kailangan kasi akong tapusin sa office. Thank you ha!
-Umalis na ang nasaktang dalaga. Naiwan ang mukhang nagsisising si Noah – sa ginawang pagdurog sa damdamin ni Lyka. Pagkalabas sa restaurant, ay nagtatakbo ang lumuluhang dalaga. Sobra sobrang sakit ang naramdaman ni Lyka, habang naaalala ang mga binitawang salita ni Noah.

Sumakay ang malungkot na binata sa kanyang motorsiklo. Ibinuhos ni Noah sa “Boxing sack” ang galit na nararamdaman sa sarili, sising sisi siya sa ginawa niya kay Lyka.

Sa House of Elle, tinititigan ni Lyka ang painting ng isang lobo (iyong painting na pinagmamasdan rin ni Noah, bago nangyari ang “kiss”). Nakita siya ni Lady Elle. Nagpatuloy na ang dalawa sa pagtatrabaho. Napansin ni Lady Elle na matamlay si Lyka – binigyan na naman niya ang dalaga ng mga “words of wisdom”
Lady Elle : Para pigilan ang sakit na nararamdaman mo, gamitin mo ‘yon – para patapangin ang sarili mo, at palakasin ang loob mo.
-Nang lumabas sa silid si Lyka, ay pinagmasdan ni Lady Elle ang sand timer.

Habang nag-aayos ng mga files si Lyka, dumating si Noah – saglit nitong pinagmasdan ang dalagang nakatalikod, at humakbang palapit rito. Namalayan ni Lyka ang paglapit ng “maginoong medyo bastos” este mali …. ng binatang si Noah pala.
Noah : Good Morning!
-Hindi umimik si Lyka.

Nanggigigil sa galit kay Noah si Trixie nang ikwento ng kaibigan ang nangyari. Kinumusta ni Trixie ang puso ng kaibigan. Tumitibok naman daw, sagot ni Lyka.

Nasa rooftop si Noah at pinagmamasdan nito ang kwintas na bigay ni Ulay.

Lyka : Okey na okey. Sobra sa pagka-okey. Alam mo tama lang naman siya eh, dapat maging professional lang kami, at iyon na ang ginagawa ko di ba, nagiging professional AKO! Saka nagagwapuhan lang naman ako sa kanya, hindi naman ako yong todo todo super inlove sa kanya, hindi. Kung ayaw nya eh di huwag, di ba? Dalagang Pilipina ako, hindi ako maghahabol sa kanya … at saka I’m professional, career woman ito ano. Kung kaya nyang gawin iyong mga ginagawa nya, kaya ko rin.
-Napagtanto ni Trixie na hindi okey ang kaibigan.

Pumunta sa comfort room si Lyka, doon ay naiiyak na naalala niya ang insedenteng minumura siya ng tiya Clara niya at paulit-ulot siyang tinawag na tanga. Sinabihan rin siya ng tiyahin na “walang magmamahal sa kanya”.

May sinasabi si Gabby kay Noah tungkol sa trabaho nila, pero wala sa mood si tinyente. Nababagot na si Noah sa misyon nilang walang nangyayari, wala raw pupuntahan. Malungkot na pinagmasdan ni Gabby si Noah. Ipinaliwanag ni Gabby kay Noah na mahirap ang trabaho nila. Sinabi rin ni Gabby na may ibang gumugulo sa isipan ni Noah – ipinapanuod niya kay Noah ang nakunang video nang “kiss” nila ni Lyka. Nagalit si Noah sa ginawa ni Gabby. Nagtalo ang dalawa – sinabi ni Noah na ginawa lang niya iyon to protect their objective, pero may nasasaktan na hindi dapat nasasaktan. Umalis si Noah at naiwan ang dalagang bakas ang tinatagong “paninibugho”.

Ipinapanuod ni Gabby sa “misteryosong heneral” ang video nina Noah at Lyka. Ipinaalala ng heneral kay Gabby na hindi lang si Manolo ang binabantayan nya, kundi si Noah rin. Sinabi ni Gabby na matalinong sundalo si Noah, at sooner or later ay malalaman nito (noah) na may mali sa misyon niya. At sa pagkakakilala niya kay Noah, kapag nalaman nito ang totoo, ay hindi ito kaagad susunod sa heneral. Nagtanong ang heneral kung ano ang dapat nilang gawin. Sinabi ni Gabby na kailangan na nilang ipagtapat kay Noah ang totoo.

Gabi. Matulin ang ginagawang pagpapatakbo ni Noah sa motorsiklo. Si Lyka naman ay malungkot na gumagawa ng mga sketches ng damit, panaka-naka nitong hinahawakan ang moonstone. Sa indoor shooting range, nagkita sina Choy at Noah, pagkatapos pumunta sila sa isang bar. Tinanong ni Noah si Choy, kung paano nito dinadaan ang lahat sa biro.

Sinasabi ni Lyka kay Jayjay na nasasaktan siya. Nakita siya ni Anton, at napansin nito na may problema si Lyka. Humagulhol si Lyka at niyakap ito ni Anton. Tinanong ni Anton kung saan nakatira si Noah at bubugbugin niya sa ginawang pagpapaiyak kay Lyka (typical kuya, o di ba?). Ipinagtapat ni Lyka sa pinsan-pinsanang si Anton, na crush niya si Noah. Sinabi ni Lyka na tanga siya kasi umasa siyang may gusto rin sa kanya ang crush niya. Sinabi ni Anton na may lalaking naghihintay na pansinin lang ni Lyka. Tinanong ni Lyka kung nasaan ang lalaking iyon.

Sa House of Elle, tinatalakan na naman ni Elton si Lyka. Pasulyap sulyap sa malungkot na dalaga si Noah. Pagtingin ulit ni Lyka sa kinauupuan ng bodyguard ni Lady Elle, ay wala na ito. Nagulat si Lyka ang dalhan siya ng kape ni Noah, nagpasalamat naman si Lyka pero mukhang hindi ito narinig ni Noah (pero ako, narinig ko). Pumunta sa comfort room si Lyka at ibinuhos sa lababo ang binigay na kape ni Noah. Lumabas naman ng building si Noah, nag-emote. Sa C.R., inis na inis naman si Lyka sa ginawa ni Noah , kasi professional na nga lang daw at wala nang magpapa-cute (?!). Naghahandang umalis si Noah, nasa kotse naman ang nag-aabang na si Anton.

Sa sobrang inis ni Lyka … nasira ang pinto nang buksan nya ito, nagtaka ang dalaga sa nangyari.

Sinundan naman ni Anton ang nagmomotor na si Noah, napansin ito ng sundalo pero huli na. Binangga ni Anton ang sasakyan ni Noah. Nahulog si Noah at nagpagulong gulong ito sa kalsada at bumulagta.

Teaser : may naka-ambang panganib kina Lyka, nakita ito ni Noah.

3 Tugon to “LOBO Episode 12”

  1. jhe Says:

    wawa aman c angel dito, wala na ngang nanay..wala pang lovelife…

    c noah kasi eh..hay naku!!

    magpakatotoo na kasi piolo..hehehe

  2. ptvj Says:

    pakipot si noah. hehe.

  3. No Car Says:

    OO nga kawawa naman si angel. total naman type rin naman ni piolo si angel hindi pa niya inamin. hummp. dapat pahirapan na ni angel si piolo if ever mag tapat sya in the future.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: