MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 44

by

Naabutan ni Mateo si Corazon na naglalakad habang nagbabasa ng magazine. Nagalit si Corazon, sana raw sa susunod sabihan muna siya ni Mateo bago siya dumalaw doon. Sinabi ni Mateo na hindi naman siya ang dinadalaw niya kung hindi si Celine. He just said hello daw at nag-goodbye na siya. Pakipot effect pa si Corazon pero tinanong niya si Mateo kung gusto nitong maglakad-lakad sa spa.

Pinapanood nina JB at Eli sina Mateo at Corazon. Parang weird daw na mahal ng tatay ni Eli ang nanay niya. Sabi naman ni Eli, pag nagkatuluyan sila hindi lang sila magpinsan, magkapatid pa sila. Pero sinabi ni Eli na naaawa rin siya sa nanay niya dahil si Mateo pa rin ang mahal niya. Sabi in JB, I guess when we love we can do crazy things, things that we wouldn’t ordinary do. Kahit minsan daw nakakapagod, na akala mo mauubusan ka na, then you’ll realize marami ka pang pwedeng ibigay.

Habang nasa sasakyan pauwi sina Fidel at Lena sinabi ni Lena na nagugutom na siya baka raw pwede silang kumain ng hopia. They stopped by sa isang eatery at todo asikaso naman ni Lena si Fidel. Sa kakakwento ni Lena, sinabi ni Fidel na don’t talk when her mouth is full. Bakit daw kasi hindi pa siya kumain earlier. Sabi naman ni Lena gusto daw talaga niyang kumain doon at gusto niyang makasama siyang kumain. Walang nasabi si Fidel kaya he suggested na dalhin nila si Monique in the future.

Sinabi ni Lena na kung in the future, nagsawa na si Fidel sa mga sosyal na restaurant, just let her know dahil nagalugad na niya lahat ng masasarap pero mumurahing restaurants sa Maynila. Tinawag ni Lena ang isang waiter at nagpapicture sila ni Fidel.

Instead of “cheese!” kropek na lang daw ang sabihin nila dahil iyon daw ang uso sa mga jologs. Natawa naman si Fidel pagkatapos niyang ginawa iyon.

Sinabi ni Fidel kay Monique na he actually had dun. Nakakatawa naman daw palang kasama si Lena, very fun and spontaneous. Natuwa naman si Monique sa narinig. Hindi pa rin maka-get over si Fidel sa “kropek” word kaya tinutukso siya ni Fidel.

Dinalhan ni Lena ng sioapo si Jackie. Kinumusta din ni Jackie ang araw nila. Niyakap ni Lena si Jackie sa sobrang saya dahil hindi raw niya alam sabihin sa sobrang saya niya.

Pinagmamasdan ni Jackie si Eli habang natutulog. Alam na alam mong makakatulog si Jackie tapos magigising si Eli and then siya naman ang mag-i-stare kay Jackie dahil may biglang kumanta sa background.

Natataranta si Jackie noong wala sa tabi niya si Eli noong nagising siya. Nakita niyang may isang bouquet ng mga bulaklak with a card that says sundan ni Jackie ang mga petals at may sorpresa ito sa kanya.

Noong nakarating si Jackie sa front steps nila, nakita niyang naghihintay si Eli katabi ni Pangga (tama ba ang spelling?). They have to try new things daw. Before they drove away, inabutan muna siya ni Eli ng bulaklak.

Nalaman ni Fidel noong umupo ito sa hapag kainan para mag-almusal na nag-leave si Eli. He does not look thrilled pero bago pa man siya makapag-react ng todo-todo dumating ang maid at may inabot itong regalo kay Fidel from Jackie. Sa card, nakasulat na nagpasalamat si Jackie sa daddy niya sa pagsama kay Lena the previous day.

Sinabi ni Fidel kay Monique na magaling daw mambola ang anak nila.

Habang nagmamaneho naman si Eli, dikit na dikit naman si Jackie sa asawa. Lilibutin daw nila ang buong Maynila. Sweet na sweet sila habang namamasyal.

Habang nakaupo sila sa may tabi ng ilog, itinanong ni Jackie kung natatandaan ni Eli ang lalaki sa panaginip niya and she’ll try to draw him daw. Habang inilalarawan ni Eli ang lalaki, tinutukso siya ni Jackie dahil mukha raw guwapo ang napapanaginipan niya. Hindi masyadong specific ang mga features na naaalala ni Eli, kaya sabi ni Jackie let her know daw pag may naalala pa siya at bubuuin nila ang mukha ni mystery guy.

Binisita nina Eli at Jackie si Aling Bebeng. Tuwang-tuwang nagyakap ang tatlo…

4 Tugon to “MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 44”

  1. Jen Sepillos Says:

    Please pkisabi nman skin kung ano ung background song nung nglilibot sila Elie at Jackie sa buong Maynila. Sobrang ganda kc nung song, pero di ko alam kung sinong kumanta at anong title. Please… please pkisabi nman kung ano un……

  2. Jen Sepillos Says:

    Ung background song nung natutulog si Eli at pinagmamasdan ni Jackie, please pkisabi kung anong song un…..

  3. ptvj Says:

    hindi ko alam e. i’ll ask around.

  4. may Says:

    hi,
    galing nmn nito..para ko na rng nasusubaybayan ang MSKM through this…panggabi kc ako sa work that’s why i find no time to watch it…
    anyway…i appreciate the effort nung nagpopost nito…
    and talagang maganda ang plot ng MSKM…
    godblessU…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: