LOBO Episode 10

by

Namimilipit na humihiyaw sa sakit si Lyka, pinagpapawisan. May naramdaman si Noah na kakaiba. Nagising at nagwala si Nessa sa Hospital cell. Halos mawalan na ng ulirat at mya luha na sa mga mata at pawis na pawis na si Lyka, gumapang ito para kunin sa handbag ang moonstone.

Si Noah ay palihim na ginagawa ang kanyang misyon – maghanap ng mga evidence na magpapatibay na si Don Manolo ay kasapi ng terrorist group, etc.. May nakatawag ng kanyang pansin, isang red folder, file tungkol kay Dra. Selina Argos, kinuha nya ito.

Tinatawagan ni Trixie ang kaibigan sa telepono, pero hindi sumasagot si Lyka. Nang bumalik si Noah sa party ay nabangga niya si Gabby, at pasimple silang nag-usap about their mission. Nakita sila ni Trixie. May ipinagtataka si Noah sa nakuha nyang information about Selina Argos “Ano ang ginagawa ng isang doktor ng hayop sa laboratoryo na nagdedevelop ng chemicals sa paggawa ng tela?”.

Nahimasmasan na si Lyka. May nakakita sa kanyang security guard at tinulungan siya nitong makatayo. Nagpatawag ng taxi si Lyka, kasi hindi daw nya kayang magmaneho.

Pinuntahan ni lady Elle si Trixie at tinanong kung nasaan na si Lyka, pero walang maisagot si Trixie kasi hindi nga nya makontak si Lyka. Sinabi ni Lady Elle na kailangan mahanap ni Trixie si Lyka, kasi alam naman daw nito na kaya ginawa ang party ay para ma-meet si Lyka ng council (Waya). (Isa rin kayang taong lobo si Trixie, kasi parang may alam siya sa mga sekreto ni Lady elle at siya ang naatasang magbantay kay Lyka? – Neneng). Nakausap na ni Trixie si Lyka, nasa taxi na ang kaibigan.

Dumating na ang “front” highlight ng party, ipinakilala ni Lady Elle si Dra. Selina Argos. Si Lyka ay nakarating na rin at habang nagsasalita si Lafy Elle ay panay ang senyas ni Lyka kay Trixie na nanduon na siya. Nakita at nilapitan ni Elton si Lyka, nilait-lait ng baklang creative director ang dalaga. Pagkatapos pagsalitaan ng masasakit ni Elton si Lyka ay itinulak pa nito ang dalaga, bumagsak si Lyka sa isang tub na puno ng tubig (fountain hehehe, kabaliw ang description ko). Pinagtinginan ng mga tao si Lyka.

Tinulungan si Lyka ni Trixie at isang gentleman na makaahon sa kinabagsakan nito. Ibinigay pa ng gentleman ang jacket (tawag ni Lyka) niya kay Lyka, dahil basang basa ito. Nang tanungin ni trixie kung ano ang nangyari ay sinabi ni Lyka na gusto lang niyang magkaroon ng grand entrance, medyo sumobra nga lang. Nagpaalam si lyka at pupunta daw siya ng comfort room. Pumasok sa loob ng mansion si Lyka para pumunta sa C.R. pero dahil hindi niya kabisado ang lugar ay naligaw siya. Nakita niya ang mga portrait na naka-hang – portrait ng mga hindi niya nakikilalang ninuno niya . Sinugod ni Trixie at niyong gentleman si Elton. Pinagbantaan ni Trixie si Elton na mag-ingat sa pinaggagawa kay Lyka. (iyan ang totoong friend, o di ba?)

Nagkita na sina Lady Elle at Lyka. Sinabi ni Lyka na sumama ang pakiramdam niya. Nagtaka si Lyka kasi parang alam ni Lady Elle ang mga naramdaman niya (symptoms na magiging taong lobo na siya) – NAGSIMULA SA PAGSAKIT NG ULO, PAGKATAPOS NAWALA, BUMABA SA TYAN, MAINIT, MATALAS, NAGSIMULA SA GITNA, KUMALAT SA LAHAT – HANGGANG SA BUTO -lahat ng buto namumulikat, 10 times ang sakit pag namumulikat ang binti (nararamdaman nyo ba ang mga ito? Lagot! isa ka ring taong lobo – Neneng) . Na-confirm sa sarili ni Lady Elle na si lyka na nga ang matagal na nilang

hinihintay na tagapagligtas. Binigyan na naman ng advice ni Lady Elle si Lyka na huwag magpa-api.

Hinahanap ni Noah si Lyka. Ipinakilala ni Lady Elle si Lyka sa mga kasamahang WAYA. Sinabi ni Lady Elle kay Lyka na bilang assistant niya ay kailangang makilala ni Lyka ang mga ito, pinakuha ni Lady Elle kay Lyka ang mga calling cards ng council. Inaamoy amoy si Lyka ng mga Waya.

Nasa kotse si Anton at tinatawagan ni Anton si lyka pero hindi nya makontak, tapos dumating si Clara – tinigil ni Anton ang pagtawag.

Nakita ni Noah si Lyka na nag-iisa, dinalhan niya ito ng alak. Humihirit na rin si Noah sa tsikahan – sinabi nitong mali si Elton. Nagmomoment ang dalawa. As usual nagugulat si Noah sa mga hirit ni Lyka – “Ganito ka pala manligaw”, “Mestisa pala ang gusto mo, paano ‘yan, prod to be morena pa rin ako”. Dahil nagmukha naman daw siyang Dyosang basang Sisiw, ay may license siya na sabihn ang gusto nyang sabihin. Ininom ni Lyka ang alak at napaubo ito sa lasa ng alak.

Nagtatalo sina Clara at Anton tungkol sa pag-ibig ni Anton kay Lyka. Sa pagtatalo ng mag-ina ay nagwala si Anton, pero nahimasmasan rin kaagad ito. Nagdududa pa rin sa kakayahan ni Lyka ang Waya na si Minerva, pero sinabi ni Lady Elle na patutunayan nya na si Lyka nga ang huling bantay. Inihatid ni Trixie si Lyka sa naghihintay na taxi. Kinikilig na sinabi ni Lyka na kumpleto ang gabi nya kasi nagka-moment sila ni Noah, at makakatulog na siya ng mahimbing. May tumawag kay Lyka na may meeting kinabukasan ng 6 am, nagpapaproxy kay lyka si Ms. Sarah kasi may lagnat ang anak nito. Nagpahatid sa House of Elle

si Lyka.

Ala “James Bond” na nakapasok si Noah sa House of Elle, naghahanap pa rin ito ng mga documents, evidence… Dumating si Lyka sa building at hindi namalayan ni Noah na may ibang tao sa building. Paalis na si Noah nang mapansin nito ang isang painting, tinitigan ito ni Noah. Nakita ni Lyka si Noah, nagulat ang binata. Nang lumapit si Lyka para usisain ito kung ano ang ginagawa doon ay biglang hinalikan ni Noah ang dalaga.

16 Tugon to “LOBO Episode 10”

  1. annedito Says:

    Ohmahgosh! sana ako nalang si angel…hahaha…kahit anong gawin paninira sa kanya ng mga kapuso eh okay lang. meron naman siyang papa piolo…hehe

  2. watusiboy Says:

    hi, hindi ka ba gumagawa ng synopsis ng kung pu kids? o kaya zaydo? hehe. just asking. pero seryoso maganda ang kung pu kids.

  3. ptvj Says:

    annedito, bwahaha. kakainggit nga si angel. lalo na kanina nung hinalikan siya ni papa piolo😈

    watusiboy, for now lobo at mskm2 lang ang updates dito, busy rin kasi kami. pero tune in (naks parang tv), malay mo makahanap ako ng gagawa ng text updates. although, i don’t like starting an update midway ng show, kaya siguro iyong mga next new shows na lang.

  4. jhe Says:

    ang ganda ni angel sa episode na ito..=)

  5. jhe Says:

    i like her acting now (angel) di tulad ng nsa gma sya na..hmmm, di convincing ang acting..love u ms. angel locsin!!

  6. NoCar Says:

    hello its meeh! I’m back.
    Pinanunuod ko rin ang lobo. hindi lan gako sanay ka angel kasi nga gma siya dati. but I think she is good. Hindi lang ako sanay sa comedy nya. Pero bagay din sila ni Piolo. Hahat naman aya bumabagay kay Piolo diba.

  7. NoCar Says:

    Sorry parang bulol ata ako. galing kasi ako sa sakit medyo grogy pa.

  8. ptvj Says:

    i agree, marami ngang bagay na leading ladies kay piolo. pwera kay juday, bwahaha. ewan ko ba, hindi ako sold sa love team nila dati.

  9. annedito Says:

    LOL, ptvj. lalo naman si regine at si piolo. dapat tita martee (from their recent movie) ang tawag ni piolo kay regine.

  10. NoCar Says:

    ay… mismo annedito. bakit kaya ginawang ng movie sila regine and piolo? eeehww!! kadiri talaga yun. ok ok pa naman sila sila juday and piolo comedy love team naman sila, okay lang yon. Pero si regine? Walang bagay na love team kay regine. Kumanta na lang siya. ( sama ‘no)

  11. annedito Says:

    pero in all honesty, mas bagay kami ni piolo…hahahaha…joke joke…like i said, crush ko na ulit eh.

    pero totoo na walang bagay kay regine at inis na inis ako sa movie na yon. sana hindi siya lumipat sa dos.

  12. ptvj Says:

    ay OO nga, i forgot si regine!

    at comment ko lang, bakit ba itong si ogie naisipan pang magpainterview at umamin tungkol sa kanila ni regine noong time na ipinapalabas ang pelikula nila tapos they’re blaming piolo dahil hindi raw kumita? geez.

  13. NoCar Says:

    sus… eh kahit nga sino ang ipareha mo kay regine hindi talaga kikita ang movie niya. (kahit si ogie pa ang i love team nila) hehehe!!!!

    oo nga nagagandahan ang karamihan sa boses nya. pero alam nyo ba minsan nag concert siya sa LA, na walkout ang ilan american friends ko dahil naiirita sila sa boses niya puro daw sigaw na matining. it only shows na hindi lahat na aapreciate ang boses niya. kawawa naman. ;(

  14. ptvj Says:

    nocar, maganda naman ang boses niya kaso lang nakakasawa na nga iyong puro na lang siya birit. there are songs that sound better kapag hindi binibirit, pero siya lahat na lang ng kanta birit birit na.

    hindi ba may ginagawang movie or tv show sila ni ogie?

  15. safiya Says:

    nocar, akaka ko napraning yung gma american sa ingles ni regine. nerve wracker – regine lang yan!

  16. No Car Says:

    hoy.. in fairness ha kahit gayan si regine. yung mga kanta niya halos kakanta ko. may secret talent rin ako. gusto ko lang kantahin ang mga songs niya. d ko lang talaga type ang face nya. hehe!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: