LOBO Episode 11

by

Ginawaran ni Noah si Lyka ng halik sa labi… banayad sa una, uminit at lumagablab dahil na rin sa pagganti ni Lyka ng matamis na halik – mula sa puso. Ang kanilang umaatikabong halikan ay naudlot dahil tumawag si Gabby. Humingi ng paumanhin si Lt. Ortega at naiwan mag-isa ang dalagang bakas ang kaligayahan na naramdaman sa halik na iginawad sa kanya ni Noah. Bakas sa gwapong mukha ng binata ang pagkamangha sa kakaibang ligayang idinulot ng paghalik niya sa dalaga.

May ka-meeting si General Leon sa isang tagong lugar. Binanggit ni Gen. Leon ang mga development sa misyon ni Noah – umaayon ang lahat sa plano pero hindi puedeng madaliin at humihingi siya ng sapat na panahon sa kausap na isa ring heneral .

Kausap ni Lady Elle si Dra. Selina at binanggit niya na nawawalan na ng pag-asa ang WAYA council na matatagpuan pa nila ang huling bantay. Pagod na ang mga ito (Waya) sa ilang kabiguang dinanas sa paghahanap sa “huling bantay” na magliligtas sa mga taong lobo. Nakamasid lang sa kanila ang walang imik na si Don Manolo.

Sinabi naman ng misteryosong heneral na kausap ni gen. Leon na wala na silang panahon. Sumagot si Gen. Leon na hindi nila puedeng basta sabihin na lang sa isang tao na lahat ng kanyang pinaniniwalaan, lahat ng kanyang pinanghahawakan sa halos buong buhay niya ay isang malaking kasinungalingan.

Ini-assure naman ni Selina kay Lady Elle na pagkatapos niyang maisagawa ang mga test na gagawin kay Lyka, ay mapapatunayan na kung si Lyka nga ang “huling bantay”.

Pinaalala naman ng kausap ni Gen. Leon na hindi niya anak si Noah kaya hindi ito dapat maging emotional. Ngunit para kay Gen. Leon ay anak niya si Noah kahit hindi niya ito kadugo. Sinabi namang ng heneral na isa ring LUNA, na ang pagmamahal ni Leon kay Noah ang nagpapahina rito – Nakatakda ang buhay ni Noah sa misyon.

Sinabi naman ni Don Manolo kay Selina na “Money is no problem”, sabihin lang nito kung ano ang kailangan niya. Ini-assure ni Don Manolo na kaya niyang ipatayo ang facility na kakailanganin nito.

Nagkakainitan sa pag-uusap nila ang dalawang heneral. Sa bandang huli ay ibinigay rin ng misteryong heneral ang hinihinging sapat na panahon ni Gen. Leon. Singuro naman ni Gen. Leon na pagdating ng tamang oras ay magiging si Noah, at mangyayari ang lahat ng plano nila.

Buo naman ang paniniwala ni Lady Elle na si Lyka na nga matagal na nilang hinahanap. Kausap ni Lady Elle si Lorian.

Lady Elle : May karapatan ba akong hingin ito sa kanya, kahit na sino sa amin Lorian. (ipinapakita si Lyka habang hawah hawak nito ang pendat na ibinigay ni Jayjay, nasa rooftop si Lyka tila lumulutang pa rin sa kaligayahan, dala ng pagkakahalik sa kanya ni Noah). May karapatan ba kaming ipatong sa balikat ni Lyka ang misyon na ito? Malapit nang magbago ang buhay nya, at bawat pagbabago ay may dalang sakit, sakit na ako ang magdadala sa kanya.
Lorian : You can’t spare her from the pain Lady Elle, minsan kailangan mong masaktan, dahil doon ka huhugot ng lakas – nakatakda na ang misyong ito kay Lyka. At kailangan mong maging matatag dahil ikaw ang tutulong sa kanyang tanggapin ang mga pagbabagong darating sa buhay nya.
Lady Elle : (nangingilid ang luha samga mata) Alam ko, pero kahit ang hayop may konsensya din.

Magkasama sina Noah at Gabby. May sinasabi si Gabby kay Noah about their mission, napansin ng dalaga na nakatitig si Noah sa larawan ni Lyka na nasa tabi ng computer. Parang nagseselos si Gabby. Si Lyka ay nasa rooftop pa rin at feel na feel pa rin ang halik ni Noah. Si Anton ay nasa laboratoryo, tinatawagan si Lyka – hindi napapansin ni Lyka na nagriring ang cellphone nya. Pagil ang luha ay tinanong ni Gabby kung okey lang si Noah. Kinakausap naman ni Lyka ang kaibigang si Jayjay na inaakala nyang patay na – na ganun daw pala iyon, at iyon ang simula ng malaking pagbabago sa buhay nya.

Sa higaan ay naalala ni Lyka, ang hindi sinasadyang “first kiss” niya noong bata pa siya – si Jayjay. Masayang masaya si Lyka, hanggang sa paliligo ay masaya ito (hindi nito napansin ang mga balahibo sa sumama sa tubig habang siya ay naliligo).

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH! si Noah naka-topless! hmmmnnn yummy!

Masaya rin ang binata habang naaalala ang kiss nila ni Lyka, kinikilig. Pumasok sa kwarto ni Noah ang kapatid na si Zoey, at tinukso nito ang kapatid na umagang umaga ay nakangiti.

Habang naghahanda ng almusal ay masayang masaya pa rin si Lyka. Sinita ni Clara ang malakas na pagpapatugtog ng dalaga. Medyo asar na inusisa ni Anton si Lyka sa hindi nito pagsagot sa mga tawag nya. Habang nag-aalmusal ay kinukulit ni Zoey si Noah kung may nililigawan ito. Nang dumating si Gen. Leon ay malambing na humalik at yumakap ang dalagita sa ama. bago umalis papuntang eskwelahan ay pinagbilinan ni Zoey ang ama at kapatid na mag-behave. Habang nag-uusap sina Gen. Leon at Lt. Noah ay napaka-pormal at tila nasa opisina sila at on-duty na mga sundalo. Nangangatwiran naman si Lyka sa hindi pagsagot ng telepono – nilambing lambing nito si Anton. Pinansin ni Anton ang kakaibang “aura” ni lyka. Hinalikan pa ni Lyka sa pisngi ang pinsan-pinsanang si Anton. Sinabi ni Clara na may nagpapasaya kay Lyka, at hindi iyon si Anton.

Habang naglalakad ay pinagtitinginan si Lyka, dahil sa kakaibang ganda nito (ganun pala ang nahahalikan ni Noah, blooming!). Kinahol ng kinahol si Lyka ng isang aso – kinausap ito ni Lyka at umamo ang aso. Nagrereport si Gabby kay Gen Leon – tungkol sa misyon nila. Sa opisina ay masayang pinagmamasdan ni lyka si noah. Nang mapatingin ang binata, ay kumaway ang dalaga pero no reaction si Noah. Lalapitan sana ni Lyka si Noah, pero biglang tumawag si Lady Elle – nagbilin ng kung anu ano sa dalaga, pero hindi ito masyadong naintidihan ni Lyka, na kay Noah kasi ang atensyon. Umalis si Noah sa kinauupuan. Natataranta naman si Lyka sa trabaho, nakita nito si Noah, pero umiiwas ang binata. Ooooopppps! muntik na namang magkahalikan ang dalawa sa bigla nilang paglingon. Kiliiiig! Magkalapit ang kanilang mga mukha, namumungay ang mga mata…
Lyka : Hi!
Noah : Lyka
Lyka : Yes Noah
Noah : Iyong nangyari kagabi…
Lyka : Yes Noah
Noah : Kasi
Lady Elle : LYKA!
-Sabay na napatingin ang dalawa sa pinanggalingan ng boses na gumambala sa “moment” nila.

Isinama ni Lady Elle si Lyka. Naiwan ang napabuntunghiningang si Lt. Noah Ortega. Isinasama ni Lady Elle sina Lyka at Elton sa isang Fashion Show ng summer collection niya. Tututol sana si Elton pero inunahan siya ni Lady Elle at wala nang nagawa si Elton. Nagmamadaling lumabas ng opisina si Elton, sinundan siya ni Lyka at tinarayan na naman ni Elton si Lyka.

Nakikipag-chat si Zoey (picture ni AJ Perez ang nasa monitor). Hindi namalayan ng dalagita ang pagpasok ni Noah sa kwarto. Sinabihan nito ang dalagita na bawal pa itong mag-boyfriend. Tinanong naman ng dalagita si Noah kung ano ang ginagawa nito sa bahay, kasi dapat ay nasa trabaho ito. Tsinitsika naman ni Lyka sa kaibigang si Trixie ang nangyari sa kanilang “halikan” ni Noah. Ikinuwento rin ni Noah kay Zoey ang nangyari sa kanila ni Lyka – pinayuhan ni Zoey ang kapatid na harapin ang dapat harapin.

Napakaraming trabaho ang ibinigay ni Elton kay Lyka. Dumating si Noah at tinanong nito si Lyka kung puede silang mag-usap. Nataranta ang dalaga. Niyaya ni Noah si Lyka na magdinner sila – pumayag ang kinikilg na si Lyka, masayang bumalik ito sa trabaho. Tinutulungan ni Trixie sa Lyka sa pagmemake-up para sa date nila ni Noah. Dumating nasa restaurant si Noah – may dalang bulaklak. Sa sobrang pagka-excited ay nakalimutan pa ni Lyka na wala siyang sapatos. Naghihintay si Noah, nakita nito ang ka-date na napakaganda sa simpleng kasuotan.

Teaser : Binangga ni Anton ang sinasakyang motorsiklo ni Noah.

Isang Tugon to “LOBO Episode 11”

  1. jhe Says:

    badtrip c elton..sapakin ko yan eh!! hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: